Share

Chapter 2

MAGKASUNOD na mura ni Stefan ang narinig ni Cassandra habang walang humpay sa pag-ulos ang malusog nitong armas sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama nang mga sandaling iyon. Ibinigay niya ang kaniyang makakaya upang matapos sila nang matiwasay.

Hindi niya akalaing magtatagal sila nang ganoon ni Stefan na walang pahinga. Nang kapwa makaraos ay tila kandilang naupos ang kaniyang lakas. Nang tingnan niya si Stefan ay humihilik na sa kaniyang tabi. Hinintay niyang kumalma ang kaniyang katawan at maibsana ng kirot sa kaniyang kaangkinan.

Kailangan niyang makaalis doon pero paano ang pera? Hindi puwedeng hihintayin pa niyang magising si Stefan. Kinuha niya ang wallet nito sa mesita.

“Hala! Paano ‘to? Wala siyang cash!” bulalas niya.

Puro card ang laman ng wallet ni Stefan. Hindi naman niya magagamit ang mga ‘yon. Isang daan lang ang pera nito.

“Scam ka! Paano ang thiry thousand ko? Kailangan ko na ng pera pambayad sa upa!” maktol niya.

Ayaw magising ni Stefan kahit anong yugyog niya sa balikat nito. Umu*ngol lang ito. Hindi na siya maaring magpakita ulit kay Stefan at ayaw niyang ma-involve sa buhay nito. Kakahalungkat niya sa wallet nito ay may nakita siyang magandang singsing na merong diamond sa tuktok. Maliit lang ito pero halatang mamahalin.

“Puwede na siguro ito. Bahala na. Naisuko ko na ang Bataan, hindi puwedeng wala akong mapala,” usal niya.

Nagbihis siya at kaagad umalis dala ang singsing. Hindi na siya dumaan sa club at kailangan niyang makabili ng insulin dahil nahihilo na naman siya. Kaso kulang ang pera niya. Mabuti online ang kakilala niyang babae na bumibili ng gold na pinagbentahan din niya noon ng kuwintas.

Nakipagkita siya rito sa Quiapo at tiningnan kung totoong gold ang singsing.

“Mukhang hindi ito puro. Puwede na ito sa thiry thousand,” sabi nito.

Wala na siyang choice kundi tinanggap ang offer nito. “Sige, kailangan ko na kasi talaga ng pera,” aniya.

“Mabuti may cash ako rito. Pero baka ito na ang huling pag-stay ko rito sa Manila kasi babalik na ako sa Dubai.”

“Talaga? Mabuti ka pa.”

“Baka gusto mo ring mag-apply.”

“Nako, ilang beses ko nang sinubok, bagsak ako sa medical.”

“Ayon lang. Sandali, kukunin ko ang pera.” Pumasok sa isang kuwarto si Melinda. Pagbalik nito ay dala na nito ang pera.

“Salamat, ah. Good luck na lang sa trabaho mo abroad,” aniya.

“Sige. Sana rin ay makahanap ka na ng regular na trabaho.”

Ngumiti lamang siya at nagpaalam. Dumiretso siya sa botika at bumili ng insulin. Bago nagturok ng gamot ay tiningnan muna niya ang kaniyang blood sugar level gamit ang nabili niyang digital glucose test kit. Nang malamang mataas na naman ang blood glucose niya, kaagad siyang nagturok ng insulin.

Binayaran na rin niya ang tatlong buwang upa sa bahay para hindi siya mapalayas ng may-ari. Na-solve rin ang kaniyang problema pero hindi pa roon matatapos ang lahat. Paano ang mga susunod niyang expenses? Kailangn niya ng regular na trabaho.

Tinanghali ng gising si Cassandra kinabukasan. May tatlong missed call sa kaniyang cellphone si Sasha at isang mensahe. Nagtanong ito kung nakauwi na siya. Nang masagot ang mensahe nito ay bigla namang tumawag.

“Bakit, beshy?” aniya.

“Nariyan ka na ba sa apartment mo?” tanong nito, pinaliit pa ang tinig.

“Oo, kagabi pa.”

“Hoy! Bakit mo tinakasan si Stefan?”

“Eh, nakatulog siya. At saka wala siyang pera.”

“Ayun! Sira ka talaga! Bakit kinuha mo raw ang singsing sa wallet niya?”

“Ha? Sinabi ba niya sa ‘yo?”

“Oo. Narito sila ni Donie sa bahay at gusto kang makausap.”

Napabalikwas siya mula sa kama. “Paano ‘yan? Naibenta ko na ang singsing. Siguro naman sapat na iyong pambayad sa serbisyo ko.”

“Gaga ka talaga! Nagagalit si Stefan!”

“Bakit siya magagalit? Kailangan ko na ng pera. Bumili na ako ng gamot at nagbayad ng renta sa apartment.”

“Nako! Ano ang sasabihin ko ngayon? Punta ka kaya rito para makausap mo siya.”

“Bakit pa? Bayad na siya, ano pa ang habol niya? Deserve ko ang thirty thousand at mukhang satisfied naman siya!” giit niya.

“Hay! Naabala na ako rito. Ano ang sasabihin ko?”

“Sabihin mo umuwi ako sa probinsiya. Huwag na ka’mo niya akong hanapin. Mumurahin lang naman iyong singsing niya.”

Hindi na nakapagsalita si Sasha hanggang sa naputol ang linya.

Nataranta naman siya at nagmadaling naligo. Kailangan niyang makaalis baka biglang susugod doon si Sasha kasama si Stefan. Saktong paglabas niya ng bahay ay may itim na kotseng huminto sa tapat. Iiwas pa sana siya pero biglang bumaba ng kotse si Sasha kasunod si Stefan.

“Wait!” pigil ni Stefan.

“Pasensya na, may importante akong lakad ngayon. May job interview ako,” alibi niya.

“Ibalik mo sa akin ang singsing na kinuha mo!” nanggagalaiting sabi ni Stefan.

“Wala na ‘yong singsing. Bale iyon na ang bayad mo sa akin dahil wala ka namang cash kagabi.”

“No! I can pay you cash right now. Ibalik mo ang singsing!” pilit nito.

“Wala na nga!”

“Paanong wala?” Nag-hystirical na sa galit ang binata.

“Naibenta ko na!”

“What?”

Pinagpapawisan na siya nang malamig at hindi malaman kung paano kakausapin si Stefan. Nang may parating na taxi ay pinara niya ito.

“Kalimutan mo na iyong singsing! Bayad mo na ‘yon sa akin! Bye!” pasigaw niyang sabi. Lumulan na siya ng taxi ni hindi nakapagpaalam sa kaibigan.

Kumalma ang kaniyang sistema nang makasakay ng taxi. Nagpahatid siya sa clinic ng kaniyang doktor.

AYAW pa ring tantanan ni Stefan si Cassandra kaya gabi na siya umuuwi sa apartment. Maghapon siyang naghahanap ng trabaho. Tatlong araw na siyang pagala-gala ngunit ni isa sa pinasahan niya ng resume ay walang tumawag. Karamihan sa hanap ng mga restaurant ay four years college graduate at may two years experience.

Two years hotel and restaurant services ang tinapos niya dahil iyon lang ang nakayanan. Wala pa siyang nabubuong dalawang taon na job experience sa iisang kumpanya dahil puro extra job lang.

Lupaypay siyang nahiga sa kama pagdating ng bahay. Mariin siyang pumikit at napaisip na naman ng problema. Sampung libo na lang ang natira sa pera niya, malapit na ang bayaran ng kuryente at upa sa susunod na buwan.

“Diyos ko, bakit kailangan kong magdusa nang ganito? Bakit ako ang naghihirap sa kasalanan ng mga magulang ko? Kahit itong sakit ko lang muna ang alisin n’yo, makahihinga na ako sa problema. Hirap na hirap na po ako. Kunin n’yo na lang kaya ako,” humihikbing usal niya.

Nang magmulat siya ng mga mata ay tuluyang lumaya ang kaniyang mga luha. Hindi na ito natigil sa pagdaloy hanggang sa gupuin siya ng antok.

Kinabukasan ay muling gumala si Cassandra upang maghanap ng trabaho. Bumili lamang siya ng dalawang siopao para sa kaniyang tanghalian at isang bote ng mineral water. Kailangan niyang magtipid hanggang makahanap siya ng maayos na trabaho.

Dumaan na naman siya sa boutique at naroon pa rin ang damit na gusto niya. Nakasilip siya sa loob buhat sa salaming dingding nang bumukas ang pinto sa gawing kaliwa niya. Lumabas doon ang ginang na puti lahat ng buhok pero maganda pa rin kahit halatang matanda na. Puno ng alahas ang leeg nito at mga kamay. Ang ganda rin ng bag nito.

“Higpitan ninyo ang security ng store nang hindi na maulit ang pagnanakaw. Maraming masamang tao na nagpapanggap na desente, magnanakaw pala,” sabi ng ginang sa security guard.

“Yes, ma’am,” tugon naman ng lalaki.

Naisip niya na ang ginang na ito ang may-ari ng boutique. Sinundan niya ito ng tingin habang patawid ng kalsada. Nahulog ang panyo nito at halatang hirap itong maglakad.

Hinabol niya ito at pinulot ang panyo nito. Inalalayan din niya ito na tumawid. “Panyo n’yo po, nahulog,” sabi niya.

“Ay, salamat, hija!” nakangiting wika nito. Kusa itong kumapit sa kanang braso niya.

Natutukso siya sa kumikinang nitong alahas pero pinalis niya ang masamang hangarin sa isip.

“Saan po kayo pupunta? Bakit wala kayong kasama?” tanong niya. Mabagal itong maglakad kaya panay ang para niya sa mga sasakyan upang paalpasin sila sa kalsada.

“Binisita ko lang ang boutique ng anak ko. Pauwi na rin ako,” anang ginang.

“Wala po ba kayong sasakyan?”

“Meron, kaso may inutos ako sa driver at sabi ko ay sunduin na lang niya ako sa park.”

Dumiretso sila sa park at sinamahan niya ang ginang sa bench.

“Samahan ko na po muna kayo habang wala pa ang driver n’yo. Baka kasi may abusadong tao na lapitan kayo at manakawan,” aniya.

“Salamat naman. Ilang beses na nga akong nanakawan kaya minsan ay natatakot akong lumabas mag-isa.”

“Nako! Marami po talagang magnanakaw ngayon.”

“Teka, saan ka pala pupunta, hija?” pagkuwan ay usisa ng ginang.

“Naghahanap po ako ng trabaho. Kaso ilang araw na akong pagala-gala pero wala pang tumatanggap sa akin. Ayaw ata nila sa akin,” amuse niyang tugon.

“Ay, bakit naman? Maganda ka naman, at mukhang masipag.”

“Kulang pa po kasi ang experience ko sa trabaho.”

“Hay! Iyan ang hirap dito sa bansa natin. Pahirapan sa requirements pero hindi naman nasasapat ang pasahod. Kaya hindi ko rin masisi ang ibang tao na mas gustong mangibang bansa.”

“Totoo po ‘yan. Kaya maraming naghihirap talaga.”

“Teka, ano ba ang tinapos mo, iha?”

“Graduate po ako ng two years hotel and restaurant services sa TESDA. Kaso wala pa akong mahabang experience.”

“Pero marunong ka naman sa ibang trabaho?”

“Aba opo! Kahit ano po basta marangal na trabaho.”

“Mag-apply ka na lang sa company ko. Hiring kami ng staff sa janitorial at sa production.”

Bigla siyang nasabik. “Ano po ba ang company ninyo?”

“Meron akong food production company, mga pagawaan ng chocolate, candies, mga pagkaing matatamis.”

Napangiwi siya. “Kumpanya pala ‘yon ng tukso,” natatawang wika niya.

“Ano ka’mo?”

“Ah, wala po. Salamat kung matatanggap ako sa company n’yo. Malaking tulong na po iyon sa akin kahit anong trabaho.”

“Sige. Sama ka sa akin ngayon at dadaan ako sa office.”

Napapiksi siya sa kilig. Hulog talaga ng langit itong ginang sa kaniya na nagpakilalang si Isabela Lorenzana. Ang gaan ng loob niya rito, at ramdam din niya na komportable ito sa kaniya.

Inabot ng isang oras ang kuwentuhan nila. Nilibre pa siya ng ginang ng ice cream. Malakas ang loob niyang kumain ng matamis dahil may stock siya ng insulin. Nang dumating ang driver ng ginang ay sumama siya rito.

Naroon lang sa Quezon City ang kumpanya ni Lola Isabela. Namangha si Cassandra sa laki ng pabrika at amoy niya ang matatamis na produkto roon. Iginala muna siya ng ginang sa production facility. Binigyan pa siya nito ng isang box ng chocolate na palagi niyang binibili. Kailangan din niya ito sa tuwing bumababa ang blood sugar niya.

Ipinasa niya ang kaniyang resume sa HR department at naghintay sa kaniyang interview. Dahil malakas siya kay Lola Isabela, wala na maraming tanong ang HR assitant. Kaso kailangan siyang makausap ng CEO na umano’y mapili sa empleyado.

“Huwag kang matakot, hija. Hindi nangangagat ang CEO,” sabi ni Lola Isabela. Isinama pa siya nito sa opisina nito. Ito pala ang chairman ng kumpanya.

“Sige po, pupunta na ako sa CEO office,” sabi niya. Nakailang buntong-hininga rin siya bago umalis.

“Balik ka rito pagkatapos ng interview mo, ha?”

“Opo.” Malapad siyang ngumiti bago tuluyang lumisan.

Katabi lang ng opisina ni Lola Isabela ang CEO office. Isang pindot lang niya sa doorbell ay bumukas ang pinto. Tumahip nang husto ang kaniyang dibdib habang papasok sa malawak na opisina. May dinaanan pa siyang lobby bago ang mismong workplace ng CEO.

Ngunit nang makita ang lalaking nakaupo sa mahabang lamesa ay tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig. Iginiit niya na nagmamalik-mata lamang siya, ngunit nang mag-angat ng mukha ang lalaki, wari pinanawan siya ng kaniyang kaluluwa. Nangatog ang kaniyang mga tuhod nang magtama ang mga mata nila ni Stefan. Si Stefan pala ang CEO!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status