Share

Chapter 2

Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko.Hindi ko maiwasang mairita dahil kulang na naman ako sa tulog. 

Ayan. Crysaline Lopez. Napaka-landi naman kasi.

Tamad na tamad akong bumangon sa kama at hindi na nag-abala pa mag-almusal. Binuksan ko agad ang computer ko at nag-in sa trabaho. Heto lang talaga ang kagandahan kapag work from home. Hindi mo na kailangan mag-ayos bago pumasok.

Kahit nga nagta-trabaho ako habang naga-almusal, Hindi pa nagto-toothbrush o kahit pa mukha akong bungol pagkagising ko, kiber lang eh.

Nag-simula na akong mag-trabaho nang biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sunod-sunod ang pumasok na messages sa akin. Kinuha ko iyong cellphone ko at ni-replyan agad si Charles.

Sa totoo lang hanggang ngayon eh nagda-dalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko pa ba 'to. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon at paniguradong issue pa kung may makaalam na nakaka-usap ko siya.

Alam ko naman na judgemental ang iba sa pamilya namin. Kahit pa simpleng usap lang sa iba, issue na agad sa kanila. What more kung malaman nila na nakilala ko lang sa isang app?

Nag-focus ako sa pagta-trabaho habang paminsan-minsan ay nire-replyan ko siya. Cute nga. Para akong may alagang tuta. Napangisi ako sa naisip.

Nang sumapit ang tanghali, hindi ko na namalayan ang oras at halos maga-alas dos na pala. Hindi na naman ako nakakain agad. Paniguradong susumpungin na naman ako ng ulcer ko.

Napakadami naman kasing trabaho.

Umorder na lang ako ng makakain sa isang  fast food chain sa app dahil wala rin naman akong pwede maluto galing sa ref. Ubos na yung stocks ko ng pagkain at hindi pa ako nakakapag-grocery.

"Oy, pasensya na ha. Boring ba akong kausap? Hindi kasi ako magaling mag-isip ng topic." reply ko sa kanya habang naghihintay ng inorder ko.

"Hindi ah! Aliw ka nga kausap eh. Itabi mo, Crissa! Ako na ang bahala." sabi niya kaya hindi ko maiwasang matawa. Siraulo talaga.

Medyo napangiwi rin ako dahil iyong pekeng pangalan ko ang alam niya. Hindi pa kasi ako sigurado kung sasabihin ko sa kanya yung tototo eh. 

 Bahala na. Panigurado rin naman na hindi tatagal 'tong pag-uusap namin. Isa lang din siya sa mga dadaan sa buhay ko para maging inspirasyon sa mga sinusulat ko na libro.

"Adik. Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. 

Umayos ako ng upo at nag-hintay sa reply niya.

"Nag-aaral habang kausap ka. Ikaw ba?"

"Naghihintay ng pagkain ko." sabi ko sa kanya at sakto naman na dumating na rin iyong deliver ko.

"Maglalaro akong Valorant mamaya. Gusto mo manood? Alam mo ba 'yon?" tanong niya sa akin.

"Oo naman! Naglalaro ako niyan minsan kapag nagagawi ako sa bahay ng pinsan ko. Nakikihiram ako ng pc niya."

"Sige. Ano discord mo? Add kita. Mag-livestream ako mamaya."

Ibinigay ko sa kanya iyong account ID name ko. Nag-patuloy lang kami sa pag-uusap buong araw. 

Nang sumapit ang hapon, naging abala ako sa trabaho ko lalo pa at kaunti na lang kaming empleyado. Madami kasing nag-resign at iyong iba naman ay naka-leave kaya halos lahat ng trabaho sa akin bumabagsak.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-message siya. Napangiti agad ako.

“Hello.”

"Hi, Cutie." nakangising reply ko sa kanya. 

Halos mapahagalpak ako ng tawa nang mag-reply siya.

“Putcha, kinikilig ako. Huwag kang ganyan, Crissa.” sabi niya sa akin.

Aba! Malay ko ba kung totoo talagang kinikilig siya kaya tawa lang yung ni-reply ko sa kanya.

Kung ibang babae lang siguro ako, lalandiin ko 'to ng bongga. Ang kaso wala sa personality ko mag-assume at lumandi ng lalaki. Kahit pa medyo ideal type ko ang isang 'to.

“Tawagan na kita. Open na rin ako ng live stream.” sabi niya kaya hindi ko napigilan kabahan.

Hindi naman ‘to ang unang pagkakataon na nakipag-usap ako sa estranghero. Ang kaibahan lang ngayon, interesado ako sa kanya kasi may mga katangian siya na hinahanap ko sa isang lalaki. Literal na ideal type ko siya pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya ‘yun.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makitang naka-live na siya. Naka-on na rin ‘yung mic niya. Nagda-dalawang isip tuloy ako kung iu-unmute ko ba ang sarili ko. Shocks. Bakit ba ako kinakabahan?

Nakakatawa lang isipin na madaldal at maingay ako sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko pero sa ibang tao hindi ko magawang mag-salita. Para pa akong natutuod minsan sa kinalalagyan ko kapag sa ganitong mga pagkakataon. 

"Hello? Naririnig mo ako?" tanong niya at hindi ko maiwasang matawa ng mahina.

Cute. 

Napalunok ako ng ilang beses bago ko napag-desisyunan na  i-unmute iyong mic ko.

"Oo. Ako ba rinig mo?" sabi ko sa kanya sa mahinang boses dahil nga nahihiya ako.

'Jusko! Crysaline! Mas matanda ka pa sa kanya tapos kung makaasta ka para kang ewan! Napaka-arte mo talaga!'

Gusto kong kaltukan ang ulo ko dahil lagi ko na lang kinakausap ang sarili ko. Baliw na yata talaga ako. Napailing na lang ako at nag-focus sa live stream niya.

"Nape-pressure ako ha. Nanonood ka kasi eh. Hindi pa naman ako magaling maglaro kaya huwag ka masyado mag-expect." sabi niya kaya natawa ako.

"Weh? Maniwala ako sa'yo. Sige lang manonood lang ako." sabi ko sa kanya.

Nag-uusap kaming dalawa hanggang mag-start na iyong game. Halos napapa-tili pa ako minsan kapag dikit na iyong laban at kapag siya na lang ang natitira.

Hindi ko rin naman maiwasang mamangha. Magaling siyang maglaro. Walang palya. Kahit ano pang sabihin niya na kesyo hindi siya magaling maglaro, parang imposible naman iyon dahil puro siya lang halos nakakapatay ng kalaban at lagi siyang pasok sa Top 3.

"Magaling ka naman pala maglaro eh. Niloloko mo ata ako." sabi ko sa kanya habang nanonood pa rin sa live stream niya. Pangalawang match na kasi at nanalo siya sa una.

"Hala hindi ah. Mema ka. Hindi ako magaling maglaro. Inspired lang. Nanonood ka kasi eh." tanggi niya kaya natawa ako.

Masyadong pa-humble kahit halata naman magaling talaga maglaro. Mabulaklak din ang bibig. Galawang playboy. Chos.

"Luh. Pinagsasasabi mo? Binuhat mo nga team niyo eh. Anong hindi magaling doon? Headshot pa palagi." sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman. Ikaw ba? Alas dose na pala oh. Baka may klase ka na naman bukas tapos hindi ka na naman magising agad. Sorry na agad." sabi ko sa kanya.

May pasok pala kasi siya kaninang alas siyete ng umaga pero hindi siya nagising gawa nga ng inabot na kami ng alas singko ng umaga sa pag-uusap. Nakonsensya tuloy ako. Nakaabala pa ako sa estudyante.

"Adik. Ayos lang 'yun no. Aliw din kasi akong kausap ka eh kaya okay lang. Gusto pa kita kausap." sabi niya kaya natawa na naman ako.

Mga banat ng character sa libro 'yan ha? Napailing na lang ako sa naisip ko. Mukhang in-character ang isang 'to. Hindi ko malaman kung nagsi-sinungaling ba o hindi.

"Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya sa akin.

"Wala. Nakahiga. Nanonood sa'yo."

"Ikaw ba wala kang ibang gagawin? Baka nakakaistorbo ako sa'yo ha. Sabihin mo lang."

"Hindi naman." sabi ko sa kanya.

"Okay po, baby.” sabi niya bigla kaya natawa ako.

“Mga linyahan ha. Sa susunod ba niyan, “Huwag ka papalipas ng gutom, baby.” asar ko sa kanya kaya pati siya natawa na rin.

Nagpatuloy lang siya sa paglalaro at nanonood lang ako sa kanya. Gusto ko din naman kasi talaga matutong mag-Valorant dahil bukod sa maganda yung graphics, parang Call of Duty din kasi.

Nang maka-tatlong game siya ay inihinto na din niya ang pagla-live stream. Nag-usap na lang kami habang nakahiga ako sa kama.

"Wala ka pa talaga nagiging boyfriend? Kahit fling, ganoon?" bigla niyang tanong sa akin.

"Wala nga. Pang-bestfriend nga lang daw kasi yung aura ko. Hindi daw ako girlfriend material sabi ng mga tropa kong lalaki." sabi ko sa kanya at sinabayan pa ng tawa.

"Weh? Hindi kaya. Hindi pa nga tayo matagal na nagka-kausap alam ko na eh. Girlfriend material ka naman ah. Mabait ka pa. Cute ka pa. Talented ka pa. Ako na lang ang kulang sa buhay mo." sabi niya.

Napangisi ako. Confirmed. Babakuran ko sarili ko rito. Nasa dugo pa naman ng pamilya namin ang pagiging marupok. Mamaya madala ako sa mga salita ng lalaking 'to.

"Sus! Charot mo. Suntukan na lang oh." biro ko sa kanya kaya natawa na naman siya.

"Parang kaya mo ha. Ang liit-liit mo nga eh. Kaya nga kitang buhatin."

"Huh! Kala mo lang 'yon. Malakas ako ano. Kaya kita. Matangkad ka lang." pang-aasar ko.

"Talaga malakas ka? Kapag binuhat at isinandal kita sa pader, wala ka ng laban sa akin. Paano na lang kapag hinalikan na kita?"

Nasamid ako at napaubo. Ibang klase. Kailangan ko talagang doblehin ang harang ko. Marupok ako sa mga ganitong banat eh. Marupok ang isang Crysaline Lopez.

Save me please.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status