LOGINAng mundo ay hindi naman tuluyang nagwakas nang umagang iyon — pero para kay Alina, pakiramdam niya ay tapos na ang maliligayang sandali ng buhay niya.
Pagkapasok niya sa kanyang condo unit ay nanginginig pa rin siya. Magulo ang isip, puno ng hiya sa sarili at hindi pa rin lubos na makapaniwala. Gusto niyang kuskusin ang balat hanggang mamula, mabura lang ang amoy ni Alexander, at ang haplos nito.
Isa lang itong aksidente. Hindi niya ginusto. Paulit-ulit niyang sinabi iyon hanggang sa mawalan na siya ng boses.
Ilang oras ang lumipas bago tumawag si Leon. Nnaginginig ang mga kamay na sinagot niya iyon.
“Lina, nasaan ka kagabi?”
Matigas at puno ng hinala ang tono nito.
“H-hindi ko maalala lahat, Leon. May naglagay ng kung ano sa inumin ko. Pagkagising ko—” Naputol ang boses niya. “Pagkagising ko, nasa ibang lugar na ako.”
“Saan?”
Nag-aalinlangan siya nung una kung sasabihin ba niya sa nobyo ang totoo.
“Sa… bahay ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino siya noong una, pero—”
“May kasama kang ibang lalaki?” putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
“Leon, please, pakinggan mo muna ako! Hindi ko ginusto ‘to—”
“Hindi mo ginusto? Gusto mong maniwala ako? Na may nag-drug sa’yo at bigla ka na lang napunta sa kama ng ibang lalaki?” Nanginginig sa galit ang tinig niya. “Diyos ko, Alina… nakakadiri ka.”
“Leon—!”
“Huwag mo na akong tawagan ulit.” Pagkatapos ni'yon ay naputol na ang linya.
Nahulog ang cellphone mula sa kamay niya. Nakatitig lang siya sa sahig habang unti-unting tumulo ang kanyang mga luha — tahimik at walang tigil.
Kinagabihan, mag-isa siyang nakaupo sa tabi ng bintana. Pinanood niyang unti-unting maglaho ang mga ilaw ng siyudad sa pagsikat ng araw.
TATLONG araw matapos ang nangyaring bangungot, nakaupo lang sa gitna ng kama si Alina, nakatitig sa cellphone. Ang pangalan niya, kumalat na sa dyaryo at ilang kilalang magazine.
#ReyesAffair
#LeonAndRiva
Masakit ang mga nababaaa niya sa headline: Heir to Mendoza Group Ends Relationship After Cheating Scandal at Corporate Gala!
Unfaithful Girlfriend Caught entering Hotel With Another Man!
Malabo man ang mga litrato — pero malinaw kung sino.
Ang pulang dress. Ang malabo niyang tingin. Isang braso ng lalaki na ginagabayan siyang sumakay ng sasakyan.
Ni hindi siya binigyan ni Leon ng pagkakataong muling magpaliwanag. Sinubukan niya itong tawagan muli, at minsan lang itong sumagot. Ang mga katagang sinabi nito ay paulit-ulit pa ring ume-echo sa isip niya:
“Huwag mo na akong tawagan ulit, Alina. Nakita ko ang mga larawan. Wala akong pakialam sa mga palusot mo.”
Umiyak siya hanggang sa mawalan na ng mga luha. Si Riva — ang mismong dahilan ng lahat. Bigla na lang naglaho, hindi na sumasagot sa mga text at tawag niya.
Galit ang ama niya, nahihiya naman ang kanyang ina, at ang lipunang dati ay humahanga sa kanya, ngayon ay puro pangungutya sa kanya.
Dahil lang sa isang pagkakmli, nawala ang reputasyon niya, ang minahal niya, at ang buhay kaibigan na akala niya totoo sa kanya.
At ang pinakamasakit si Alexander Navarro, ang lalaking patuloy na bumabagabag sa panaginip niya, ay hindi man lang nagparamdam sa kanya.
DALAWANG buwan ang nakalilipas. Pumasok si Alina sa matayog na gusali ng King's Holdings Corporation.
Kumakabog ang dibdib niya sa takot, pero pinilit niyang huminga nang maayos. Ilang linggo niyang pinaghirapan ang muling pagbangon — nag-aral, nag-intern, nag-focus.
Ito na ang bagong simula ng buhay niya.
Maaga siya nakarating para sa interview, pero mas mainam na iyon kaysa ma-late siya.
Ngumiti sa kanya ang receptionist pagkalapit niya sa reception desk. “Good morning, Miss?”
“Alina Reyes,” mahina niyang sagot.
Tinignan ng babae ang listahan, tumango, at pagkatapos ay iniabot ang visitor’s badge sa kanya. “You can wait in the executive lobby on the 28th floor,” sabi nito.
Habang tumataas ang elevator, nakikita niya sa repleksyon ang sarili — mas maikli na ang buhok, mas pino ang ayos, mas mahinahon ang kilos. Dahil gusto na niyang iwan ang multo ng nakaraan.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay nasilayan niya ang tanawin sa ibaba mula sa salaming pader.
“Ito na. Bagong simula,” anas niya sa sarili.
Pero isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan.
“Hindi ko inaasahan na makikita kita rito.”
Tumigil ang puso ni Alina at dahan-dahan niyang nilingon ang nagmamay-ari ng boses.
Si Alexander Navarro.
Ang gwapo nito sa dark tailored suit na suot nito at tila isang kasalanan na binigyan ito ng kagwapuhan. Ang presensiya nito ay tahimik pero nakakabaliw — kontrolado, nakakaakit, at nakakatakot.
Hindi siya agad na nakapagsalita.
Tinitigan siya nito ng walang kahit na anong emosyon.
“You change,” anito.
Nilunok niya ang namumuong laway sa kanyang lalamunan. “Mr. Navarro,” mahinahon niyang sabi. “Narito ako para sa interview.”
“Alam ko. Ako ang nag-approve ng applicant list.”
Nanlaki ang mata niya. “Ikaw… ang—?”
Mabagal itong humakbang papalapit sa kanya.
“Akala mo ba makakalimutan kita agad?”
“Sir, kung biro ‘to—”
“Hindi ito biro, Alina.”
Isinuksok nito ang dalawang palad sa magkabilang bulsa ng suot nitong slacks. “Maganda ang credentials mo,” sabi nito. “You are top of your class, may magandang recommendations. Pero…” Nagdilim ang mga mata nito. “Ikaw ang huling taong inaasahan kong babalik sa buhay ko,” baritonong boses sabi nito.
Mahina siyang huminga. “Hindi ko alam na kumpanya mo ito.”
“Sinungaling. Imposibleng hindi mo malaman mula sa amo ang kumpanya ko. Alam ko kahit hindi mo aminin. Gusto mong makita ako.”
“Hindi totoo ‘yan,” mariin niyang sagot.
“Bakit ka nanginginig kung gano’n?”
“H-hindi ako—”
“Nanginginig ka.”
Bahagya itong ngumiti. “Hanggang ngayon, nanginginig ka pa rin kapag malapit ako sayo, Alina.”
Pinamulahan siya ng pisngi. “Please, Nandito ako para magtrabaho, hindi para—”
“Hindi para ano?” putol nito. “Hindi para ma-remind sayo ang nangyari sa’tin three months ago?
“‘Yung gabing ‘yon… pagkakamali ‘yon.”
Hindi ito tumutol sa sinabi niya sa halip ay lumapit pa ito sa kanya. Bumalot sa kanya ang mamahaling amoy ng pabango nito.
“Siguro nga,” bulong nito. “Pero may mga pagkakamaling hindi dapat pagsisihan. Isa ka na ‘dun, Alina..”
“Don’t—”
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Relax, Alina. Asa opisina tayo. Hindi ko naman gustong isipin mong inaabuso ko ang posisyon ko.”
bahagya itong dumukwang para bumulong sa tainga niya: “But if you play your cards wisely… there might be other arrangements we can discuss”
Pagkatapos ni'yon ay nilagpasan siya nito at pumasok conference room na nasa likod niya. Naiwan si Alina na natitigilan — mabilis ang tibok ng puso, nag-aalab ang balat sa nararamdamang kahihiyan at muling binubuhay ng nakaraan ang bagyong akala niyang naglaho na.
Sinubukan ni Alina na pakalmahin ang sarili nang pumasok siya ilang minuto ang nakalipas sa conference room. Tatlong executive ang nakaupo sa mahabang mesa. Nasa gitna si Alexander na animo isang hari na naka upo sa trono.
“Miss Reyes,” one of the directors greeted. “Tell us, what made you apply for King's Holdings?”
“Because this company represents innovation and discipline — the two values I’ve always admired. I want to learn from the best.”
Tahimik lang si Alexander, pero ramdam niya ang bawat tingin na ibinibigay nito sa kanya.
Sumunod na mga tanong ay sinagot niya nang maayos at may confident. Pero tuwing lingunin niya si Alexander ay mataimtim itong nakatitig sa kanya.
Pagkatapos ng interview ay nagsitayuan ang mga director.
Ngunit nagsalita si Alexander. “You may all leave. I’d like a word with Miss Reyes. Alone,” anito.
Nagkatinginan ang iba pero agad ding umalis.
Pagkasara ng pinto, tahimik ang paligid na parang may nakabitin sa hangin.
“Kung iniisip mong takutin ako, Mr. Navarro, hindi ka mananalo,” mahinahon niyang sabi.
Umupo ito at bahagyang nakangiti.
“I don’t need to intimidate you. You’re already nervous.”
“I’m not.”
“Then why won’t you look at me?”
Her throat tightened. “Because I don’t owe you anything. That night was not my choice.”
Nagtiim ang mga bagang nito. “No, it wasn’t. But neither was mine.”
Nagtagpo ang mga mata nila — hers defiant, his unreadable.
“I didn’t ask for what happened, Mr. Navarro,” she whispered.
“And yet,” he said, rising slowly from his seat, “you came to my company. Into my office. Into my reach again.”
“That’s not fair.”
“Walang patas sa mundo, Miss Reyes,” mahinahon nitong sabi. “But it gives us opportunities to rewrite our stories. Consider this yours.”
Kumabog ang puso niya. “Ibig mong sabihin… tanggap ako?”
Ngumiti ito nang bahagya.
“I’m offering you a chance.”
“A chance for what?” kunot ang noong tanong niya.
Lumapit ito, halos magdikit ang hininga nila.
“To prove that what happened between us… wasn’t just a mistake.”
Before she could reply, he walked away, leaving her breathless and trembling — torn between fear, anger, and something far more dangerous: desire.
The city lights outside Alina’s condo blurred through the glass, a shimmer of gold and blue that used to comfort her. Now, it only reminded her how small she felt, lost in a life she could no longer control..Dalawang Lingo na ang lumipas mula nang bumalik sila mula sa Cebu. Dalawang Lingo na rin mula nang siya’y bumigay sa tukso. At alawang Lingo mula nang hayaa niyang si Alexander, her father’s stepbrother, touch a part of her soul no one else ever had.Akala niya kaya niyang kalimutan ang lahat, na parang isang panaginip lang. Pero ang alaala… ay parang pabangong makapit na hindi basta-bastang nawawala kahit anong gawin.Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam niya nang mapansin niyang madalas siyang mahihiluhin tuwing umaga.Walang gana kumain. Laging pagod. At higit sa lahat ang hindi pagdating ng kanyang dalaw.Nang sinubukan niyang gumanit ng pregnancy test ay natigilan siya sa loob ng banyo. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang pegnancy test..Dalawang pulang linya ang lum
The week passed in a blur of work and exhaustion. Naisip ni Alina na baka nasasanay na rin siya sa pabago-bagong ugali ni Alexander. Mula sa mga maikling utos, bihirang papuri, at sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na palaging nagpapahinto ng tibok ng kanyang puso.Then his assistant dropped the bomb.“Miss Reyes, pack an overnight bag,” deretaong sabi ng assistant ni Alexander at walang paligoy-ligoy. “You’re flying with Mr. Navarro to Cebu tomorrow for the investor summit.”Napatigil si Alina. “Tomorrow? Ako ang sasama kay sir?”“Yes. You’ll handle his files and presentations. It’s an important deal, Alina.”Of course it was. Lahat ng tungkol kay Alexander ay importante. Mula sa kilos nito, paraan ng mga taong gumagalang rito, at ang sa bigat sa apelyidong dala-dala nito.She told herself it was fine. Strictly business.Ngunit nang dumating siya sa airport kinaumagahan, watching him stride through the VIP terminal in a tailored gray suit that fit him too perfectly, tila nagkabuhol-
Maagang dumating si Alina sa King's Holdings kinaumagahan. Mabilis ang kabog ng puso niya kasabay ng malumanay na tunog ng elevator.Alam niya sa sarili niya na handa na siya dahil buong magdamag niyang hinanda ang sarili — mentally, emotionally, professionally.Pero nang makita niya ang tiyuhing si Alexander na nakatayo sa tapat ng salaming bintana ng opisina nito sa ika-45 na palapag ay agad na nawala ang kumpiyansa niya sa sarili.Dahil nakatalikod ito ay malaya niyang napagmamasdan ang kabuohan nitong.“G-good morning, Mr. Navarro.” mahina at magalang niyang bati rito.Nilingon siya nito at agad na tumama sa kanya ang malamig niting mga tingin. “Miss Reyes.” Nahigit niya ang hininga nang tumuon sa kanya ang abuhin nitong mga mata. Tila hinahatak ng tingin nito ang tama niyang kaisipan.“You wanted to see me before I report to HR?” sabi niya.“Yes. Come in,” diretso at kalmado nitong sagot.His voice was smooth, deep, and dangerously calm — the kind that could either comfort or des
Ang mundo ay hindi naman tuluyang nagwakas nang umagang iyon — pero para kay Alina, pakiramdam niya ay tapos na ang maliligayang sandali ng buhay niya.Pagkapasok niya sa kanyang condo unit ay nanginginig pa rin siya. Magulo ang isip, puno ng hiya sa sarili at hindi pa rin lubos na makapaniwala. Gusto niyang kuskusin ang balat hanggang mamula, mabura lang ang amoy ni Alexander, at ang haplos nito.Isa lang itong aksidente. Hindi niya ginusto. Paulit-ulit niyang sinabi iyon hanggang sa mawalan na siya ng boses.Ilang oras ang lumipas bago tumawag si Leon. Nnaginginig ang mga kamay na sinagot niya iyon.“Lina, nasaan ka kagabi?”Matigas at puno ng hinala ang tono nito.“H-hindi ko maalala lahat, Leon. May naglagay ng kung ano sa inumin ko. Pagkagising ko—” Naputol ang boses niya. “Pagkagising ko, nasa ibang lugar na ako.”“Saan?”Nag-aalinlangan siya nung una kung sasabihin ba niya sa nobyo ang totoo.“Sa… bahay ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino siya noong una, pero—”“May kasama
Kumikislap ang mga ilaw ng Maynila na parang mga nagkalat na diyamante sa gabing iyon, at ngayon lang naramdaman ni Alina na gano’n siya ka-out of place sa gitna ng mga ito. Mula sa repleksyon ng tinted window ng limousine kung saan siya nakasakay ay hindi na niya halos makilala ang sarili, suot ang pulang silk dress, buhok na eleganteng naka ayos, at mga labi na kulay pula na masasabi niyang higit siyang gumanda.Katabi naman niya si Riva, ang matalik niyang kaibigan.“Tonight is your night, Lina,” naka ngiting sabi nito, sabay siko sa kanya. “Ramdam kong magpo-propose na si Leon sa'yo ngayong gabi.”Tipid na ngumiti si Alina. “Sa tingin mo talaga?”Kumpiyansang tumango si Riva. “Four years na kayo, girl. Halos hindi na nga kayo mapaghiwalay na dalawa.”Muling tumingin si Alina sa bintana, habang kumakabog ang kanya puso niya sa hindi malaman na dahilan.Si Leon Mendoza ay isang gwapo, maambisyonl, at tagapagmana ng Mendoza Group — ang una niyang pag-ibig. Magkasama silang nag-colleg







