ログイン"Where are we going?!"
Matapos ang eksenang yakapan at pag-iiskandalo ko kanina sa Information ay halos kaladkarin ako ni Leon papasok sa elevator. He pressed the 3rd floor and patiently waited for the door to open. Dahil siguro matagal na siyang nagtatrabaho rito sa Vitale Resort ay alam na alam niya ang pasikot-sikot sa hotel at may access din siya kahit sa mga restricted area.
"Hey! Saan tayo pupunta?" muli kong tanong ng hindi niya ako pinansin kanina.
"Magpapakasal," baliwalang sagot naman niya at muli akong hinawakan sa aking pulsuhan bago hinila palabas ng walang ka-care-care ng bumukas ang elevator.
"Teka sandali!" Marahas kong ipinigkas ang kamay kong hawak niya at itinuro ang nakasarang p***o na may nakalagay na VIP Room. Alam na alam ko ang silid na 'yon! "Are you nuts?! Magpapakasal tayo riyan sa VIP Room na 'yan? I've been inside that freaking VIP Room before and got interviewed by that COO, who failed me without the blink of an eye! Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko sa lalaking 'yon!"
Manghang napatitig siya sa akin. "Baka naman kasi hindi ka qualified-"
"Perhaps, Im over qualified at natakot siyang magkatotoo ang mga pinagsasabi ko patungkol sa isang libo't isang gago niyang amo kuno!"
"Oo na lang, kwento mo 'yan e," baliwalang sabi niya.
Muli niya akong tinitigan na halos magpanginig ng tuhod ko. Ewan ko ba kung bakit may ganoong effect ang mga titig ng lalaking ito sa akin. Nakatingala lang naman ako sa kanya dahil hanggang leeg niya lang ako. Matangkad nga talaga siya. Malaki ang kamay niya, mahahaba ang mga daliri, at dahil halos isang ruler lang ang pagitan naming dalawa ay kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya.
Humahanga na ako nang matigilan dahil sa pagkislap ng kung ano. Ah, oo nga pala, meron siyang hikaw sa ilong niya. Isang dot silver nose ring. And that ruined everything! Napasimangot ako at saka umatras sa kanya palayo. Nang tumingin siya sa akin ay nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang reaksyon ko.
Sa gulat ko ay pinamewangan niya ako. "Ano na, magpapakasal pa ba tayo o magtititigan na lang tayo rito?"
Kumibot ang sentido ko. "What?!"
"Cavolo, è carina!" paungol na sabi niya.
Nangunot naman ang noo ko dahil hindi ko talaga siya na-gets at hindi rin halos narinig. "What did you say?!"
Tumingin ulit siya sa akin, pero naglalaro na sa kislap ng mga mata niya ang pagkaaliw. Nainis naman ako, kasi bakit naguguwapuhan pa rin ako sa kanya, kahit ang angas at slight annoying ng dating niya?!
"Ang ganda mo sana, kaso bingi ka!" nakangising sabi niya. "Halika na, ng maikasal na tayo."
Bingi? Did he just call me bingi?! What the F! Hindi porke't kailangan ko siya ay basta na lang siyang mas nakakataas sa akin!
"Anong-"
Imbes na sagutin ako ay halos itulak niya na ako papasok sa VIP Room. "Pasok na, ang dami pang satsat!"
"Hey man-"
"Good afternoon, Sir!" malakas niyang bati sa lalaking nakaupo sa swivel chair na nakataas pa ang mga paa sa mesa. "Sir, ako ho pala si LEON ALASTAIR at kasama ko ho itong girlfriend ko na si AVERY ALFONZO... puwede niyo ho ba kaming ikasal ngayon? Sa lalong madaling panahon sana!"
Ang lalaking kausap ni Leon ay si Red Aragon na siyang nag-interview sa akin at siya ring COO raw ng Vitale Resort. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit napatanga siya at takang-taka sa mga pinagsasabi ni Leon.
Halos ipagduldulan din ni Leon ang mga pangalan namin kay Red na lalong ikinataka ng lalaki. Pero kahit naman siguro ako ay magtataka at baka himatayin pa kung may biglang papasok sa opisina ko at magpapakasal sa katirikan ng araw.
"I'm sorry Mr. Aragon, but don't mind my... m-my fiancée. Hindi lang siya nakainom ng gamot na pangpakalma, tsaka maling opisina ang napasukan namin-"
"No worries, Miss Alfonzo, both of you were in the right place," Red said, a low chuckle scratching at the quiet room. He locked his gaze with Leon, who was confidently standing beside me. "So, ahm... you two wanted to get married right away? I can do that, but on one condition."
"Anything, Sir, nagmamadali kami," putol naman ni Leon sa kanya.
"Wait!" singit ko para naman may ambag ako sa kwentong 'to! "This is not the right place-"
Mariing hinawakan ni Leon ang kamay ko bago umapela. "But this is the right time. So, Sir, please ikasal mo na kami ngayon na. Kahit anong kondisyon pa 'yan."
Malakas na napatawa si Red habang kaming dalawa ni Leon ay nakatitig lang sa kanya. Dalawang minuto pa ang tinagal ng tawa niya na para bang nagjo-joke kaming dalawa ni Leon.
"Are you done?" inis na tanong ko ng sa wakas ay tumigil na siya. "I never thought na nagpapari ka rin pala at nagkakasal ng gustong magpakasal."
"What can I say Miss Alfonzo — or should I say Misis Vi-"
"Sir!"
Napalingon ako kay Leon nang biglaang napasigaw siya. Ang kaninang kumpiyansa at tila pa-easy-easy lang ay biglang wala na. Pati ang mga mata niya ay malamig na. Nilampasan na rin niya ako na wala man lang pasabi at dumiretso sa kinauupuan ni Red.
"Ikakasal mo ba kami o hindi... SIR?"
Nang lumingon sa gawi ko si Leon ay ngumisi ito
nang makitang kampante lang akong nakatayo, isang dipa ang layo mula sa likuran niya at nakataas ang isang kilay na pinapanood sila. Pero halos magpanting ang tenga ko nang dahil sa sumunod na sinabi niya.
"Kailangan ko ng pera, SIR! Thirty thousand monthly ang offer niya—mas mataas pa sa suweldo ko rito, kaya naman, Sir, ikasal mo na kami ngayon na!"
"Easy, man, sigurado ka na ba sa babaeng 'yan? I mean kay Miss AVERY Alfonzo?"
May kakaibang tunog para sa akin ang tono ng boses ni Red. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to para pag-isipan ako ng hindi kanais-nais. Isa pa, mukha ba akong kaduda-duda?
"Mas okay siguro kung sa simbahan na lang tayo dumiretso kaysa sa walang kuwentang COO niyo!" walang pakialam na sabi ko.
"Hey, you're so mean!"
"You're meaner!" nakalabi kong sagot kay Red, saka nangunyapit sa braso ni Leon. "Hubby, protect me from that dumbass! Jerk talaga since day one!"
"Okay fine! Let's get you, we'd lovers!" sukong singhal sa amin ni Red na ikinangisi ko. Winner!
"Mr. Ale — Alastair, tinatanggap mo ba si Miss Alfonzo bilang iyong—"
"Beautiful sugar baby!" singit ko. Napaubo naman si Leon na para bang hindi mapakali. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pilit na itinapat sa mukha ko upang mapatitig siya. "Be still... ako lang to. Huwag kang masyadong pahalata na gandang-ganda ka sa akin."
Hindi nga siya gumalaw at tumitig lang sa akin. Hindi ko na rin namalayan ang sarili na nakatitig na lang din sa kanya, sa makinis na pisngi niya na bahagya nang namumula sa init, mga mahahabang pilik-mata niya, sa matangos na ilong na may kaunti na ring pawis, at sa mga labi niyang mapupula na minsan ay nakakagat niya ang pang-ibaba.
Nang kalampagin ni Red ang lamesa sa harap namin ay sabay pa kaming nagulat ni Leon.
"You may now kiss each other and get the hell out of here!"
Tumingin si Leon sa gawi ni Red at nginisihan niya ito. "Hindi ka naman nagmamadali, Sir? Wala pang I do, kiss na agad. Pero salamat na rin Sir, we will reserve that kiss. Mauna na kami. Siguraduhing sanang maipapasa sa munisipyo ang papel namin ng MISIS ko para maging legal ang kasalang ito."
Sa mga sinabi ni Leon, para bang mas excited pa siya na pinakasalan niya ako kaysa noong niyaya ko syang magpakasal sa akin. Ganoon ba katindi ang pangangailangan niya? Poor guy, handang sumabak sa kahit anong laro sangalan ng pera. O baka naman... he likes me? Shit! Hindi puwede! No feelings involved, maliwanag pa sa sikat ng araw na sinabi ko 'yon sa kanya!
Buong tapang kong binitiwan ang tanong. "Leon... Do you like me?!"
Hindi naman siya sumagot.
Napalunok ako dahil sa aking tingin ay alam ko na ang ibig sabihin niyon. Yes, he was handsome and all, but he was not my type. I was not into bad guys, lalo na sa poordoy! No choice lang ako at siya ang available nang biglaang hinila ako ng lalaking kakailanganin ko. But how could I reject him after all he had done for me?
Ah, whatever! Nakapag-decide na ako. Hindi ko siya paasahin. Huminga ako nang malalim. Dederetsahin ko na siya bago pa siya tuluyang ma-fall sa akin.
"Leon, 'wag ka sanang malulungkot pero kasi hindi kita-"
"ASA."
"Ha?" Anong asa ang pinagsasabi niya.
Nang lingunin niya ako ay nagulat ako dahil nangingislap ang kanyang mga mata. "Hindi ako mahilig sa conyo, at baka ikaw pa nga ang magkagusto sa akin."
"Me? Conyo?" gilalas na turo ko sa sarili. "And over my dead beautiful body, hindi ako magkakagusto sayo!"
"Hindi naman ganoon kaganda ang body mo," buwelta nya na lalong kinainis ko. Ang tamis pa nga ng pagkakangiti niya na sinuri ang kabuuan ko. "Maliit boobs mo. Sakto lang ang pang-upo mo, pero mas prepared ko yong malaki sana para exciting. Tapos medyo may kaliitan ka pa. Mukha tayong magkuya kaysa mag-asawa. Pero sige, pumapatol naman ako sa nene-"' Hindi niya na natapos ang sinasabi nang makita ko na lang ang aking kamao na lumilipad patungo sa kanyang panga.
Sa pagkabigla yata ay muntik na siyang masubsob sa
sahig; mabuti na lang at napahawak siya sa mesa. Hawak ang panga, habang windang na sa akin ay napatingala siya. "Langya, babae ka ba talaga? Bakit ang lakas mong sumapak?!"
"Hinding-hindi talaga kita magugustuhan!" bulyaw
ko na humihingal sa gigil. "Hinding-hindi! I hate you!"
"Hoy, I hate you, too!" bulyaw rin niya pabalik. Galit na rin siya at parang gusto na niya akong tirisin, pero wala akong pakialam! Mas galit ako!
"I hate you so much!" bulyaw ko na halos maglabasan ang aking litid sa leeg. "I hate you times one million!"
"Nah... this game looks exciting!" bulalas na sabi naman ni Red na lalong nagpainit sa ulo ko. "Remember, guys, bagong kasal kayo at dapat sana ay magha-honeymoon na."
"Magsama kayong dalawa! Ang papangit nyo!"
"Hoy, wifey, okay lang na magalit ka, pero huwag kang magsisinungaling!"
Sa inis, iniwan ko silang dalawa at nauna nang lumabas sa VIP Room bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko at mapatay ko silang dalawa!
****
Tumayo na ako at naghanap ng damit na pamalit. Hindi ko magets kung bakit binigyan niya ako ng tuwalya. Samantalang naligo naman na ako kanina, tapos mag-swimming daw kami. So? Anong use ng tuwalyang ito, aber?Napagpasyahan kong ang kulay purple kong pajama at medyo light purple na maluwang na sando na lang ang aking isusuot. Wala akong balak na mag-swimming. Isa pa, may mangilan-ngilan pang naliligo at tila nagde-date sa beach. After I changed my clothes, I borrowed Leon's spare slipper and went outside. Iniwan ko na ang towel na inabot niya kanina. Tutal, malapit lang naman sa beach ang bahay niya.Habang naglalakad ako palapit sa tila nakahigang coconut tree kung saan nakaupo si Leon, ay damang-dama ko ang lamig ng ihip ng hangin. Ang payapa ng isla. Wala akong ibang naririnig kundi ang masayang kantahan ng magkakaibigan o pamilya sa mga cottage. Halakhak ng mga kabataan at magkasintahan na naghahabulan sa pinong buhangin. At ang payapang hampas ng mga alon sa batuhan.I inhaled
ANG INIT NG PALAD NIYA.Ang haba rin ng mga daliri na nakakapit sa akingpulso. Malakandila, natalo pa ang mga daliri ko kahit na nga ba maintenance siya sa resort na ito. Kung may magagamit lang talaga ako, hindi ako papayag na hindi ko siya malalagyan ng nail polish kahit one time lang. Ang cute siguro ng nails niya lalo na kung may design na heart and star.Habang naglalakad kami, este, kinakaladkad niya ako, ay pinagtitinginan kami ng lahat. Pati mga empleyado at maging mga turista na nadaanan namin ay humahabol sa amin ng tingin. Paano ba naman kasi, mukha akong batang pinapauwi ng nakatatandang kapatid sa bahay. Sinubukan ko namang hilahin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya, kaso sa isip nga lang. Mahirap na, seryoso ang sugar daddy ko at mukhang wala sa mood. Baka ako na naman ang mapagbuntunan ng stress niya. Subukan niya lang talaga!Saka niya lang binitiwan ang kamay ko nang nasa mismong lobby na kami ng hotel, kung saan naroon si Gema. Ang receptionist na ngayon ay t
"Kinilig ka naman!"Kung kanina ay medyo naguguluhan at nagulat pa ako sa mga sinasabi niya, ngayon ay napalitan na ito ng inis. Makakatikim talaga ng mag-asawang black eye sa akin ang lintek na lalaking 'to!Mabilis akong kumandong sa kandungan niya at humarap sa kanya. Sinakal ko na rin ang leeg niya ng manahimik na pareho ang buhay naming dalawa."Alam mo, ikaw, kung hindi lang kita kailangan, matagal na kitang ginilitan ng leeg!" Mas diniinan ko ang pagkakasakal sa leeg niya, pero parang baliwala lang sa kanya.Sa halip na mainis ang baliw na lalaki ay nginisihan pa ako. Mariin niya ring hinawakan ang magkabila kong baywang at pilit akong pinipigilan."Don't move!" aniya, na ngayon ay medyo seryoso na. Namumula na rin ang mukha niya, kaya naman bahagya kong niluwagan ang kamay kong nakasakal sa leeg niya. Baka kasi matuluyan, kargo ko pa."Ano? Suko ka na?" Baliwalang singhal ko naman."I said don't move, or else you'll be sorry!"My brows furrowed and look at the thing he was sta
Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa paglilinis ng mesa. Siya ang naghuhugas ng mga pinagkainan habang ako ang nagpapatuyo at naglalagay ng mga plato, kubyertos, at baso sa lalagyan. Nang makatapos siya sa lababo ay pinanood niya ako sa ginagawa ko.Pilit ko siyang ini-ignore, kaya lang ang hirap. Nang tingalain ko siya para sawayin ay nagulat ako nang bigla naman siyang yumuko para bigyan ng mabilis na halik ang aking nakaawang na mga labi. Natulala ako."Sorry, ngayon lang ako nakakuha ng tamang tiyempo. Nawala na kasi sa isip ko yung 'you may now kiss the bride' noong kinasal tayo."Nang makabawi ay inirapan ko siya. "Quits na tayo. Isang halik katumbas ng isang buwan mong suweldo! Tsaka ikaw na ang tumapos nito, tutal ikaw lang naman ang kumain!"Binitiwan ko ang malinis na basahan. Kinuha naman niya iyon at ngingiti-ngiti pa rin nang ituloy ang aking iniwang ginagawa. "Huwag ka munang umalis. Hintayin mo ako. Para naglalambing lang, ang KJ mo naman!"Umismid ako pero hindi naman
CASH ADVANCE?Kunot ang noong nakatitig ako sa kanya. Never pa akong nakakita ng lalaking talagang nakalahad pa ang kamay at humihingi ng cash advance sa akin. Meron man, yon ay tanging si Leon lang. Siya lang yata talaga ang lalaking namumukod-tangi at saksakan ng kapal ng mukha! Tigas din talaga ng panga!"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko sa kanya. Nagpipigil ng galit at napapabuntong-hininga."Alas dose pasado ng tanghali," walang pakialam namang sagot niya. "Wrong!" Sinipat niya ang kanyang relo bago muling tumingin sa akin ng nagtataka. "Oras na para gilitan ka ng leeg at manahimik ka ng lintek ka! Ang aga-aga, pera agad ang ibubungad mo sa akin. Nakakamalas sa buhay ang magpalabas ng pera sa umaga!"I was about to punch him but he grabbed my wrist and immediately pushed me to the door. "Alam mo, ikaw, ang liit-liit mong tao pero napakatapang mo!" He pinned my arms at the top of my head and lowered his face toward me. "Kung patayin kaya kita sa halik ngayon… may magaga
"Where are we going?!"Matapos ang eksenang yakapan at pag-iiskandalo ko kanina sa Information ay halos kaladkarin ako ni Leon papasok sa elevator. He pressed the 3rd floor and patiently waited for the door to open. Dahil siguro matagal na siyang nagtatrabaho rito sa Vitale Resort ay alam na alam niya ang pasikot-sikot sa hotel at may access din siya kahit sa mga restricted area."Hey! Saan tayo pupunta?" muli kong tanong ng hindi niya ako pinansin kanina."Magpapakasal," baliwalang sagot naman niya at muli akong hinawakan sa aking pulsuhan bago hinila palabas ng walang ka-care-care ng bumukas ang elevator."Teka sandali!" Marahas kong ipinigkas ang kamay kong hawak niya at itinuro ang nakasarang pinto na may nakalagay na VIP Room. Alam na alam ko ang silid na 'yon! "Are you nuts?! Magpapakasal tayo riyan sa VIP Room na 'yan? I've been inside that freaking VIP Room before and got interviewed by that COO, who failed me without the blink of an eye! Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang







