Share

Kabanata 4

Author: Docky
last update publish date: 2026-08-05 05:08:29

**Makati Art Gallery, 10:00 AM**

Ang Art Gallery ng Makati ay isang tahimik na lugar tuwing umaga. Ang malalaking bintana nito ay nagpapasok ng natural na liwanag, na nagbibigay-diin sa mga painting na nakasabit sa mga dingding. Karamihan sa mga ito ay mga lokal na likha: mga tanawin ng Pilipinas, mga portrait, at mga abstract na obra.

Pumasok ang kambal na parang mga ordinaryong batang turista. Dala nila ang kanilang mga sketchpad at lapis, kunwari ay may hinahanap na inspirasyon para sa kanilang art project.

"Tingnan mo, Drake," sabi ni Blake habang nakaturo sa isang painting ng Baguio. "Gan'yan daw ang Baguio noong unang panahon."

"Maganda ah," sagot ni Drake habang pinagmamasdan ang painting. "Parang gusto kong pumunta diyan balang araw."

Habang nag-uusap sina Drake at Blake ay nakita nilang pumasok ang kanilang Mommy Iya. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at may dalang maliit na canvas bag. Hindi ito napapansin ng ibang tao sa gallery. Tahimik itong naglalakad habang pinagmamasdan ang mga painting.

Pumikit si Blake at huminga nang malalim. "Si Mommy na iyon."

"Kalmahan mo lang," bulong ni Drake. "Hindi natin p'wedeng ipahalata kay Mommy na excited tayo."

Tahimik nang sinundan ng kambal si Iya sa loob ng gallery. Nang huminto ito sa harap ng isang painting ng isang ina at anak, nagkatinginan sina Drake at Blake. Iyon na ang pagkakataong hinihintay nila. Dali-dali silang lumapit sa kanilang ina.

"Excuse me po," magalang na sabi ni Blake.

Napalingon si Iya. Ngumiti siya nang maganda nang makita niya ang mga bata. Pamilyar sa kaniya ang hitsura ng mga ito pero bigo siyang alamin kung saan niya nakita ang mga ito. Buhat noong pinainom siya ni Zuko ng kaniyang gamot, parang marami na naman siyang nakalimutan tungkol sa mga nagdaang mga araw. 

"Hi! Ang cute niyo naman. Nasaan ang mga magulang niyo? Kayo lang ba ang pumunta rito?" tanong ni Iya habang lumilinga sa paligid.

Tumango si Blake. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga mata kaya tumingala siya para pigilan ang nagbabadyang luha mula roon.

“Hindi ba delikado na pumupunta kayo rito nang kayo lang? Maraming tao rito. Baka mawala kayo," nag-aalalang sabi ni Iya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit gano'n ang nararamdaman niya para sa mga bata.

“Sanay na po kami. Isa pa, naka monitor po ang location namin kaya hindi po kami mawawala," masiglang sagot ni Drake.

“Ah mabuti naman kung gano'n. Teka, mahilig din ba kayo ng sining?"

"Opo," sagot ni Drake. "May project po kami sa school tungkol sa mga painting na nagpapakita ng pamilya."

"Ito pong painting na ito," sabi ni Blake habang nakaturo ang kaniyang hintuturo sa painting. "Ano po ang tingin ninyo rito?"

Tiningnan ni Iya ang painting. Isang ina ang nakayakap sa kaniyang anak at parehong nakatingin sa malayo ang mga ito. "Sa tingin ko, ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina," mahinang sabi niya. "Kahit na may mga pagsubok, hindi nawawala ang pagmamahal na iyon."

Napalunok ang kambal. Naramdaman nila ang sakit sa mga salita ng kanilang Mommy Iya, kahit na hindi nito alam kung bakit.

"Parang may alam po kayo tungkol doon," sabi ni Drake, sinusubukang maging natural.

Ngumiti si Iya nang malungkot. "Siguro. Pero hindi ko na maalala ang maraming bagay tungkol sa aking sarili." Napailing siya. "Bakit ba ako nagkukuwento sa inyo? Mga bata pa kayo."

"Okay lang po," mabilis na sabi ni Blake. "Gusto po naming makinig. At saka, mukha po kayong mabait."

Tumawa si Iya. "Salamat. Ah, ako nga pala si Iya. Iya Altrovi."

Nagkatinginan ang kambal. Narinig nila ang apelyidong Altrovi. Iyon ang apelyido ng lalaking kumokontrol at nagmamanipula sa kanilang ina.

"Ako po si Blake," sabi ni Blake. "At ito naman po ang kapatid kong si Drake."

"Kambal kayo?" tanong ni Iya habang pinagmamasdan ang mga bata. "Mukha nga. Pareho kayo ng mata."

"Opo," sagot ni Drake. "Kami po ay... naghahanap ng painting na ibibigay sa aming ina."

Tumango si Iya. "Sigurado akong magugustuhan niya ang kahit anong ibigay ninyo. Ang mga ina ay ganoon. Masaya na sila sa kahit anong regalo mula sa kanilang mga anak."

"Kahit po ba…hindi na maalala ng isang ina ang kaniyang mga anak?" tanong ni Blake bago niya napigilan ang sarili.

Natigilan si Iya. Tiningnan niya ang kambal na may kakaibang ekspresyon sa kaniyang mga mata. "Bakit mo naitanong iyon?"

Napalunok si Drake. Mabilis siyang nag-isip. "Ah... may kakilala po kasi kaming may amnesia. Hindi na niya maalala ang kaniyang pamilya. Nagtaka lang po kami kung posible pa bang mahalin ng isang ina ang kaniyang anak kahit na hindi niya ito maalala."

Natahimik si Iya. Sa ilang sandali, tila may pinag-isipan siyang mabuti. "Sa tingin ko…oo. Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi nakasalalay sa ala-ala. Maaaring makalimot ang isip pero ang puso, hindi nakakalimot ang puso." Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. "Kahit na hindi ko maalala ang maraming bagay, alam kong may mga mahal ako sa buhay. Hindi ko lang alam kung sino-sino sila." 

Naramdaman ng kambal ang sakit sa mga salita ni Iya. Halos maiyak si Blake pero pinigilan niya ang sarili.

"M-Mommy—" Panimula si Blake.

"Blake!" agad na putol ni Drake. "Sandali lang, may nakita akong painting na gusto ko."

Napatingin si Iya kay Drake. "Sige, tingnan natin."

Tumalikod si Drake at kumurap kay Blake. Isa iyong senyales na kailangan nilang mag-ingat. 

Napansin ni Blake ang pagkakamali niya. Muntik na niyang masabi ang totoo.

"Ah... oo nga po," mabilis na sabi ni Blake. "Tingnan po natin ang painting."

Tiningnan ng kambal ang isa pang painting. Isa iyong pinta ng Wright Park sa Baguio. "Gusto ko po ito," sabi ni Drake. "Parang nakakakalma pong maglakad dito at ang sarap pagmasdan ng mga pine trees."

"That's Wright Park in Baguio," sabi ni Iya habang pinagmamasdan ang painting. "May kakaibang pakiramdam ako kapag nakikita ko ang painting na ‘yan. Hindi ko maipaliwanag pero sa tuwing nadadaanan ‘yan ng mga mata ko, napapangiti ako."

Napatingin ang kambal sa kanilang Mommy Iya. May pag-asa na sa kanilang mga mata.

"Baka importante po sa inyo ang lugar na ‘yan," sabi ni Blake.

"Siguro." Napangiti si Iya pero agad ding naglaho iyon. "Hindi ko nga alam eh. Parang may kumikirot sa puso ko kapag nakikita ko ang mga paintings ng mga scenic sites ng Baguio. I don't know. It seems like something memorable happened to me in those places. Hindi ko nga lang maalala." Ngumiti siya nang pilit. "Pero siguro dahil maganda lang talaga ang mga lugar sa Baguio."

Napatingin ang kambal sa isa't isa. May sunod na silang plano! Ang dalhin ang kanilang Mommy Iya sa Baguio! Pero bago ‘yon, kailangan muna nilang makuha ang tiwala nito.

"Miss Iya," sabi ni Drake. "P'wede po ba kaming bumisita sa inyo minsan? Gusto po namin kayong makausap ulit. Para po sa aming project."

Nagulat si Iya. "You want to visit me? Bakit naman?"

"Dahil po..." Mabilis na nag-isip ng dahilan si Blake. "Dahil po mukhang marami kayong alam tungkol sa sining at gusto po naming matuto. At saka po..." Napahinto siya. "Parang may kakaibang koneksyon po tayo eh. Hindi ko po maipaliwanag pero parang matagal ko na po kayong kilala."

Tiningnan ni Iya ang kambal. May kakaibang init sa kaniyang puso habang pinagmamasdan niya ang mga ito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang pamilyar nga ang mga batang ito.

"S-Sige," mahinang sabi ni Iya. "P'wede ninyo akong bisitahin sa bahay pero kailangan ko munang magpaalam sa asawa ko."

"Sige po!" masayang sabi ng kambal sabay apir sa isa't-isa.

Kumuha si Iya ng isang calling card mula sa kaniyang bag. "Ito ang numero ko. Tawagan ninyo ako kapag gusto ninyong bumisita." Napangiti siya. "Salamat sa pag-uusap. Hindi ko alam kung bakit pero... masaya ako na nakilala ko kayo."

"Kami rin po, Miss Iya," sabi ni Drake. "Sana po ay magkausap pa po tayo ng ganito. Sana po ay magkita pa po tayo nang madalas. Ngayon lang po kasi kami nagkaroon ng adult friend," alibi niya.

Tumango si Iya at ngumiti. Hinaplos niya ang buhok ng kambal at saka naglakad palayo. 

Pinagmasdan ng kambal ang kanilang ina habang papalayo ito. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin, napabuntong-hininga sila.

"Nagawa natin," bulong ni Blake.

"Unang hakbang pa lang ito," sagot ni Drake. "Marami pa tayong kailangang gawin."

Kumuha si Blake ng cellphone mula sa kaniyang bulsa at nag-text siya sa kaniyang Daddy Drew:

*"Daddy, nagawa po namin. Nakausap po namin si Mommy. Mayroon na po kaming contact ni Mommy. Next step: Baguio."*

Pinindot ni Blake ang send button. Ilang segundo lang ay may reply na agad:

*"Sige. Mag-ingat kayo. Hinihintay na kayo ni Gibo sa sasakyan. Umuna na ako dahil nagkaroon ng emergency meeting dito sa company. Mahal ko kayo."*

Ngumiti ang kambal. Sa unang pagkakataon, nakaramdam sila ng pag-asa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 4

    **Makati Art Gallery, 10:00 AM**Ang Art Gallery ng Makati ay isang tahimik na lugar tuwing umaga. Ang malalaking bintana nito ay nagpapasok ng natural na liwanag, na nagbibigay-diin sa mga painting na nakasabit sa mga dingding. Karamihan sa mga ito ay mga lokal na likha: mga tanawin ng Pilipinas, mga portrait, at mga abstract na obra.Pumasok ang kambal na parang mga ordinaryong batang turista. Dala nila ang kanilang mga sketchpad at lapis, kunwari ay may hinahanap na inspirasyon para sa kanilang art project."Tingnan mo, Drake," sabi ni Blake habang nakaturo sa isang painting ng Baguio. "Gan'yan daw ang Baguio noong unang panahon.""Maganda ah," sagot ni Drake habang pinagmamasdan ang painting. "Parang gusto kong pumunta diyan balang araw."Habang nag-uusap sina Drake at Blake ay nakita nilang pumasok ang kanilang Mommy Iya. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at may dalang maliit na canvas bag. Hindi ito napapansin ng ibang tao sa gallery. Tahimik itong naglalakad habang pinagmam

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 3

    Tatlong araw pagkatapos ng auction, mula nang makita ni Drew si Iya ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Tuwing pipikit siya, nakikita niya ang mga mata nito, mga matang walang pagkilala at walang pagmamahal. At ang pinakamasakit, nakikita niya si Zuko na humahawak sa kaniyang asawa na parang pag-aari nito si Iya. "Daddy?" Napalingon si Drew. Nasa may pintuan ng kaniyang opisina sina Blake at Drake. Parehong seryoso ang mga ito, hindi tulad ng dati na makukulit at maiingay. "Come in," mahinang sabi ni Drew. Sabay na lumapit ang kambal. Umupo sila sa harap ng mesa ng kanilang ama. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Drake, ang mas tahimik sa kanilang dalawa. "Daddy, may plano ka na po ba?" Napatingin si Drew sa kaniyang mga anak. Siyam na taong gulang pa lamang ang kambal ngunit mas mature na ang mga ito kaysa sa kanilang edad. Siguro dahil sa trahedya o siguro dahil lumaki ang mga itong walang ina. "Wala pa," matapat na sagot ni Drew. "I'm still brainstorming." "Puw

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 2

    Isang babaeng nakasuot ng eleganteng puting bestida ang dahan-dahang naglalakad papasok ng auction hall. Mahaba na ang buhok nito pero ang mukha at ngiti nito ay pamilyar na pamilyar kina Drew at sa kambal. “IYA!” Hindi na napigilan ni Drew ang sarili. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. Napalingon si Iya sa kaniya pero napansin niyang bahagya itong nagtaka. Agad na niyakap ni Drew ang babaeng tatlong taon niyang hinanap. “Honey, thank God. You’re alive...” Ilang segundo lang ang lumipas, marahan siyang itinulak palayo ni Iya. Nakakunot ang noo nito habang nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “I’m sorry...” Malumanay ngunit malamig ang boses ng babae. “Do I know you?” Parang may humawak sa puso ni Drew at unti-unti iyong piniga. Hindi lang siya ang natigilan pati na rin sina Drake at Blake. “Mommy...” umiiyak na bulong ng kambal.Ang babaeng nasa harapan ng kambal at ni Drew ay tumingin lamang sa kanila na para bang ngayon lang sila nito nakita sa buong bu

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 1

    “Iya...” Mahigpit ang pagkakahawak ni Drew sa kamay ng kaniyang asawa. “Huwag kang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya mo ‘yan.” Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya sa pag-ire. “D-Drew...” “Huwag ka nang magsalita.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minahal. Walang araw na hindi niya nakitang hirap si Iya dahil maselan ang pagbubuntis nito at awa ng Diyos ay makakaraos na rin sa wakas si Iya. Inalok niya itong mag painless delivery pero tumanggi ito dahil nais daw nitong maranasang manganak ng normal delivery. Halos mapaiyak si Iya sa bawat paghilab at paninigas niya. Tinurukan pa siya ng pampahilab dahil hindi pa bu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status