Share

CHAPTER 06

Author: Paupau
last update publish date: 2026-09-19 16:05:28

Paano ko 'yon makakalimutan?!

Anong oras na ay hindi pa rin ako makatulog. Natanggal na rin ang bedsheet ng hinihigaan ko dahil kanina pa ako pabaling-baling sa kama. Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader, pero never mind na lang. Ayaw kong masaktan dahil lang sa hindi ko makalimutan ang sinabi ni Leon.

Hindi na nga pala natuloy ang promise kong ipagluluto ko siya pagkatapos kong mag-shower. Paglabas ko kasi ng banyo, natulala siya ng slight, tapos nagbago ng anyo. Ewan ko sa taong 'yon! Hindi yata bukal sa loob niya na pinahiram niya sa akin ang white T-shirt niya na hanggang ngayon ay suot ko pa, tapos walang pakialam na pinauwi na niya ako.

Kailangan niya muna raw ng peace of mind at mangyayari lang 'yon pag wala ako sa bahay niya. Bukod daw kasi sa napakaingay ko'y ang arte-arte ko pa. See, ugaling patapon talaga!

Alas-onse pasado na ng gabi ay hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok. Sa huli, tumayo na lang ako at nagtimpla ng kape. Kinuha ko rin ang cellphone ko at doon sa maliit na balkonahe nagkape.

Kitang-kita ko ang Vitale Island mula sa kinalulugaran ko at napakaganda ng kislap ng dagat na tinatamaan ng liwanag ng buwan. Malamig din ang simoy ng hangin na talagang sariwa at walang amoy ng polusyon at basura. Tunay ngang malaparaiso sa ganda ang isla.

I unlocked my phone and dialed Avi's number. Nakailang ring lang ay kaagad niya rin namang sinagot. Nag-invite naman siya na mag-FaceTime kami, kaya pinagbigyan ko na.

"How are you, love?" kaagad niyang tanong sa akin.

Halos lumuwa naman ang mga mata ko ng makita kong naka-borles ang gaga! "What the heck Avi!" Natigilan lang ako ng biglang sumilip si Xavier… my ex-husband na asawa na ngayon ng kambal ko. Well, ganyan talaga ang buhay. Share your blessings ika nga nila.

"Aren't you asleep yet, Very? Bakit gising ka pa?" malamig na tanong niya. Kung si Avi ay kung anu-anong kuskos-balungos ang suot, si Xavier naman ay tanging boxer shorts na lang ang natitira sa katawan.

"Nagse-sex ba kayo? Nakaistorbo ba ako?" sunod-sunod ko namang tanong. Hindi ko na sinagot si Xavier dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Tsaka kung gaano siya kabilis na sumulpot ay ganoon din siya kabilis na nawala.

"Well, nakadalawang round pa lang kami," baliwalang sagot ni Avi sa akin. Nagsuot na siya ng T-shirt bago humarap sa akin. "Kumusta ka na? Kailan ka uuwi? At nasaan ka ba ngayon?" sunod-sunod niyang tanong.

"I'm leaving my best life Avi-"

"Oh cut the craft Very! Baka nakakalimutan mong iisa lang ang bituka natin." Pinanlakihan niya ako ng mga mata saka tinanong. "Ano? Nakausap mo na ba si Alessandro? What's your plan? Do you need my help?"

Tulad ko'y hindi pa rin nakikita ni Avi si Alessandro Vitale. Pero nabanggit ko sa kanya na magkaibigan si Alessandro at ang asawa niyang si Xavier, kaya naman kung mapipiga sana niya si Xavier ng kahit anong detalye patungkol kay Alessandro ay napakalaking bagay na. Pero ang hunghang na si Xavier ay ayaw makipag-cooperate. Labas daw siya sa kung ano man ang pinaplano namin ni Avi.

Umiling ako. "Hindi ko pa siya nakakausap. Tinataguan yata ako ng gagong 'yon!"

"But you guys are really married?" muli niyang tanong.

"Neknek niya!" sagot ko naman. "I got myself a contract husband. His name is Leon. He's kinda handsome naman, but super bobo."

Nanglaki ang mga mata ni Avi. "Oh gosh! Spill the tea sis!"

"Well, I'm desperate, you know." Napabuntong-hininga ako. "I tried to apply at Vitale Resort and Hotel as Alessandro's assistant, but that ass, Red Aragon, failed me. On the second day, I was so mad, Avi. So mad that I threatened the receptionist. Then, the chismis you told me about Alessandro was broadcast on the news. That just fueled my anger."

"So? How did you end up having a contract husband?" Seryosong tanong niya. Halatang chismosa talaga. "I want the exact and complete story, ayaw ko ng shortcut got it?!"

Inirapan ko siya. Pero sa huli ay kinuwento ko na rin naman ang buong detalye at baka hindi makatulog si Avi, buntis pa naman.

"Are you sure hindi ka mai-in love?" Taas ang isang kilay na tanong niya pagkatapos kong ilahad ang ultimo kaliit-liitang detalye. "Kasi sinabi ko rin yan dati, but look at me now? Kay Xavier lang kumalampag at heto, konting push na lang, magiging tita ka na."

I smiled at her. I'm happy that Avi found her love and happiness. Yon lang naman ang lagi kong ipinagdarasal. Ang kaligtasan niya at kasiyahan niya.

Sabi nila, pag in love daw kasi, nawawala sa sarili ang isang tao. Puro puso na lang pinapairal. Yong iba pa nga, kahit kumakalam na ang sikmura, basta sabihan ng 'I love you' ay nabubusog bigla na parang timang! Hay, ang hirap talaga ma-in love. Nakakabulag. Huwag naman sanang mangyari sa akin ang ganoon dahil malamang na magdiriwang ang mga bashers ko, pati na rin ang chismosa kong kapatid na si Avi.

"Nope!" Matatag na sagot ko bago ko pinutol ang tawag. "Got to go. Matulog ka na! Love you, babe!"

Hanggang crush-crush lang talaga ako. Pampa-inspired lang dahil nakakaumay nang mabuhay. Pero kung mas malalim pa doon... no comment. Pumasok na ako sa kuwarto at sumubsob sa kama. Nagpatugtog na lang ako ng malakas gamit ang aking cellphone, hanggang sa nakatulog ako.

PAG-SAPIT NG UMAGA…

Daig ko pa ang zombie na susuray-suray na lumabas upang pagbuksan ng p***o ang lintek na kung sinumang katok ng katok! Kitang puyat ang tao, ang aga-aga may nang-iistorbo.

Nagtagis ang mga ngipin ko, at kahit hindi pa halos nakadilat ang mga mata ko ay ramdam ko na ang panlilisik ng mga ‘yon. Kaunti pa naman ang stock kong pasensiya tuwing umaga. Kaya kung sino man ang nasa labas na walang awang pinagbabayo ang pintuan ng cottage na tinutuluyan ko ay may kalalagyan talaga siya!

“What the hell is your problem!” sigaw ko pagkabukas pa lang ng p***o. Wala na akong pakialam kung may panis na laway pa ba ako o kung nagmamantika pa ang mukha ko.

“Magandang umaga rin sayo.”

Kaagad akong napadilat. Magrarant pa sana ako nang biglang hawakan niya ang doorknob at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Pakiramdam ko ay naubos ang oxygen sa paligid ng ilang minuto. Hindi ko alam kung epekto ba to ng puyat at dahil inaantok pa ako, o epekto ng nagising na inaaltapresyon.

Mula sa p***o ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot siya ng plain white V-neck shirt and a pair of dark brown cargo pants.

Kahit na lutang pa ako at hindi pa tuluyang sumasanib ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko, ay hindi pwede na hindi ko siya makilala. He was the humorless, annoying, and slightly bobo, but handsome Leon Alastair, my contracted husband for hire.

And just like the first time I met him, being serious was his normal reaction. And the annoying smirk on his lips was his favorite thing to do to annoy me even more!

Ni hindi man lang na-shock na kagigising ko lang at hindi pa naghihilamos at mumog man lang. Wala rin siyang violent reaction sa suot kong T-shirt na hiniram ko sa kanya at maikling seamless shorts. And take note… wala akong bra!

Parang dati lang ay halos ibalot ako ng mga magulang ko. Na kahit katirikan ng araw ay naka-turtle neck ako o di kaya ay long sleeves. Baka hinimatay si Mommy kapag nakita niya ako na ganto ka-revealing ang suot ko.

Nang bumaba ang walang emosyon niyang mga mata at bumaling sa akin ay para akong natatanga na hindi ko alam kung saan babaling ng tingin. Sa huli, no choice ako kundi salubungin ang magandang uri ng kulay itim na itim niyang mga mata.

Napalunok ako. Lalo yata siyang gumwapo at tumangkad kaysa nang huli ko siyang makita, which was kahapon lang. At ang bango niya yata ngayon. Gayunpaman ay wala akong pakialam. Hindi ko pinangarap na makita siya o makaharap man lang sa umaga na ganito ang aking itsura. Napaka-unfair!

"Don't think of anything funny. I just came here to tell you that… mag ca-cash advanced ako,” he said with a stern face. “Tsaka… mas pangit ka pa pala sa umaga.”

The heck!

*******

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 11

    Tumayo na ako at naghanap ng damit na pamalit. Hindi ko magets kung bakit binigyan niya ako ng tuwalya. Samantalang naligo naman na ako kanina, tapos mag-swimming daw kami. So? Anong use ng tuwalyang ito, aber?Napagpasyahan kong ang kulay purple kong pajama at medyo light purple na maluwang na sando na lang ang aking isusuot. Wala akong balak na mag-swimming. Isa pa, may mangilan-ngilan pang naliligo at tila nagde-date sa beach. After I changed my clothes, I borrowed Leon's spare slipper and went outside. Iniwan ko na ang towel na inabot niya kanina. Tutal, malapit lang naman sa beach ang bahay niya.Habang naglalakad ako palapit sa tila nakahigang coconut tree kung saan nakaupo si Leon, ay damang-dama ko ang lamig ng ihip ng hangin. Ang payapa ng isla. Wala akong ibang naririnig kundi ang masayang kantahan ng magkakaibigan o pamilya sa mga cottage. Halakhak ng mga kabataan at magkasintahan na naghahabulan sa pinong buhangin. At ang payapang hampas ng mga alon sa batuhan.I inhaled

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 10

    ANG INIT NG PALAD NIYA.Ang haba rin ng mga daliri na nakakapit sa akingpulso. Malakandila, natalo pa ang mga daliri ko kahit na nga ba maintenance siya sa resort na ito. Kung may magagamit lang talaga ako, hindi ako papayag na hindi ko siya malalagyan ng nail polish kahit one time lang. Ang cute siguro ng nails niya lalo na kung may design na heart and star.Habang naglalakad kami, este, kinakaladkad niya ako, ay pinagtitinginan kami ng lahat. Pati mga empleyado at maging mga turista na nadaanan namin ay humahabol sa amin ng tingin. Paano ba naman kasi, mukha akong batang pinapauwi ng nakatatandang kapatid sa bahay. Sinubukan ko namang hilahin iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya, kaso sa isip nga lang. Mahirap na, seryoso ang sugar daddy ko at mukhang wala sa mood. Baka ako na naman ang mapagbuntunan ng stress niya. Subukan niya lang talaga!Saka niya lang binitiwan ang kamay ko nang nasa mismong lobby na kami ng hotel, kung saan naroon si Gema. Ang receptionist na ngayon ay t

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 09

    "Kinilig ka naman!"Kung kanina ay medyo naguguluhan at nagulat pa ako sa mga sinasabi niya, ngayon ay napalitan na ito ng inis. Makakatikim talaga ng mag-asawang black eye sa akin ang lintek na lalaking 'to!Mabilis akong kumandong sa kandungan niya at humarap sa kanya. Sinakal ko na rin ang leeg niya ng manahimik na pareho ang buhay naming dalawa."Alam mo, ikaw, kung hindi lang kita kailangan, matagal na kitang ginilitan ng leeg!" Mas diniinan ko ang pagkakasakal sa leeg niya, pero parang baliwala lang sa kanya.Sa halip na mainis ang baliw na lalaki ay nginisihan pa ako. Mariin niya ring hinawakan ang magkabila kong baywang at pilit akong pinipigilan."Don't move!" aniya, na ngayon ay medyo seryoso na. Namumula na rin ang mukha niya, kaya naman bahagya kong niluwagan ang kamay kong nakasakal sa leeg niya. Baka kasi matuluyan, kargo ko pa."Ano? Suko ka na?" Baliwalang singhal ko naman."I said don't move, or else you'll be sorry!"My brows furrowed and look at the thing he was sta

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 08

    Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa paglilinis ng mesa. Siya ang naghuhugas ng mga pinagkainan habang ako ang nagpapatuyo at naglalagay ng mga plato, kubyertos, at baso sa lalagyan. Nang makatapos siya sa lababo ay pinanood niya ako sa ginagawa ko.Pilit ko siyang ini-ignore, kaya lang ang hirap. Nang tingalain ko siya para sawayin ay nagulat ako nang bigla naman siyang yumuko para bigyan ng mabilis na halik ang aking nakaawang na mga labi. Natulala ako."Sorry, ngayon lang ako nakakuha ng tamang tiyempo. Nawala na kasi sa isip ko yung 'you may now kiss the bride' noong kinasal tayo."Nang makabawi ay inirapan ko siya. "Quits na tayo. Isang halik katumbas ng isang buwan mong suweldo! Tsaka ikaw na ang tumapos nito, tutal ikaw lang naman ang kumain!"Binitiwan ko ang malinis na basahan. Kinuha naman niya iyon at ngingiti-ngiti pa rin nang ituloy ang aking iniwang ginagawa. "Huwag ka munang umalis. Hintayin mo ako. Para naglalambing lang, ang KJ mo naman!"Umismid ako pero hindi naman

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 07

    CASH ADVANCE?Kunot ang noong nakatitig ako sa kanya. Never pa akong nakakita ng lalaking talagang nakalahad pa ang kamay at humihingi ng cash advance sa akin. Meron man, yon ay tanging si Leon lang. Siya lang yata talaga ang lalaking namumukod-tangi at saksakan ng kapal ng mukha! Tigas din talaga ng panga!"Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko sa kanya. Nagpipigil ng galit at napapabuntong-hininga."Alas dose pasado ng tanghali," walang pakialam namang sagot niya. "Wrong!" Sinipat niya ang kanyang relo bago muling tumingin sa akin ng nagtataka. "Oras na para gilitan ka ng leeg at manahimik ka ng lintek ka! Ang aga-aga, pera agad ang ibubungad mo sa akin. Nakakamalas sa buhay ang magpalabas ng pera sa umaga!"I was about to punch him but he grabbed my wrist and immediately pushed me to the door. "Alam mo, ikaw, ang liit-liit mong tao pero napakatapang mo!" He pinned my arms at the top of my head and lowered his face toward me. "Kung patayin kaya kita sa halik ngayon… may magaga

  • Dark Secret Series 4: My Bad Romance   CHAPTER 03

    "Where are we going?!"Matapos ang eksenang yakapan at pag-iiskandalo ko kanina sa Information ay halos kaladkarin ako ni Leon papasok sa elevator. He pressed the 3rd floor and patiently waited for the door to open. Dahil siguro matagal na siyang nagtatrabaho rito sa Vitale Resort ay alam na alam niya ang pasikot-sikot sa hotel at may access din siya kahit sa mga restricted area."Hey! Saan tayo pupunta?" muli kong tanong ng hindi niya ako pinansin kanina."Magpapakasal," baliwalang sagot naman niya at muli akong hinawakan sa aking pulsuhan bago hinila palabas ng walang ka-care-care ng bumukas ang elevator."Teka sandali!" Marahas kong ipinigkas ang kamay kong hawak niya at itinuro ang nakasarang pinto na may nakalagay na VIP Room. Alam na alam ko ang silid na 'yon! "Are you nuts?! Magpapakasal tayo riyan sa VIP Room na 'yan? I've been inside that freaking VIP Room before and got interviewed by that COO, who failed me without the blink of an eye! Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status