Share

Chapter 37

Author: Valezka
last update publish date: 2026-10-10 12:00:07

Seriña POV

Pagkatapos kong mag-reply kay Camie, pinatay ko na ang cellphone at natulog.

Kinabukasan, pagkagising ko, agad kong chineck ang cellphone at may ilang messages mula kay Khalil. Hindi ko na binuksan ang mga iyon at Isa-isa kong dinelete hanggang sa huli.

Pero bago ko tuluyang ma-close ang cellphone ko ay biglang natigil ang daliri ko sa screen. Dahil may pumasok na 3 billion sa account ko.

Sender: Poalo A. C.

Kaagad napakunot ang noo ko, dahil hindi iyon galing sa company account niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 42

    Ilang sandali lang ay sa wakas, sumagot rin ang nurse. “Kay Mr. Crown po iyon.”Ilang segundo akong natigilan.Mr. Crown? Huwag mong sabihing…?“Ano ang buong pangalan niya?” Mabilis na tanong ko, habang nagsimulang kumabog ang dibdib ko. “Mr. Paolo Lorenzo Crown po, ang kasalukuyang CEO ng A-Crown Technology.” Nanghihina na saad ng nurse. Hindi ko maipaliwanag ang magkahalong emosyon na biglang bumabalot sa akin. Matagal akong nanatiling tahimik habang unti-unting inaayos ang mga iniisip ko. “Gusto kong tayong tatlo lang ang makaalam nito.” Madiin na sambit ko. Paulit-ulit na tumango ang nurse. “Huwag po kayong mag-alala. Naiintindihan ko ang magiging kapalit kapag kumalat ito. Wala po akong pagsasabihan, pero…” Nag-alinlangan siya bago nagtanong, “Kailangan po ba nating ipaalam kay Mr. Crown?”“Hindi na kailangan,” sagot ko.“Sige po.” Sang-ayon nito. Pagkatapos, humarap ako sa doktor. “Ibig bang sabihin nito, may problema sa fertility si Khalil?”Tumango ang doktor. “Kung hindi

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 41

    AMARAH POV: Pinanood ko sa cellphone ang video nina Seriña at Khalil habang sweet na sweet sa isa't isa sa press conference. Sa sobrang galit ko, ibinagsak ko ang cellphone sa sahig.Sakto namang pumasok si Mommy Luise at nasaksihan ang ginawa ko. Bigla akong nakonsensiya at hindi alam kung paano magre-react.Sa buong panahong kasama ko ang pamilyang Sarmiento, lagi kong pinananatili ang imahe ng isang mabait, maayos at maunawaing babae.Pinulot ni Mommy Luise ang cellphone ko at sinenyasan ang yaya na lumabas, nang tuluyan nang sumara ang pinto, saka siya nagsalita.“Bakit ka nagagalit nang ganiyan? Pansamantala lang naman ang babaeng iyon. Gusto ka ni Khalil. Hindi mo ba alam iyon?”Natigilan ako. “Mom, paano mo nalaman…?”Hindi ko kailanman sinabi kahit kanino ang nararamdaman ko. Tahimik ko lang na sinasamantala ang pagmamahal ni Khalil sa akin.“Marami na akong pinagdaanan sa buhay kaya madaling makilala ang mga ganitong bagay. Bukod pa roon, sarili kong anak si Khalil. Paano k

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 40

    SERIÑA POV: Kailangan kong manatili muna sa ibang lugar nang ilang araw, dahil sa ganoong paraan, maayos ang problemang ito nang walang ibang makakaalam.Biglang tumayo si Khalil at umalis. “Magpahinga ka, huwag mong kalimutan na may press conference tayo bukas ng umaga.”Pagkaalis niya agad kong isinara ang pinto at tinawagan si Camie. “Baliw ka ba? Kailan mo pa naging nobyo ang playboy na si Reymark?”Humalakhak naman agad si Camie. “Iyon lang ang paraan para mawala ang pagdududa ni Khalil. Hindi natin puwedeng hayaang mahuli ka niyang may kahina-hinalang ginagawa, baka masira ang mga plano mo.”Uminit agad ang puso ko sa sinabi niya. Mabuti na lang at nandyan pa rin si Camie, handang sumuporta sa akin nang hindi itinatago ang pagtulong niya.“Camie, salamat.” Taos pusong pasasalamat ko sa kanya. “Kung ganoon, ilibre mo naman ako ng pagkain sa Vip Pavilion.”Ang Vip Pavilion ang pinakamagandang five-star hotel sa Cagayan de oro city. Walang pag aalinlangan akong pumayag. “Sige. P

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 39

    AMARA POV: Umalis si Seriña pagkatapos magsalita, hindi nito alam na namutla na ako dahil sa sinabi niya.Habang nakatingin sa kawalan ay biglang umiyak ng malakas ang anak ko sa mga bisig ko, hindi ko namalayan na masyado ko pala siyang nahawakan ng mahigpit kaya hindi na siya komportable sa pagkakahawak ko. Naiinis na tinawag ko ang yaya na agad namang lumapit. “Dalhin mo muna siya sa malayo. Ayoko muna siyang makita. Ang ingay-ingay niya!”Sanay nang gawin ng yaya ang trabaho niya ng walang tanong, kaya kinuha niya ang umiiyak kong anak at umalis. Pero hindi pa rin ako kumalma, dahil hindi ko maalis sa isip ko ang apartment sa Golden Residences. Kahit hindi iyon kalakihan, napakaganda naman ng lokasyon. Hindi ito basta-basta nabibili ng pera ang isang lugar na ganoon.Kapag maaliwalas ang panahon, pwedeng maupo sa harap ng malalaking bintana at pagmasdan ang napakagandang tanawin ng paglubog ng araw sa may ilog. Matagal ko nang planong gamitin ang pagsilang ng anak ko bilang dahi

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 38

    Pagkakita pa lang ni Mama Luise sa akin ay agad niyang ibinaling sa akin ang galit niya. “Something serious happened and yet you’re acting as if nothing is wrong. Are you happy to see the Sarmiento family become a laughingstock?”Of course I am.Pero sa halip na ipakita ang tunay kong nararamdaman, nagkunwari akong nag-aalala. “Grandma, Ma, what happened? Khalil only told me to come back. He didn't explain anything.”Inis na tinulak ni Mama Luise ang tablet sa harapan ko. “Don't you have eyes? Read it yourself!”Kinuha ko naman ang tablet at kunwaring maingat na binasa ang balita. Pagkatapos, pinalaki ko ang mga mata ko na para bang labis akong nagulat. “How could this happen? Khalil was just invited to a television interview, and now this scandal has suddenly broken out. This could seriously affect his reputation!”Earlier this year, naglabas ang kumpanya ni Khalil ng isang artificial intelligence system na mabilis na tinanggap at ginamit ng malalaking bangko. Dahil dito, biglang sum

  • DUMPED HER EX: The child he claimed was his brother's   Chapter 37

    Seriña POV Pagkatapos kong mag-reply kay Camie, pinatay ko na ang cellphone at natulog.Kinabukasan, pagkagising ko, agad kong chineck ang cellphone at may ilang messages mula kay Khalil. Hindi ko na binuksan ang mga iyon at Isa-isa kong dinelete hanggang sa huli.Pero bago ko tuluyang ma-close ang cellphone ko ay biglang natigil ang daliri ko sa screen. Dahil may pumasok na 3 billion sa account ko.Sender: Poalo A. C.Kaagad napakunot ang noo ko, dahil hindi iyon galing sa company account niya kundi sa personal account niya yon. Para makapag-transfer ng ganoon kalaking halaga at ganoon kabilis, malamang kailangan niyang gumawa ng arrangements sa bank beforehand.Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad siyang tinawagan. Ilang ring lang bago niya sinagot.“What’s wrong?” Bungad niya. “I received the money.” Sabi ko agad sa kanya. “That’s good.”“Why did you transfer it from your personal account?” Mabilis na tanong ko. “Transferring money without a contract violates company regulat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status