Share

Chapter 6

Kinaumagahan, niyaya ko si Zyrone na maglakad-lakad sa labas dahil nabo-bored na ako sa hotel. 

Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming naglalakad ni Zyrone nang biglang nag ring ang kanyang cellphone. May importanteng tumatawag ata sa kanya. 

Habang nag-uusap ay nagpaalam ako kay Zyrone na pumunta muna sa isang jewelry shop na nakita ko at nangako naman sya sa akin na susunod sya matapos ang tawag. 

Naglibot-libot lng ako sa loob saglit pagkatapos ay lumabas na lamang ako para hanapin si Zyrone. Ngunit wala na sya sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Nilingon ko ang jewelry shop at muling bumalik doon. 

Wala akong nahagilap na Zyrone. 

Dalawany jewelry shop ang magkatabi kaya pumasok din ako sa isa at tiningnan ang bawat sulok pero wala siya. 

Nagpa-panick na ako lalo na at hindi ko dala ang ang cellphone at wala rin akong pera! at higit sa lahat, hindi ko alam ang daan pabalik sa hotel! 

Naiiyak na ako habang naglalakad. Nagbabasakaling makita ko sya. 

Nanghihina akong naupo sa gilid ng kalsada. Marahan kong ginulo ang buhok ko at niyakap na lamang ang aking tuhod. 

Ilang minuto pa nang may makita akong lalaki. Tumayo agad ako, nag-aasang matulungan niya ako. 

“Hi, sir! can I ask you a question?” tanong ko agad pagkalapit ko sa kanya. “I think, I'm lost. I don't know the way back to our hotel. Can you help me?” nag-aasang tanong ko dito ngunit bigla namang nanindig ang balahibo ko nang hagurin nya ng tingin ang kabuuan ko. 

Agad akong pumalag nang haplusin niya ang aking balikat. 

Manyak ang gago! 

Umatras ako saka sya sinamaan ng tingin. Lumakad na ako papalayo at pinagsikapan na bilisan ang mga hakbang. 

Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong nakasunod pa rin sa akin ang lalaki. 

Tumakbo ako patungo sa mataong lugar at saka na lamang ako nakahinga nang maayos nang maiwala ko na sya. 

Nanghihina akong napatingin sa malaking orasan sa malapit sa simbahan. Halos lagpas na ang pananghalian. Gutom na rin ako. 

Yumuko ako at pinagsisipa ang mga bato sa aking harapan. Pagod na pagod na ako kalalakad at nananakit na rin ang aking nga binti.

Napatalon ako bigla nang may magaspang na kamay ang humawak sa balikat ko. 

Magpupumiglas na sana ako pero nang makitang si Zyrone iyon ay agad akong yumapos sa balikat niya. 

Hinalo niya ang likod ko na tila inaalo ako. 

“ayos ka lang?” tanong niya nang humiwalay ako sa yakap. 

Tumango-tango lamang ako. 

Ang mga bodyguard ay biglang nagsidatingan mula sa iba’t-ibang direksyon. Tila kanina pa nila ako hinahanap.

“umuwi na tayo” marahang saad ko. Nahihilo na. Bago ko pa marinig ang kanyang sagot ay tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. 

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Basta ang alam ko ay masyado pang masakit ang ibang bahagi ng katawan ko pagkagising ko. 

Naalerto naman si Zyrone na nakaupo malapit sa akin nang mapansinhg gising na ako. 

“anong nararamdaman mo? magpahinga ka muna.” alalang saad niya sa akin. 

Kahit ayaw ko ay wala naman akong magawa dahil medyo nanghihina pa ang aking katawan. 

“nagugutom ka ba? may gusto ka bang kainin?” tanong niya sa akin. 

Ngumisi naman ako nang may nakakalokong naisip. 

“ikaw.” sagot ko na ikinadilim ng awra niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status