CHAPTER 55: WHY ARE YOU CHASING ME? Napakagat labi ako bago nag-iwas ng tingin para salubungin ang mas lalong nalukot na mukha ni daddy. Magkasalubong na ang kilay niya. "Ayaw ko na pong kumain," 'di ko maitago ang pandidiri sa boses ko. "Huwag kang magsayang ng grasya, Czarina!" pangaral bigla ni Mrs. Vincenzo. Nakataas ang kilay niya at pinandidilatan niya ako ng mga mata nang tignan ko siya kaya napalunok ako ng mariin. "Finish your food," mariin namang utos ni Daddy Dimitri kaya nalaglag ang panga ko at muling tinignan ang plato. Bumilis ang paghinga ko at muling hinawakan ang kutsara. "Is this your first time trying Russian cuisine, Czarina?" biglang nagsalita si Tiffany kaya nilingon ko siya. Russian food pala 'to? Bigla kong naalala ang nationality ni Daddy Dimitri. Russian nga pala siya at bahay niya 'to kaya siguro ganito ang mga pagkain. Dahan dahan akong napatango dahil sa napagtanto. Kaya pala hindi pamilyar ang lasa! Galing pala sa ibang bansa! "Opo," simpleng
CHAPTER 55: OUT OF PLACE Parehas na naka-suot ng pulang dress si Tiffany at ang mama ni Vladimir. Mas sexy lang ang sa girlfriend ni Vladimir at mas mahinhin ang estilo ng kay Mrs. Vincenzo. Ang mag-ama naman, nakasuot ng long sleeves at slacks. Naka-tuxedo pa si Vladimir, naka-itim na polo longsleeves button up shirt naman si Daddy. At ako? Pants at rib cropped top? Para akong out of place rito! Tinitigan ko si Vladimir pero hindi man lang niya ako binalingan. Ang mama niya ang sunod na binati niya. Iyong Tiffany pa ang naka-eye contact ko. Umiiwas ba siya sa akin. Bakit? Nahihiya ba siya sa ginawa niya sa akin o sadyang wala siyang pakealam? "Hi!" bati ni Tiffany na hindi ko inaasahan. Maagan lang sa pakiramdam ang ngiti niya at naglahad pa siya ng kamay sa akin kaya hindi ko mapigilang tanggapin iyon. Pilit akong ngumiti para itago ang pagka-ingit sa kanya. Wala e, maganda na, nasa pa kanya si Vladimir. "Hello... po," dagdag ko at nakipagkamay. Sobrang lambot ng palad niya
CHAPTER 54: LONG LOST PRINCESS "Finally, the long lost princess is awake!" iyon ang una kong narinig nang imulat ko ang mga mata ko. Para bang kanina pa niya ako pinapanood kaya alam niyang gising na ako. Dahan-dahan akong bumangon at kunot noong binalingan ang matandang lalakeng nagsalita. Sobrang estranghero ng malalim at matigas na boses niya. Napaawang ang labi ko at inilibot ang paningin nang makitang walang pamilyar sa akin. Nasa kwarto ako na gaya sa mga disney princess dahil sobrang elegante ng lahat ng bagay. Kulay light pink ang halos lahat ng gamit, maraming bulaklak na disenyo at may bed curtain pa! Parang kwarto lang ni Sandy na babaeng babae ang tema. Muling bumalik ang titig ko sa lalake nang umupo siya sa tabi ko. Pinakatitigan ko siya at kinilala ko ang mga detalye ng mukha niya. "D-daddy..." bulalas ko nang mamukhaan ko siya. Nakikita ko ang sarili kong kulay asul na mga mata sa kanya. Kulay abo na ang karamihan sa buhok niya at bakas ang katandaan sa mga lin
CHAPTER 53: TRUE COLOR "Vlad, please, natatakot ako..." paki-usap ko sa kanya sa gitna ng paghikbi habang pinapanood kung gaano siya ka-tutok na tutok at galit na galit na nakatuon sa pagmamaneho. Pero hindi niya ako nililigon kahit kanina ko pa siya kinaka-usap. Rinig ko ang pagbusina ng ibang kotse sa kanya dahil sa bilis niyang magpatakbo. Wala akong magawa kun'di kumapit sa upuan ko dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. May apat na itim na kotse akong nakikita mula sa side mirror. Nakasunod pa rin sila sa amin. Hindi ko alam kung bakit! Pakiramdam ko ay sasaktan nila kami. Napatakip ako ng mukha para humagulgol. Wala akong magawa kasi baka kung pinigilan ko si Vladimir, baka mas madisgrasya lang kami! Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maramdaman kong bumalik sa normal ang pagpapatakbo niya ng kotse. Humikbi ako at pinunasan ang luha para pakalmahin ang sarili nang makita ang hindi pamilyar na lugar. Sobrang lawak ng bakanteng lote. Kulay berdeng damo at matatay
CHAPTER 52: GAME OVER "Dimitri will disown you once he learned about your secret, Vladimir! Do you want everything we have and those that we planned to vanish?" umalingawngaw sa isip ko ang banta sa akin ni mama. I'm a sin of her affair with another man because she was too broken about Dimitri, cheating on her with different women. Gustong gusto kong mawala lahat sa akin! Wala akong pakealam sa pera! Pero hindi ko kayang mawala ang babaeng nagpalaki sa akin. My mother is imperfect but she's loving and selfless. I will use Dimitri to have the same power that he has. Kapag meron na ako no'n, itataga ko sa batong ilalayo ko si mama sa kanya. He ruined my mother's life! Humigpit ang kapit ko sa hair stick na hawak at inangat ko ang kamay para alisin ang kutsilyo sa takip nito. Maingat ang paghawak ko dahil takot ako sa matalim na bagay pero nataranta ako nang umiyak 'yong bata. "Ahh!" I gasp as I saw blood coming out of the side of my index finger as I got a cut by just a slight
TRIGGER WARNING: VIOLENCE! CHAPTER 52: VLADIMIR'S POV "Shit..." I cussed under my breath while gripping the stirring wheel on my left and a fucking Desert Eagle handgun on my other hand. Never in my previous fights and flights did my heart beats this loud and fast! Tangina, ngayon lang ako kinakabahan at natatakot na mahabol at mahuli dahil sa babaeng kasama ko. Bakit ba kasi ang hirap niyang hindi protektahan? Literal na para siyang anghel na pakiramdam ko, responsibilidad ko siyang iligtas para hindi siya makuha ng demonyo! "V-vlad. B-bakit ka... may g-gan'yan?" Kinontrol ko ang paghinga ko para hindi magpadala sa emosyon dahil ramdam ko sa boses ni Reina na natatakot siya. Ni hindi ko siya matignan kasi putangina, hiyang hiya ako! And I hated it! I hated how she still affects my damn system. Mas lumala pa yata no'ng pinahintulutan ko ang sariling mahalin siya. Ngayon, hindi na ako makawala. Hulog na hulog ang gagong puso ko! Nanlambot na! Ang hirap na ulit patigasin! I