Share

Chapter 24

MABILIS na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Ella Jane. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rafael tungkol sa Papa niya ay gumaan ang kaniyang loob at mas naging malapit siya sa lalaki. Aminin man niya o hindi, palaging dumadaan sa isip niya ang maamong mukha ng binata.

Hindi niya inakalang may sense pala kausap ang Rafael na ‘yon, na may mga punto rin naman pala siyang makukuha. Akala niya kasi puro panlalait lang ang kaniyang maririnig dito. Wala kasi itong ibang ginawa noon kun’di ang ipamukha sa kaniya na hindi siya nito kilala at iparinig ang lahat ng panlalait nito sa kaniya.

Pero mula nang araw na iyon, nagbago ang kaniyang paningin sa lalaki at sinubukan niyang ibigay ang kapatawaran sa kaniyang Papa na matagal na panahon niyang ipinagkait rito. Ilang araw lang ang lumipas ay dumalaw siya sa puntod ng kaniyang Papa.

Masakit para sa kaniya ang biglaang pagkawala nito. Hindi man lang ibinigay ng panahon na muli niya itong makita na may buhay at lakas pa. Hindi niya inaasahan na s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status