Share

Chapter 7

Kinaumagahan nang bumukas ang mga mata ko ay mukha mismo ng napakagwapong lalaki ang tumambad sa akin. 

Ngayon ko lng nahalata na ang lapit-lapit na pala namin sa isa’t. 1 inch na lamang ang pagitan ng mukha namin at ang braso nya ay nakapulupot pa sa bewang ko.

O TO THE M TO THE G! hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lakas nanh kalabog ng puso koooo!! 

At nang bumaba yung tingin ko ay nakikita ko ang kalahating katawan niyang hindi natatakpan ng kumot. Tapos nagulat pa ako dahil yakap yakap ko ito. WHAT THE HECK?!! yung… y-yung… yung abssss niya! ibig sabihin magdamag ko itong kayakap at hawak?!! mukhang hindi ko na kailangang mag almusal kasi ngayon pa lang busog na busog na ako. HAHAHAHAHAHAH Rawr! 

Binalik ko naman agad ang tingin ko sa mukha niya. Feeling ko namumula na ako.

Ang sarap niya namang titigan. 

Luh? ano ba itong pinagsasabi ko? 

Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang kanyang mga mata at nagtama ang paningin namin. 

“tititigan mo lng ba ako?” saad niya at kahit bagong gising lng sya, ang hot nang dating ng boses niya. 

Mas namula ako sa narinig ko. Gising na ba talaga ito? ibig sabihin alam niyang kanina ko pa siya pinagnanasaan? ay este tinititigan palaaa! 

“h-hindi ah!” umiwas ako nang tingin at nagmaang-maangan

“gusto mo ulitin natin yung nangyari kagabi?” saad niya na ikinakalas ko nang yakap. 

luh? pinagsasabi nito? 

Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang sakit sa ibaba ng aking katawan. Kaya napaupo nlng ulit ako. 

“hey, mahapdi ba?” tanong niya akin

“tinatanong pa ba iyan?!” singhal ko sa kanya. 

“so that means yes?”

“malamang! alangan namang hindi” nakakaloka talaga tong lalaking toh! 

“tiisin mo lng, mawawala din iyan” ngisi niyang saad sa akin

“ikaw…” saad ko habang pinagpapalo sya. 

“kasalanan mo toh!” bulyaw ko. Nakakainis sya! Ang sakit sakit ng parteng ibaba ko. Kagabi kasi…arghhhh ayokong maalala!

Pinalit kong tumayo at eto ako, paika-ikang lumalakad. Sumasakit eh, hayst. Nagulat na lamang ako nung may bumuhat sakin. At sino pa nga ba? 

“hindi ka ba naaawa sa sarili mo? pwede ka namang humingi ng tulong” saad niya. Tama naman sya pero bahala sya dyan at naiinis ako sa kanya. 

Pero hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin, simula noong nangyari kagabi, parang may nag-iba. Sa tuwing nagdidikit ang balat namin ay parang may kuryenteng dumadaloy tapos lumalakas ang tibok ng puso ko. May sakit na yata ako o baka naman may malaking epekto iyong nangyari kagabi? 

Habang malalim ang iniisip ko ay naramdaman ko na lamang na ini-upo niya ako sa upuan ng dining table. May naka serve ng breakfast at tamang tama na gutom na ako. 

“hmp! ang laki nang kasalanan mo! nasasaktan na nga ako kagabi masyado mo pang diniinan. Wala kang awa!” bulyaw ko sabay irap sa kanya ngunit tinawanan nya lng ako. Aba gago talaga! 

“bakit ba ang dami mong satsat? Just admit that you liked what happened between us last night. I told you, the pain you've been feeling will fade very soon.” ngisi nyang saad saakin at sasagot na sana ako sa kanya nang may narinig akong nagsalita sa aking likuran. 

“MAY NANGYARI SA INYO? IBIG SABIHIN ON THE WAY NA SI BABY?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status