Share

Kabanata 18

Trust Issues

Kung wala lang akong konsensiya, hinayaan ko na si Theros dito sa gilid ng kalsada. Pero dahil naaawa ako sa kaniya ay hindi ko siya matiis.

Iniwan ko si Theros doon at pinuntahan ko si Manager Kim para magpaalam.

"Uuwi ka na, Dawn?" tanong ni Lino nang makitang bitbit ko ang bag ko.

Tumango ako at sinulyapan si Theros na nakayuko ro'n.

"May pasaway pa akong dapat alagaan," sabi ko.

"Mukhang pinahihirapan ka ng lalaking 'yan. Gumaganti ba siya sa pagkagasgas mo sa kotse niya?"

Huminga ako nang malalim bago nagkibit-balikat. Nagpaalam na ako kay Lino bago ako muling lumapit kay Theros.

"Huy," sabi ko at kinalabit siya. Agad naman niya akong tiningala. Bahagyang namumula ang mga mata niya kaya muli akong napabuntonghininga. "Halika na. Bumalik na tayo sa condo mo."

Sagl

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status