Share

Kabanata 23

Confess

Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. Yakap-yakap ako ni Theros at hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko. Ano ba 'to?

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. 

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

Kumunot ang noo ko bago dahandahang umiling. "H-Hindi naman. Bakit naman ako masasaktan, nandito lang naman ako sa condo mo?" naguguluhang tanong ko.

Napapikit siya bago napabuntonghininga. Pagdilat niya ay biglang nagbago ang emosyon niya. Parang bigla siyang nagalit.

"Bakit ba kasi hindi mo sinasagot ang tawag ko! Kaya ka nga may phone para matanggap ang importanteng tawag."

Napakurap ako. "Tumawag ka?"

Nasapo niya ang noo niya kaya agad kong kinuha ang phone ko sa bag. Doon ko lang napansin na lowbat na pala ito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status