Share

Chapter 5

“You are Zephanie, right?” bungad na tanong sa akin ng isang babae. 

“ako nga po” magalang ko na sagot. 

Nailang naman ako nang tignan nya ako mula ulo hanggang paa. Nang nagtama ang tingin namin ay pinagtaasan nya ako ng kilay. 

“mom” 

Nakahinga naman ako nang maluwag nang biglang sumulpot si Zyrone sa usapan. Parang nanlalamon kasi ang mga tingin ng mommy nya. Tipong pati kaluluwa ko ay napatigil. 

akala ko pa naman ay mabait! 

“Long time no see, son.”

“I thought we are going to meet at dinner?” tanong ni Zyrone sa ina. 

“I can't help it. I'm excited to meet her.”

hindi ka naman mukhang excited. napailing-iling na lamang ako sa mga naisip mo. 

“Mommy, Si Zephanie, asawa ko. Zephanie meet my mom, Elizabeth” pagpapakilala ni Zyrone. 

“nice to meet you po” mahinang saad ko. 

“Zephanie Rayleigh Esquidora” pagsambit ng ina ni Zyrone sa buo kong pangalan. “ikaw yung nasa article kamakailan.” dagdag nya pa. 

Agad naman akong namutla. Iyon yung article na nakuhanan kaming naghahalikan sa bar. 

Nagkatinginan pa kami ni Zyrone at kita ko ang pagkunot ng noo nya. 

putangina? hindi nya alam? 

“I hope that's a good article, mom.” seryosong tugon ni Zyrone. 

Natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ito ang inaasahan kong pagtatagpo. 

Makahulugang ngiti ang nakita ko sa mapupula nyang mga labi. Hindi ko matansya kung anong klase nang ngiti iyon.

“are you okay?” bulong ni Zyrone sa akin. Tumango na lamang ako. 

“I’ll get you a water.” saad pa ni Zyrone at akmang tatalikod na sana sya nang nagsalita ang kanyang ina. 

“make me a coffee, Zyrone, please.” 

“we can just order-”

"No, I want you to make my coffee, and I'm going to talk about something with your wife. This is a girls' talk, son; no need to worry." pagputol ng ina sa dapat na sasabihin ni Zyrone. 

Napadako naman nang tingin si Zyrone sa akin at nginitian ko lng ito bilang pahiwatig na ayos lang. Halata kasi sa mukha nya ang pag-aalala. 

Humanda ka talaga mamaya sa akin, Zyrone! nasaan ang sinasabi mong “my mother is a good person?!” good person nga, pero sayo lng. Bwesit! 

Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita ang kanyang ina. 

“how much do you need? one million? two million? three? five? ten? name your price, then leave my son alone.” mapanudyo niyang tanong sa akin. 

Sa tanong na iyon ay para akong sinampal ng ilang beses sa mukha ko at higit pa roon ay parang tinapaktapakan ng paulit-ulit ang buo kong pagkatao.

kung hindi lang ito ina ni Zyrone ay baka nasabunutan ko na toh! 

“Lahatin niyo na po kaming mahihirap. Lahat kami mukhang pera, pero ito po itaktak niyo sa utak niyo: may pera man o wala, lalayuan at lalayuan ko ang anak niyo…sa tamang panahon” matapang na sagot ko sa kanya. Ang kaninang ko kaba ay mabilis na napalitan nang inis. 

“why not now? pera lng naman ang habol mo sa anak ko diba?”

aba, bwesit na toh! matapos ang walong buwan ay sasampalin ko talaga toh ng kontrata namin. 

“do you really love my son?” tanong nya sakin na ikinatigil ko.

“m-mahalaga po sakin si Zyrone” 

“Magkaiba ang mahal sa mahalaga lang. Hindi magiging mahalaga ang isang tao sa buhay mo kung hindi mo sya mahal. Kung sa tingin mo ay mahalaga pa lang ang anak ko sa iyo, think deeper, maybe you've already fallen for him. Hindi mo lng masabi.” makahulugang sabi nito sa akin.

anong fallen for him ka dyan, hinding-hindi ako mahuhulog sa gagong yon noh!

“Hindi ko alam sa anak ko kung bakit napili nyang pakasalan ang babaeng hindi man lng alam kung ano ang tunay na nararamdaman” dagdag pa nya. 

Isa pang salita mo ay matitikman mo ang tunay na nararamdaman ko. 

ay, kaloka, anong ba itong iniisip ko! 

Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na si Zyrone dala-dala ang kape at tubig. 

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin bago nagsalita ulit ang malditang mommy ni Zyrone. 

“May meeting pa akong pupuntahan. I need to go, but I'll comeback here again, next time.”

Hindi na nakapagsalita pa si Zyrone dahil nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ang mommy nya. 

“Anong pinag-usapan niyo?” tanong ni Zyrone. 

“wala” irap kong sagot sa kanya at kinuha ang baso ng tubig na inilapag nya kanina sa mesa. 

Hindi ako gusto ng mama niya simula pa lamang ng unang beses na lumapat ang tingin niya sa akin. Ang hindi nya alam ay ginagamit lang ako ni Zyrone para makuha ang mana nya at ginagamit ko lang din si Zyrone para matakasan ang sakit ng nakaraan. 

“malalim ata iniisip mo?” tanong nya na nakapagbalik sa ulirat ko. 

“bakit nasisid mo?” pilosopo kong sagot. 

“gusto mong subukan ko?” ngising saad ng gago. 

“gutom na ako” pag-iiba ko ng topiko. 

“ako rin gutom na” hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi. Hinagisan ko sya ng unan na agad nya namang nasalo. 

“Let's go. Let's eat outside. You'll surely love the beautiful view there.” 

“kailangan ko pa bang magbihis ng panibagong damit?” seryoso kong tanong sa kanya. 

Tinignan nya naman ang kabuuan ko at nakita ko kung saang parte ng katawan ko huminto ang paningin nya. 

bwesit talaga na lalaki toh! 

“Damit ko ang pansinin mo hindi ang dibdib ko, Zyrone!” inis na saad ko sa kanya. Maloko naman syang ngumiti. 

“nagiging dragon ka pala kapag gutom kana, Misis Monteclaro.” pang-aasar nya pa sa akin. 

Matalim ko syang tinitigan. Kaunti nlng talaga at makakatikim na ito sa akin. 

“It perfectly suits you.” seryoso niyang saad tsaka ako kinindatan. 

Hindi ko na lamang sya pinansin at nauna nang lumabas. 

Dinala ako ni Zyrone sa garden nitong hotel at laking gulat ko na nakapwesto na ang lahat, tanging kami nlng dalawa ang kulang. 

Hindi ko inaasahan na ang lahat ng pagkaing nakahain sa maliit na mesa ay paborito ko! 

“shocked aren't you?” tanong ni Zyrone na may nakatagong ngiti sa kanyang labi. 

“paano mo nalaman ang mga paborito ko? stalker ka noh?” pinanliitin ka sya ng mata. 

“akala ko ba ay gutom kana?” pag-iiba nya ng topiko. Nginisian ko na lamang sya at nagsimula nang kumain.

Sa kalagitnaan nang pagkain namin, ang kaharap kong si Zyrone ay lumipat sa tabi ko. 

“alam mo ba kung ano ang paborito ko?” tanong nya na ikinatameme ko. 

“h-hindi” utal kong sagot.

“wala ka bang balak alamin yon?”

“ano ba y-yon?”

letche! hindi ko aakalaing mauutal ako dahil sa tanong nyang wala akong kaalam-alam!

Dahan-dahan nyang iginilid ang aking mukha paharap sa kanya tsaka sya nagsalita 

“ang halikan ka”

at tuluyan na nga niyang sinakop ang aking labi. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status