Share

Chapter 3

"What d-did you say?," hindi makapaniwalang tanong ni Jasmin. Kahit naman ako ay hindi lang basta makapaniwala sa sinabi niya kun'di nagulat rin ako. 

Pilit kong tinatanggal yung pagkakaakbay ng braso niya balikat ko pero binabalik niya rin agad kaya sumuko nalang ako. Bumaling nalang ako kay Jasmin para kausapin ito pero bigla nalang 'yong free hand niya ay tinakip sa bibig ko.

"You heard me right? Sabi ko BOY-FRIEND niya ako," He emphasize the word 'boyfriend' to her. 

I tried my best na matanggal ko 'yong kamay niya at masabi na hindi 'yon totoo pero parang magnet kung makadikit ito at hindi ko makuha-kuha. I saw Jasmin arched her eyebrows and then roll her eyes at me. Tumigil na rin ako sa kakapiglas because it's no use, hindi rin naman ako papakawalan nito. 

Kinuha niya yung mga gamit niya na nakakalat sa sahig at masama yung tingin na lumapit saamin. 

"Not because girlfriend mo 'to makakatakas na siya sa ginawa niya saakin? That will never happen." Her eyes glanced at me before she left us with a smirk smile in her face. 

Nang mawala na sa paningin ko si Jasmin ay nagsialisan na rin 'yong mga estudyanteng nakikiusyoso saamin. Lumuwag naman 'yong pagkakatakip niya sa bibig ko kaya agad ko 'yon tinanggal at hinarap siya. 

"Muntik na 'yon a! Buti nalang du—" he didn't finished what he was going to say when my fist landed on his face. "Anak ng— Ganyan ka ba mag-thank you?!" asik niya saakin. Minamasahe nito 'yong panga niya na nasuntok ko. 

"And why would I say thank you? Gago ka ba?" asik ko sakanya.

Inirapan ko siya at tumalikod para umalis doon. Does he know what he do? Kung akala niya nakatulong ito then he's wrong! Mas pinalala niya lang 'yong sitwasyon ko and in fact siya rin ang may kasalanan kung bakit ko mabangga si Jasmin. 

I stop from walking and irritatedly mess my hair. For sure bukas na bukas may pinaplanong kalokohan na sina Jasmin saakin. In my whole college life, iniiwasan kong makabangga siya para maging matiwasay yung pag-aaral ko dito sa Brint. Miyembro ng isang Sorority si Jasmin and as far as I remember lahat ng nakakabangga nito always ended up dropping out on college. 

"PHITRICE!" 

I frown when I hear him call my name. Good for him! Because I couldn't remember his even I just met him yesterday. Sinuot ko na 'yong hood ng jacket ko sa ulo ko at binilisan ang lakad ko. Dumiretso ako sa Green House garden at doon muna tumambay. Buti nalang at hindi ko na nakikitang sumusunod saakin yung lalaking 'yon. 

Umupo ako sa damuhan na malapit sa fountain. Aside sa rooftop, isa rin ito sa gusto kong spot dito sa Brint. Maliban nalang sa maganda ang mga tanawin dito wala rin kasi masyadong gumagala dito kaya komportable akong walang makakaistorbo sakin.

"Ang sarap tumambay dito no?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan. Sumalubong yung mga kilay ko ng makitang mamatay-matay na sa kakatawa ang lalaking kanina lang ay tinatakasan ko.

"Lubayan mo nga ako!" singhal ko sakanya. Tumayo na ako at balak ko na sanang umalis pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Nakukulangan ka ata sa sapak ko sayo kanina a!" 

"Ba't ba ang init ng ulo mo saakin? Tinulungan naman kita kanina a!" 

I laugh sarcastically, "And you think nakatulong ka?" Hinila ko ang kamay ko para matanggal 'yong pagkakahawak niya at dumistanya ng kaunti sa kanya. 

"Hmm." He put his thumb and index finger under his chin. Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi naman siya ganito ng makilala ko siya kahapon. I even find him cute but now he's getting weirder and weirder. Gaya ngayon. He was in deep thoughts and I don't know if I would stay here para hindi siya magmukhang tanga dito o umalis nang 'di niya nalalaman.

He snap his fingers and then look at me. Biglang nawala 'yong weird na ugali niya at naging seryoso 'yong tingin niya saakin. 

"I think tama ka na hindi nga ako nakatulong. In fact... galit nga 'yon saakin dahil minsan ko na rin siya nareject. Iba nga naman 'pag pinanganak kang pogi." Tumawa siya like as if may nakakatawa sa sinabi niya. "But I can still help you... I will took responsibility to save you kapag may ginagawa na silang kalokohan sayo," seryosong sabi niya. 

I rolled my eyes. As if his help will stop the bullies if they will start to make a move on me. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko. May sinasabi pa siya pero hindi na ako nakikinig dahil busy na ako kakakuha ng tiyempo para makatakas uli sakanya.

The moment that he turn his back at me, dahan-dahan ako naglakad patalikod. When I sense that he was busy talking to himself, I take that as my cue to run away. Yung rest time ko dapat naging hide and seek dahil sa lalaking 'yon. Dumiretso agad ako sa next subject ko na nasa kabilang building pa. 

Buong araw naging tahimik na rin sa wakas. Walang Jasmin akong nakasalubong at walang pisteng lalaki ang umaaligid saakin. Next day, doon na nagsimulang yung pantitripan saakin ng mga miyembro ng Sorority ni Jasmin. I miss one of my  classes dahil halos isang oras na ako nakakulong sa comfort room dahil basa 'yong damit ko. 

Nagdadasal nalang ako na sana matuyo na agad ito. Kanina pa ako nakatingin sa pangalan ng driver ko sa screen ng phone ko at pinag iisipan kong tatawagan ko ba siya o hindi pero sa huli ay binalik ko nalang 'yong phone ko sa bag ko. Pinagpag ko ang damit ko at sinusubukang punasan ito ng panyo ko nagbabakasakaling makatulong para matuyo ito. 

Napatingin ako sa pintuan ng CR nang biglang may kumatok doon. Natatarantang papasok sana ako sa isang cubicle nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa labas. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang mukha ni Santi.

I laugh silently in my mind because of that. Himala! I remember his name already. 

May hawak siyang brown bag sa kaliwang kamay niya habang 'yong isang kamay niya nakapamulsa. He extended his arm to give the bag to me. Agad ko ring tinanggap iyon at tiningnan kung ano ang laman nito. Isang pares ng damit ang laman no'n. Umangat ang tingin ko sakanya. Naningiting nakatingin siya saakin bago tumalikod. Maliit lang 'yong pagkakabukas ko ng pinto pero alam kong aware siyang basang-basa ako ngayon. 

Sinarado ko na 'yong pinto. Isa-isa kong nilabas sa bag yung mga damit. Skinny jeans at isang round neck t-shirt lang iyon but what make me curse him too ay may nakalagay rin doon na undies. Where in hell did he knows my size? As I done changing my clothes, doon lang ako lumabas ng CR. 

"Manyak ka ba?" bungad ko agad sakanya. I also throw a sharp glare at him.

He looked shock on my question. Namimilog 'yong mga mata niya and he stare at me for a second before he finally speak.

"Kahapon pa ako naooffend sa iyo! Tinutulungan ka na nga ng tao, may gana ka pa mang-insulto. Ganyan ba ang thank you sayo?" He said dramatically. I could feel that he was taking seriously his promise that he would help me if I get into trouble but for this one. I don't think I would consider him. Bigyan ba naman ako ng damit pati undies na kasize ko, for sure minamanyak na ako nito nang hindi ko alam. 

"So, how did you know my cup size if hindi mo nga ako minamanyak?"

"Edi—" he paused and stare at me. When I realized that his eyes was on my body. Agad kong tinakpan ang katawan ko as if it was visible what's inside to him. 

"Bastos!" I said and slap him hard. Mabilis na naglakad ako papalayo sa kanya.

I never thought that a gentleman could be a pervert. I wonder why girls wished to have a boyfriend that is 'Maginoo pero medyo bastos'. Wala rin naman pinagkaiba sa ibang lalaki. Pareho pa rin namang bastos.

"You're late, Miss Deceda. Mind telling me the reason," bungad saakin ni Prof. Granada, professor ko sa Biology. But he preferred to be called Prof. G since his surname doesn't sound nice for him when in fact it really suits him dahil kasing ingay ng granada 'yong bunganga niya tuwing nagagalit siya.

Tumigil ako sa paglalakad papunta sa upuan ko at humarap sa kanya. 

"I changed my clothes because it got wet earlier, Sir," I honestly answered.

He laughed at what I said, "Nabasa? So that's explain why you're not in your uniform?" He snorted out. "What reason? Umuulan tas nagkataong ikaw lang yung nabasa? Is that what you mean, Miss Deceda?" sabi niya at tumawa kaya tumawa rin 'yong mga kaklase ko. "Sorry, Miss Deceda but I won't buy that reason. Now, get out of my class!" bulyaw niya sakin.

I want to say that I'm telling the truth but he just give me a sharp look and gesture his hand outside the classroom.

Nakayuko lang ako kasi I can't tell them na nabasa ako dahil may nagprank saakin. Dahan-dahan akong lumabas ng klase niya. Now, I didn't get to attend my two classes today. Gezz! Thanks to the prankster that make me wet and to that explosive professor. And thanks to that guy. I won't have a normal college life because of him.

Habang naglalakad ay dumako ang mata ko sa lata ng soft drink na nakakalat sa hallway. Out of frustration, bigla kong sinipa iyon at tumama sa isa mga pintuan ng classroom. Napatakip ako ng tenga ko nang lumikha iyon ng napakaingay na tunog at umaalingawngaw iyon sa buong hallway.

"Hoy! Sino 'yon!?"

Bago pa'ko mahuli ay kumaripas na agad ako ng takbo pababa ng building.

                                     ***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status