ログイン“Let's take pictures, Mommyyyy!” tumitiling anyaya ni Claudine sa mommy niya. Nagpapapadyak pa ang mga paa nito habang nakataas ang mga braso sa magkabilang gilid ng mukha, nanggigigil sa tuwa. Naiiling na natatawa na lang si Rinoah sa pagiging hyper ng anak. “Daddy, pi-picture mo kami dalawa Mommy!” aniya pa, saka umikot-ikot at feel na feel ang pag-ikot din ng laylayan ng bestidang suot. “All right.” Iminuwestra ni Joaquin ang kamay sa isa sa mga bodyguard para hingin ang DSL camera. Mabilis na tumakbo si Claudine palapit sa mommy niya. “Pose like this, Mom,” utos niya rito, saka siya tumabi ng tayo rito. Patalikod na tumayo si Claudine kay Rinoah. Inilagay niya ang kaliwang kamay sa baywang, inihakbang ang kanang paa sa unahan, saka bahagyang ipinaling ang katawan paharap sa daddy niya at tumingin dito nang walang ngiti at bahagyang naka-chin up. Nakagat ni Rinoah ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti habang pinapanood ang pag-pose ng babaeng a
Isiniksik pa ni Rinoah ang sarili sa bagay na yakap-yakap niya. Ang ginhawa sa pakiramdam ng init na nagmumula sa yakap niya, idagdag pa ang bango nito na pinapakalma ang isip niya. Mainit, mabango, malapad—at matigas na malambot...? Natigilan siya habang nakasubsob ang mukha sa niyayakap niya. Parang hindi naman ganito katigas iyong unan na ginagamit niya. Mabango naman talaga ang kumot, unan, at kamang hinihigaan nila, pero hindi klase ng bango na naaamoy niya sa niyayapos na unan. Pamilyar din ang amoy nito… Imposible ring ang anak na si Claude ang yakap niya. Masiyadong malaki at matigas naman yata para maging katawan ng anak niyang lalaki. Bumagal at bumigat ang paghinga niya. Sana mali ang hinala niya... Humugot siya nang malalim na hininga saka mabilis niyang iminulat ang mga mata. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mukha ni Joaquin ang bumungad sa kaniya. Payapa itong natutulog. Kalmado ang mga kilay, at magaan ang paghinga. Paa
Masama na ba siyang ina kung sasabihin niyang nakahinga siya nang maluwag sa isiping isasama ni Joaquin ang mga bata sa isang linggong Japan trip na plinano nito? Pakiramdam niya, exhausted na exhausted ang katawan at isip niya—na gugustuhin muna niyang lumayo sa kambal para bigyan ng oras ang sarili. Kaya kahit hindi siya sanay na malayo sa mga bata, pumayag siya. Inalis niya ang takot na baka hindi na ibalik ni Joaquin ang mga anak niya. Ayaw niyang makaramdam nang ganitong klase ng pakiramdam. Ayaw niyang maramdaman na napapagod siyang maging ina ng kambal. Mahal na mahal niya ang mga anak—higit pa sa sarili niya. Pero dumarating din pala ang pagkakataon na mauubos at mauubos ka bilang tao. Pero ngayong pinapanood niya sina Claude at Claudine na tuwang-tuwa sa mga nakikita. Lalo na ang anak niyang lalaki na mas madalas pang seryoso kaysa sa kaniya—ngayon lang niya nakitang kumilos nang naaayon sa edad nito. And she was thankful she was given the chance to witne
“I want you to always listen to Mr. Rivero, and your uncles, okay?” bilin ni Rinoah sa dalawang anak habang piniprepara ang mga ito sa pag-alis para sa Japan trip kasama si Joaquin at ang dalawa nitong bodyguard. “Do you mean daddy, Mommy? And Uncle Rocky, and Uncle Billy?” inisa-isa pa talaga ni Claudine ang mga tinutukoy ng Mommy Rinoah niya. “Yes, sweety. Be a good girl, okay?” sagot niya habang inaayos ang buhok ng anak. “How about you? Aren't you going with us?” “Sweety, I have been with you for more than 5 years. And this trip? Your dad wants to have time for you and Claude.” Tiningnan ni Rinoah ang anak na babae sa repleksiyon nila sa salamin. Nakaupo ito sa vanity chair kaharap ang vanity table. Abala naman ang lalaking anak sa pagtatali ng sintas ng sapatos nito. Kumurba paibaba ang bibig ni Claudine, iniusli pa nito ang pang-ibabang labi saka nag-puppy eyes sa mommy niya. “Are you giving us away, Mommy? Don't you love me and Claude anymore?” madrama
Naramdaman ni Claude ang pag-alis ng mommy niya sa kama kaya sinilip niya ito sa isang mata. Tumayo siya nang lumabas ang mommy niya, at lumabas lang siya ng kwarto nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto sa common bathroom. Walang ingay siyang lumabas at tumapat sa nakasarang pintuan. Dinig na dinig niya ang impit na pag-iyak ng nasa loob niyon. Gusto na rin niyang umiyak dahil umiiyak na naman ang mommy niya, pero kailangan niyang maging matapang. “Mommy...” usal niya, suminghot siya para pigilan ang mapaiyak. Naupo siya sa gilid ng pintuan saka iniyukyok ang ulo sa mga tuhod. Hihintayin lang niyang kumalma ang mommy niya saka niya ito kakatukin. Lumipas ang matagal na minuto. Naalimpungatan si Claude nang malaglag ang ulo niya sa pagkakapatong sa mga tuhod. Nakaidlip ang kawawang paslit. At nang maalalang nasa labas siya ng bathroom kung nasaan ang mommy niya, gumapang siya palapit sa pintuan at pinakinggan ang nasa loob niyon. Tahimik na. Tumayo s
“Ms. Barrameda, I want to talk to you—alone,” ani Joaquin, saka isinara ang laptop. Tumayo si Joaquin at nilapitan ang console drawer na nasa sulok malapit sa projector screen na nasa likod ng kinauupuan niya. Inilabas niya mula sa binuksang drawer ang kaha ng isang imported cigarette at silver lighter bago tinungo ang glass wall. Tumigil siya ilang hakbang at humarap sa bubog na pader. He couldn't see his reflection because of how bright it is outside. Naglabas siya ng stick sa kaha saka iyon sinindihan. Nakapamulsa ang kaliwang kamay habang nakaipit ang sigarilyo sa gitna at hintuturong daliri, tinanaw niya ang labas habang hinihithit ang sigarilyo. Napatingin naman si Rachel kay Victor, sunod sa manager niyang nag-aalangan ang tinging nakapukol sa kaniya. Nginitian niya ito, saka siya tumango. “Mauna ka na, Mama Ber.” “Pero, hija...” “Ayos lang po ako. Baka may personal lang kaming pag-uusapan ni Joaquin,” pangungumbinsi rito ni Rachel. Sigurado naman si
“Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na
Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na r
“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?
Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng b







