Nakatulala lang ako sa kisame at hindi malaman ang gagawin sa buhay ko. Nagkakaroon ata ako ng career crisis nitong mga nakaraang araw.
"Crysaline, ano na? Kaya pa ba?" tanong ko sa sarili ko habang pinaglalaruan ang hawak kong maliit na wireless keyboard.
Ilang linggo na akong hindi nakakapag-sulat ng manuscript at malilintikan na ako sa editor ko. Bukod sa madami akong pending na istoryang kailangan tapusin, mayroon pa akong full-time na trabaho na kailangan matapos sa pang-araw araw.
Bente tres anyos na ako pero pakiramdam ko hindi umuusad ang buhay ko. Bukod sa wala akong ipon, ubos palagi ang sinahod ko sa full-time job ko pati na rin sa mga sideline ko. Kailangan ko kasing makatulong sa pamilya ko at malaki talaga ang pangangailangan nila.
Nitong mga nakaraang buwan kasi ay sunod-sunod ang nagkakasakit sa pamilya namin at nawalan pa nga ng trabaho ang iba kong pinsan. Mama ko na lang ang inaasahan pati na din kung minsan ay ako kapag nangangailangan talaga sila ng pera.
Hindi naman ako mayaman at higit sa lahat hindi naman ako tumatae ng pera. Hindi rin naman ako madamot. Nakakalungkot lang kapag ako mismo ang walang mahugot kapag kailangan ko ng pambayad ng bills.
Minsan hindi ko na malaman kung saan pa ako huhugot ng pera. Nakakapagod na. Iyong mga collection ko ng albums at libro, isa-isa ko na rin binebenta para lang may pandagdag sa mga gastusin.
Inis na napasipa ako sa unan na nasa paanan ko sa sobrang inis. Gusto ko yumaman kaso wala naman ako sa teleserye para maging bidang babae na nawawalang anak ng isang bilyonaryo.
Biglang nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko. Napalingon ako sa kinalalagyan ng cellphone ko at tamad na tamad na inabot iyon.
Napasimangot ako nang makitang pinsan ko ang tumatawag. Ano naman kayang kailangan ng babaeng ‘to?
Sinagot ko ang tawag at ni-loudspeaker iyon.
"Linlin! Nasaan ka?"
"Nandito sa condo, bakit?" sagot ko sa kanya.
Umikot ako ng higa at dumapa sa kama.
"Samahan mo naman ako sa Sabado. Bibili ako ng pang-regalo para kay Joseph. Malapit na kasi birthday niya eh. Sige na, please?"
"Sige sige. Text mo na lang ako." tamad na sagot ko sa kanya.
"Okie! Thank you! Labyu!"
"Labyu too."
Binaba na niya ang tawag at hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.
Kung hindi ako third wheel sa date ng mga pinsan at kaibigan ko, taga-sama ako sa pagbili ng regalo o taga-tulong sa pag-surprise sa mga jowa nila.
Paano naman ako? Forever NBSB? Forever alone?
Tamad na tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa tapat ng salamin. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at nanatiling blanko ang ekspresyon ko.
Maputla masyado ang kulay ko. Medyo may kasingkitan ang mata. Matangos naman ang ilong ko. Manipis ang medyo maputla kong labi. Itim na itim ang wavy kong buhok na aabot sa ibabaw ng balikat ko.
Napangiwi ako ng mapadako ang tingin ko sa katawan ko. Ang taba ko na nga, nasa 5'3 pa ang height ko. Ano ba naman ‘yan.
Minsan napapaisip ako. Panget ba ako? Hindi ba ako kajowa-jowa? Mukha ba akong puff ball kaya walang nanliligaw sa akin?
Aminado naman ako na hindi ako palaayos. Madalas pa na kapag lalabas ako ng bahay, jogging pants at crop top lang ang suot ko na pinaparesan ko ng wedge sandals o rubber shoes na nabili ko lang online.
"Bakit naman kasi hindi ako biniyayaan ng balingkinitan na katawan? Baka sakaling may nanligaw sa akin kahit isa lang." usal ko habang pinapag-pagpag ang luma kong crop top na pambahay.
Naglakad ako palayo sa pwesto ng pinag-eemotan ko palagi at umupo sa maliit na mumurahin na sofa. Inabot ko iyong Ipad na hinuhulugan ko pa rin hanggang ngayon. Hay. Gagamitin ko sana 'to sa mga kukuhanin kong sideline pero wala naman ako ngayon sa wisyo mag-trabaho. Halos napakatamad kong gumalaw at mag-isip nitong mga nakalipas na linggo at naiirita na ko sa sarili ko.
Maga-alas nuebe na ng gabi pero heto ako at hindi pa rin kumakain ng hapunan. Sino bang sisipagin kung mag-isa ka lang sa isang studio type na condo na ‘to? Kulang na nga mag-mukha na akong nasa asylum dahil purong puti lang na pader at kagamitan ang nakikita ko sa paligid.
Napailing na lang ako at nag-browse sa social media.
Napakunot ang noo ko nang makita na nagte-trending ang isang app na madalas kong gamitin noong nasa kolehiyo pa lang ako. Itinuro kasi sa akin iyon ng mga ka-block kong mahaharot. Tuloy lalong na-pollute ang utak ko. Chos.
Napabuntong hininga ako bago ko napag-desisyunan na i-click at i-d******d ang app na iyon. Baka sakaling makahanap ako ng kalandian o hindi naman kaya inspirasyon para sa librong isusulat ko.
HALOS isang oras na akong nakatambay at nakikipag-usap sa iba’t ibang klase ng tao pero wala naman akong nakakausap na matino. Ni wala akong makitang inspirasyon para sa isusulat ko. Takte.
Sabagay. Ano nga bang aasahan mo sa isang app na katulad nito? Halatang pampalipas oras lang naman talaga ang mga ganitong bagay.
Last na talaga 'to. Kapag wala pa rin akong mapala, ititigil ko na 'tong kalokohan na 'to. Wala naman akong magagawa kung hindi talaga nagpo-produce ng creative juices ang utak ko. Nag-aaksaya lang ako lalo ng oras.
Pabagsak na nahiga ako sa kama. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko nang may nag-match.
Anonymous: Hi
Me: Hello
Anonymous: Ilang taon ka na?
Me: 23. Ikaw?
Anonymous: 20
Me: Bakit ka nandito? Bata ka pa ha.
Napaka-mature ng mga sagutan, Crysaline ha. Tingin mo nakaka-ganda ‘yan?
Anonymous: Sus. Matanda na ako. Naghahanap lang ako ng kausap. Ikaw bakit ka ba nandito?
Me: Wala kong makausap eh. Pader na lang charot.
Anonymous: HAHAHAHAHAHAHA! By the way, anong work mo?
Sasabihin ko ba ang totoo? O magpanggap na lang ulit ako?
Napakamot ako sa ulo ko at napag-desisyunan na sabihin na lang ang isa sa mga sideline ko. Tutal hindi rin naman talaga kami magkakilala. Random stranger lang siya at ganon din ako.
Me: Writer.
Anonymous: Wow! Nice! Ngayon lang ako nakakilala ng ganyan dito ha. Astig.
Me: Echos mo.
Anonymous: Oo nga. Bakit ka nga napadpad dito? Kausap lang talaga?
Me: Hindi. Naghahanap ako ng gagawin kong inspirasyon sa libro ko.
Anonymous: I see.. May nahanap ka naman ba?
Me: Dati meron. Ngayon wala pa eh.
Anonymous: Ano bang sinusulat mo?
Me: Love story. Fantasy. Erotic.
Anonymous: Talaga anong fantasy? love story ba iyong nag-aagawan ng asawa?
Hindi ko mapigilang mapangisi sa sinabi niya. Agawan ng asawa? Ano 'to, teleserye sa tanghali? May agawan ng asawa tapos mas matapang pa ang kabit?
Me: Yuck! Ayoko ng manloloko. Kaya wala akong character na cheater. Atsaka ano ‘yan, teleserye sa Pilipinas? May agawan ng asawa? Wew.
Anonymous: HAHAHAHAHAHA! Sa totoo lang, umay talaga.
Anonymous: Sino pala nasulat mo na? Si Cardo?
Me: Oo. Si Cardo B. Chos.
Anonymous: Hahaha! Oo! Biglang pumasok sa portal 'no? Tapos may alagang aso na naging rabbit.
What the fuck? Ang corny niya pero natatawa ako. Napapailing na nag-type ako ng reply sa kanya.
Anonymous: So ano ng balak mo isulat niyan?
Me: Si Cardo B. Gusto mo? Charot. Pwede rin ikaw gawin kong character.
Anonymous: ‘Yun oh! Pwede! Gawin mo akong main character sa next story mo ha?
Me: Sure. Kuha na lang ako sa'yo ng very light information. Malay mo sumikat ka. Hahaha!
Sumandal ako sa headboard ng kama ko at niyakap yung pink na bolster ko. Medyo curious na ako kung saan ba tutungo 'tong usapan na 'to.
Anonymous: Charles nga pala. 6'3, maputi, chinito, Tourism student. Ano pa bang gusto mong malaman, Ms. Writer? Ayan ha tumutulong na ako! Ako na main character mo sa susunod niyan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Oh my gosh. Marupok ako sa matangkad na cutie. Mas lalo tuloy akong naging interested sa taong kausap ko.
Pero paano kung hindi pala totoo lahat ng sinasabi niya? Paano kung poser o gawa-gawa lang niya lahat ng sinabi niya? Bahala na nga!
Me: Nice wala pa akong chinito na character!
Anonymous: OH AKO NA UNA HA! Kapag iyan sumikat at na-adapt! Matik! Ako na talaga 'yon.
Siraulo. As if naman sisikat ang istorya na gagawin o ginagawa ko. Hindi naman ako sikat na Writer eh. Isa pa, napakarami dyan na magagaling mag-sulat. Iyong may kwenta. Hindi katulad ng mga sinusulat ko. Minsan dull at nakakaantok.
Napapailing na lang ako at nag-tipa ng isasagot sa kanya.
Me: Kwento mo life mo dali o kahit ano na related sa’yo. Yung lovelife mo ganon.
Anonymous: Life ko? Hmmm...
Anonymous: September 17, 2001 ako pinanganak. Manila baby. Hobby ko mag-basketball, maglaro ng computer games, magbasa, manood, magluto. Future Pilot.
Napalabi ako sa mga nalaman. Future Pilot, huh? Sabagay, mukha naman sigurong may ibubuga talaga ‘tong lalaking ‘to.
Anonymous: Sa lovelife? Hahaha! Niloko ako eh. Ang mas masakit pa, ako ang nakaalam mismo. Parang pighati, lumbay, hinagpis, kirot, poot, sakit. Hahahaha!
Napakunot ako ng noo at napakagat sa ibabang labi. Parang interesting ‘to ha. Mukhang may mapapala ako sa kanya.
Me: Niloko ka?
Anonymous: Oo pero nakakausap ko pa yung ex ko ganon. Pero wala na sa akin ‘yun ha. Oo nga pala, kapag isinulat mo ako, energetic dapat ako. Madaldal ganon.
Napangisi ako at naisip na pagtripan ang isang ‘to.
Me: Sa gwapo mong 'yan, niloko ka?
Anonymous: NAKO PO! Talaga 'tong leading lady ko.
Napangiti ako sa sinabi niya. Leading lady ampota. Feeling nasa teleserye 'yan?
Anonymous: Ikaw. Anong goal mo sa life?
Me: Goal ko magka-anak lol. Wala nga lang naniniwala.
Anonymous: Ilan naman?
Me: 4 kasi only child lang ako eh.
Anonymous: 5 na kaya? Gawa tayong basketball team.
Maharot. Halatang makakasabay sa trip ko. Ganito na ba galawan ngayon ng mga kabataan? Napapailing at natatawa na lang ako sa pinaggagagawa ko.
Nagtuloy-tuloy lang ang usapan naming dalawa hanggang abutin kami ng alas singko ng umaga sa pag-uusap. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ngayon lang ako nakakilala ng taong madami kaming similarities kahit hindi ko pa siya kilala ng lubusan.
Medyo nakokonsensya lang ako kasi hindi ko sinasabi sa kanya yung totoo kong pangalan. Tanging mga simpleng bagay at ibang kasinungalingan lang ang alam niya tungkol sa akin. Bukod pa roon ay wala na.
Aminado naman ako. Worth it naman ang pagpu-puyat ko dahil nakakuha ako ng inspirasyon sa librong isusulat ko.
Normal lang naman sigurong kiligin sa mga pa-simple niyang banat pero alam kong wala lang 'tong patutunguhan dahil panigurado na baka isang linggo lang din ay matapos din ang pag-uusap namin.
Itutulog ko na lang lahat ng kahibangan ko na 'to. Go with the flow sa panandaliang panahon hanggang isa sa amin ang mag-sawa at mang-iwan.
Ganoon naman talaga ata kapag sa internet mo lang nakilala diba? Huwag ka ng umasa na tatagal. Sa huli ikaw lang masasaktan kapag nag-invest ka ng sobrang effort at feelings.
Dalawang linggo ang makalipas simula nang kumalat sa social media yung mga photos at video namin ni Nathan. Simula noon, tinago na ni Nathan yung mga devices ko kung saan ko makikita o mababasa lahat ng mga comments ng tao. Ibig sabihin, mas madalas siyang naglalagi sa condo ko kaysa sa sa condo niya.Ang sabi niya hindi naman daw kailangan na basahin ko pa ang mga iyon kasi wala naman daw kwenta iyon. Paniguradong wala lang daw magandang maidudulot sa akin yung mga mababasa ko.Nag-release na rin ng statement ang management namin pagkalipas noon ng ilang araw tungkol sa kumakalat sa internet dahil nga nag-trending iyon sa social media. Ganoon naman talaga kasikat sa bansa si Nathan. Lahat ng gawin niya, magte-trend. Lahat ng mali-link sa kanya magiging laman din ng balita. Kapag may nagawa rin siyang mali, trending pa rin siya.Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Nathan na hindi mo aakalain na pagpipitas ngayon ng mga tanim na strawberry sa farm ng mama niya.Napatingin naman siya
“Hindi ba kayo nag-iisip?!” sigaw ni Ate Chaena kaya napangiwi ako sa lakas ng boses niya.Halos mamula na siya sa galit habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin. Ang magaling na manager naman ni Nathan na si Kyle eh malawak lang ang pagkakangisi habang sinusundan din ng tingin ang manager ko.“What’s wrong with having a relationship with Crysaline? Nasa tamang edad na kami pareho. We are humans and we have all the rights to choose whoever we want to love.” sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.Naka-de kwatro siya at nakahalukipkip habang sinasabi ang mga katagang iyon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na para bang alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.Napatingin naman ako kay Kyle nang pumalakpak siya. Nakangisi siya at tila ba parang proud pa siya sa alaga niya. Napailing na lang ako. Akala mo naman hindi siya napa-“What the fuck is going on here?!” kanina kung makapag-react siya ng ganon.“Shut up, Kyle! Kunsintidor ka! Lugi ang alaga ko sa parte na ‘to!
Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang biglang paghigpit ng yakap ni Nathan.“Hindi ko makuha yung punto bakit kailangan naka ganito pa tayo na damit. Ang init!” angal niya kaya napahagikgik ako.Umikot ako paharap sa kanya at pinisil yung tungki ilong niya. Nakasimangot siya at halatang irritable talaga siya sa suot niyang gray na hoodie at pants.“Anong hindi mo ma-gets? Hello, Rivas! Alam mo na sikat kang tao. Paano kapag may nakakita sa atin dito? Eh ‘di laman tayo ng balita? Sasabog lalo yung management pati na social media natin dalawa.” natatawa kong sabi sa kanya.“The fuck I care! Gusto ko makipag-date ng maayos hindi yung ganito. Para tayong nagtatago palagi.” nakasimangot na sabi niya.Tumingin ako sa paligid at nang makitang wala naman tao sa paligid ay agad kong dinampian ng halik ang labi niya. Ngumiti ako sa kanya at inayos yung pagkakasuot ng hoodie niya.“Huwag ka na sumimangot, pumapang
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata at napansin ko agad na nakapasok sa crop top ko ang mga kamay ni Nathan habang naka-pwesto siya sa likod ko.“Mamamaga na dede ko kakalaro mo simula nung natulog ako.” saway ko sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya.“Ang lambot kasi eh. Parang stress ball.” nakangisi niyang sabi at dinampian ng halik ang sintido ko.“Bitaw ka na. Magluluto lang ako gutom na ako.” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Minasahe na naman niya yung dibdib ko kaya hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.“Nakapagluto na ako ng hapunan. Mamaya na tayo tumayo. Dito muna tayo sa kama.” sabi niya at hinapit ako palapit sa kanya.Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. Parang nagulat naman siya sa naging pagharap ko lalo na noong ikawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.“Sama tayo kay nila Kairo sa Siargao. Gusto ko mamasyal.” sabi ko sa kan
Sumapit ang Sabado at nandito na naman si Nathan sa condo ko. Kulang na nga lang dito na siya tumira. Yung mga damit niya nasa guest room napakadami. Kapag wala siyang magawa, dito rin siya natutulog. "Tara date tayo?" biglang sabi niya.Napatingin ako kay Nathan habang nilalantakan iyong binili niya na ice cream na nasa pint."Tinatamad ako lumabas eh." sabi ko sa kanya sabay patong ng paa ko sa kandungan niya."Date na tayo. Dali." pagpupumilit niya na parang bata. Nag-puppy eyes pa siya kaya natawa ako."Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko sa kanya sabay subo ng isang kutsara ng ice cream.Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya at tinaasan ako ng kilay. Hay nako. Ano naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng isang ‘to?“Check-in tayo sa hotel.” nakangisi niyang sabi kaya tinadyakan ko siya sa tiyan.“Ang halay mo talaga!” sigaw ko sa kanya kaya napabunghalit siya ng tawa sabay hatak sa paa ko. Minasahe niya ‘yun at masuyo akong tinignan.“Mason and Kairo invited us to come
Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumayag ako sa panliligaw ni Nathan. Kung noon ay sobrang kulit at clingy niya, mas lumala pa ata simula noong hayaan ko siya sa gusto niya.Katulad na lang ngayon. Napabuntong hininga ako at humalukipkip habang nakatayo sa harapan niya. Nakangisi naman siya sa akin at pilit na inaabot ang beywang ko para umupo sa kandungan niya."Gusto ko lang naman matulog ngayon dito dahil pagod na akong bumiyahe pauwi. Galing pa ako sa trabaho tapos namiss kita kaya ako pumunta rito. Hindi ka ba naaawa sa akin? Alas dose na ng madaling araw oh. Paano kung ma-aksidente ako sa daan kasi biglang namanhid yung daliri ko sa paa? ‘Edi nawalan ka ng future husband?" pangangatwiran niya sa akin sa nagpa-paawang tono.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa dahilan niya. Parang bugok din minsan ‘tong si Nathan eh. Mabilis niya akong hinatak paupo sa kandungan niya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Ipinulupot niya pa ang dalawa niyang braso sa beywang ko.