Home / Romance / DYING TO HOLD YOU / HOLD YOU FORTY-SEVEN: THE PLAN

Share

HOLD YOU FORTY-SEVEN: THE PLAN

Author: Iza Wan
last update publish date: 2026-07-18 23:58:16

“Daddy, you gonna propose to Mommy later, ha?” untag ni Claudine na nakaupo na sa dining chair habang inaayos ni Joaquin ang buhok ng anak.

Natigilan at natitigan ni Joaquin ang ulo ni Claudine dahil sa tanong nito.

“You love Mom, right?” tanong naman ni Claude, dahilan para lumipat ang tingin niya rito.

“This pweyz is pewfect! For sure, Mom will say yes!” Ingat na ingat si Claudine na mapalakas ang boses. Ipinapakita niya ang leaflet ng Koishikawa Korakuen Garden na nakuha ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Norma Cadalso Rodriguez
Nako bilis-bilisan mo Ang next proposal Daddy Joaquin , baka mamaya niyan tumatak na sa mind ni Noah na for the show lang Ang ginawa mo para sa kambal ,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-EIGHT: BITTERSWEET MORNING

    Pupungas-pungas si Rinoah nang lumabas sa kwarto para maghanda ng almusal at maghanda sa pagpasok. Pero pagbukas pa lang niya ng pinto, nanunuot na sa pang-amoy niya ang aroma ng tocino at ng bawang na piniprito. Hindi niya inaasahan, pero hindi na rin siya magugulat kung madadatnan niya si Joaquin na abala sa kusina. Dahil bago pa man ang Japan trip nila, ginagawa na iyon ng binata. At ngayong back to reality na sila at nakabalik na sa condo unit nila, hindi niya ito inaasahan dahil sa dalawang araw na nagdaan mula nang makabalik sila, wala man lang itong paramdam. Though, nagpaalam naman ito sa kanila ng mga bata na may aasikasuhin itong importante, hindi na nito ini-laborate pa kung ano ang importanteng bagay na 'yon. Bahagya pa siyang inaantok nang lumapit sa kitchen counter. “Good morning,” bati niya rito na ikinalingon ni Joaquin. Kaharap niya ang malapad nitong likod na bumabakat ang muscles sa puting cotton t-shirt sa bawat paggalaw nito. “Hey...” Lumingon ito

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-SEVEN: THE PLAN

    “Daddy, you gonna propose to Mommy later, ha?” untag ni Claudine na nakaupo na sa dining chair habang inaayos ni Joaquin ang buhok ng anak. Natigilan at natitigan ni Joaquin ang ulo ni Claudine dahil sa tanong nito. “You love Mom, right?” tanong naman ni Claude, dahilan para lumipat ang tingin niya rito. “This pweyz is pewfect! For sure, Mom will say yes!” Ingat na ingat si Claudine na mapalakas ang boses. Ipinapakita niya ang leaflet ng Koishikawa Korakuen Garden na nakuha nila ni Mayumi nang ilabas sila nito sa hotel. Napapabuntonghininga na lang si Joaquin sa pinaplano na naman ng mga anak niya. At alam niyang mahihirapan na naman siyang tanggihan ang kambal. “I need a ring if I have to propose to your mom, kids.” “No worries, Dad.” Tipid na ngumiti si Claude saka kinindatan ang daddy nila bago niya inilabas ang maliit na kahon sa bulsa ng pants niya at ipinatong iyon sa mesa. “We bought a ring for your proposal to our mom,” sabi niya rito. Napaawa

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-SIX: PICTURE-PERFECT

    “Let's take pictures, Mommyyyy!” tumitiling anyaya ni Claudine sa mommy niya. Nagpapapadyak pa ang mga paa nito habang nakataas ang mga braso sa magkabilang gilid ng mukha, nanggigigil sa tuwa. Naiiling na natatawa na lang si Rinoah sa pagiging hyper ng anak. “Daddy, pi-picture mo kami dalawa Mommy!” aniya pa, saka umikot-ikot at feel na feel ang pag-ikot din ng laylayan ng bestidang suot. “All right.” Iminuwestra ni Joaquin ang kamay sa isa sa mga bodyguard para hingin ang DSL camera. Mabilis na tumakbo si Claudine palapit sa mommy niya. “Pose like this, Mom,” utos niya rito, saka siya tumabi ng tayo rito. Patalikod na tumayo si Claudine kay Rinoah. Inilagay niya ang kaliwang kamay sa baywang, inihakbang ang kanang paa sa unahan, saka bahagyang ipinaling ang katawan paharap sa daddy niya at tumingin dito nang walang ngiti at bahagyang naka-chin up. Nakagat ni Rinoah ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti habang pinapanood ang pag-pose ng babaeng a

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-FIVE: LAST DAY IN JAPAN

    Isiniksik pa ni Rinoah ang sarili sa bagay na yakap-yakap niya. Ang ginhawa sa pakiramdam ng init na nagmumula sa yakap niya, idagdag pa ang bango nito na pinapakalma ang isip niya. Mainit, mabango, malapad—at matigas na malambot...? Natigilan siya habang nakasubsob ang mukha sa niyayakap niya. Parang hindi naman ganito katigas iyong unan na ginagamit niya. Mabango naman talaga ang kumot, unan, at kamang hinihigaan nila, pero hindi klase ng bango na naaamoy niya sa niyayapos na unan. Pamilyar din ang amoy nito… Imposible ring ang anak na si Claude ang yakap niya. Masiyadong malaki at matigas naman yata para maging katawan ng anak niyang lalaki. Bumagal at bumigat ang paghinga niya. Sana mali ang hinala niya... Humugot siya nang malalim na hininga saka mabilis niyang iminulat ang mga mata. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mukha ni Joaquin ang bumungad sa kaniya. Payapa itong natutulog. Kalmado ang mga kilay, at magaan ang paghinga. Paa

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-FOUR: HUGGING EACH OTHER

    Masama na ba siyang ina kung sasabihin niyang nakahinga siya nang maluwag sa isiping isasama ni Joaquin ang mga bata sa isang linggong Japan trip na plinano nito? Pakiramdam niya, exhausted na exhausted ang katawan at isip niya—na gugustuhin muna niyang lumayo sa kambal para bigyan ng oras ang sarili. Kaya kahit hindi siya sanay na malayo sa mga bata, pumayag siya. Inalis niya ang takot na baka hindi na ibalik ni Joaquin ang mga anak niya. Ayaw niyang makaramdam nang ganitong klase ng pakiramdam. Ayaw niyang maramdaman na napapagod siyang maging ina ng kambal. Mahal na mahal niya ang mga anak—higit pa sa sarili niya. Pero dumarating din pala ang pagkakataon na mauubos at mauubos ka bilang tao. Pero ngayong pinapanood niya sina Claude at Claudine na tuwang-tuwa sa mga nakikita. Lalo na ang anak niyang lalaki na mas madalas pang seryoso kaysa sa kaniya—ngayon lang niya nakitang kumilos nang naaayon sa edad nito. And she was thankful she was given the chance to witne

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-THREE: DISNEYLAND TRIP

    “I want you to always listen to Mr. Rivero, and your uncles, okay?” bilin ni Rinoah sa dalawang anak habang piniprepara ang mga ito sa pag-alis para sa Japan trip kasama si Joaquin at ang dalawa nitong bodyguard. “Do you mean daddy, Mommy? And Uncle Rocky, and Uncle Billy?” inisa-isa pa talaga ni Claudine ang mga tinutukoy ng Mommy Rinoah niya. “Yes, sweety. Be a good girl, okay?” sagot niya habang inaayos ang buhok ng anak. “How about you? Aren't you going with us?” “Sweety, I have been with you for more than 5 years. And this trip? Your dad wants to have time for you and Claude.” Tiningnan ni Rinoah ang anak na babae sa repleksiyon nila sa salamin. Nakaupo ito sa vanity chair kaharap ang vanity table. Abala naman ang lalaking anak sa pagtatali ng sintas ng sapatos nito. Kumurba paibaba ang bibig ni Claudine, iniusli pa nito ang pang-ibabang labi saka nag-puppy eyes sa mommy niya. “Are you giving us away, Mommy? Don't you love me and Claude anymore?” madrama

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWO: HARSH GRANDPA

    “M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

    Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng b

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

    Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week. CLAUDIO RIVERO... Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya i

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

    “Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status