LOGIN“Sige,” marahang tumango si Mayumi, ngunit ang kanyang tinig ay matatag at walang bahid ng pag-aalinlangan.Walang kahit anong pahiwatig ng biro sa kanyang mga salita, parang matagal na niya itong pinag-isipan, parang matagal na niyang inihanda ang sarili para sa ganitong sandali.Saglit na natigilan si Chrstian. Hindi niya inaasahan ang ganoon kabilis at kaseryosong sagot.“Hindi mo ba kailangang pag-isipan muna?” tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo ngunit may nakapirming ngiti sa labi.“Kakahiwalay mo lang kay Xavier,” dugtong nito, bahagyang pabiro ang tono pero may halong pag-aalala. “Tapos ngayon, papasok ka agad sa relasyon… sa akin pa. Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng mga tao?”Mahinang natawa si Mayumi, isang tawang may halong pagod at pagtanggap. “Pagkatapos ng diborsyo ko kay Xavier, pag-uusapan ako ng mga tao kahit ano ang piliin ko. Kapag nanatili akong mag-isa, may masasabi sila. Kapag nakipag-date ako agad, mas lalo silang magsasalita.”Bahagya siyang napatingi
Hindi na pinansin ni Xavier ang gulat at pamumutla sa mukha ni Ysabel. Wala itong sinabi, wala ring ipinaliwanag.Sa halip, marahas niyang binitawan ang kamay nito, parang may bagay na gusto na niyang putulin, isang bagay na matagal na niyang kinikimkim ngunit ngayon ay hindi na niya kayang dalhin pa.At pagkatapos tumalikod siya at naglakad ng diretso at walang pag-aalinlangan... Iniwan niya si Ysabel.Ang tunog ng kanyang mga hakbang ay unti-unting nawala sa malamig na gabi, kasabay ng katahimikan na iniwan niya sa pagitan nila.***** Huminto lamang si Mayumi nang marating nila ang hall. Mas maliwanag doon, mas maayos at mas ligtas.Ngunit ganun pa man, ay hindi nito nabura ang lamig na bumabalot sa kanyang katawan, o ang bigat na naiwan sa kanyang dibdib.Basang-basang pa rin ang kanyang buhok, tumutulo ang tubig pababa sa kanyang leeg. Ang kanyang damit ay dumikit sa kanyang balat, nagpaparamdam ng bawat panginginig, bawat alaala ng muntik niyang pagkalunod.Dahan-dahan siyang h
Hindi man nagsalita nang direkta si Xaxier, hindi man ito umamin... alam ni Mayumi, alam niyang naintindihan ni Xavier ang lahat.Ang paraan ng pag-iwas ng tingin, ang bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, ang katahimikang puno ng ibig sabihin. Ngunit kahit ganoon, pinili pa rin nitong huwag usigin ang katotohanan, pinili nitong huwag itong palakihin.Pinili nitong palampasin na parang walang nangyari, parang walang muntik mamatay at parang walang buhay na nalagay sa alanganin.Isang mahina at mapait na tawa ang kumawala sa labi ni Mayumi... halos hindi marinig, ngunit sapat para maramdaman ang bigat nito.Dahan-dahan niyang inangat ang kamay ni Xavier na nakahawak sa kanya… at marahang tinanggal iyon.... Hindi marahas, hindi galit kundi puno ng desisyon. Isang hakbang paatras, isang distansyang matagal na niyang dapat ginawa.“Hindi na kailangan,” mahinahon niyang sabi, ngunit malinaw ang bawat salita. “Kahit hindi ka sumama, alam ko ang daan.”Saglit siyang tumigil at saka
Sinundan ng mga mata ni Ysabel si Christian, kalmado sa panlabas, ngunit puno ng pagsusuri ang kanyang tingin. Sa bawat galaw ng lalaki, mas lalo niyang nararamdaman ang kakaibang tensyon na bumabalot sa paligid.Unti-unting bumilis ang kanyang paghinga. Kanina, nang kumilos siya laban kay Mayumi, nakatuon ang lahat ng atensyon niya kina Xavier at Mayumi. Wala siyang napansin na ibang tao. Hindi niya alam kung kailan dumating si Christian. At mas lalong hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nito.Hindi niya pwedeng aminin na muntik na niyang patayin si Mayumi. Pero kung itatanggi niya… Paano kung may ebidensya nga ito? Paano kung makita ni Xavier ang lahat? Mas lalo siyang hindi paniniwalaan.“Damn it…” Mariin siyang napakagat sa labi.Sino ba talaga si Christian Sager? At bakit nito tinutulungan si Mayumi?Ilang segundo siyang nanahimik, pagkatapos marahan niyang tinakpan ang kanyang bibig, sabay ngiti. Hindi siya sumagot nang direkta. Sa halip, dahan-dahan niyang pinadaan ang k
Bumagsak si Mayumi sa lupa, ang katawan ay nanginginig pa rin sa pinaghalong lamig, takot, at pagod. Dahan-dahan siyang tumingala... at doon niya nakita si Xavier.At sa mga mata nitong walang pag-aalala... kundi pagkasuklam. Parang may kung anong tuluyang nabasag sa loob niya.Sanay na siya.... Sanay na siya na palaging pinagtatakpan ni Xavier si Ysabel. Sa bawat pagkakamali nito, sa bawat pagkakataong ito ang nasasaktan, lagi itong may dahilan, lagi itong may paliwanag.At kadalasan… pinapalampas na lang niya. Ngunit ngayon, hindi na ito basta away. Buhay niya ang muntik nang mawala!Dahan-dahan siyang tumayo, kahit nanginginig pa ang kanyang mga tuhod. Hinarap niya si Xavier, ang mga mata ay singtindi ng galit na kanina pa kumukulo sa kanyang dibdib.At sa pagkakataong ito, hindi siya umatras. Itinuro niya si Ysabel. “Halos patayin niya ako!” Mariin niyang sabi na walang takot at walang pag-aalinlangan.Ngunit ang sagot ni Xavier ay mas malamig pa sa tubig na muntik nang pumatay sa
Malinaw na ngayon ang sagot, hindi na kailangan pang ulitin. Hindi na kailangan pang itanong. Sa isang iglap, naramdaman iyon ni Ysabel.Bahagyang umangat ang kanyang mga labi, dahan-dahan, tila isang lihim na tagumpay na siya lamang ang nakakaalam. Hindi man iyon lantaran, sapat na upang ipakita kung gaano siya katiyak sa kanyang posisyon.Nanatiling tahimik si Xavier. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi kawalan ng sagot, kundi isang kumpirmasyon.Nang unang bumalik si Ysabel sa bansa, kapwa sina Doc Patrick at Andra ay paulit-ulit siyang hinikayat na balikan ito. Paulit-ulit nilang binanggit ang nakaraan, ang mga alaala, ang mga pagkakataong hindi dapat nasayang.Ngunit hindi siya natinag noon. Para kay Xavier, ang nakaraan ay nanatiling nakaraan. Hanggang sa unti-unting nagbago ang lahat.Sa muling pagpasok ni Ysabel sa buhay niya, hindi bilang isang alaala, kundi bilang isang puwersang hindi maikakaila.Pinamunuan nito ang bagong proyekto ng Valerio company, at sa loob lamang ng
Alam niya ang ibig nitong sabihin. Hindi niya napigilang mapangiti nang mapait.Sa mga taong nagdaan na kasal siya kay Xavier, akala ng lahat ay pinakasalan niya ito dahil sa pera.Habang nakatira siya sa mansion, kailangan ay puro mamahalin ang suot niya… damit, alahas, pati mga gamit, para hindi
“Magluto ka ng sabaw para sa hangover at dalhin mo rito.” Utos ni Xavier sa kanya habang nilalapag nito si Ysabel sa ibabaw ng kama nila.Ang sakit mula sa pagkakabangga niya kanina ay humupa na at naging manhid, kaya’t hindi na gaanong masakit. Pero ang nakita niyang pag-aalaga nito ng sobra kay Ys
XAVIER'S POV:Habang pinakikinggan ni Xavier ang malumanay at sunod-sunod na boses ni Mayumi ay napatingin siya sa mga dokumentong nasa kanyang tabi.Ayon sa impormasyong ibinigay ng kanyang assistant na si Alden, Mayumi was living in one of the worst old residential area. Hindi lang luma ang lugar
Nagulat si Mayumi nang paglabas niya ng kwarto ay nandoon na si Xavier at nakakunot ang noo habang nakatingin sa maletang hila-hila niya.“Saan ka pupunta? Bakit ka may dalang maleta? Mayumi, hindi ka pa ba tapos sa pagdudulot ng gulo?”“Gulo?” naguguluhang tanong niya habang nakatingin kay Xavier.







