Share

Chapter 3

ILANG sandaling tulala si Cassandra at tila ba napako na ang kaniyang mga paa sa sahig. Hindi siya makapaniwala na sa lugar na iyon magtatagpo muli ang landas nila ni Stefan. Ilang araw niya itong iniwasan at tinaguan, ngunit sa pambihirang pagkakataon pa sila magtatagpo. Patunay lamang ito na hindi talaga siya makaaahon sa hirap.

“Cassandra, right?” sambit ni Stefan, napatayo pa ito.

Pumiksi siya at akmang tatakbo palabas ngunit mabilis siyang nahabol ni Stefan. Nahawakan siya nito sa kanang braso.

“Ano ba! Bitawan mo ako!” singhal niya. Iniwaksi niya ang kamay nito ngunit hinigpitan nito ang kapit.

“No, you have to deal with me,” anito.

Nang ayaw pa rin nitong bitawana ng braso niya ay kinagat niya ito sa kamay.

“Sh*t!” da*ng nito.

Nakatakbo siya patungong pintuan ngunit nahabol pa rin siya ni Stefan at ginapos siya buhat sa likuran.

“Hoy! Ano ba ang ginagawa mo?” asik niya.

“You can’t escape this time, lady. Subukan mong tumakas, ipakukulong kita!” Binantaan na siya nito.

Ginupo naman siya ng kaba. “Bitawan mo muna ako! Hindi ako tatakbo!” aniya.

Pinakawalan naman siya nito. Inayos niya ang kaniyang buhok na nagulo at pumihit paharap sa binata.

“Bakit ba? May utang ba ako sa ‘yo, ha?” padaskol niyang tanong.

Namaywang ang binata. “You stole my ring, at ang presyo niyon ay higit sa halagang napag-usapan natin.”

“Kahit magkano pa ‘yon, deserve ko naman ‘yon, no. Ang sakit kaya ng ginawa mo,” depensa niya.

“Masakit?” Tumawa ito nang pagak. “Sarap na sarap ka nga, at take note, nakahilata ka lang sa buong proseso. Ako ang nagtrabaho lahat, hindi ka naman napagod.”

Namaywang din siya. “Excuse me, hindi birong masugat nang malaki sa ano, ‘tapos ang halimaw mo gumalaw, halos malagutan ako ng hininga. Hirap nga akong maglakad pagpatapos at--”

“Tama na! That night was over!” pigil nito sa palatak niya. “I need the ring, Cassandra. Mas mahalaga pa ‘yon sa pera.”

Naalala niya ang kuwento ni Donie na brokenhearted si Stefan kaya naglasing. “Ah, siguro iyong singsing na ‘yon ay para sa babaeng nanakit sa ‘yo, ano?” aniya.

Tumalim ang titig nito sa kaniya. “You don’t have the right to talk about my broken heart. Huwag ka na dumagdag sa problema ko. Ibalik mo ang singsing!” may gigil nang wika nito.

“Naibenta ko na nga. At saka bakit ba nabubuang ka na dahil lang sa love? Buti ka nga love life lang problema mo. Ako, financially broken, walang magulang, walang bahay, jobless, wala pang love life.”

“I’m not asking about your situation. I need the ring, Cassandra!”

“Wala na nga! Nabili na ‘yon sa akin.”

“Saan mo nabenta?”

“Doon sa Quiapo, kaso iyong pinagbentahan ko, hindi na makontak. Huling sabi niya ay babalik na siya sa Dubai. Baka nakaalis na.”

Napahilot sa sintido nito si Stefan. “Magkano naman ang bili niya sa ‘yo?”

“Ano, thirty thousand.”

“What?” Napamulagat na ito. “What the hell, Cassandra! Hindi ‘yon pipitsuging singsing! Three thousand US dollar bili ko niyon sa Italy!”

Nawindang siya. Naloko pala siya ng buyer na walanghiyang ‘yon! “P-Pero sabi ng buyer, mababang klase iyong singsing kaya thirty thousand ang bili niya.”

“Sh*t! You’re a disaster!” Napasuntok sa pinto si Stefan.

Ginupo na siya ng kaba at hindi kinaya ang reaksiyon ni Stefan na wari gustong manakit. Nang makakuha ng tiyempo, tinakasan niya ito. Tumakbo siya palabas.

“Cassandra!” tawag ni Stefan.

Nataranta na siya at apuradong kumatok sa pinto ng opisina ni Lola Isabela. Talagang lumabas pa si Stefan at hinabol siya. Nang mabuksan ang pinto ay dagli siyang pumasok at nai-lock ito. Hingal na hingal siyang humarap sa ginang.

“Bakit? Napano ka, hija?” balisang tanong ng ginang.

Hindi pa siya nakapagsalita ay may kumalampag na sa pinto. Umaasa siya na mapipagtatanggol siya ni Lola Isabela kay Stefan dahil ito naman ang chairman.

“Sorry, Lola, nagalit po sa akin ang CEO,” sabi niya.

“Ano? Bakit naman?”

Hindi na siya nakakibo nang buksan ng ginang ang pinto. Ang bilis pumasok ni Stefan at nagtataka siya bakit hindi man lang ito nagbigay galang sa chairman ng kumpanya.

“Ano ba ang problema, Stefan?” anang ginang.

“Iyang babaeng ‘yan, may atraso sa akin, Lola,” sumbong ni Stefan.

“Lola?” bulalas niya.

“Anong atraso? Magkakilala na ba kayo ni Cassandra, ha, apo?”

Hindi na malaman ng dalaga ang kaniyang gagawin. Ayaw niyang magalit sa kaniya si Lola Isabela at baka igiit ni Stefan na ninakawan niya ito. Dapat niya itong maunahan.

“Hindi po, Lola. Si Stefan ang may atraso sa akin!” depensa niya.

“Don’t lie, Cassandra,” nanlilisik ang mga matang apela ni Stefan.

“Tototo naman, ah. Pumunta ka sa clu--” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang sugurin siya ni Stefan. Tinakpan nito ng palad ang kaniyang bibig.

“Don’t dare tell Lola what I did, ipakukulong talaga kita. Wala ako sa wisyo noong gabi dahil sa depresyon, at hindi magugustuhan ni Lola ang ginawa ko,” may gigil nitong bulong sa kaniya.

“Stefan, explain it to me, hijo!” galit nang sabi ng ginang.

Pinakawalan naman siya ni Stefan. “I’m sorry, Lola. May misunderstanding lang kami ni Cassandra,” anito sa mahinahong tinig.

Umaliwalas ang mukha ni Lola Isabela. “Ah, alam ko na. Si Cassandra ang bagong girlfriend mo, ano?”

“Hindi po!” sabay pang sagot nila ni Stefan at nagkatinginan.

“No, Lola. I don’t even know Cassandra,” ani Stefan.

Umapela na siya. “Anong hindi mo ako kilala? Magkasama lang tayo noong gabi sa hotel, ah. Nakalimot ka kaagad?” Binilisan talaga niya ang pagsalita upang hindi mapigil ni Stefan.

Huli na nang takpan ulit nito ng palad ang bibig niya. “Don’t be confident, lady. Masyadong mataas ang pangarap mo. You’re not even my type,” anito.

Itinulak niya ito sa dibdib. “Yabang mo, kala mo naman ang guwapo mo!”

“I don’t need to claim that; it runs in my blood. And I regretted I spent the stupid night with a thief like you!”

“Hoy! Ikaw itong manyakis!”

“Enough!” sigaw ni Lola Isabela.

Tumigil naman sila sa pagtatalo nang manlisik na ang mga mata ng ginang.

“Sorry po, Lola,” aniya.

“Lumabas ka muna, Cassandra, pero huwag kang uuwi. Kakausapin ko lang ang apo ko,” anang ginang.

“Sige po.” Bago tuluyang lumabas ay binelatan muna niya si Stefan na masama ang tingin sa kaniya.

Tumambay siya sa lobby at nagbasa ng chat ni Sasha. Ilang araw ring hindi niya kinausap ang kaibigan dahil sa kakaiwas kay Stefan. Nag-aalala na ito sa kaniya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay muli siyang pinatawag ni Lola Isabela. Wala na si Stefan sa opisina nito.

“Maari ka na magtrabaho rito, hija,” masayang batid ng ginang.

Natigilan siya. Hindi na siya makapagpasya kung tutuloy pa ba siyang magtrabaho sa kumpanya na iyon. Makikita na niya madalas si Stefan.

“Paano po si Stefan? Baka pahirapan niya ako sa trabaho,” nababahalang saad niya. Magkatabi sila ng ginang sa sofa at hawak nito ang kanang kamay niya, pinipisil-pisil.

“Huwag mong isipin ang apo ko. Hindi ako masusuway ni Stefan. At natutuwa ako dahil nakilala ka niya. Bagay na bagay kayong dalawa.”

Napangiwi siya. May nasabi atang hindi tama si Stefan sa lola nito bakit biglang natuwa.

“Ah, kuwan, wala po kaming relasyon ni Stefan, Lola,” giit niya.

“Please, stop denying, hija. Napakalakas ng chemistry ninyo ni Stefan. Ang sarap ninyong panoorin habang nagtatalo. Pagpasensiyahan mo na rin ang apo ko. Ganoon lang talaga siya kabilis mapikon, pero bihira siya makipagtalo sa babae. At sa palagay ko ay gusto ka talaga niya.”

Napahilot siya sa kaniyang batok. Masyadong natuwa sa kaniya ang ginang kaya ganoon ang sinasabi nito. Alam naman niya ang totoo pero ayaw niyang madismaya ang ginang. Wala namang masama kung sasakyan niya ang trip nito.

“Sige po, magtatrabaho ako rito,” sa wakas ay pasya niya.

“Anytime ay maari ka na magsimula sa trabaho. Sinabi ko na kay Stefan na sa packaging area ng production ka maa-assign dahil mas magaan ang trabaho roon.”

“Salamat po, Lola. Sisikapin ko po na maging productive sa trabaho.”

“Oh, siya, sabay ka na sa akin pag-uwi. Ihahatid ka namin sa bahay mo.”

Sumunod na lamang siya sa ginang.

SA unang araw ni Cassandra sa trabaho ay inulan na siya ng intriga. Kilala na siya ng mga empleyado at maraming hindi natuwa sa kaniya. Alam ng mga ito na may girlfriend si Stefan. Wala naman siyang pakialam sa mga akusasyon ng mga ito. Trabaho ang pakay niya at hindi gulo.

Akala naman niya ay tapos na ang problema niya kay Stefan. Pagsapit ng lunch break ay pinapunta siya nito sa CEO office. Hindi pa rin ito naka-move on sa singsing.

“Ikaltas mo na lang sa sahod ko ang halagang gusto mong mabawi mula sa singsing,” sabi niya. Nakatayo lamang siya sa tapat ni Stefan.

“I want the ring back, Cassandra. It’s not about the money, but the value of the ring.”

“Ano ba kasi ang meron sa singsing na ‘yon? Sinaktan ka naman niyon kasi hindi tinanggap ng girlfriend mo. Tama ba?” Humalukipkip siya.

“Ex-girlfriend,” pagtatama nito.

“Okay. Hindi na ako makiusyoso. Pero seryoso, malabo nang mabawi ang singsing. Wala na akong kontact sa buyer.”

“Then, go to jail. Kahit ilang taon kang magtrabaho rito, hindi mo mababayaran ang singsing.”

Nanlaki ang kaniyang mga mata pero hindi nagpasindak. “Kung ipakukulong mo ako, mamamatay ako sa loob ng kulungan. May type one diabetes ako, Stefan. Insulin na lang ang bumubuhay sa akin. Kaya nga ako kumapit sa patalim para maka-survive, tapos ipakukulong mo ako? Nasaan ang konsensiya mo?” Pumalatak na siya. Tiniis niya na huwag lumaya ang kaniyang luha.

Ilang sandaling walang kibo si Stefan at nakatitig lamang sa kaniya. “You didn’t tell Lola na may sakit ka,” anito.

“Sinabi ko, kaya siguro siya naawa sa akin. Nagpapasalamat ako sa lola mo kasi hindi siya katulad ng ibang mayaman na mapagmataas.”

“Lola likes you, Cassandra. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa ‘yo at napasaya mo siya. Lola has never been happy like I saw when she talked to you. Siguro nakikita niya sa ‘yo ang mommy ko.”

Natigilan siya. “Teka, ano ba ang sinabi mo kay Lola at bigla siyang sumaya nang ganoon?”

“I told her that we had a one-night stand, pero hindi ko sinabi na binayaran kita.”

“Ano?” Halos lumuwa ang mga mata niya sa pagkagulat. Hiyang-hiya siya sa ginang.

“And Lola wants me to marry you. She’s conservative, at ayaw niya na maging iresponsable akong lalaki.”

“At ano naman ang gusto mong mangyari?”

Tumayo si Stefan at lumapit sa kaniya. Umupo ito sa lamesa kaharap niya at humalukipkip.

“Hindi na kita ipakukulong, susuportahan ko ang paggagamot mo. Pero magpakasal ka sa akin,” sabi nito.

Umaawang ang kaniyang bibig ngunit walang lumayang kataga. Kumurap-kurap siya at iginiit sa sarili na hindi totoo ang mga sinabi ni Stefan. Hindi biro ang offer nito sa kaniya. Pero kung seryoso man ito, it’s a win win situation.

“Bigyan mo ako ng magandang dahilan bakit kita pakakasalan,” aniya.

“Gusto kong mapasaya si Lola, at the same time, makuha ang buong tiwala niya. Kaya ayaw niyang ibigay sa akin ang rights ng company niya dahil gusto niya na makapag-asawa ako ng babaeng maihahalintulad niya kay Mommy. Honestly, ilang beses kong sinuway si Lola. Ayaw niya sa ex-girlfriend ko dahil walang interes sa business at malayo sa quality na gusto niya. But I love the girl, kaso hindi naman ako ang pinili ng babaeng ipinaglaban ko.”

Umiikot ang kaniyang isip sa huling sinabi ni Stefan. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa babaeng tinutukoy nito. Maaring gusto lamang nito ng dahilan upang makalimot. Hindi niya iniisip ang isyu kay Lola Isabela, pero ibang usapan na sa babaeng mahal ni Stefan.

“Hindi isang laro ang kasal, Stefan. Sino ang lolokohin mo rito, si Lola, ang sarili mo? Don’t use me to heal your pain, to get what you want,” pahayag niya.

“I didn’t force you to deal with me, Cassandra. Pero since ginulo mo na ang buhay ko, guguluhin na rin kita.” Tumikwas ang isang kilay nito.

Awtomatikong uminit ang kaniyang bunbunan. “Ako pa ang nanggugulo ngayon? Hoy! Inosente ako sa problema mo! Gusto ko lang namang kumita ng pera at maka-survive sa mundong ito!”

“Total ay mahilig kang kumapit sa patalim, bakit hindi ka na lang kumapit sa mas matibay at ligtas na paraan, iyong mas malaki ang benefits? It’s a big deal, Cassandra. Our marriage agreement would be free range. If hindi mo na kayang magtiis, you can file a divorce. Ikaw lang ang puwedeng gagawa niyon para hindi magalit si Lola. One year, I think, is enough; it’s up to you.”

“One year?” gilalas niyang sambit.

“Yes, bibigyan pa kita ng puhunan sa negosyo para sakaling umalis ka, hindi ka babalik sa dati mong buhay. You can decide at any time. It’s not a rush.” Bumalik sa upuan nito si Stefan at nagtipa sa laptop.

Hindi makapagpasya si Cassandra. Ilang gabi niyang hiniling ang magandang opportunity upang mabago ang buhay niya. At nang nasa harapan na niya ito, tila nabahag ang kaniyang buntot.

“Pag-iisipan ko,” sabi niya.

“Take your time, Cassandra,” anito, ni hindi na siya sinipat.

Tumalikod siya matapos magpaalam. Nang malapit na siya sa pintuan ay huminto siya at nilingon si Stefan, saktong nakatingin ito sa kaniya. Noon lamang niya na-appreciate ang guwapo nitong mukha, mukhang mabait at inosente pero nasa loob ang kulo.

“Don’t stare at me like that. Naalibadbaran ako,” sita nito.

Umirap pa siya rito. “Yabang! Ikaw nga itong nakatitig!” singhal niya.

Pilyo itong ngumiti sabay kagat sa dulo ng ballpen.

Padabog niya itong tinalikuran at lumisan. Hindi na maalis sa kaniyang kukoti ang deal ni Stefan. Sign na ba upang tanggapin niya ito?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rona Rosel
kaabang abang ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status