Share

Kabanata 5

Author: Docky
last update publish date: 2026-08-08 21:21:51

Nang matanggap ang mensahe ni Drew, mabilis nang lumabas ng gallery ang kambal at patakbong patungo sa nakaparadang sasakyan kung saan naghihintay si Gibo. Halatang bakas sa mga mukha nina Blake at Drake ang halong kaba at matinding pag-asa.

Nang makapasok sila sa backseat, agad na lumingon si Gibo sa kabilang salamin. “Naging maayos ba ang lahat? Walang nakapansin sa inyo na mga tauhan ni Zuko?”

“Safe po kami, Kuya Gibo!” sagot ni Blake habang hawak-hawak ang calling card na ibinigay ng kaniyang ina. “Nakuha po namin ang numero ni Mommy. At ang maganda pa po, nabanggit niya na may kakaiba siyang nararamdaman tuwing nakakakita ng mga painting ng Baguio!”

Napangiti nang bahagya si Gibo at pinalakad na ang sasakyan. “Magandang balita ‘yan. Ibig sabihin, nag-iiwan ng bakas ang mga alaala niya kahit pilit na pinalalabo ng mga gamot o manipulasyon ng Altrovi Syndicate.”

Habang bumabyahe sila pabalik sa mansyon, abala si Drake sa pag-aaral ng calling card. Naka-print doon ang pangalang Iya Altrovi,  isang bagay na nakapagpapainit ng dugo ng kambal. Hindi dapat Iya Altovi ang nakalagay roon kung hindi Iya Revamonte. Ngunit alam nilang kailangan nilang maging maingat at hindi pa ito ang panahon para ibunyag ang lahat.

“Drake,” mahinang bulong ni Blake. “Kailangan nating iparating agad kay Daddy ang tungkol sa Baguio. Kung doon naganap ang unang mahalagang bonding nila noong sekretarya pa lang si Mommy, iyon ang pinakamagandang lugar para unti-unting buksan ang mga nakatagong alaala ni Mommy.”

“Tama ka,” sang-ayon ni Drake. “Pero paano natin mapapapayag si Zuko na payagan si Mommy na sumama o pumunta sa Baguio? Protektado at binabantayan siya ng mga tauhan nito.”

Isang matalinong ngiti ang sumilay sa labi ni Blake habang tinititigan ang kaniyang tablet. “Hindi natin kailangang direktang ilayo si Mommy kay Zuko sa ngayon. Gagamitin natin ang sarili niyang hilig sa sining. Magpaplano tayo ng isang eksklusibong exhibition o art auction sa Baguio gamit ang mga affiliate company nina Daddy at Uncle Gideon. Siguradong hihilingin ni Mommy na dumalo roon at hindi makakatanggi si Zuko dahil gusto niyang panatilihin ang imahe bilang isang supportive husband.”

Nang makarating sila sa opisina ng kaniyang ama kinagabihan, nakatitig si Drew sa malaking bintana habang hawak ang lumang wedding ring ni Iya. Agad na tumakbo ang kambal sa kaniyang tabi at inilatag sa mesa ang kanilang naging hakbang.

Inilagay ni Blake ang calling card sa tapat ng kaniyang Daddy Drew. 

“Dad, ito na ang susi. Nakausap na namin siya. Alam na rin namin na tumutugon ang puso niya sa mga alaala ng Baguio.”

Tumingin si Drew sa numero ng kaniyang asawa. Nanginginig ang kaniyang mga daliri nang hawakan ito. Habang pinagmamasdan niya ang dalawang anak na buong-pusong lumalaban para sa kaniyang pamilya, mas lalong tumibay ang determinasyon sa kaniyang mga mata.

“Salamat, mga anak,” mahinang sabi ni Drew sabay yakap nang mahigpit sa kambal. “Nagawa ninyo ang unang bahagi. Ako naman ang gagawa ng kasunod. Ihahanda ko ang lahat para sa Baguio. Bubuuin natin ulit ang pamilya natin, kahit ano pang sakripisyo ang kailangan kong gawin laban kay Zuko.”

Pagkatapos ng mahabang usapan nila sa opisina ng kaniyang ama, umakyat na sina Blake at Drake sa kani-kanilang kwarto. Dahil malaki ang mansyon at masyadong naging tahimik ang buhay nila simula nang mawala ang ina nila, nagpasya ang kambal na magsama na lang muna sa kwarto ni Drake.

Pagpasok nila, agad na isinarado ni Blake ang p***o habang si Drake naman ay dumiretso sa may study table para kunin ang isang lumang hard drive. Inisaksak niya ito sa kaniyang laptop at pinalabas ang display sa malaking TV monitor na nakasabit sa tapat ng kaniyang kama.

“Blake, panoorin natin ang video noong ikalimang kaarawan natin,” mahinang sabi ni Drake habang gumagalaw ang mga daliri sa mouse. “Naisip ko lang... iyon ang huling beses na nakasama natin si Mommy nang buo.”

Lumapit si Blake at umupo sa tabi ng kapatid sa gilid ng kama. “Sige. Minsan kasi pakiramdam ko nakakalimutan ko na kung paano tumawa si Mommy sa personal. Sa mga larawan lang kasi natin siya nakikita araw-araw.”

Pindot ni Drake ang play button. Lumabas sa screen ang isang malinaw na video mula limang taon ang nakalipas.

Naka-cream dress si Iya, nakalugay ang mahabang buhok, at kitang-kita ang malaking ngiti habang hawak ang dalawang birthday cake. Sa tabi niya, nakatayo si Drew na nakatatawa ang hitsura dahil may suot na kulay bughaw na party hat. Rinig na rinig ang boses ni Iya sa video:

“Happy birthday, my little angels! Oh, Blake, Drake, dahan-dahan sa pag-ihip ng kandila, baka mauna pa ang daddy niyo sa pagkuha ng frosting!”

“Honey, sinisisi mo na naman ako,” biro ni Drew sa video habang niyayakap si Iya mula sa likod. “Gusto ko lang namang siguraduhin kung masarap ‘yong cake para sa mga anak natin.”

“Asus, nang-agaw ka lang ng strawberry eh!” sagot ni Iya habang tumatawa at kinukurot nang marahan ang pisngi ni Drew.

Habang pinapanood ng kambal ang video, pilit na ngumiti si Blake, pero mabilis na napalitan iyon ng bahagyang lungkot. Lumapit siya nang kaunti sa screen at pinagmasdan ang mukha ng kaniyang ina.

“Tingnan mo si Mommy dito, Drake,” sabi ni Blake. “Ang saya-saya ng mga mata niya. Ibang-iba sa nakita natin sa gallery kahapon. Para bang nung nakita natin siya kay Zuko, parang may kulang. Parang napapagod siya.”

“Kasi hindi iyon ang totoong buhay niya,” sagot ni Drake habang nakatitig din sa monitor. “Pinilit siyang baguhin ng lalaking ‘yon. Kaya nga tayo narito, ‘di ba? Para ibalik sa kaniya ang buhay na nararapat para sa kaniya.”

Inilipat ni Drake ang video sa isa pang clip. Dito naman, nasa loob sila ng sasakyan papuntang pamilihan. Si Iya ang nagmamaneho nang dahan-dahan habang kumakanta ng pambatang awitin, at ang dalawang bata sa backseat ay tuloy-tuloy ang pagsabay sa kaniya gamit ang mga kulay-pulang toy microphone.

“Naaalala mo pa ba ‘to, Drake?” tanong ni Blake. “Tuwing ihahatid tayo ni Mommy sa eskwelahan, ayaw niyang tahimik ang biyahe. Sinasabi niya palagi na kapag kumakanta tayo sa umaga, mas nagiging maganda ang buong araw natin.”

“Oo naman, natatandaan ko pa,” tugon ni Drake habang bahagyang tumatawa. “Tapos papagalitan niya si Daddy kasi ginagaya ni Daddy ‘yong boses ng baritonong kumakanta sa radyo para lang patawanin tayo.”

Natahimik ang dalawa nang matapos ang maikling clip. Nagpadala ng panibagong katahimikan ang silid. Inilapag ni Drake ang remote sa kama at isinandal ang likod sa mga unan.

“Blake?” tanong ni Drake habang nakatingin sa kisame.

“Ano ‘yon?”

“Sa tingin mo... gaano pa katagal bago tayo uli maging ganito?”

Pumikit nang kaunti si Blake at inisip ang naging pag-uusap nila sa kaniyang ina sa art gallery. “Hindi ko alam. Pero ramdam ko na malapit na. Narinig mo naman ang sinabi niya kahapon, ‘di ba? Sabi niya, maaaring makalimot ang isip pero ang puso, hindi nakakalimot. Nakita ko sa mga mata niya na may naramdaman siya nung hawak natin ang kamay niya.”

“Pano kung magalit siya sa atin kapag nalaman niya ang buong katotohanan tungkol kay Zuko?” pag-aalala ni Drake. “Baka magulat siya nang husto kapag nalaman niyang tatlong taon siyang niloloko ng taong pinagkakatiwalaan niya.”

“Nag-aalala rin ako doon,” pag-amin ni Blake. “Pero mas matakot tayo kung maiwan siya roon nang matagal. Sabi nga ni Daddy, protektahan natin si Mommy kahit ano'ng mangyari. Kaya kahit magalit man siya sa mga mangyayari sa umpisa, alam kong maiintindihan niya rin tayo kapag nagbalik na ang lahat ng alaala niya.”

Yumakap si Drake sa isang unan at tumingin sa nakapatay na ngayong TV monitor. “Sana lang talaga maging maayos ang plano natin sa Baguio. Ayoko nang makitang malungkot si Daddy tuwing gabi habang nakatitig sa lumang wedding ring nila.”

“Maging maayos ‘yon, Drake,” matatag na sabi ni Blake sabay tapik sa balikat ng kaniyang kapatid. “Basta magkasama tayo ni Daddy, mabubuo rin uli ang pamilya natin. Matutulog na ako, kailangan natin ng lakas para sa susunod na mga araw.”

“Sige. Mag-ingat tayo sa mga susunod nating galaw,” huling sabi ni Drake bago pinatay ang ilaw sa gilid ng kaniyang kama, habang pareho silang umaasa sa darating na bukas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 109

    Pagkalipas ng dalawampung minuto, nakahanda na ang lahat. Inilatag ni Drew ang isang malaking checkered picnic blanket sa ilalim ng malaking puno ng aratis na nagbibigay ng napakagandang lilim sa kanila.Si Manang Mildred at ang dalawang kasambahay ay nagdala ng dalawang malalaking basket na puno ng mga pagkain—may mga club sandwich, fresh fruits katulad ng strawberries at grapes, mini cupcakes, at isang malaking pitcher ng malamig na lemonade."Mag-ingat po kayo rito sa labas, Ma'am Iya, Sir Drew," nakangiting bilin ni Manang Mildred habang inihahanda ang mga plato at baso sa ibabaw ng blanket. "Tawagin niyo lang po kami sa kusina kung may kailangan pa kayo.""Salamat po, Manang Mildred. Kami na pong bahala rito," nakangiting sagot ni Iya habang tumutulong sa pag-aayos ng mga plato.Nang maiwan silang apat, agad na humiga sina Blake at Drake sa gitna ng picnic blanket habang nakatitig sa mga dahon ng puno na dahan-dahang sumasayaw sa hangin."Napakasarap po ng hangin dito, Mommy," sa

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 108

    Biglang kumirot ang sintido ni Iya. Napapikit siya nang mariin, at sa gitna ng kadiliman ng isip niya, may isang imahe na dahan-dahang gumuhit.Isang maaliwalas at malawak na damuhan sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw. Sariwa ang amoy ng damo at mga bulaklak.Sa panaginip o alaalang iyon, may dalawang taong nakaupo sa damuhan. Isang babae at isang lalaki. Naka-puting dress ang babae—katulad na katulad ng nasa painting, at kitang-kita ang malaki at bilugang tiyan nito dahil sa kabuntisan. Nakasandal ang babae sa dibdib ng lalaki habang nakaluklok sila sa ilalim ng isang malaking puno.Malabo at nagbe-blur ang mga mukha nila. Hindi maaninag ni Iya kung sino ang lalaki at kung sino ang babae.Sa mismong eksenang iyon, dahan-dahang inabot ng babae ang kamay ng lalaki. Inilagay niya ang malaking palad nito sa ibabaw ng malaki niyang tiyan."Hawakan mo... sumipa ulit sila," marahang sabi ng babae.Habang nakapatong ang kamay ng lalaki, biglang gumalaw at sumipa ang mga bata sa loob ng

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 107

    Matapos ang masayang almusal, nagpasya si Iya na pumasok muna sa silid niya upang maligo at magbihis. Pagkatapos ng ilang minutong pagligo sa medyo mainit na tubig ay nakaramdam siya ng matinding ginhawa.Nagsuot si Iya ng simpleng puting dress, saka hinayaang nakalugay at mamasa-masa pa ang mahaba niyang buhok. Habang nakatitig sa sariling repleksyon ay inaayos niya ang ilang hibla ng buhok, biglang may narinig siyang marahang katok sa kaniyang pintuan.Napakunot ang noo ni Iya. Sino kaya ang kumakatok nang ganitong oras? Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto at binuksan ito.Nagulat siya nang bungarin siya ng dalawang anak. "Good morning ulit, Mommy!" nakangiting bati ni Blake habang sumisilip sa loob ng kwarto."Mommy, tapos ka na bang maligo?" tanong naman ni Drake habang itinaas ang espada niya sa ere. "Umalis na si Daddy, Mommy. Tayo na lang ang nandito sa mansyon—”“Kasama natin sila Manang Mildred!” giit naman ni Blake. “It’s the same thing,” pagsusungit ni Drake. “A

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 106

    Unti-unting nagising si Iya, ngunit mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Inayos niya ang kaniyang buhok at nagpasya nang bumaba. Paglabas niya ng kwarto, nakita niyang nakabukas na rin ang pinto sa kabilang silid—ang kwarto ni Drew. Lumabas ang binata na mukhang preskong-presk na."Good morning, Iya," ngiti ni Drew habang papalapit sa kanya. "Maaga ka ring nagising ah. Ayos lang ba ang tulog mo rito sa bagong kwarto mo?""Good morning din," sagot ni Iya habang pinipilit ngumiti. "Oo, maayos naman... medyo naninibago lang ako sa laki ng bahay, pero nakatulog din naman ako kahit papaano.""Mabuti naman kung ganoon," ani Drew. "Bumaba na tayo. Sigurado akong gising na ang kambal, at naghahanda na sina Manang Mildred ng almusal sa ibaba."Pagbaba nila sa dining area, naabutan nilang masayang nag-uunat sina Blake at Drake habang nakaupo na sa malaking hapag-kainan. Sinalubong sila ng mga bagong lutong pagkain na inihanda ng mga kasambahay."Good morning, Mommy! Good morning, Daddy!" sabay

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 105

    Madaling-araw na, pero gising pa rin si Manang Mildred. Nakaupo siya sa isa sa mga silya sa gilid ng mahabang kusina habang kaharap ang tatlo pa sa mga pinakalumang kasambahay at katiwala ng pamilya. Seryoso nakatingin nang isa-isa sa mga kasama."Makinig kayong mabuti sa akin," panimula ni Manang Mildred, bakit seryoso at may halong pag-aalala ang mukha. "Tumawag sa akin si Ma'am Yvee kanina bago sila umalis patungong airport. Mahigpit ang bilin niya, pati na rin nina Sir Gideon, Ahma, at ng buong pamilya... na manatiling nakatago ang mga sikreto ng nakaraan."Napakunot ang noo ni Mang Kiko, ang matagal nang hardinero at katiwala. "Pero Mildred, hanggang kailan natin itatago kay Ma'am Iya ang totoo? Nandito na siya sa mansyon. Kasama na niya si Sir Drew at ang mga bata. Hindi ba't mas mabuting malaman na niya ang tungkol sa dati nilang pagsasama bilang pamilya?"Umiling nang mariin si Manang Mildred. "Hindi pa ngayon, Kiko. Ayon kay Sir Gideon at sa mga doktor, delikado pa sa kalusug

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 104

    Ibinaba ni Gideon ang cellphone niya. Nanginginig ang kamay habang itinutulak ang cell phone sa bulsa ng coat. Huminga siya nang malalim, at napaupo sa bakal na beach, at pikit-matang hinilot ang sintido. Kitang-kita ang matinding pagod at tensyon sa mukha.Dahan-dahang gumalaw si Yvee. Napaupo rin ito sa tabi ni Gideon, sumanndal ito sa balikat ng asawa, nakahawak sa maumbok niyang tiyan. Sumikip ang dibdib ni Yvee. Naramdaman niya ang matinding guilt para sa bayaw at kay Iya, ang dami nang pinagdaanan nila Drew at Iya, lalong lalo na ang mga bata. They deserve to be… pero bakit gano’n na lamang kahirap abutin ang pangarap na iyon. "I'm so sorry, Gideon..." umiiyak na bulong ni Yvee habang hinahawakan ang kamay ng asawa. "Sorry kung kailangan mong magsinungaling nang ganito sa kanila. I know hirap na hirap ka na at wala rin akong magawa kung hindi ang manahimik lang rin.""Shh... huwag mong sisihin ang sarili mo," mabilis na pigil ni Gideon sabay halik sa noo ng asawa. "Gin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status