Share

Chapter 10

Raven's POV

TAHIMIK akong sumakay katabi si Vander na ngayon ay parang walang taong nakikita. Pagkatapos ng pagkalukot ng mukha niya kanina ay hindi na muli ako nito tinapunan ng tingin. Hindi ko na lang din iyon binigyan pansin dahil baka mainit lang din ang ulo nito dahil sa biglaang meeting na nangyari.

Tumakbo na ang sasakyan papalayo sa tower. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ko sa labas ng mga taong naglalakad at mga building na ngayon ko lang din nakita.

Hindi ako nagkaroon ng oras para libutin ang Metropolis. Pagkarating ko pa lang ay agad na akong nag-apply ng trabaho kaya hindi ko pa nalilibot ang lugar. Siguro sa day off ko na lang ako maglilibot. Isasama ko si Prime dahil taga metropolis naman siya kaya kabisado niya ang lugar.

"Miss Haust, what are my other appointments?" Biglang untag naman sa akin ni Vander kaya napalingon din ako bigla sa kanya na naging dahilan para sumakit ang leeg ko. Parang pinulikat lang dahil sa biglaang paggalaw ko.

Napangiwi ako per
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status