Share

Chapter 7

NAGTATAKA si Stefan bakit hindi na umahon sa tubig si Cassandra. Lumangoy siya pabalik sa pinag-iwanan niya rito. Nahagip ng paningin niya ang kamay nito na umaangat.

“Sh*t!” bulalas niya. Tumakbo na siya patungo rito.

Nang mahagip niya ang kamay nito ay dagli niyang inangat at binuhat. Panay ang ubo ni Cassandra, namumula ang mukha. Inihiga niya ito sa buhangin at pinaunan sa kaniyang mga hita ang ulo. He’s unaware that Cassandra can’t swim.

“Bwisit ka!” asik nito nang mahimasmasan. Tinampal siya nito ng palad sa dibdib saka umupo. Panay pa rin ang ubo nito, nakalunok na ata ng tubig dagat. “Bakit mo ako iniwan? Hindi ako marunong lumangoy!” nanggagalaiting bulyaw nito.

Nawindang siya, at the same time, kabado. “Sh*t! I don’t know. I’m sorry,” balisang wika niya.

Marahas itong tumayo. “Papatayin mo pa ako, hayop ka! Ayaw ko na maligo!” maktol nito. Rumampa na ito palayo at bumalik sa hotel.

Dumagsa na rin ang mga tao sa beach kaya hindi siya nagtagal. He grabbed two glasses of cocktail from the beachfront bar and charged it to their hotel suite’s bill. He’s not sure if Cassandra love cocktail. Puwede na rin itong palubag-loob.

Pagdating sa kanilang kuwarto ay walang nagbubukas ng pinto. Naalala niya na lumabas pala sila na hindi dala ang card na magbubukas ng pinto. Malamang ay wala pa roon si Cassandra. Gumala tuloy siya na dala ang dalawang baso ng cocktail. And he finally found his wife in the beachfront restaurant sipping her red juice.

Nilapitan niya ito at umupo sa katapat nitong silya. Inibot niya rito ang isang baso ng cocktail. “You should try this. It’s not hard,” he said casually.

Sinipat lang siya nito, nakasimangot. Hindi niya alam kung paano ito paamuhin. He never meets a woman like Cassandra. She has a childish side, but suddenly, she transforms into a monster. Nasanay kasi siya sa babaeng mahinhin pero malakas ang dating.

“Dapat kasi sa simula pa lang ay sinasabi mo lahat ng hindi mo kayang gawin o ayaw mo,” basag niya sa katahimikan.

Tumalim pa ang titig nito sa kaniya, halos higupin nito pati strew ng iniinom sa gigil. “Napaka-insensitive mo talaga! Sinisi mo pa ako, eh ako na nga ang napahamak dahil sa kagagawan mo!” palatak nito.

Napalinga siya sa paligid at nakadama ng hiya sa mga taong biglang napatingin sa kanila. Sa lakas ba naman ng boses ni Cassandra, umani ito ng atensiyon.

“Hey, calm down. Nakakahiya sa mga tao,” pabulong niyang kausap dito.

Umirap pa ito bago umiwas ng tingin sa kaniya. Talagang hindi nito ginalaw ang cocktail na binigay niya. Inubos lang nito ang laman ng baso nito bago umalis.

Sinundan niya si Cassandra sa front office. Humingi ito ng duplicate ng card nila para mabuksan ang kuwarto. Hindi pa rin siya nito kinausap at naunang naligo sa banyo. Tumambay naman siya sa terrace ng kanilang suite at doon tinawagan si Donie. May missed calls kasi ito sa kaniya. Hindi nakadalo sa kasal niya si Donie dahil busy ito sa negosyo.

“How’s your wedding, bro?” tanong ni Donie buhat sa kabilang linya.

Lumuklok siya sa silya na nakaharap sa beach. “Ayos naman. It happened so fast, and now, we’re here in Maldives for the honeymoon,” he said. Sinaid niya ang laman ng kaniyang baso. May isang cocktail pa siyang titirahin dahil ayaw ni Cassandra.

Bumungisngis sa kabilang linya si Donie. “Talagang seryoso ka sa desisyon mo, ah. Ako ang kinakabahan sa ‘yo, eh. Imagine, napapayag mo ang inosenteng si Cassandra sa kalokohan mo?” anito.

“Ops, hindi ito kalokohan, Donie. I need to deal with Cassandra since she ruined my reputation in front of Lola. Isa pa, malaking pakinabang niya para hindi na ako maghihintay kung kailan ipagkakatiwala sa akin ni Lola ang rights ng company niya.”

“Ano ba kasi ang habol mo sa factory ng sweets na ‘yon? You have a lot of properties in the US, and you had billions of cash funds. Bakit hindi mo gamitin ang mga ‘yon para magtayo ng sarili mong business?” Naglitanya na naman ang kaibigan niya.

“I’m not sure if you know what sentimental value is, Donie. The sweets food factory means a lot in my childhood. At saka hindi ko nakalimutan ang pangako sa akin ni Lolo bago siya namatay na sa akin mapupunta lahat ng ari-arian niya. Pero since buhay pa si Lola, siya ang may karapatan.”

“Pero wala namang tiwala sa ‘yo ang lola mo.”

“Iyon na nga, eh. Kaya may good influence din itong si Cassandra sa buhay ko. She gave me a brilliant idea how to get Lola’s trust. Gustong-gusto siya ni Lola, kaya naisip kong gamatin na rin ang pagkakataong ito.”

“Pero niloloko mo ang lola mo, Stefan.”

“That’s not my intention, Donie. The marriage was real, so she won’t think I fool her. Lola will assume that I am serious about the marriage.”

“What about the divorce thing?”

“Si Cassandra ang gagawa ng isyu.” Kinuha niya ang isang baso ng cocktail at sinimulang sinimsim.

“Maiba ako. Nag-chat sa akin si Janica, and she tried to explain to me about the truth behind your accusation. Na-block mo kasi siya sa social media at lahat ng connection mo sa kaniya,” mamaya ay sabi ni Donie.

Bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin, uminit ang bunbunan niya. “I told you to stop entertaining that woman, Donie!” may katigasang saad niya.

“But bro, you need to listen to Janica’s side first.”

“I don’t have reason to listen to her lies. We’ve done, and please, stop mentioning her to me. Baka ma-block din kita,” gigil niyang wika.

“Fine! I will stop answering her chats for your peace of mind. Pero sana ay huwag mong ikulong ang puso mo sa galit na bumubulag sa ‘yo. Your pride can’t feed your heart, bro.”

Lalo siyang nairita. “I didn’t use my pride, Donie. I’m just saving myself from the stupid delusion made by an unfaithful woman! I’m done dealing with a woman. I’ve been faithful to Janica for many years, and I won’t trust women anymore. Ako naman ang maglalaro,” matatag niyang pahayag.

Hindi na nakaimik si Donie. Mamaya ay nagpaalam na ito.

DINIG na dinig ni Cassandra ang lintanya ni Stefan habang may kausap sa cellphone. Katatapos lang niyang maligo at namataan niya ang lalaki sa may terrace. Sa mga katagang binitawan nito, patunay lamang na isinara na nito ang puso para sa babae. Lalo tuloy siyang na-curious sa ex ni Stefan.

Habang nagbibihis ay sumagi sa kaniyang kukoti ang tungkol sa tatay niya. Naging basehan niya ito bakit never siyang tumanggap ng lalaki sa buhay niya. Iniisip kasi niya na hindi malayong danasin niya ang sinapit ng kaniyang ina, na nagmahal sa lalaking may pamilya at sinungaling. Hindi naman aware ang mama niya noon na may pamilya na pala ang tatay niya.

Tumatak din sa isip niya ang kuwento ni Sasha, na niloko ng boyfriend nito, matapos mabuntis, iniwan na parang walang nangyari. Saksi siya sa hirap na dinanas ng dalawang babaeng mahalaga sa kaniya. And she set her goal in life, na mabubuhay na lamang siya para sa kaniyang sarili, insisting that it’s better to be alone than surrounded by toxic people.

Pero hindi pa rin siya pinababayaan ng Diyos dahil kahit papano ay may mga taong sinamahan siya sa hirap at ginhawa.

Nagsusuot pa lamang siya ng pajama ay pumasok si Stefan. Huminto pa ito sa tabi niya para lang suyurin siya ng tingin. Kumulo na naman ang dugo niya rito.

“Ano’ng tinitingin-tingin mo? Lalaitin mo na naman ang dibdib ko?” angil niya rito. Bra pa lang kasi ang nasusuot niya pan-itaas.

“Inaano ka ba? Masama bang tingnan ko ang asawa ko?” anito.

“Puwede kang tumingin pero huwag mong samahan ng pang-uuyam! Kala mo naman perpekto. Sinuwerte ka lang kasi may lahi kang American kaya maganda ang hilatsa mo. Pero wala kang karapatang laitin ang katulad ko!”

Mariing kumunot ang noo nito. “Wala pa akong gingawa ang dami mo nang sinabi. Ayaw mo pang aminin na guwapong-guwapo ka sa akin, eh.”

“Excuse me! I never admire men for their physical appearances! Sa ugali ako tumitingin!” bulyaw niya.

“Whatever! Magbihis ka na dahil masakit sa mata ang patpatin mong katawan! Nawalan ako ng gana sa honeymoon na ito!” anito sabay talikod.

“Aba’t--” Pumulot pa siya ng isang pares ng sandals pero nakapasok na sa banyo si Stefan. Hindi ito inabot ng sandals.

Inis na inis na naman siya at wari sinasapian ng masamang elemento. Hindi pa siya nairita nang ganoon sa tanang buhay niya. She has always acted calmly in all situations to control her temper.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status