Share

Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle
Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle
Author: Anita More

Chapter 1

Author: Anita More
last update Last Updated: 2025-10-24 16:00:17

Kumikislap ang mga ilaw ng Maynila na parang mga nagkalat na diyamante sa gabing iyon, at ngayon lang naramdaman ni Alina na gano’n siya ka-out of place sa gitna ng mga ito. Mula sa repleksyon ng tinted window ng limousine kung saan siya nakasakay ay hindi na niya halos makilala ang sarili, suot ang pulang silk dress, buhok na eleganteng naka ayos, at mga labi na kulay pula na masasabi niyang higit siyang gumanda.

Katabi naman niya si Riva, ang matalik niyang kaibigan.

“Tonight is your night, Lina,” naka ngiting sabi nito, sabay siko sa kanya. “Ramdam kong magpo-propose na si Leon sa'yo ngayong gabi.”

Tipid na ngumiti si Alina. “Sa tingin mo talaga?”

Kumpiyansang tumango si Riva. “Four years na kayo, girl. Halos hindi na nga kayo mapaghiwalay na dalawa.”

Muling tumingin si Alina sa bintana, habang kumakabog ang kanya puso niya sa hindi malaman na dahilan.

Si Leon Mendoza ay isang gwapo, maambisyonl, at tagapagmana ng Mendoza Group — ang una niyang pag-ibig. Magkasama silang nag-college hanggang sa magtapos ng pag-aaral at ngayong gabi ang pinakaimportanteng event ng taon. Dadalo ang lahat ng bigating negosyante at dadalo rin pati mga koneksyon ng kanyang ama. At kung totoo man na ngayong gabi magpo-propose si Leon sa kanya ay magiging opisyal na rin sa wakas ang future nila ni Leon.

Huminto ang limousine sa tapat ng kumikislap na glass doors ng Grand Meridian Hotel. Pagkapasok nila sa loob, agad niyang narinig ang malamyos na musika sa paligid at nakakaagaw pansin ang mga mamahaling chandelier.

“Smile,” sabi ni Riva habang inakbayan siya. “You’re the picture of perfection,” sabi nito.

Pero hindi napansin ni Alina kung paano hindi umaabot sa mga mata ni Riva ang ngiti nito.

Ang gabi ay napuno ng tawanan, walang katapusang pagbati sa isa’t isa at higit sa lahat ay ang mamahaling alak.

Nakita siya ni Leon sa may buffet. Suot nito ang isang kulay itim na mamahaling suit, at talaga namang mukha itong perpekto.

“Lina,” mahinang bigkas nito sa pangalan niya, sabay halik sa kaniyang pisngi. “You look… beautiful.”

Pinamulahan siya ng pisngi. “Palagi mo ‘yang sinasabi sa'kin.”

“Lagi naman kasing totoo,” mabilis nitong sagot.

Hinila siya nito sa gitna ng crowd, ipinakilala sa mga investor at direktor, pati sa ilang malapit sa ama niya. Pero nang banggitin ng kanyang ama na baka dumating si Mr. Alexander Navarro ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Leon.

“Navarro?” mahina nitong tanong. “Steptito mo ‘yun, ‘di ba?”

Tumango si Alina. “Oo. Half-brother ng tatay ko sa ikalawang asawa ng lola ko. Hindi ko pa siya nakikita, pero sabi nila sa abroad daw ito nakatira.”

Sumimangot si Leon. “Narinig kong ruthless siyang tao. Kung pupunta siya, mabuti pang umiwas ka na lang.”

Napatawa si Alina. “Pinagdududahan mo ba ang tiyuhin ko, Leon?”

“Maybe I am,” sagot niya na may kalahating ngiti. “Mahal lang kita. Mabuti na ‘yung nag-iingat.”

Dapat ang gabi iyon ay perpekto pero nang sandaling lumayo si Alina para kumuha ng inumin, naroon si Riva — nakangiti habang inaabot sa kanya ang isang baso ng mamahaling alak.

“Para sa future Mrs. Mendoza,” sabi ni Riva. “To love, and to luck.”

Tinanggap iyon ni Alina kahit na hindi talaga siya umiinom at diretsong iyong ininom. At sa ilang saglit ang paligid at tila umaandar. Lumabo ang musika sa kanyang pandinig. Uminit ang katawan niya. At pagkatapos ay nilamon siya ng kadiliman.

NAGISING si Alina dahil sa sikat ng araw na tumakas mula sa kurtina. Umungol si Alina habang hawak ang kumikirot na sentido. Ang mga silk na kobre-kama sa ilalim niya ay hindi pamilyar — masyadong mamahalin para sa sarili niyang kama.

Sa kanyang paggalaw ay may nadama siyang mainit na balat sa tabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na itong tiningnan.

May lalaking nakahiga sa tabi niya! Matipuno, itim ang buhok at mahimbing na natutulog. Halatang nasa mid thirties na ito pero hindi naaalis ang taglay nitong kagwapuhan. May matalim itong panga na lalong nakadagdag sa kagwapuhan nito at presensiyang nakaka-intimidate.

Pabalikwas siyang bumangon habang hawak ang kumot sa kanyang dibdib. “Ano ‘to…?” anas niya.

Nagbalik sa isip niya ang mga putol-putol na ala-ala kagabi. Ang alak na ininom niya. Ang mga tawanan, pagkahilo at may bumubuhat sa kanya — pagkatapos ni'yon ay wala na siyang maalala.

Gumalaw ang lalaki na nasa tabi niya at marahan na nagmulat ng mga mata. Ang mata nito at kulay abo, malamig at matalim.

“Good morning,” sabi nito sa mababa ang boses.

Natuyo ang lalamunan niya. “S-sino ka?”

Marahan itong umupo at sinuklay ang buhok gamit ang mga dliri nito. Bumagsak sa bewang nito ang kumot at baliwala rito nang lumantad ang matipuno nitong katawan.

“You don’t remember?” tanong nito.

“I—Wala akong maalala. Nasaan ako? Anong nangyari?” nauutal niyang sagot.

Tahimik siyang tinitigan ng lalaki, sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. Dumapo ang mga mata nito sa nanginginig niyang mga kamay at tumuon iyon sa kanyang mga mata.

“You’re here in my penthouse. Don't worry safe ka rito.”

Mabilis siyang miling. “Hindi… hindi ‘to pwede. Nasa party ako kagabi. Kasama ko si Leon.”

“Alam ko,” sagot nito. “At ‘yung kaibigan mong— what her name again— oh! si Riva, siya ang nagdala sa’yo sa'kin.”

Mabilis na kumabog ang puso niya. “Si Riva?”

Tumango ito. “Sabi niya, nalasing ka at nawalan ka ng malay sa hallway. Pinakiusap ka niya sa’kin. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan, kaya dinala na lang kita rito.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Alina sa kumot. Gusto niyang maniwala — pero ang sitwasyon nila ngayon ay iba ang sinasabing nangyari. Ang damit niya ay nagkalat sa sahig at higit sa lahat ay masakit ang katawan niya.

“M-may nangyari ba…sa atin?” mahina niyang tanong.

Hindi ito umiwas ng tingin. “Oo.”

Parang gumuho ang mundo ni Alina. Tinakpan niya ang bibig habang bumubuhos ang kanyang mga luha.

“Oh my God…”

Buntong-hiningang tumayo ang lalaki, kinuha ng polo na nasa sahig at agad iyong sinuot. “Hindi dapat nangyari ‘to,” tila walang emosyong sabi nito.

Tiningnan niya ito nang puno ng galit at sakit. “Ginahasa mo ako?”

Galit siya nitong tiningnan. “Hindi. Marahil hindi mo maalala, pero ikaw ang unang humalik sa'kin.”

“Sinungaling!” sigaw niya rito.

“sana nga,” sagot nito sa mababang boses. “Pero iyon ang totoo, Alina.”

Natigilan siya. “Kilala mo ko? Sino ka ba?!” tanong niya sa nanginginig na boses.

Sandaling nag-atubili bago sumagot.

“Alexander Navarro.”

Nanlaki ang mga mata niya. Parang sinampal si Alina ng mga sandaling iyon.

Ang lalaking naka kuha ng virginity niya ay ang stepbrother ng kanyang ama!

 Hindi man ito tunay na kadugo ng kanyang ama— ngunit bawal pa rin.

“Hindi… hindi totoo ‘to…”

Pero tahimik lang si Alexander na nakatitig sa kanya at iyon na ang sagot.

Umalis siya sa ibabaw ng kama at mabilis na nagbihis.

“Ihahatid na kita—”

“Hindi na kailangan.”

“Alina—”

Hindi na niya tinapos ang sasabihin nito dahil tumatakbo na siya palabas ng penthouse ng kanyang tiyuhin, luhaan, walang sapin sa paa, at halos hindi makahinga.

Mula naman sa bintana ng penthouse, pinanood siya ni Alexander habang tiim ang mga bagang.

Dumampi ang kamay niya sa salamin at tila ini-imagine na abot-kamay pa rin niya si Alina.

At kahit paulit-ulit na sinasabi ni Alexander sa sarili na pagkakamali iyon — ang puso’t-isipan niya ay nagtataksil, nagbabadya ng isang madilim, mapanganib na pangako: hindi pa tapos ang lahat sa kanila ni Alina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle   Chapter 5

    The city lights outside Alina’s condo blurred through the glass, a shimmer of gold and blue that used to comfort her. Now, it only reminded her how small she felt, lost in a life she could no longer control..Dalawang Lingo na ang lumipas mula nang bumalik sila mula sa Cebu. Dalawang Lingo na rin mula nang siya’y bumigay sa tukso. At alawang Lingo mula nang hayaa niyang si Alexander, her father’s stepbrother, touch a part of her soul no one else ever had.Akala niya kaya niyang kalimutan ang lahat, na parang isang panaginip lang. Pero ang alaala… ay parang pabangong makapit na hindi basta-bastang nawawala kahit anong gawin.Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam niya nang mapansin niyang madalas siyang mahihiluhin tuwing umaga.Walang gana kumain. Laging pagod. At higit sa lahat ang hindi pagdating ng kanyang dalaw.Nang sinubukan niyang gumanit ng pregnancy test ay natigilan siya sa loob ng banyo. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang pegnancy test..Dalawang pulang linya ang lum

  • Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle   Chapter 4

    The week passed in a blur of work and exhaustion. Naisip ni Alina na baka nasasanay na rin siya sa pabago-bagong ugali ni Alexander. Mula sa mga maikling utos, bihirang papuri, at sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na palaging nagpapahinto ng tibok ng kanyang puso.Then his assistant dropped the bomb.“Miss Reyes, pack an overnight bag,” deretaong sabi ng assistant ni Alexander at walang paligoy-ligoy. “You’re flying with Mr. Navarro to Cebu tomorrow for the investor summit.”Napatigil si Alina. “Tomorrow? Ako ang sasama kay sir?”“Yes. You’ll handle his files and presentations. It’s an important deal, Alina.”Of course it was. Lahat ng tungkol kay Alexander ay importante. Mula sa kilos nito, paraan ng mga taong gumagalang rito, at ang sa bigat sa apelyidong dala-dala nito.She told herself it was fine. Strictly business.Ngunit nang dumating siya sa airport kinaumagahan, watching him stride through the VIP terminal in a tailored gray suit that fit him too perfectly, tila nagkabuhol-

  • Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle   Chapter 3

    Maagang dumating si Alina sa King's Holdings kinaumagahan. Mabilis ang kabog ng puso niya kasabay ng malumanay na tunog ng elevator.Alam niya sa sarili niya na handa na siya dahil buong magdamag niyang hinanda ang sarili — mentally, emotionally, professionally.Pero nang makita niya ang tiyuhing si Alexander na nakatayo sa tapat ng salaming bintana ng opisina nito sa ika-45 na palapag ay agad na nawala ang kumpiyansa niya sa sarili.Dahil nakatalikod ito ay malaya niyang napagmamasdan ang kabuohan nitong.“G-good morning, Mr. Navarro.” mahina at magalang niyang bati rito.Nilingon siya nito at agad na tumama sa kanya ang malamig niting mga tingin. “Miss Reyes.” Nahigit niya ang hininga nang tumuon sa kanya ang abuhin nitong mga mata. Tila hinahatak ng tingin nito ang tama niyang kaisipan.“You wanted to see me before I report to HR?” sabi niya.“Yes. Come in,” diretso at kalmado nitong sagot.His voice was smooth, deep, and dangerously calm — the kind that could either comfort or des

  • Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle   Chapter 2

    Ang mundo ay hindi naman tuluyang nagwakas nang umagang iyon — pero para kay Alina, pakiramdam niya ay tapos na ang maliligayang sandali ng buhay niya.Pagkapasok niya sa kanyang condo unit ay nanginginig pa rin siya. Magulo ang isip, puno ng hiya sa sarili at hindi pa rin lubos na makapaniwala. Gusto niyang kuskusin ang balat hanggang mamula, mabura lang ang amoy ni Alexander, at ang haplos nito.Isa lang itong aksidente. Hindi niya ginusto. Paulit-ulit niyang sinabi iyon hanggang sa mawalan na siya ng boses.Ilang oras ang lumipas bago tumawag si Leon. Nnaginginig ang mga kamay na sinagot niya iyon.“Lina, nasaan ka kagabi?”Matigas at puno ng hinala ang tono nito.“H-hindi ko maalala lahat, Leon. May naglagay ng kung ano sa inumin ko. Pagkagising ko—” Naputol ang boses niya. “Pagkagising ko, nasa ibang lugar na ako.”“Saan?”Nag-aalinlangan siya nung una kung sasabihin ba niya sa nobyo ang totoo.“Sa… bahay ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino siya noong una, pero—”“May kasama

  • Dangerous Love Game of My Billionaire Uncle   Chapter 1

    Kumikislap ang mga ilaw ng Maynila na parang mga nagkalat na diyamante sa gabing iyon, at ngayon lang naramdaman ni Alina na gano’n siya ka-out of place sa gitna ng mga ito. Mula sa repleksyon ng tinted window ng limousine kung saan siya nakasakay ay hindi na niya halos makilala ang sarili, suot ang pulang silk dress, buhok na eleganteng naka ayos, at mga labi na kulay pula na masasabi niyang higit siyang gumanda.Katabi naman niya si Riva, ang matalik niyang kaibigan.“Tonight is your night, Lina,” naka ngiting sabi nito, sabay siko sa kanya. “Ramdam kong magpo-propose na si Leon sa'yo ngayong gabi.”Tipid na ngumiti si Alina. “Sa tingin mo talaga?”Kumpiyansang tumango si Riva. “Four years na kayo, girl. Halos hindi na nga kayo mapaghiwalay na dalawa.”Muling tumingin si Alina sa bintana, habang kumakabog ang kanya puso niya sa hindi malaman na dahilan.Si Leon Mendoza ay isang gwapo, maambisyonl, at tagapagmana ng Mendoza Group — ang una niyang pag-ibig. Magkasama silang nag-colleg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status