"Crysaline!" napalingon ako sa likod ko.
Nakita ko iyong manager ko na humahangos na lumapit sa akin.
"Naiwan mo sa loob ng van." inabot niya sa akin iyong lumang iPad ko.
Kinuha ko iyon at nginitian siya.
"Salamat. Ingat kayo pauwi ha?" sabi ko sa kanya.
Sinuklian niya rin ako ng ngiti bago tumalikod at sumakay ulit sa van.
Pumasok na ako sa lobby ng condominium kung saan ako nakabili ng sarili kong unit. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kuya Jose at pinagbuksan ako ng glass door.
"Magandang gabi po, Ms. Lopez." bati niya sa akin.
"Magandang gabi rin po, Kuya Jose." bati ko pabalik sa kanya.
Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot iyong button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, inabala ko ang sarili ko sa pagre-reply sa Senior Editor ko.
"Crysaline?" narinig kong tawag sa pangalan ko kaya napaangat ako ng ulo.
Napalabi ako at kulang na lang ay manlaki ang mga mata ko nang makita si Charles. Nakasuot siya ng uniporme na pang-piloto at maayos ang pagkaka-gel ng buhok niya.
"H-hi!" medyo utal kong bati kaya parang gusto kong kaltukan ang sarili ko.
Sakto naman na bumukas iyong elevator kaya pumasok na ako. Nakasunod naman siya sa likod ko. Naiilang ako na malapit lang siya pero nananaig iyong kuryosidad sa akin kung bakit nandito siya.
Hindi ako nakatiis sa pagiging chismosa ko at nagtanong ako sa kanya.
"Dito ka rin nakatira o may dinadalaw ka?" tanong ko sa kanya habang nakatingala sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin at napakamot sa batok niya na para bang nahihiya siya.
"Oo. Kakalipat ko lang last month. Ikaw ba? Dito ka rin ba nakatira o may dadalawin ka?" tanong niya pabalik sa akin na tila nag-aalangan pa.
"Dito ako nakatira sa may 18th floor." sagot ko sa kanya.
Tsaka ko lang natandaan na hindi pala ako nakapindot sa elevator kaya nataranta ako.
"Woah. 18th floor din ako." sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Bakas ang pagkamangha at gulat sa mga mata niya.
Coincidence na naman. Hanggang ngayon?
"Hanggang ngayon madami pa rin tayong pagkaka-pareho." sabi niya ng nakangiti sa akin.
"Pero hindi ako manloloko." bigla kong nasabi kaya napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin.
Napaka-taklesa talaga ng bibig na 'to. Hindi marunong pumreno. Nakakainis. Mabuti na lang at bumukas na iyong elevator kaya nagmamadali akong lumabas.
"Crysaline, sandali."
Naramdaman ko iyong kamay niya sa pala-pulsuhan ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit? May kailangan ka?" patay-malisya kong tanong sa kanya kahit gustong-gusto ko na maglakad papunta sa unit ko. Malayo sa kanya.
"Ano kasi-" naputol ang sasabihin niya ng may humawak sa kabilang pala-pulsuhan ko.
"Nandito ka na pala. Ang tagal mo naman dumating! Kanina pa ako naghihintay sa labas ng unit mo. Hindi ko na naman kasi nadala iyong spare key ko. Naiwan ko sa loob ng unit mo noong nakaraan." biglang sabi ni Nathan kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Kasalanan ko pa ngayon na shunga ka? Bakit ka na naman ba nandito?" tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya.
Naramdaman ko naman na unti-unting lumuluwag ang hawak sa akin ni Charles kaya napatingin ako ulit sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin na hindi man lang umabot sa mga mata niya.
"Sige, busy ka ata. Sa susunod na lang kita kakausapin kapag may oras ka na." sabi niya.
"Ah ano-"
"Walang oras palagi ang babaeng 'to, pare. Masyado siyang busy. Mukhang ikaw din naman kaya baka hindi na kayo mag-kausap ulit. Una na kami ha?" bigla akong hinatak ni Nathan paalis doon hanggang makarating kami sa tapat ng unit ko.
"Napakabastos mo talaga, Nathan. Kita mong kausap ko pa iyong tao eh." sita ko sa kanya habang nakatingala.
Nakakapagod naman oh. Kanina pa ko nakatingala sa kanila ni Charles. Parang mga gunggong. Hirap na hirap na yung leeg ko mag-adjust.
"Hindi ba sinabi ko sa'yo na sa akin ka na lang maging marupok? Sasaluhin naman kita eh. Handa akong saluhin ka. Seryoso ako sa'yo kaya sana seryosohin mo rin yung mga sinasabi at nararamdaman ko para sa'yo."
Nakatulala lang ako sa kisame at hindi malaman ang gagawin sa buhay ko. Nagkakaroon ata ako ng career crisis nitong mga nakaraang araw."Crysaline, ano na? Kaya pa ba?" tanong ko sa sarili ko habang pinaglalaruan ang hawak kong maliit na wireless keyboard.Ilang linggo na akong hindi nakakapag-sulat ng manuscript at malilintikan na ako sa editor ko. Bukod sa madami akong pending na istoryang kailangan tapusin, mayroon pa akong full-time na trabaho na kailangan matapos sa pang-araw araw.Bente tres anyos na ako pero pakiramdam ko hindi umuusad ang buhay ko. Bukod sa wala akong ipon, ubos palagi ang sinahod ko sa full-time job ko pati na rin sa mga sideline ko. Kailangan ko kasing makatulong sa pamilya ko at malaki talaga ang pangangailangan nila.Nitong mga nakaraang buwan kasi ay sunod-sunod ang nagkakasakit sa pamilya namin at nawalan pa nga ng trabaho ang iba kong pinsan. Mama ko na lang ang inaasahan pati na din kung minsan ay ako kapag nangangailangan talaga sila ng pera.Hindi na
Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko.Hindi ko maiwasang mairita dahil kulang na naman ako sa tulog. Ayan. Crysaline Lopez. Napaka-landi naman kasi.Tamad na tamad akong bumangon sa kama at hindi na nag-abala pa mag-almusal. Binuksan ko agad ang computer ko at nag-in sa trabaho. Heto lang talaga ang kagandahan kapag work from home. Hindi mo na kailangan mag-ayos bago pumasok.Kahit nga nagta-trabaho ako habang naga-almusal, Hindi pa nagto-toothbrush o kahit pa mukha akong bungol pagkagising ko, kiber lang eh.Nag-simula na akong mag-trabaho nang biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sunod-sunod ang pumasok na messages sa akin. Kinuha ko iyong cellphone ko at ni-replyan agad si Charles.Sa totoo lang hanggang ngayon eh nagda-dalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko pa ba 'to. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon at paniguradong issue pa kung may makaalam na nakaka-usap ko siya.Alam ko naman na judgemental ang iba sa pamilya namin. Kahit p
Maaga pa lang ay gising na ako kahit pa puyat na naman ako sa pakikipag-usap kay Charles. Kung hindi ko lang kasi kailangan na samahan yung pinsan ko sa mall, wala akong balak gumising ng maaga. Kailangan niya kasi bumili ng regalo para sa boyfriend niya pati na rin mag-grocery para naman supply sa bahay nila.Katulad ng nakasanayan, hindi na ako nag-abala pa na mag-almusal. Dumiretso agad ako sa cr para maligo. Pagkatapos ng halos labing limang minuto na pagligo ay nagbihis na ako. Napili ko iyong paborito kong chiffon black short skirt at crop top na halos palagi ko atang suot kapag lalabas ako. Tinali ko ng pa-pigtail ang buhok ko.Nang makuntento na ako sa itsura ko ay inayos ko naman ang mga gamit sa tote bag ko. Syempre hindi ko dapat kalimutan ang credit card ko. Wala na kasi akong cash na natitira sa bank account ko. Lagapak ang savings ko sa buwan na ‘to.Nang matapos ako ay lumabas na ako ng condo ko at ni-lock ang pinto. Nag-book na lang din ako ng grab dahil mura lang nama
Hating gabi na pero magka-chat pa rin kaming dalawa ni Charles at masasabi kong wala atang dull moments sa taong 'to. Madaldal kasi siya at aliw kausap.Para kasi sa taong katulad ko na boring kausap at hindi marunong mag-handle ng conversation, masaya ako tuwing may taong nage-effort para lang kausapin ako at dalhin ang usapan.Nakokonsensya rin ako madalas lalo na kapag seen na lang ang ginagawa ko. Wala kasi akong maisip na topic at hindi ko ugali magtanong ng buhay ng tao dahil baka ma-offend ko sila. Naghihintay na lang talaga ako minsan na sila na mismo iyong mag-open up sa akin kaysa ako pa ang makielam ng buhay nila.At sa ugali ni Charles nitong mga nakalipas na araw, hindi ko maiwasang matuwa talaga sa bilis niya mag-reply lalo na sa mga effort niya. Minsan naiisip ko agad, paano kapag nag-sawa na siya kausap ako tapos nasanay ako na ganoon siya kalambing at kabilis mag-reply? Edi mukha akong tanga at maghahabol sa kanya?"Matanong ko lang, umiinom ka?" "Medyo. Sinasali ka
Nagising ako nang marinig ko ang cellphone ko na walang tigil sa kaka-ring simula pa kanina.Wala na naman akong naging sapat na tulog dahil sa pakikipag-usap kay Charles. Masyado kasing madaming napag-uusapan at naaaliw ako sa kanya masyado. Napapikit ako ng mariin bago tamad na inabot yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tita Naira sa screen. Napakunot ang noo ko at agad sinagot ang tawag."Bakit po?" inaantok na tanong ko habang nakatapat sa akin ang camera."Ang Kuya Jerome mo…H-hindi na namin alam ang gagawin, Linlin. Ilang araw na nilalagnat tapos ngayon may mga tigdas na lumabas sa katawan niya. Hirap na rin daw makahinga sabi ng Tita Mia mo." pambungad niya sa akin kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Sakto naman na may kumakatok sa labas ng condo na inuupahan ko. Bumangon ako sa kama at lumapit sa pinto. Sumilip ako sa peep hole. Nang makitang si Mama iyon ay agad kong binuksan ang pinto.Napatitig ako sa mukha ni Mama. Halatang galing sa pag-iyak at kita ko ang
Lumipas ang halos tatlong buwan na nakakausap ko si Charles. Habang tumatagal din ay mas lalo akong naa-attach sa kanya. Pakiramdam ko nasanay na ang sistema ko na palagi siyang kausap kaya pakiramdam ko mas mabilis na ata akong mag-reply kaysa sa kanya."Naku, sinasabi ko sa'yo ha! Huwag ka masyadong mag-tiwala sa lalaking kausap mo. Iyang mga katulad ni Cocomelon na hindi nakikipag-usap sa personal account nila, delikado. Malay mo poser pala 'yan o kaya ang mas malala, kabit ka pala ng hindi mo alam." sabi ni Ate Hannah habang kasabay ko kumain sa hapag kainan.Nginuya ko muna yung kinakain ko at uminom ng tubig bago magsalita."Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Tinanong ko naman sa kanya umpisa pa lang kung may iba pa ba siyang kausap o may girlfriend ba siya. Ang sabi naman niya wala." depensa ko kahit nag-uumpisa na akong mapaisip."Bakit? May umaamin bang manloloko?" sabi ni Ata Hannah kaya natahimik ako lalo.Totoo nga naman. May punto ang pinsan ko. Paano nga kaya kung talag
Hapong-hapo ako buong araw dahil sa dami ng sideline na tinapos ko. Bukod pa sa pagod na nararamdaman ko, nangingibabaw ang lungkot at panghihinayang sa puso ko. Wala pa rin akong natatanggap ni isang message galing kay Charles.Napahilot ako sa sintido ko.Heto na nga ba ang sinasabi ko. Sa mga nakalipas na buwan na kausap ko siya, masyado akong nasanay na palagi siyang nandyan. Na sa tuwing kailangan ko ng kausap, bigla na lang siya magcha-chat out of nowhere.Nagsimula na siguro siyang mawalan ng interest sa akin. Ganoon siguro talaga ako ka-walang kwenta kausap kaya hindi niya na kinaya pang tiisin na replyan ako araw-araw. Talo ko pa maging jowa ampota naman.Ginulo ko ang buhok ko at napatitig sa kawalan. Buysit. Nagugulo niya masyado ang sistema ko. Sana kasi pala hindi na ko gumamit ng app na 'yun. Edi sana hindi ko na siya nakilala.Aminado na ako eh. Madali naman talaga akong ma-attach sa tao at malaking sampal sa akin ito na mukhang ako pa ang maghahabol sa kanya. Ano siya
Isang linggo ang nakalipas at masasabi ko na naging maayos naman ulit ang pag-uusap naming dalawa. Nandoon pa rin ang pagkaaliw ko sa kanya. Mas lalo nga ata akong naa-attach sa kanya eh. Ewan ko ba.Naisipan kong magpaliban sa trabaho ngayon para bisitahin ang mga pinsan ko pati na rin ang lola ko. Matagal na rin kasi noong huli ko silang nakita at nakasama gawa nga ng sobrang busy ako sa trabaho ko.Busy sa trabaho o busy sa pag-landi?Minsan kung pwede lang i-factory reset ang utak, gagawin ko na. Hindi na siya nakikisama sa akin ngayon.Namili muna ako ng kaunting grocery bago ako bumiyahe papunta sa kanila. Nang makarating ako sa subdivision namin ay nag-chat na ako sa pinsan ko na malapit na ako. Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan kong grab sa may kulay puting bahay na may kalumaan na. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga pinsan ko sa labas ng gate."Ate Crysaline! Akala ko scammer ka na talaga eh. Lagi mo sinasabi na pupunta ka pero hindi naman natutuloy." s