Share

Chapter 3

Kinaumagahan ay nagising ako sa kama nang mag-isa. Nag-ayos ako bago lumabas sa kwarto namin sa pag-asang nasa paligid lamang si Zyrone pero ni anino nya ay wala akong nakita. 

“nasa opisina na po si Sir Zyrone, ma'am. Ipinapasabi pong kami muna ang aasikaso sa mga kailangan ninyo.” saad ni Drix, ang isa sa pinagkakatiwalaang body guard ni Zyrone. 

Inirapan ko na lamang sya dahil sa inis at tahimik na umupo sa dining table para mag-almusal. 

Ito ang unang araw ko bilang isang Misis Monteclaro. May mas ikabo-boring pa ba rito? 

“kumuha kayo ng plato sa kusina, sabayan niyo akong kumain” utos ko sa dalawang body guard na nakatayo lng sa likuran ko.

Wala naman silang nagawa dahil hindi talaga ako kakain kung hindi sila susunod. 

“ma’am-”

“Huwag niyo akong tawaging ma'am dahil hindi niyo naman ako teacher.” irap kong sabi sa kanilang dalawa. 

“Zephanie o di kaya’y Zephy nlng kung nahahabaan kayo.” dagdag ko pa. 

“Hindi po pwedeng tawagin namin kayo sa pangalan niyo, ma'am, dahil tiyak na mapapatay kami ni sir Zyrone.” saad pa ni Sebastian. 

“edi ako ang bahala sa libingan niyo.” 

Nagtawanan lamang kami. Ang akala kong pormal ang dalawang toh ay may tinatago rin pa lang kadaldalan kaya inabot kami nang halos isang oras sa pagkain ng almusal. 

Sila atang dalawa ang pinaka-pinagkakatiwalaang body guard ni Zyrone. 

“kami na po ang maghuhugas ng plato, ma'am Zephy.”

At dahil naiinis naman ako sa pagtawag nilang ma'am sa akin ay hinayaan ko na lamang sila ang magligpit nang pinagkainan namin. 

Dumiretso naman agad ako sa kwarto, mas gusto kong manood ng movie ngayon.

Habang nasa kalagitnaan ako nang panonood ay may narinig akong katok sa pintuan. 

“bukas yan” sigaw ko. 

Pumihit ang seradura at pumasok si Drix sa silid, tila nagmamadali.

“Ma'am Zephy, gusto po kayong maka-usap ni Sir Zyrone.”

Tinanggap ko ang telepono at sinenyasan na si Drix na iwanan muna ako at nang masigurong nakalabas na sya ay saka ko tinakbo ang pintuan para i-lock iyon. 

“hi!” masiglang bati ko kay Zyrone mula sa telepono. 

“bakit parang hinihingal ka?”

Napangisi naman ako nang may dumaang kalokohan sa isip ko. 

“ugh…zyrone..s- sige pa” ungol kong panunukso sa kanya. 

“Zephanie Rayleigh Esquidora, hindi ako nakikipagbiruan sayo.”

“sinong nagsabing binibiro kita? pinapaligaya ko talaga ang sarili ko dahil wala ka dito para gawin iyon” sabi ko tsaka palihim na humugot ng hininga para ipunin ang lakas ng loob. 

“ughh- shit! sige pa, isagad m-mo pa” panunukso ko pa sa kanya. 

Nanahimik ang kabilang linya at wala akong ibang naririnig kundi marahas nyang paghinga. 

Agad kong pinatay ang tawag at napabalikwas sa kama dahil sa kahihiyan. 

Damn, Zephanie! bakit mo ginawa yon? 

Lumabas ako ng kwarto para ibalik kay Drix ang telepono pero bumalik din agad ako para tapusin ang pinapanood. 

Buong umaga kong inabala ang sarili sa panonood at nang magtanghalian na ay saka lamang ako bumaba para kumain. 

Habang kumakain ako ay muntik na akong mabulunan nang bumulaga si Zyrone sa akin. Padabog syang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Madilim ang mukha. 

“anong nangyari sayo?” takang tanong ko.

Walang pasabi nya akong hinila papunta sa pinakamalapit na kwarto. 

Napapikit ako nang mariin nang sinandal nya agad ako sa pader pagkapasok na pagkapasok namin. 

“bitawan mo ako, kakain ako.” 

ngunit imbis na bitawan ay hinila nya pa ako papunta sa upuan na kinaupo ko sa kanyang kandungan. 

“ako rin kakain.” ngisi nyang saad sa akin at bago pa ako makapagsalita ay sinunggaban nya na ako ng halik. 

“p-pwede ba akong lumabas? kahit saglit lng” pagpaalam ko sakanya sa gitna nang halikan namin.

“no” 

bigla ko naman pinutol ang halik pagkasabi nya non. 

“payagan mo na kasi ako” pagmamaka-awa ko pa. 

“hindi pwede, Zephanie Rayleigh”

“bakit ba ayaw mo?! nakakainis kana!” hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. 

Bumuntong hininga sya. 

“Marami ang kaaway ko sa negosyo. Ngayong asawa na kita, hindi na ligtas sayo ang lumabas mag-isa”

“kahit sasamahin ko sina Drix at Sebastian? sige na, kahit ngayon lang.” pagpupumilit ko pa. 

“Fine. Just be at home before 6pm.” 

“thankyou, Zy!” masayang sabi ko at pinatakan sya nang halik na ikinangisi nya. 

aba, adik sa halik ang gago! 

Nang nasa mall na ako ay awtomatiko akong napatigil nang makita ang nakadisplay na gitara. Walang pagdadalawang isip ko itong binili. 

Miss ko na ang pagtugtog. 

Hindi na ako umangal pa nang agad bumuluntaryo si Drix na sya na ang magdadala ng gitara. 

Habang palibot-libot ako sa mall ay may nakabungguan ako. 

“hala, pasensya na– Jefferson?!” hindi ko napatapos ang sasabihin nang makilala kung sino ito. Si Jefferson, ang kaibigan ko noong highschool.

“Zephanie? ikaw ba yan? kamusta kana?”

“dahan-dahan mahina ang kalaban” angal ko sa kanya nang sunod-sunod ang kanyang mga tanong. 

Humaba pa ang aming usapan bago ako nagdesisyong yayain syang kumain sa pinakamalapit na restaurant. 

Habang abala kami sa pagkain ay napadako ang tingin ko sa dalawang body guard na kasama ko. Sa di kalayuan, nakita ko si Drix na may kausap sa telepono, hindi ko naman ito binigyan nang pansin at patuloy na nakipag-usap sa kaibigan. 

“ano nang ganap sayo, Zephy?” tanong pa ni Jefferson sa akin. 

“As you can see, I'm married.” sabi ko sabay ipinakita ang suot na singsing. 

“Hindi man lng ako ininvite” kunwareng nagtatampo nyang saad. 

“oh, come on, it's a civil wedding” tawa kong sagot sa kanya na ikinakibit-balikat nya na lamang. 

Nang matapos na kami sa pagkain ay nagdesisyon na kaming magpa-alam sa isa't-isa dahil pagabi na rin. 

“it's nice to see you again, Jefferson.” masayang sabi ko bago tuluyang pumasok sa kotse. 

Nang nakarating na kami sa mansyon, akmang bubuksan ko na sana ang main door nang biglang nagsalita si Drix. 

“Ma'am, pasensya na po, ginagawa ko lng ang trabaho ko” 

Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin kaya binalewala ko na lamang ito at tuluyan nang pumasok sa mansyon. 

Agad ko namang naramdaman ang kaba sa hindi alam na dahilan nang isang madilim na awra ni Zyrone ang bumungad sa akin. 

Lalapitan ko na sana sya nang malamig syang nagsalita na ikinatigil ko. 

“I won't allow you to go out, next time.” saad nya tsaka ako tinalikuran. 

anong problema non?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status