Se connecterWalong buwan palang mula nang mamatay ang mama ni Rinoah. Buwan iyon ng Pebrero, pero wala pang isang taon, wala pa ngang kalahating taon, nag-uwi na ang ama niya ng dalawang babaeng ipinakilala sa kaniya bilang kamag-anak. Iyong akala ng dalagita na panandalian lang nilang magiging bisita ang mag-inang Rosita at Rachel—inabot na ng apat na buwan. Wala pa ring sinasabi ang Papa niya tungkol sa narinig niyang usapan nito at ng 'Ate Rachel' niya, na anak ito ng Papa niya at hindi lang basta kamag-anak. Gustong kastiguhin ni Rinoah ang ama, pero natatakot siyang magalit ito sa kaniya. Kaunting kibot pa naman niya, parang napakalaking kasalanan na ang ginawa niya. Buwan na ng Oktubre, dalawang buwan na lang kaarawan na niya. Kung nabubuhay lang ang mama niya, Japan sana ang plano nilang puntahan para magselebra. Pero wala na ang Mama niya, at may ibang plano ang Papa niya. Kuyom-kuyom ang kamaong nasa tagiliran, at hawak naman ng isang kamay ang isang portfolio ha
13 Years Ago... “Noah, ipinapatawag ka ng Papa mo. Bumaba ka na at dumating na siya kasama ang mga bisita niya,” bilin ni Nana Mercedez nang katukin si Rinoah sa silid nito. “Sige po, Nana, bababa na po ako,” sagot ng dalagita nang hindi nililingon ang mayordoma nila. Tinititigan lang ni Rinoah ang blangkong papel na nakasuot sa roller ng makinilya. Ilang oras na siyang nakaupo sa harapan ng study table niya, ngunit ni isang letra, wala siyang natipa. Malalim siyang huminga bago nagpasyang tumayo at lumabas ng silid para salubungin ang Papa niya kasama ang mga bisita nito. Nasa puno siya ng hagdan eksaktong nakapasok na ang Papa niya—may kasamang dalawang babae, isang kaedad marahil nito o mas bata pa, at isang mukhang kaedaran niya. Hindi agad siya bumaba, nandoon lang siya sa barandilya ng ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tatlong bagong dating. “Nana Mercedez, nasaan si Rinoah? Hindi ba’t ipinatatawag ko ang batang iyon?” “Ako mismo ang tumawag sa anak mo, Daniel. Bababa
“Then give up the script, Marga. Tutal, nasa 'yo naman na ang lahat. You have wealth, you have kids, and you even have Joaquin.” Muling inilapit ni Rachel ang mukha sa gilid ng mukha ni Rinoah. “Habang ako, nakuha ko lang ang mga gusto ko noong nawala ka sa bahay na 'to...” Napatingin si Rachel sa pintuan nang pumihit ang doorknob niyon. Bahagya siyang lumayo kay Rinoah at naiiyak na ang mga matang kinuha niya ang kanang kamay nito. “Pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon, M-Marga,” pumipiyok na sabi ni Rachel, saka humikbi. “Kaya bakit ko sisirain ang pangalan na pinaghirapan ko para lang sa isang script?” Nangunot ang noo ni Rinoah sa pagbabago ng kilos at sa biglang pag-iyak ni Rachel. At bago pa siya nakahuma, mabilis nitong inangat ang kamay niyang hawak ng kapatid at isinampal sa sarili nito, saka ito bumagsak sa kinatatayuan. “Ah!” hiyaw ni Rachel, gulat ang matang tiningala si Rinoah. At parang gripong tumulo ang mga luha. “M-Marga...” “Oh, Noah, you're he—” Hin
Nanginginig ang mga kalamnan ni Rinoah habang binabasa ang email na ipinadala sa kaniya ng Regalia Indie Film. From: legal@regaliaindiefilm.com Subject: URGENT: COPYRIGHT CLAIM & PRODUCTION HOLD - When Stars Collided [Case No. RF-2026-1116]Date: Nov. 16, 2026 To: Ms. Rinoah Margarette ElizaldeCc: Mr. Claudio Rivero CEO, RME Productions Re: Disputed Authorship - 2024 Contest Winner Entry Dear Ms. Elizalde,Regalia Indie Film Productions is issuing this formal notice regarding your 2024 winning entry, When Stars Collided.We have received a legal claim from Ms. Rachel Barrameda, a.k.a. Luna Margarette, stating that she is the original author of the script. She submitted proof that she is the registered owner of the script with the National Library of the Philippines since Sept. 2020.We were also informed that Ms. Barrameda is currently the credited scriptwriter for When Stars Collided under RME Productions.In view of this dispute, we are placing an immediate HOLD on an
Alam ni Rinoah na kapag sinabi ni Joaquin na babawi ito sa ilang taon na hindi nito nakapiling ang mga anak, gagawin nito. At ginagawa na nito unang araw palang buhat nang malaman ng binata na siya ang ina ng kambal. Walang tanong maliban sa kung may nakarelasyon ba siya sa loob ng anim na taon simula nang takasan niya ang engagement nila. Other than that, hindi na nanghingi pa ng kahit anong pruweba si Joaquin na makapagpapatunay na ito talaga ang ama. Isang tanong, at sigurado na itong kaniya ang kambal. And she didn't expect anything that could benefit her, but then, whatever Joaquin has done for the twins, she always had her fair share. Minsan nga, mas inaalala siya nito bago ang kambal. “Okay. Open your eyes now!” malakas na utos ni Joaquin. “Aaahhh!” tili ni Claudine pagkakita sa mga manika, at stuff toys. Tinakbo niya ang malaking brown teddy bear na mas malaki pa sa kaniya at halos ibalandra niya ang katawan doon. “What is this, Mr. Rivero?” hin
Pupungas-pungas si Rinoah nang lumabas sa kwarto para maghanda ng almusal at maghanda sa pagpasok. Pero pagbukas pa lang niya ng pinto, nanunuot na sa pang-amoy niya ang aroma ng tocino at ng bawang na piniprito. Hindi niya inaasahan, pero hindi na rin siya magugulat kung madadatnan niya si Joaquin na abala sa kusina. Dahil bago pa man ang Japan trip nila, ginagawa na iyon ng binata. At ngayong back to reality na sila at nakabalik na sa condo unit nila, hindi niya ito inaasahan dahil sa dalawang araw na nagdaan mula nang makabalik sila, wala man lang itong paramdam. Though, nagpaalam naman ito sa kanila ng mga bata na may aasikasuhin itong importante, hindi na nito ini-laborate pa kung ano ang importanteng bagay na 'yon. Bahagya pa siyang inaantok nang lumapit sa kitchen counter. “Good morning,” bati niya rito na ikinalingon ni Joaquin. Kaharap niya ang malapad nitong likod na bumabakat ang muscles sa puting cotton t-shirt sa bawat paggalaw nito. “Hey...” Lumingon ito
“Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na
Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na r
“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?
Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng b







