Share

Chapter 05

HINDI alam ni Raziel kung paanong nakarating sila sa kaniyang bahay—no, bahay pala nila ng asawa niya. Isa lang ang alam niya, nasa bisig na niyang muli ang kaniyang pinakamamahal na asawa at hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Magkakamatayan muna bago niya gawin ang bagay na iyon.

Naging impyerno na rin ang buhay niya nang mawala ang kaniyang asawa kaya hindi siya mag-aalinlangang maging demonyo kapag may nagtangkang paghiwalayin sila. Oo, asawa. Hindi dati. Dahil kapag may nahanap siyang pagkakataon ay pakakasalan niya itong muli.

Baliw na kung baliw. Wala siyang pakialam.

“Damn! That was hot, love.” Impit na sambit niya nang kagat-kagatin nito ang kaniyang u***g.

Para siyang inililipad ng sensasyong nadarama. Labis na init ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon na para bang sinisilaban siya at ang tanging lunas ay ang mapalapit siya sa kaniyang asawa. His Lyxelle.

Mabuti na lang talaga at may remote control ang gate ng bahay nila kaya nakapasok ang kotse niya sa loob nang hindi nawawalay sa kaniyang katawan ang nag-aalab na katawan ng kaniyang asawa.

Dahil nakaupo si Lyxelle sa kaniyang kandungan habang ikinikiskis nito ang katawan sa kaniya ay nagpasya na lang siyang hawakan ang puwet ng asawa para kargahin ito papasok ng bahay.

Hubo’t-hubad ang asawa niya nang lumabas sila ng kotse pero hindi na siya nag-abala pang suotan ito ng damit. Bakit pa? Tatanggalin din naman niya iyon. Isa pa, halos kasing haba ng tatlong palapag nilang bahay ang bakod na gawa sa semento kaya sigurado siyang walang makakakita sa kanila kahit na maglampungan sila sa mismong harap ng gate na sintaas din ng bakod. Wala siyang mga katulong o kasama sa bahay kaya confident siyang para lang talaga sa kaniya ang katawan ng asawa niya.

“Hmm…” ungol ng kaniyang asawa at kinagat ang ibabang labi niya.

Doon na nawasak ang kaniyang pagtitimpi. Pagkasarang-pagkasara niya ng double door ay inilapat niya ang likod ng kaniyang asawa roon at walang pasabing ipinasok sa lagusan nito ang kaniyang pagkalalaki.

Pareho silang napaungol dahil doon.

He made love to his wife in that double door, hard—and fast. Nang kapwa narating nila ang r***k ng kaligayahan ay lupaypay na bumagsak ang mga braso ng kaniyang asawa sa gilid nito. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Ramdam niya ang mainit pero hinihingal nitong hininga sa kaniyang leeg.

Which triggered his “member” to go back to life that instant. He expected it though because he was with Lyxelle. Kung ibang babae iyon, isang round lang tapos na. He is not gonna say that he didn't get erection when he sees something inappropriate since Lyxelle. It would be a total lie. He had sex when Lyxelle left, but it wasn't as satisfying as when he do it with her.

Nagmamadaling tinungo niya ang hagdan pero nasa kalagitnaan palang sila niyon ay muling umalpas ang natitirang kontrol niya sa sarili dahil muling nagsimulang halikan ni Lyxelle ang kaniyang mga balikat.

“God! I could do this forever with you,” sabi niya sa paos na tinig.

Ungol lang ang isinagot ng kaniyang asawa. Inilapag niya si Lyxelle sa baitang ng hagdan at hinalikan ito ng mapusok sa labi. Ang isang kamay niya ay marahas na minamasahe ang dibdib nito habang ang isa ay nasa likod nito upang maging suporta.

“Ohh…”

And they did it all night—and the next half the day. Ni hindi siya nagsawa kahit tirik na tirik na ang araw. Hinding-hindi siya magsasawa dahil ang babaeng kasiping niya ay si Lyxelle. Ang kaniyang Lyxelle. Ganoon din naman ang asawa niya. Mukhang hindi siya nito kayang lubayan kahit na ilang minuto lang.

Panay ang dikit nito sa kaniya at panay ang halik. Kahit na nga ba hindi na niya narinig ang kaniyang pangalan na binanggit nito sa makailang ulit nilang pag-iisa. Hindi na niya nabigyang pansin iyon dahil sa tuwing lumalapat ang kamay nito sa katawan niya ay nawawala sa tamang huwisyo ang utak niya.

Isa lang ang misyon niya ng gabing iyon na tumatak sa isip niya, every time he reached the peak, he makes sure that he spilled his seeds inside her womb.

Para wala na itong takas pa sa kaniya.

* * * * *

NAPAUNGOL siya dahil sa liwanag na tumatama sa kaniyang mukha. Lalo na sa kaniyang mga mata na kahit nakapikit siya ay nasisilaw pa rin siya. Tumagilid siya para lumayo sa bagay na iyon pero hindi niya magawang hilahin ang kaliwang kamay niya na nakataas. Para bang may pumipigil sa kaniya na hilahin ang kamay niya.

Aabutin sana ng kanang kamay niya ang kaliwa para mapalaya iyon sa kung ano mang bagay na pumipigil dito pero mabigat ang kaniyang kanang kamay.

Masakit din ang kaniyang buong katawan na parang bang binugbog siya ng sampong katao. Nanghihina siya at nauuhaw.

“Ano’ng nangyayari?” tanong niya sa isipan.

Unti-unti ay iminulat niya ang kaniyang mga mata. Kulay ng kalangitan ang kaniyang nasilayan. Muli niyang ipinikit ang mga mata dahil sa liwanag. Ibinaling niya ang mukha saka muling nagdilat ng mga mata. Inilibot niya ang paningin at napag-alaman niyang nasa isang kuwarto siya. Kaninong kuwarto?

Napabaling siya sa kaniyang gilid nang makaramdam ng pagkilos doon. Nagulat na lang siyang nang matunghayan ang isang napaka-gwapong mukha na nakita niya sa buong buhay niya. Para bang may init na humaplos sa puso niya nang makita ang mukhang iyon.

Napakaamo ng mukhang iyon na natutulog. Messy dark hair, thick brows and eyelashes, straight nose and sweet lips that looks inviting. Manipis ang ibabang labi nito habang medyo makapal ang itaas. A very wonderful sight to behold.

Namula ang buong mukha niya nang mapagtantong parehong hubo’t-hubad silang dalawa. Sa kama. Napatingin siya sa kanang kamay niyang nakasalikop sa kamay nito. May posas iyon na nakakabit sa pulsuhan ng lalaki. Napatingin din siya sa kaliwang kamay.

Ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang nakaposas din ang isa pa niyang kamay. Ang kaibahan lang ay sa headboard na iyon ng kama nakakunekta.

Wala siyang takas.

Pero kahit ganoon ay hindi rin naman niya gustong tumakas dahil nanghahapo at pagod pa ang kaniyang buong katawan. Na para bang ilang araw siyang hindi natulog at puro trabaho lang ang inatupag.

She leaned back to the soft bed that promise a good sleep.

Isa pa, may kapanatagan siyang nadarama sa kaniyang puso habang nakiktita ang lalaking katabi. Hindi niya ito kilala pero nagbibigay ng komportableng pakiramdam sa kaniya ang presensiya ng lalaki.

Kung hindi lang pagod na pagod ang kaniyang katawan, baka nag-panic na siya dahil sa sitwasiyon niya ngayon. But she found it too much just to stay awake. Sleep was pulling her right back to it and she didn't have enough energy to fight it.

Unti-unti ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Hindi na niya napansin pa ang  salitang namutawi sa kaniyang mga labi.

“Raziel…”

* * * * *

RAZIEL felt comfortable and relax. Renewed. It had been a long time—very long time ever since the last time he felt at ease. At iyon ang unang beses na nakatulog siya ng labin-dalawang oras sa buong buhay niya.

Napakurap-kurap si Raziel. Para bang narinig niyang tinawag siya ng kaniyang asawa.

Nilingon niya ang katabi. A smile curved his lips. Ah, yes, his wife. Ang asawa niyang hindi na muling makakawala sa kaniya. Mahimbing pa rin itong natutulog habang nakaposas ang isang kamay sa head board ng kama at ang isa ay nakaposas sa pulsuhan niya.

Tumagilid siya at pinaglandas ang mga daliri sa pisngi ng asawa. Kusang sumunod ang kamay nito dahil nga naka-posas ito sa kaniya pero hindi pa rin ito nagising. He stretched to get the key from the night stand drawer. Pinakawalan niya ang kamay niyang nakaposas dito. Maingat na inilapat niya ang poses sa night stand.

He admired her sleeping face for a while. Hindi siya magsasawang titigan ang natutulog nitong mukha. 

Pinaibabawan niya ito.

“Hey, wifey,” nang-aakit na sabi niya. Magaang hinalikan niya ang mga labi nito.

Bumaba ang mga halik niya sa leeg nito hanggang sa mga balikat nito pero hindi pa rin ito nagigising kaya nakaisip siya ng pilyong paraan para gisingin ito.

Umalis siya sa pagkakakubabaw rito para lang tanggalin ang kumot na nakabalot sa katawan nito. Alam kasi niyang walang saplot niisa ang kaniyang asawa.

Ang pilyong ngisi niya ay nauwi sa pagkahabag nang makita ang buong katawan nito. Lyxelle had redmarks all over her skin. Hindi lang basta red marks kundi mga pasa at sugat. Ang iba ay nagkukulay ube na.

“Oh, god!” Napatakip siya sa kaniyang bibig nang mapagmasdan ang natutulog na asawa.

Naroroon pa rin ang mga hickeys na sinadya niyang iwan sa mga balikat nito pero may pasa ito sa ilalim ng kanang dibdib. May nakaguhit rin na pula—more like kalmot mula sa baywang nito hanggang sa mga hita. May parang hulma ng kamay rin ang bukungbukong nito na para bang napakahigpit na hinawakan ito roon.

Siya ba ang may gawa ng lahat ng pasa nito sa katawan? Pero imposible iyon. Alam niyang may pagkamarahas siya kagabi pero maingat pa rin niyang hinahawakan ang kaniyang asawa dahil ayaw niya itong masaktan.

He would not dare hurt her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status