Share

02

Author: cereusxyz
last update Last Updated: 2025-10-29 19:10:50

SAGE

Waking up beside him felt like waking up in a dream na alam mong hindi para sa’yo pero ayaw mo pang tapusin.

Ang sinag ng araw, marahang sumisilip sa manipis na kurtina, tumatama sa puting kumot at sa hubad niyang likod. Relaxed ang katawan niya, defined bawat linya ng muscle—parang walang bigat, parang ang dali-dali lang maging siya. Nanatili ako saglit, huminga nang malalim, This feels soft, warm, and terrifying all at once.

And then reality kicked in. Kung sino man siya kagabi, kung ano man ‘yon… hindi dapat magtagal.

Tahimik akong bumangon sa kama, mabilis kong pinulot ‘yung mga damit kong nakakalat sa sahig, saka dahan-dahang naglakad papunta sa banyo.

Pagharap ko sa salamin, muntik akong mapahinto. My reflection looked like a girl who forgot she was supposed to be broken, cheeks flushed, eyes brighter than they’ve been in years. Nakakapanibago. Hinilamusan ko agad ang mukha ko ng malamig na tubig, sinusubukang ipaalala sa sarili ko, kung bakit ako nandito. Marami pa akong dapat isipin, aside from the man with a dangerous eyes who kissed away my sadness.

Paglabas ko ng room, I expected to walk away and never see him again. Pero ayun na naman ‘yung mundo, may sariling trip. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapamura nang makita ko si Nox sa labas, nakasandal sa surfboard, kalmado, parang walang ginawang kasalanan. Basa pa ‘yung buhok na bumabagsak sa noo niya. Nang magtama ‘yung mga mata namin, ngumiti siya, ‘yung ngiting parang nang-aasar dahil nahuli nya ako.

“Breakfast?” tanong niya, simple, walang effort, pero parang kakaiba at mahirap tanggihan.

Dapat tumanggi ako. Dapat umalis ako. Pero hindi.

Kumain kami sa maliit na cafe sa tabi ng dagat, pancakes and coffee na ubos agad dahil gutom pala kami pareho. I found myself laughing more than I planned. He teases me and told me random stories about traveling, about chasing waves in places he never bothered to name. At sa halip na mailang ako sa pagiging misteryoso niya, mas lalo lang akong na-curious. Mysterious siya, pero hindi ‘yung tipong para itulak ka palayo. Sa kanya, parang bawat lihim ay paanyaya para lumapit pa.

After breakfast, sinubukan ko nang magpaalam.

“So… I should go,” sabi ko.

Nox just tilted his head. “Bakit? Wala ka namang hinahabol,” sabi niya, kasabay ng isang simpleng kibit-balikat.. “Stay. Let’s see the island.”

Hindi nya ako kinulit. He didn’t push. Nag-offer lang sya and somehow, that was harder to refuse than anything.

So I stayed.

“Let’s go somewhere,” sabi nya habang papalapit kami sa mga nakaparadang motorbikes. “I heard there’s a cliff you can watch the waves crash from. Nice view. Maybe less crowded.”

Napataas ang kilay ko. “So ang plan mo is to take a random girl on a bike and drive her to a cliff? Sounds safe ha.”

“I’m offended,” habang nakahawak sa dibdib nya dramatically. “I’m a perfect gentleman.”

“Talaga?”

Lumapit siya nang bahagya, ang mga mata niya ay sandaling bumaba sa labi ko bago muling tingnan ang aking mga mata. “You didn’t seem to complain last night.”

And just like that, nag-init ang mukha ko sa di maipaliwanag na dahilan. He smirked, very satisfied, na parang nage-enjoy siyang makita akong namumula.

“Fine,” sabi ko. “One ride.”

Yumakap ako sa kanya mula sa likod, sinusubukang ‘wag pansinin kung gaano siya kainit sa ilalim ng araw. Sa bilis ng takbo, nag-blur lahat. Ang mga puno ng niyog, maliliit na bahay sa gilid ng kalsada, at ‘yung dagat na parang hindi nauubos sa tanaw. Habang hinahampas ng hangin ‘yung buhok ko, nakalimutan ko lahat ng gusto kong kalimutan. Wala akong ibang naririnig kundi ‘yung tawa niya, yung kalmadong tunog na pumupuno sa pagitan naming dalawa tuwing napapasigaw ako dahil bigla siyang nag-aaccelerate na walang warning .

Bigla na lang bumuhos ang ulan, walang pasabi. Tumatawa pa rin siya habang pinapabagal ang takbo ng motor, sabay kaming bumaba para sumilong sa maliit na kubo sa gilid ng daan. Basang-basa siya, pero ang hirap ‘wag pansinin kung gaano pa rin siya kagwapo sa gitna ng ulan. Yung buhok niyang dumidikit sa noo, ‘yung ngiti niyang parang hindi naaapektuhan ng lamig.

Mas lumakas pa ‘yung ulan, bumigat ang hangin, at biglang lumapit siya. Dahan-dahan, hinawakan niya ako sa pisngi, mainit ‘yung palad niya kahit basang-basa. Hindi na namin ininda ‘yung lamig o ‘yung ingay ng ulan. Nagkatinginan lang kami, walang salita, walang kailangang sabihin. At sa sandaling ‘yon, parang tumigil talaga ‘yung oras.

“You look good like this,” sabi niya, habang patuloy na bumabagsak ang ulan sa mukha niya.

“Basang sisiw?” biro ko, pilit na tumatawa, pero halata sa boses kong nanginginig. Hindi dahil sa lamig, kundi sa kung anong unti-unting bumabalot sa’kin.

“Alive,” sagot niya, diretso, habang nakatitig sa labi ko.

Walang babala. Hinalikan niya ako ulit.

Wala nang alak, wala nang bar lights. Kami lang, ulan sa ibabaw namin, at ‘yung bilis ng tibok ng puso kong ayaw magpahuli. Hinalikan niya ako na parang gusto niyang tandaan lahat—bawat segundo, bawat paghinga, bawat saglit bago matapos ‘to. At hinalikan ko siya pabalik, desperado, parang takot akong makalimutan kung ano ‘yung pakiramdam ng mabuhay sa gitna ng isang bagay na hindi naman dapat.

Kinagabihan, may nagsindi ng bonfire malapit sa dalampasigan. Sumama kami, nakihalo sa tawanan at musika, sumasayaw nang walang direksyon, walang sayaw na sinusunod. Hinayaan lang naming punuin ng ingay at liwanag ‘yung mga puwang sa loob naming dati puro katahimikan. Paminsan-minsan, hinahawakan niya ‘yung kamay ko, at sa tuwing magtatagpo ‘yung mga daliri namin, parang may parte sa’kin na kumakalas, nahuhulog paunti-unti sa isang bagay na alam kong delikado.

Maya-maya pa ay naglakad kami sa tabi ng dalampasigan ng nakayapak lang.

Out of nowhere, bigla syang nagsalita habang nakatingin sa malayo.

"Do you know why I love the ocean?"

Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Bakit?" tanong ko.

"Because it didn't ask questions. Like it's just here to comfort me." makahulugan nyang sabi.

" Well, I love the sky for the same reason." sabi ko habang nakatanaw rin sa tinitingnan nya.

We didn’t ask what broke each other. The comfort came from knowing na pareho kaming may tinatakbuhan.

“I shouldn’t like you this much,” pag-amin ko sa kanya bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Dahan-dahang lumingon siya sa akin, seryoso ang mukha, na para bang hindi niya inaasahan honesty ko, but he appreciated it anyway.

“Good,” bulong nya, habang hinahaplos ng hinlalaki nya ang pang-ibabang labi ko. “Because I shouldn’t want you this much either.”

At muli, nanaig ang pagnanasa.

We stumbled into my room this time, hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. Desperado, malilikot, parang parehong natatakot na tumigil. Bawat halik niya, parang apoy na gumuguhit sa balat ko. Mainit. Mabagal. Sinasadya.

Sa bawat dampi, parang nalulusaw lahat ng sakit, lahat ng dahilan kung bakit dapat akong umatras, naging alon lang silang lahat na hindi ko na kayang pigilan.

Binubulong niya ‘yung pangalan na hindi naman talaga akin. “Elle.”

At kung paano niya ‘yon sinabi—parang dasal, parang panaginip na gusto kong paniwalaang totoo.

Mas malalim ‘yung halik niya ngayon. Wala nang pag-aalinlangan. Dumulas ang mga kamay niya sa likod ko, hinila ako palapit na parang kasalanan na ang kahit anong distansya.

Samantalang ‘yung mga kamay ko, kusang humawak sa balikat niya, parang ‘yon na lang ‘yung kakapitan ko para hindi tuluyang mahulog.

Wala kaming kailangang sabihin.

Kasi sa gabing ‘yon, katawan na lang namin ‘yung nag-uusap.

Nahulog kami sa ritmo ng mga hinga, sa init ng balat, sa tibok ng puso na ayaw magpatalo. Magulo. Magaspang. Pero totoo.

At sa matagal na panahon, ngayon lang ako tumigil sa pag-iisip.

Wala nang dapat. Wala nang bakit.

Nilunod ko na lang ‘yung sarili ko sa nararamdaman ko, kahit alam kong delikado.

Kasi, to be honest, it was terrifying how good it felt.

Maya-maya, nakatulog siya habang nakayakap sa akin, mahigpit pero parang sanay. Tahimik lang ako, pinagmamasdan ‘yung mukha niyang mukhang walang alam sa gulong iniwan niya sa dibdib ko.

Tapos, halos pabulong, narinig ko siyang nagsabi ng, “Stay.”

Isang salita lang. Pero sapat para guluhin lahat.

Hinaplos ko ‘yung balikat niya at hinalikan nang marahan. Pagkatapos no’n, tumitig lang ako sa kisame, tahimik, habang unti-unting nare-realize ko.

I wasn’t just escaping anymore. I was getting attached.

At sa bawat tibok ng puso kong sumasabay sa kanya, paulit-ulit kong pinaalalahanan ‘yung sarili ko.

‘Hindi siya akin.’

Para akong sinampal ng katotohanan.

Hindi dapat ganito. Hindi tama na may maramdaman ako. Hindi siya dapat maging mahalaga.

Pero nagiging mahalaga na siya—at ‘yun ‘yung mas nakakatakot.

Habang unti-unting nagiging kahel ang langit sa labas, at ‘yung mga braso niya nakayakap pa rin sa akin, nagdesisyon ako.

Aalis ako bago siya maging dahilan para manatili ako.

Lalayo ako bago ko makalimutan kung paano tumakbo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dangerously His   27

    SAGEAkala ko tapos na ang mga bagyong kailangan kong pagdaanan.Akala ko ‘yung dinner kagabi na ang simula ng katahimikan na matagal ko nang hinahanap.At sa totoo lang, naging maayos naman.Tahimik si Mrs. Cortez, pero ramdam ko ‘yung pagsusuri sa bawat tingin niya.May mga pasimpleng comment pa rin, ‘yung tipong ngiti pero may tusok.“Ang simple ng suot mo, Sage. I guess you’re going for understated elegance?”Ngumiti lang ako. “Yes po, ma’am. I prefer simple things.”She nodded, but I could tell—hindi siya kumbinsido.Sa buong gabi, ramdam kong binabantayan niya bawat galaw ko. Pero sa ilalim ng mesa, marahan akong hinawakan ni Nox sa kamay. At doon ako kumapit.Kasi kahit gaano ka lamig ‘yung paligid, mainit pa rin ‘yung hawak niya.Pero at least, walang eksenang masakit.Naging civil lahat, at sa bandang dulo, parang nabawasan ng kaunti ‘yung bigat sa pagitan namin.Kinabukasan, maaga pa lang, ramdam ko na ‘yung bigat.Parang may paparating na hindi ko maipaliwanag.

  • Dangerously His   26

    SAGEAkala ko pagkatapos ng lahat, hindi ko na mararanasan ‘yung ganitong uri ng katahimikan.‘Yung tahimik na hindi nakakabingi.‘Yung tahimik na hindi nakakatakot.‘Yung may halong pag-asa na parang unang hinga pagkatapos ng matagal na paglangoy.Tatlong araw na rin mula nung nag-usap kami ni Nox sa opisina. Tatlong araw mula nang tuluyan kong piniling huwag nang umiwas. Tatlong araw na hindi ko na kailangang itago kung ano talaga ang nararamdaman ko.At ngayong umaga, habang nakaupo ako sa desk ko, parang mas madali nang huminga.Wala na ‘yung pakiramdam na bawat kilos ko ay sinusukat, bawat salita ay pwedeng maging headline. May mga tumitingin pa rin. Yung mga usiserong sanay sa chismis, pero hindi na tulad dati. Hindi na ako ‘yung babae na kailangang itago. Hindi na rin siya ‘yung lalaking kailangan kong iwasan.Siguro kasi, sa wakas, wala nang kailangang itago.Paglabas ko ng office, nadatnan ko siya sa labas ng elevator, nakasandal sa pader na parang eksena sa pelikula. Rol

  • Dangerously His   25

    SAGEAng bilis talaga ng mga balita sa opisina, parang apoy na hindi mo mapapatay kahit ilang ulit mong tapakan.Ngayon, ibang kwento na naman ang kumakalat. Pero ako pa rin ang bida.“Dalawa daw,” sabi ng isa. “Si Sir Nox at si Ryker. She played them both.”Natahimik lang ako habang pinapakinggan sila. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Nakakapagod mag-explain sa mga taong ayaw makinig.Nasa monitor lang ako nakatitig nang pumasok si Arabella, mabilis ang hakbang.“Sage, nakita mo na ba?” tanong niya.“Ang ano?”“May picture na pinagpapasa-pasahan ang mga katrabaho natin. It’s you and Ryker. Sa labas ng café. He was hugging you.”Parang tumigil lahat. Hindi pa ba matatapos ang mga usapan na yan? Kaunting kibot lang, pagti-tsismisan na.Naramdaman ko agad ‘yung kaba sa lalamunan ko na bumagsak sa sikmura ko.Pagtingin ko sa phone ni Arabella — ayun nga. Isang frame lang.Nakayakap si Ryker, umiiyak ako, pero sa picture, kung titingnan mo sa ibang anggulo, makakabuo ka nga

  • Dangerously His   24

    SAGEMabilis ang mga araw, pero parang hindi ko talaga nararamdaman ‘yung takbo ng oras.Gumigising ako, nagta-trabaho at umuuwi ng diretso. Parang checklist lang. Walang kulay, walang tunog.Sa bawat umaga, tinuturuan ko ‘yung sarili ko na magmukhang okay. Na ngumiti kahit hindi ko nararamdaman. Na magsalita kahit wala namang laman.Pero kahit anong pagtatago, may mga sandaling sumisilip pa rin ‘yung sakit. Sa pagitan ng mga email, sa katahimikan ng elevator, sa tuwing dumadaan ako sa pintuan ng opisina niya.Hindi ko siya hinahanap. Pero hindi ko rin alam kung paano siya hindi hanapin.Tatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap.Tatlong araw na puro pilit ang katahimikan.---Paglabas ko ng building, nakita ko agad si Ryker. Nakasandal sa kotse, may hawak na dalawang cup ng kape, at ‘yung pamilyar na ngiti na kahit na noong mga bata pa kami, nakakagaan talaga ng araw.Parang sandali, may naalala akong parte ng sarili ko na hindi pa ganito kabigat.“Hindi ka sumasagot sa m

  • Dangerously His   23

    SAGETahimik lang ang opisina. Pero hindi ‘yung tahimik na nakaka-relax, kundi ‘yung klase ng katahimikan na parang may kasunod na bagyo.Lahat busy sa mga monitor nila, pero ramdam ko ‘yung mga patagong sulyap. Lahat ay aware, pero walang gustong maunang magsalita.Ang hirap magpanggap na normal, lalo na kapag bawat tunog ng keyboard ay parang bulungan ng “siya ‘yung nasa video.”I keep my head down, pretending I don’t feel it. Pretending I don’t hear it.‘Kape lang. Focus lang. Breathe, Sage.’Pero pagbalik ko mula pantry, biglang bumukas ang elevator.At doon, lumabas ang isang presensiyang kayang patigilin ang buong floor.Victoria Cortez.Elegant, matikas, at malamig ang aura. ‘Yung tipong kahit walang salita, ramdam mong may kapangyarihan siya.Nakatayo siya sa gitna, suot ang itim na dress na simple lang pero mukhang milyon ang halaga.Nakangiti siya sa mga tao, pero ‘yung ngiti niya ay yung tipong hindi nandito para makipagkaibigan.It was the kind of smile that says I o

  • Dangerously His   22

    SAGEAkala ko matapos ‘yung gabi ng gala, unti-unti na kaming magiging okay.Minsan nga, naiisip ko pa na baka sa wakas, may chance na kami ni Nox na hindi na kailangan itago. Na hindi na kailangan iwasan ang mga mata ng tao, ang bulung-bulungan, ang mga tingin na parang sinusukat ang bawat kilos mo. Na puwede na lang kaming dalawa, normal lang sa mundo namin, na hindi nakakabuo ng pelikula sa isip ng iba.Pero kinabukasan, nagising akong parang may bigat sa dibdib, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification sa phone ko.Hindi ko alam kung gusto ko bang sagutin o itapon na lang.Isang message mula kay Arabella.“Sage, check Twitter. Ngayon na.”Napatayo ako agad, pagbukas ko ng Twitter, halos mahulog ‘yung phone ko sa gulat.Doon sa feed, short clip ng video namin ni Nox. Sa gala, sa balcony at naghahalikan.Ang caption:“CEO Nox Cortez spotted kissing a mysterious employee after the company gala last night.”Napatakip ako ng bibig. Parang biglang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status