Thank you po for reading and support! Next update, tomorrow or the next day :)
CHAPTER 90: SECRETARY"Sige na!" bulong ko sa sarili nang mabuksan ko ang convo namin ni Vladimir. Huling chat niya ay noong kinukulit niya ako kung saan niya p'wedeng i-send ang picture ko noong nanggaling kami sa South Korea. Hindi rin siya online! Pero wala naman akong ibang way para ma-contact siya! Reina: Hi! Dalawang letra lang iyon pero grabe na iyong kaba sa dibdib ko nang mai-send iyon. Pumikit pa ako at tinabunan ng unan ang phone dahil sa matinding hiya. Ganito siguro 'yong feeling kapag nag-first move ka sa crush mo! Sobrang nakakakaba! Sinilip ko ang phone ko nang tumunog iyon at dali dali kong tinignan ang notification. Lei: Goodnight, Rei! Pahinga ka na rin. Nakahinga ako ng maluwag at nagtipa ng ire-reply kay Lei. Quarter to eleven na pero wala pa akong balak matulog. Nag-scroll ako para hanapin ang convo namin ni Vladimir sa gamit niyang account dati noong Daddy ko pa siya. Iyong Dim Montenegro ang name. Pero mukhang deleted na iyon! Napanguso ako at akmang bi
CHAPTER 89: REPLACE "What's your plan, princess?" nag-aabang na tanong ni Daddy Dimitri sa akin nang makapagdesisyon akong puntahan siya sa Library dito sa bahay namin. Naka-uwi na kami dito sa Pilipinas. Pero hindi pa rin ako nakakalabas para puntahan ang mga kaibigan ko. Mas may iba akong gustong unahing gawin. "Gusto ko pong magpatulong kay Vlad. Gusto kong matuto sa kanya kung paano maging CEO sa VITC," banggit ko sa pangalan ng Kompanya ni Daddy. Sumilay ang ngisi sa sulok ng labi niya at napahawak pa siya sa gilid ng salaming suot niya. "Finally, you're getting smarter, princess!" puri pa niya dahilan para maalala ko ang mga binanggit niya noon sa akin. "Use that pretty head of yours! You are Vladimir's weakness. You have the power to control him. Wrap him around your fingers! Trust me... he’ll fall willingly under your trap!" Gagamitin ko si Vladimir. Titignan ko kung mahal pa niya ako! Sa ngayon, kailangan ko munang mapaniwala si Daddy Dimitri na kakampi niya ako. Gaga
CHAPTER 88: MOROZ CLAN "Go shopping with your mom for now. I’ll make sure you have bodyguards with you," iyon ang walang emosyong utos ni Daddy Dimitri nang subukan ko siyang tanungin kung anong nangyayari. Hanggang ngayon tuloy, hindi ko pa rin alam kung bakit nagwala siya nang dahil sa bulaklak na hindi 'raw' bigay sa akin ni Alexei. Kung hindi sa kanya? Sino pa bang magbibigay sa akin ng bulaklak? "I want this too!" panay ang utos ni mama sa shopping assistant niya. Tumitingin siya ng mga designer bags. Binilhan ko sina Erica at Sandy ng handbags. Pero si mama, ang dami na ngang gamit, hindi pa rin yata nakukuntento! Pinanood ko lang siyang mag-tap ng credit card na bigay ni Daddy Dimitri. "May kakilala ka bang Vladimir, Reina?" biglang tanong niya kaya hindi ko siya makapaniwalang nilingon. "M-meron po," nautal ako dahil bigla akong kinabahan. Naalala kong nakasama ko si Vladimir sa mansyon kung saan ako dinala ni Alexei. Hindi kaya... Napa-iling ako sa naisip. Imposible
CHAPTER 87: FLOWERS "You're awake..." Kakadilat ko lang mga mata ko nang marinig iyong robotic na boses na iyon. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang damask wallpaper na kulay deep crimson at gold ang pattern. Ito ang kwarto kung saan ako pinatuloy ng lalakeng nasa harap ko. Pero base sa naaalala ko, hindi ako rito natulog kagabi! "Vlad?" tawag ko sa kanya at bumangon ako sa kama. Hinawi ko ang comforter para lapitan siya agad. "Who the hell is Vlad, princess?!" matalas na tanong niya at humalakhak siya habang nakatingala sa akin nang hawakan ko ang gintong head mask na suot niya. Umiling ako nang maalala ang mga nangyari kagabi. "Ikaw si Vladimir, 'di ba?" umaasang tanong ko. "'Wag mo na akong lokohin, Vlad!" naiinis nang sigaw ko dahil humalakhak siya na parang nakakatawa iyong sinabi ko. Sinubukan kong tanggalin ang maskara niya para matigil na ang mga tanong sa utak ko. Sigurado kasi akong si Vladimir iyong katabi kong matulog kagabi! Masyado iyong realistic! Napadain
CHAPTER 86: FORBIDDEN FRUIT Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong umiling. "I just want to see your face!" pagbawi ko dahil iyon lang naman ang dahilan ko. Gusto kong makita kung anong itsura niya. Hindi ko kasi mawari kung ilang taon na siya. Parang kasing edad lang ni Vladimir. Ka-size pa nga yata niya sa tangkad at laki ng katawan! Pero alam kong hindi siya itong lalakeng kasama ko ngayon. Hindi ako hahayaang sumama sa kanya ni Daddy Dimitri kung siya si Vladimir. "Have you ever been in love?" maya-mayang banggit niya kaya bumagal ang pagnguya ko. Ano ba namang mga topic 'to! Kanina marriage tapos ngayon, love! Romantic yata siya! Bakit 'di na lang siya mag-girlfriend kaysa bumili ng babaeng makakasama lang niya ng isang araw! Bored yata siya sa buhay niya! Uminom ako ng tubig at inangat ko ang daliri ko. "Only once!" sagot ko at napangiti. "But I have three ex boyfriends!" "How did that happened?" halatang kuryoso siya at isinandal niya ang dalawang siko sa dulo n
CHAPTER 85: WILL YOU MARRY ME? Humina ang tawa niya nang buksan niya ang pinto ng kotse sa gilid niya. Napa-atras ako dahil pumasok ang malamig na hangin. Kita kong inihagis niya ang suot ko roon sa pinanggalingan namin kanina bago niya isinarado ang pinto at nawala siya. Hindi na siya bumalik pero umandar na ang sasakyan. Siya ba ang nagdi-drive? Wala ba siyang sariling driver? Hindi ko kasi makita ang harapan ng kotse. May nakaharang doon at may flatscreen TV. Sumilip ako sa tinted na bintana. Sobrang tataas ng mga building na nadadaanan namin at ramdam mong nasa ibang bansa ka talaga! Pero sobrang lamig dito! Sobrang estranghero ng mga tao! Wala akong ni isang kakilala. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas! "Have you eaten?" tanong ng pamilyar na robotic na tono habang naka-upo ako sa kama. Dito niya kasi ako dinala. Mula sa pagkamagha mula sa damask wallpaper na kulay deep crimson at gold ang pattern ay bumaling ako sa lalake. Dahan dahan akong umiling. Wala pa akong kain m