Share

Chapter 3

Author: Cathy
last update publish date: 2026-07-27 11:30:29

CHLOE

“You know that you have a brain tumor, Chloe. At ang pagbubuntis mo ngayon ay isang malaking panganib sa kalusugan mo.”

Seryoso ang tinig ni Trexie, ang matalik kong kaibigan at isa sa mga doktor na tumitingin sa akin.

Parang isang timba ng yelong tubig ang ibinuhos sa buong katawan ko. Biglang nanlamig ang aking mga kamay habang dahan-dahan kong hinawakan ang impis kong tiyan.

Aware ako sa kondisyon kong ito. Nagsimula sa isang maliit na bukol hangang sa lumaki nang lumaki. Pero, binaliwala ko ang tungkol sa bagay na ito lalo na at dumaan din talaga ako sa matinding depression nitong mga nakaraang taon.

Katwiran ko, kung sakaling ikakamatay ko man ang sakit kong ito, buong puso kong tatangapin. Not until now na nalaman kong buntis pala ako.

Matagal na naming pinapangarap ni Jerome ang magkaroon ng anak. Ilang taon din kaming naghintay sa himalang ito. At ngayong sa wakas ay dumating na siya... saka naman nalaman kong malala na pala talaga ang sakit ko.

Isa pa, wala na ding pag-asa ang relasyon naming dalawa ni Jerome. Kinamumuhian niya ako at kaya lang naman nabuo ang batang ito dahil sa makailang ulit na sapilitan niyang pag-angkin sa akin.

Gayunpaman, gusto kong mabuhay ang batang ito.

Pero napakalupit ng tadhana para sa akin. Kung saan, may dahilan na sana para ipagpatuloy ang buhay, tsaka naman kumatok ang katotohanan na wala na akong pag-asa. At alam kong huli na ang lahat para magpagamot. Bukod sa kailangan ng malaking pera, hindi din sigurado kung gagaling pa ako.

“May... may paraan pa ba para maisilang ko nang ligtas ang anak ko?” halos pabulong kong tanong.

Kahit na huwag na lang sa akin. Kahit na sa baby na lang. Gusto kong ibigay ang buhay na nararapat sa kanya.

Napayuko si Trexie. Nang muli niya akong tingnan, nakita ko ang awa sa kanyang mga mata.

At sapat na iyon para malaman ko ang sagot.

Unti-unting lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namuo sa aking mga mata.

“Chloe...” mahina niyang tawag.

“Sabihin mo lang ang totoo.” napapikit ako habang tuluyang pumatak ang aking mga luha. “May pag-asa pa ba akong maisilang ang anak ko?”

Ilang sandali siyang natahimik bago marahang nagsalita.

“You need to focus on your health first.”

Napatawa ako nang mapait.

“Kung ganoon, wala na pala?” umiiyak kong tanong. “Alam nating pareho na wala na akong gaanong oras. Ilang buwan na lang ang ibinibigay sa akin ng sakit na ito.”

Muli niyang iniwas ang tingin. At kahit na hindi niya sagutin ang tanong ko, alam na alam ko ang sagot. Lalo na at nitong mga nakaraang araw, ramdam ko ang lalong pagbagsak ng kalusugan ko.

Pero umaasa pa rin ako na marinig mula sa bibig niya na may pag-asa pa ako. Kahit isang kasinungalingan man lang sana para gumaan ang loob ko.

Kahit sabihin man lang niyang magiging maayos ang lahat. Ngunit pareho naming alam na hindi iyon ang katotohanan.

“I'm sorry, Chloe,” nanginginig ang boses niyang wika. “Kung may magagawa lang sana ako para maibsan ang nararamdaman mo, ginawa ko na. Pero kung noon pa lang ay pumayag kang sumama sa akin sa ibang bansa para magpagamot, baka hindi na umabot sa ganito ang kondisyon mo.”

Tahimik akong napaluha.

Oo, tama siya. Sana, noon pa pumayag na akong sumama sa kanya para magpagamot. Pero hindi eh. Naging matigas ang ulo ko. Ginusto ko din na manatili dahil hindi ko kayang iwan ang asawa kong si Jerome.

Kahit na araw-araw niyang dinudurog ang puso ko, pinili kong maging martir. Pinili kong manatili sa tabi niya sa pag-asa na darating din ang araw na magbabago siya.

Pero, mukhang wala nang pag-asa. Ano mang sandali, baka tuluyan nang bumigay ang kalusugan ko.

At nitong mga nakaraang mga taon, wala akong ibang naging karamay kundi si Trexie lang. Ang pinsan ng asawa kong si Jerome.

***************

Simula pagkabata, si Trexie na ang naging matalik kong kaibigan. Natupad niya ang pangarap niyang maging doktor, habang ako naman ay naging full-time housewife matapos kaming ikasal ni Jerome.

At sa loob ng pitong taong pagsasama namin ng asawa ko, si Trexie pa rin pala ang tanging taong tunay na nag-aalala sa akin.

“Akala ko noon, wala nang halaga ang buhay ko,” mahina kong sabi. “Pero ngayong nalaman kong buntis ako... gusto ko pang mabuhay. Gusto kong mabigyan ng pagkakataon ang anak ko.”

Napapikit ako habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha.

“Kung nakinig lang sana ako sa'yo noon... baka may pag-asa pa sana kami ng anak ko.”

“Ayaw na kitang sisihin sa mga naging desisyon mo,” sagot ni Trexie. “Pero baka hindi pa huli ang lahat. Sumama ka sa akin. Iwan mo na si Jerome. At kahit na pinsan ko pa siya, hindi ko siya kokonsentihin sa ginawa niya.”

Bahagya akong natigilan.

“Wala nang pag-asa ang lalaking iyon na magbago,” dugtong niya. “Pitong taon taon na kayong nagsasama at sa loob ng pitong taon na iyun, hindi siya naging loyal sa iyo. Hanggang kailan mo pa hihintayin ang pagbabago na alam nating hindi na darating?”

Hindi ako agad nakasagot.

Dahil lahat ng sinabi niya... totoo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 197

    "GAWIN mo na ang kung ano ang gusto namin. Huwag mo akong bigyan ng dahilan para mas lalong magalit sa iyo, Mike." seryosong wika ni Trexie sa anak niya. Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyon, walang sabi-sabing hinila niya si MIke patungo sa kama. "Maging masunurin ka na lang kasi. Ayaw mo ba kay Cheryl? Maganda naman siya ah? Disente at higit sa lahat, magiging mabuti siyang asawa sa iyo." muling wika ng ginang Yamot namang napabuntong hininga si Mike Sa totoo lang, naiinis na din talaga siya. Kung hindi niya lang Ina itong nasa harapan niya, baka kanina pa siya nagwala eh "Lalabas na kami. Mike, please, gawin mo ang sinabi ko. Once and for all, sana maging mabuti kang anak sa akin." muling wika n Trexie. Pagkatapos noon, mabilis niyang hiila sila Tresha at Faye palabas ng kwarto "Let's go!" Kaagad din namang tumalima ang dalawang dalaga. Ngunit, pagkabukas pa lang nila ng pintuan ng kwarto, kaagad na nanlaki ang mga mata nila sa pagkagulat nang makita nila

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 196

    "TRESHA, nasaan ang kuya mo?" nakangiting tanong ni Faye sa kaibigan Si Tresha naman kaagad na inilabas niya ang kanyang cellphone para tawagan ang Mommy Trexie niya. At nakailang ring pa lang, kaagad din naman itong sumagot "Tresha, kumusta? Ano na ang balita?' tanong ni Trexie sa anak "Mom,nandito na si Cheryl sa kwarto. Nasaan na po ba ba si Kuya Mike?' tanong din naman kaagad ni Tresha sa Ina Yes, bago pa man ang kaarawan, pinagplanuhan na talaga nila ito. Makulit ang Mommy Trexie niya,. Gusto talaga nitong maikasal ang Kuya Mike niya kay Cheryl Kaya, para matupad na ang gusto nito, plinano nila ang lahat KUng hindi makuha si Cheryl sa maayos na paraan, idadaan nila sa pwersahan AT mabuti nalang talaga at pumanig sa kanila ang kapalaran. At heto nga, si Chery. Isang baso lang ng red wine kasama ang gamot na inilhalo nila, mukhang tuluyan na itong mahuhulog kay Mike "Okay, nandito pa ang Kuya MIke mo. Kakausapin ko siya para pumunta na diyan.'" sagot din naman ka

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 195

    CHERYL POV "MABILIS NA LUMIPAS ANG MA ORAS! Tapos na ang program pero bumubuhos pa ang mga pagkain at alak. Si Kuya Jeric ay mas lalong naging abala sa mga kausap niyang kung sinu-sinong mga taong kasapi umano sa business world. Kaming dalawa naman ni Sheena ay hindi naghihiwalay. "Cheryl." wala sa sariling napalingon ako nang marinig ko ang boses na iyon. Si Tresha kasama pa rin ito si Faye ay naglalakad palapit sa akin May hawak si Tresha na dalawang kopita ng red wine habang si Faye naman ay may hawak din na sariling kopita ng alak "Si Kuya Jeric?" nakangiting tanong sa akin ni Tresha. "Nasa palaigid lang." sagot ko din kaagad "Ah really? By the way nga pala, Cheryl, for you! Wine ka muna." wika nito sa akin AT dahil friend ko naman siya, kaagad kong tinangap iyon. "Don't worry, alam kong hindi ka umiinom kaya less alcohol content lang ang red wine na iyan. So, Paano ba iyan, cheers?" nakangiting wika ni Tresha sabay taas ng kanyang kopita. Sumunod na itinaas

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 194

    CHERYL POV "MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Kahit papaano, naging tahimik naman ang buhay namin Walang Tita Trexie na nangungulit tungkol sa gusto nitong kasal sa pagitan naming dalawa ni Kuya Mike at wala ding Lolo Eric at Lola Irish na namimilit kay Kuya Jeric nag- uutos na kailangan na daw mag-asawa itong si Kuya Jerome Kaya naman mas naging maayos ang lahat. Hangang isang umaga, nagulat na lang ako nang bigla na lang dumating sa bahay si Tresha. "Tresha, napadalaw ka?" kunot noo kong tanong sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niya a lang iniabot sa akin ang isang pulang sobre. "Ano ito?" kunot noo kong tanong sa kanya "Kaarawan ko ngayong linggo. Sana, makadalo kayo." sagot niya sa akin "Ahh, oo nga pala. Sure dadalo kami." nakangiti kong sagot sa kanya "Talaga? Naku, sabi ko na nga ba at ikaw pa rin ang friend ko eh.' sagot naman niya sa akin "Oo naman! HIndi man tayo palaging nagkikita pero kaibigan pa rin naman kita, Tresha." sagot ko sa kanya ":Then,

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 193

    CHERLY POV "Ano? Huwag mong sabihin na matulala ka nalang diyan? Cheryl?" Kung hindi pa ako inakbayan nitong si Kuya Jeric, baka habang buhay na lang akong matulala. Shit, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit feeling ko naging weird ako? Haysst, ano ba iyan? Para namang stranger itong si Kuya Jeric eh. Hinalikan lang naman ako sa pisngi at kung makatulala naman ako ngayon, akala mo kung ano na eh. "Ha? Uhmmm, Kuya naman eh. Kung kiss lang, walang problema. Everyday, ikikiss kita." natatawa kong wika para mapagtakpan ang panandalian kong pagkatulala kanina. At hindi pa ako nakontento at tumingkayad pa ako para halikan din siya sa pisngi "Woaaa Wow, that's so generous, Cheyl! Fine, everyday, dapat may kiss, okay?" natatawang wika ni Kuya Jeric "Sure, Kuya." ani naman ni Sheena. Tumayo ito at lumapit kay Kuya Jeric at humalik din sa pisngi nito Sa sandaling ito, hindi ko na tuloy mapigilan ang mapaismid. Haysst, ano ba ito? Bakit napunta sa kiss ang topic naming tatlo?

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 192

    CHERYL POV "A- ANO? Crush mo si Kuya Jeric?'" gulat kong tanong kay Sarah. "Kuya Jeric? Kuya mo sya? So, tama nga ang dinig ko, kilala mo nga siya?' tanong niya sa akin. Kaagad din naman akong tumango "Yes, kilala ko siya at kapatid ko siya." sagot ko naman sa kanya "Wow talaga? Naku, Cherly, pasensya ka na sa akin ha? Talagang crush ko siya kaya hindi ako mapalagay hanga't hindi ko siya makausap ulit." nakangiting sagot niya sa akin Na para bang nanalo siya ng lotto ng sandaling ito "Ayos lang, Sarah. Tsaka, talaga namang gwapo si Kuya Jeric at maraming mga babaeng nagkakagusto sa kanya.'" sagot ko na lang "Talaga? Kung ganoon, wala na pala akong pag-asa sa kanya." malungkot naman niyang wika sa akin. "Hindi naman siguro. Mahirap magsalita ng tapos. Malay mo naman, Sarah. Pero, sa ngayon, diretsahin na kita. Masyado pang busy si Kuya Jeric sa negosyo at kahit na isang beses, never kong nakita na may nilligawan siya." sagot ko na lang "Ano? Eh di mas lalong tagilid

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status