Walang kaideideya si Chris kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.Hinawakan niya ako sa takot na baka mawalan ako ng balanse at mahulog mula sa kama.“Ano ang nangyari, Clarissa? Patawarin mo ako. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Huwag mo naman akong takutin—"Wala naman akong ibang ginawa kundi tumawa.Hindi ko alam na ang kawalan niya ng pakialam, paninigaw at ang pangmamaliit niya sa akin ang paraan ni Chris para ipakitang mahal niya ako.Dahan dahan akong kumalma habang nagpapatuloy si Chris sa pagtapik sa aking likuran.Inabot ko ang aking tablet nang mapunasan ko ang aking mga luha.Binuksan ko ang isa sa mga medical report bago ko ito kalmadong ibigay kay Chris.“Chris, kung ito ang sinasabi mong pagmamahal, mas mabuti sigurong kumuha ka na lang ng robot na katulong.”Hindi ko kayang magmura gaya ng ginagawa ni Melissa.Ito na ang pinakamatinding bagay na kaya kong sabihin.Pero napanginig nito nang husto ang mga kamay ni Chris.Unti unti ring napuno ng luha ang
Naging tensyonado ang mga braso ni Chris habang nagpapakita ng kaunting pagsisisi sa kaniyang mga mata.“Pakinggan mo ako, Clarissa. Magkasama kaming lumaki ni Ruth kaya nakababatang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Nasanay ako na binabantayan ko siya. Masyado lang talagang hindi maganda ang lagay niya noong isang araw—"“Kailan ba gumanda ang lagay niya?”Tinitigan ko ang mga mata ni Chris habang sinisiguro ko na tatatak sa kaniyang isipan ang bawat salita na aking babanggitin.“Nagawa nang magsabi sa iyo ni Ruth na may sakit siya noong birthday mo kaya agad mo akong iniwan sa grupo ng mga kaibigan ko sa bahay. Inisip nila na isa lang akong malaking katatawanan.”“Noong may sakit naman ako, sinabi ni Ruth na maalikaboka ng kaniyang bahay kaya hindi siya makahinga. Agad mo siyang sinamahan habang mag isa akong tumatanggap ng IV drip sa aking ward. Sobrang hirap para sa akin maging ang pagpunta sa banyo noong mga sandaling iyon.“Masyado nang marami ang ganitong klase ng mga pa
Hindi lang basta ayaw ni Melissa na umuwi dahil nagawa rin nitong tawagan ang mga staff ng lipat bahay para alisin ang mga gamit niya sa bahay ni Caleb.Nagalit nang husto si Caleb na nagpakulong sa mga staff ng lipat bahay na nagpunta sa kaniyang bahay. Agad naman siyang humingi ng paliwanag kay Melissa.Dito na nagpakita si Melissa para ibahagi kay Caleb ang kaniyang pinaplano.Nakuhanan din ang eksenang iyon ng mga paparazzi.Ngayong wala nang ginagawa si Melissa para alisin ang negative na mga balitang tungkol kay Caleb sa media, agad na kumalat ang video sa iba’t ibang online platform.Makikita sa video ang paglalagay ni Melissa sa isa sa kaniyang mga kamay sa kaniyang baiwang habang nakaturo naman sa ilong ni Caleb ang kabila niyang kamay. Sumigaw siya na para bang wala siyang pakialam sa sarili niyang reputasyon.“Huwag na huwag mong ipagmamalaki ang popularidad na sinasabi mo, Caleb. Ginawa ko ang lahat para mapanatili ko ng ilang taon ang fan base mo. Nagustuhan ka ng 80
Nagbago ang mukha ng lahat nang marinig nila ang mga sinabi nito.Hindi na nagawa pang magpatuloy ni Ruth sa pagkukunwari niya bilang isang kaawa awang babae na palaging kumakampi sa tama. Hinatak niya ang manggas ni Chris habang nababahala siyang nagsasalita.“Chris, ineevaluate na nila ngayon ang performance mo. Hindi ka ba paguusapan ng mga tao sa sandaling magbakasyon ka bigla sa ospital? Alam ko na nagaalala ka kay Clarissa, pero kailangan mo rin isipin ang sarli mong future!”“Nagtatantrums lang ngayon si Clarissa. Sigurado ako na hindi naman ganoon kaseryoso ang kaniyang lagay. At kahit na nagaalala ka talaga sa kaniya, puwede ka pa rin namang kumuha ng isang professional caregiver para mabantayan siya!”Samantala, tumayo si Melissa sa harapan ko nang may nakataas na mga braso na parang isang manok na nagpoprotekta sa kaniyang sisiw.“Sino ka bas a tingin mo? Walang pakialam si Clarissa sa iyo! Hindi ka niya pakakasalan at hindi niya rin kailangan ng presensya mo rito! Ang
Hindi natuwa si Ruth sa ginagawang kritisismo ni Melissa kaya agad siyang umabante para ipakita ang kaniyang sarili sa lahat.“Melissa, alam ko na malapit kayong dalawa ni Clarissa sa isa’t isa, pero hindi mo pa rin dapat tratuhin si Chris nang ganito! Hindi nagawang magpakita ni Clarissa sa party ngayong araw kaya wala kaming nagawa kundi bisitahin siya. Nagaalala lang kami sa kaniya!”“Hindi rin naman inakala na sasaktan ni Clarissa ang kaniyang sarili para lang makuha nito ang atensyon ni Chris.”Dito na nagkunwari si Ruth na nagpupunas ng kaniyang mga luha.Mas tumindi ang galit ni Melissa nang makita niya ang mapagkunwaring ikinikilos ni Ruth.Umabante siya para direktang sampalin ang mukha ni Ruth.“Maaari ngang kumukuha ka ng mga tira tira ng ibang tao, pero wala nang pakialam pa si Clarissa sa inyong dalawa! Umaasa ako na magsasama sama kayong tatlo habangbuhay! Lumayo layo na kayo sa amin!”Sumigaw naman si Ruth habang nababalot ng luha ang kaniyang mga mata, “Melissa!
Natigilan ako sa aking higaan.Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig habang nakakarinig ako ng matinis na ingay sa aking tainga.Sumigaw si Ruth habang dali dali niyang hinahawakan ang kamay ni Chris.“Paano mo nagawa ang bagay na iyon, Chris? Kahit na nagkukunwari lang na nasaktan si Clarissa, ginawa niya ito dahil hindi ka nagbibigay ng atensyon sa kaniya. Hindi ba nagkasundo na tayo habang papunta rito na kakausapin mo nang maayos si Clarissa?”Dahan dahang kumalma si Chris nang marinig nito ang nakakagaan ng loob na boses ni Ruth.Pero naiinis pa rin niya akong tiningnan mula sa kaniyang kinatatayuan.“Kailan ka ba matututo na umasal na parang si Ruth? Habang nagpapakita ka ng pagseselos diyan, naging considerate pa rin si Ruth para ipagtanggol ka sa akin. Ang lakas ng loob mong magkunwaring may sakit habang inaakusahan mo siya ng isang bagay na hindi naman niya ginawa. Hindi ka na ba nahihiya sa sarili mo?”Dahan dahan kong pinunasan ang dugo sa gilid ng aking bibig habang n