Share

Chapter 2

“Lumayas ka sa pamamahay ko! wala akong anak na pinalaking malandi” sigaw agad ng aking ina pagkadating at pagkadating ko sa bahay. 

“a-ano po ang ibig niyong sabihin, ma?” nanginginig kong tanong. Imbis na sagutin ako ay hinagis nya sa akin ang isang dyaryo. Tinignan ko ito at laking gulat sa nakita. 

Breaking News! 

Ang bilyonaryong si Zyrone James Monteclaro

ay nakita sa isang bar na may

kahalikang babae. 

“what the fuck?! bilyonaryo? isang bilyonaryo ang nabingwit ko kagabi?!” saad ko sa aking isipan. Napatigil na lamang ako sa aking pag-iisip nang magsalita ang aking ina. 

“ano lamang ang sasabihin ng mga tao sa atin? na nagpalaki ako ng isang babaeng puta?”

napapikit ako nang mariin matapos marinig ang salitang iyon galing sa bibig ng sarili kong ina. 

Nilingon ko si papa ngunit isang iling lamang ang natanggap ko sakanya. 

Dire-diretso ang daloy ng aking mga luha. Hindi man lang nila ako binigyan nang pagkakataong magpaliwanag. 

Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap nila bago nagpasyang umalis. 

Habang palakad-lakad sa daan ay pumasok sa isip ko ang offer na inalok sa akin ni Zyrone. 

~flashback~

“paano kung bigyan kita ng offer?”

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. 

“anong klaseng offer?” 

“pakasalan mo ako”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Si Kyle nga na dalawang taon kong nakasama ay ipinagpalit ako sa pinsan ko, sya pa na hindi ko kilala. 

“pakasal ka sa akin at ibibigay ko sayo ang lahat ng gusto mo.” dagdag nya pa. 

Pinukol ko sya nang nanunuring tingin at nang masigurong hindi sya nagbibiro ay saka ako nagsalita. 

“a-anong kapalit?”

“I’ll introduce you to my mother as my wife. Kailangan ko ng asawa para makuha ko ang aking mana.”

“pagkatapos? paano ako makakawala sayo?”

“Eight months. Matapos ang walong buwan ay mawawalan na ng bisa ang kasal natin. Doon na kita papakawalan. Bibigyan kita ng pera, bahala kana kung anong gusto mong gawin pagkatapos.”

Matagal akong natahimik sa sinabi nya. 

“pag-iisipan ko”

~end of flashback~

Hawak-hawak ko ngayon ang card na binigay nya sa akin bago ako umalis. Nakalagay dito ang pangalan, contact number, at address nya.

Wala na akong choice kundi gawin ito. Wala naman atang mawawala sa akin, walong buwan lng naman. 

Habang naglalakad ako papunta sa address na nakalagay sa card ni Zyrone ay may naramdaman akong matulis na bagay sa tagiliran ko. 

“subukan mong sumigaw, babaon ang kutsilyo na ito sa tagiliran mo”

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na naramdaman ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko. 

“k-kuya maawa ka naman”

“yung pitaka at cellphone mo akin na”  

Nangilid ang luha ko at nanginginig ang aking mga kamay habang ini-aabot ang pitaka at cellphone ko. 

Akala ko lulubayan nya na ako pagkatapos kong ibigay sa kanya ang kanyang hinihingi ngunit nakita ko ang nakakaloko nyang ngiti. 

“T-tulong! tulong po!” napasigaw na ako sa takot. 

“putangina sabing huwag kang sumigaw!” galit na saad nya at bago sya tumakbo ay naramdaman ko na lamang na tumusok ang kanyang kutsilyo sa tagiliran ko. 

Nanghihina ang katawan ko mula sa pagkakasaksak at unti-unti na rin akong nilamon ng kadiliman. 

Masakit sa matang sinag ng araw ang bumungad sa akin, pagkamulat na pagkamulat ko ng mata. 

Dahan-dahan akong bumangon sa kama at napadaing nang may maramdamang sakit sa tagiliran ko. 

Natuptop ko ang bibig at luminga-linga ang mga mata sa paligid. Puti. May liwanag. Ito na ba ang langit? 

Agad akong nawala sa pag-iisip ko nang pumasok sa kwarto ang pamilyar na lalaki. 

“mabuti naman at gising kana” 

“Z-zyrone?” halos hindi ako makahinga sa kaba lalo pa at naglakad sya papalapit sa akin. 

“yung mga marka, wala na, pero ang nangyari noong isang gabi ay hindi ko makakalimutan.” saad nya sa akin habang nakangisi. 

bwesit na toh! kasalanan nya lahat, eh! kung hindi lng sana sya nakuhanan ng litrato kasama ako ay hindi sana galit si mama sa akin ngayon, pero…

pero kasalanan ko rin pala dahil ginusto ko yon. 

“hindi porket nakuha mo ang virginity ko ay may karapatan kana sa akin” matigas kong tugon.

“naalala mo naman pala” seryoso nyang sagot sa akin. 

Sasagot pa sana ako nang hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal nang maalala ang dahilan kung bakit ako nandito. 

Matapang ko syang hinarap bago magsalita. 

“Payag na ako sa offer mo. Walong buwan, hindi ba?”

“Oo” 

“Babayaran mo ako ng isang milyon sa bawat buwan na mananatili ako dito. Siguro ay barya lng ito sayo dahil sa pagkaka-alam ko ay bilyonaryo ka, diba?” seryoso kong saad sa kanya. 

“Masusunod lahat ng gusto mo. Wala kang ibang gagawin kundi umakto bilang asawa ko.” tumango-tango naman ako sa sinabi nya. 

“kailan tayo magpapakasal?” tanong ko. 

“ngayon” sagot nya. “ipapadala ko nlng dito ang lahat na mga gamit na kailangan mo.” dagdag nya pa bago sya tuluyang lumabas sa kwarto. 

Nang dumating ang mga gamit ay pinaghahanda na ako para sa kasal na dinaig pa yata si flash sa sobrang bilis. 

“are you done?”

napapitlag ako nang maramdaman ang labi ni Zyrone sa aking leeg. Sa sobrang okupado ko ay hindi ko na napansin ang pagpasok nya sa kwarto. 

“tapos na ako” tanging sagot ko lamang sa kanya. 

“let's go, then” sabi nya at tuluyan na kaming umalis. 

Masayang pagbati ng judge ang bumungad sa amin nang makarating kami sa opisina nito. 

“Zyrone, hijo! hindi ko aakalaing ngayon ka agad dadalaw sa akin” ani ng matandang lalaki. Bakas ang tuwa nito sa mukha habang pinagmamasdan ang braso ni Zyrone na nakapulupot sa aking bewang. 

“Ninong, sya si Zephanie at Zephanie baby, sya si Judge Lopez” pagpapakilala ni Zyrone 

“Nice to meet you po” tanging nasabi ko na lamang 

“akin ang karangalan, hija. Hindi ko aakalain na makakatagpo ng ganito kagandang asawa ang aking inaanak” 

“ninong, huwag kang ganyan, baka umatras” pagsali ni Zyrone sa usapan at hinalikan pa ang pisnge ko pagkatapos. 

aba! best actor ang gago! 

Hindi na nagkaroon ng pormal na seremonya para sa kasal. Pinapirma na lamang kami ng marriage contract. Sa harap din ng judge at abogado ni Zyrone ay pinirmahan namin ang eight months na agreement namin. 

“Congratulations Mr. and Mrs. Monteclaro!” ani ni Judge Lopez at ng abogado ni Zyrone. 

Nginitian ko na lamang sila sabay nagpasalamat bago na kami tuluyang lumabas ni Zyrone sa opisina. 

Nang makapasok na kami sa loob ng kotse ay dumukwang sya para magnakaw ng halik. 

“Misis Monteclaro” ngisi nyang saad. 

Inirapan ko na lamang sya para maitago ang kakaibang kiliting nararamdaman sa aking tyan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status