Share

Chapter 4

“bwesit ka, Drix!” inis na pagmumura ko kay Drix nang malaman ang dahilan kung bakit ganon ang inakto ni Zyrone. 

Maaga akong nagising kanina, pero wala na si Zyrone. Mula kagabi ay hindi ako mapakali kasi malamig ang pakikitungo nya sa akin at hindi ako sanay na ganon sya. 

“m-ma’am, trabaho lang po!” pagdedepensa ni Drix.

Tinalikuran ko na lamang sila tsaka nagtungo sa hardin bitbit ang gitara. 

Nagdesisyon akong gawan ng kanta si Zyrone bilang paghingi ko ng tawad. 

ay, wow, pa special ang gago. Joke. Ako pala ang may kasalanan dito. Hehe. 

Hindi ko alam kung kailan sya uuwi kaya noong pagabi na ay nag-ayos na ako. 

Bitbit ang gitara ay lumabas ako ng kwarto at bumaba para bantayan ang pagdating ni Zyrone. First time ko itong gagawin kaya kinakabahan ako at may kunting hiya. 

bakit ko nga ba ginagawa toh?

syempre, Zephanie, may kasalanan ka! 

Naalerto ako nang marinig ang pagbusina ng sasakyan sa labas sinyales na dumating na si Zyrone. 

Ipinuwesto ko na ang sarili malapit sa pinto. Nang bumukas iyon ay mata sa mata ko syang tinignan. 

“hi” mahinang bati ko sa kanya na ikinataas lng ng kilay nya. 

hmp! attitude! 

Sinimulan ko ang pag strum ng gitara, tuloy pa rin ang titig sa kanya. Nakita kong lumambot ang kanyang reaksyon pero may kalamigan pa rin sa kanyang mga mata. 

“You know that I've been broken before. 

I know that you could break me more.” pagsimula ko ng kanta.

Una, hindi ko alam kung bakit ito ang naisipan kong kanta basta alam ko lng na simulang nagkagulo-gulo ang buhay ko ay nandyan sya para saluhin ako... kahit alam kong panandalian lng lahat ng ito. 

“So I'll let you hold unto my heart. No, I won't run away even if you tear me apart… because loving you worth all the scars.” pagpapatuloy ko. 

Nang natapos ko na ang kanta ay hindi maiwasang maging emosyonal. Hindi ko alam kung galit pa rin ba ito sa akin.

“tungkol kahapon… I'm sorry” mahinang saad ko habang nakayuko.

 “H-he was my highschool friend… kaya noong nakita ko sya ay hindi ako nagdalawang isip na yayain sya.” dagdag ko pa. 

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin. 

Siguro ay ayaw nya pa akong kausapin. 

Napabuntong-hininga ako at naisipang bumalik na lamang sa kwarto. Akmang tatalikod na ako ay hinila nya ako para sa isang mahigpit na yakap. 

“I'm sorry” mahinang bulong nya. 

Kumalas ako sa pagkakayakap at seryoso ko syang tinignan. 

“wala ka namang kasalanan, bakit ka nag so-sorry?” tanong ko 

“I'm sorry for acting immaturely. I should have let you explain than giving you a silent treatment.” sagot nya sa akin. Mahina naman akong tumawa at inilingan sya. 

Oh, he is so adorable. May side pala syang ganito. 

Inilapit nya ang mukha nya sa akin at ilang segundo ay sinakop nya ang mga labi ko. 

Sa mahinang paghaplos ng aming labi ay kung may ano akong nararamdaman sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.

It was a passionate kiss. 

Nang matapos ang dramahan namin dito sa sa baba ay umakyat na kami papuntang kwarto. 

“I was just planning on how I could make it up to you. I can't believe that you're the one who made the first move." pagsisimula ni Zyrone ng usapan. 

“ah, you can't believe? anong akala mo lalaki lng palagi manunuyo kahit babae may kasalanan? pwes, ibahin mo ako” mataray kong sagot sa kanya. 

Nakita ko naman ang kaaliwan sa reaksyon nya na pilit nyang tinatago. 

“Ang galing mong tumugtog at kumanta. Parinig nga ulit.” saad nya at nag puppy eyes pa sa akin. 

Bwesit! Ang cute! Hindi ko na talaga kaya ang ganitong side nya! 

“asa ka” sagot ko at binilatan sya. Ngumuso naman sya na parang batang inagawan ng lollipop. 

halikan kita dyan, eh.

Ilang saglit pa ay tumayo sya at may kung anong kinuha sa drawer niya. 

Kumunot naman ang noo ko nang binigay nya ang isa akin.

“ano toh?” tanong ko pero nagkibit-balikat lng sya. 

walang kwentang kausap! 

Nang tignan ko ay laking gulat ko nang makita kung ano ito:

TRIP TO SPAIN.

Nanlaki ang mga mata ko sabay tinignan si Zyrone ngunit ang loko ay ginawadan lng ako ng malawak na ngiti. 

“p-para saan?” utal kong tanong. 

“that’s the make-up plan I thought of. Besides, my mother is in Spain right now and she wants to meet you” simpleng sagot nya na ikinalaglag ng panga ko. 

what the heck? 

“s-seryoso ka ba dyan?” kabado kong tanong. 

“chill! para ka nang lalagutan ng hininga dyan. Don't worry, my mother is a good person.”

“alam nya ba ang tungkol sa deal natin?”

“no”

“eh paano ako magpapakilala nyan?!” taas-boses kong tanong 

hello, miss Monteclaro. I am Zephanie Esquidora, your son's wife for eight fucking months. 

HAHAHAHAHA Napatawa naman ako sa aking naisip. 

“sabihin mo lng pangalan mo” sagot nya.

“kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap!” inis kong saad at tinawanan naman ako ng gago. 

“kailan tayo aalis?” pagtanong ko pa

“bukas”

“P-paanong bukas?! ni hindi pa nga naayos mga papeles ko”

“Don't worry, baby. I can handle.” saad nya at kinindatan pa ako. 

Oo nga pala. Bilyonaryo pala toh. He can simply cut some strings.

At anong sabi nya? baby? ew! 

May iba’t-ibang bagay pa kaming pinag-usapan bago nagdesisyong matulog. 

Kinabukasan, maaga kaming nagising para makapaghanda na. 

Alas otso ng umaga nang makasakay kami sa private plane nya. First time ko lang makasakay dito at hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda. 

“saan ba sa Spain tayo pupunta?” tanong ko kay Zyrone. 

“Madrid” tipid nyang sagot 

“Tiyak na maganda ang mama mo kasi gwapo— I mean, kasi may itsura ka naman”

“I heard what you've just said. Sinabi mong gwapo ako.” nakangisi nyang sabi. 

“hoy, hindi ah! Ang sabi ko lng ay may itsura ka. Hindi gwapo, hindi rin naman pangit. Mga nasa gitna lng” maang-maangan ko pang sabi. 

“Sige, deny mo lng. Mas malinaw pa sa malinaw ang narinig ko.”

Napabusangot na lamang ako at hindi na sya pinansin. 

Gabi na nang nakarating kami rito sa Spain. Nakakatuwa nga dahil ang gaganda ng mga nadaanan namin kanina habang papunta kami rito sa hotel. 

“dito ba nakastay ang mama mo?” tanong ko pagkapasok namin sa kwarto. 

“Yes. We'll meet her later, but for now, want to do something else?” ngisi nyang saad sabay hinapit ang bewang ko. 

“gago!” mura ko nang ma gets agad ang sinabi nya. Napahagalpak naman sya sa tawa. 

Napatigil lamang sya nang marinig na may kumakatok sa pinto. 

Ako na ang bumuluntaryong magbukas non at nagsisi naman agad sa ginawa nang makilala kung sino ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status