Share

Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire
Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire
Author: Celeste Voss

Chapter 1

Author: Celeste Voss
last update Last Updated: 2025-10-28 14:28:25

(Trigger Warning: Contains infidelity, emotional violence, and blood imagery.)

Freya’s POV

“Anak, may sasabihin sana ako sa’yo.”

Narinig kong sabi ni Manang Lydia habang abala akong nag-aayos ng mga groceries sa cart. Nakasunod sa kanya si Manang Iseng, may hawak na listahan at paborito kong brand ng kape.

Napatingin ako sa kanila, bahagyang nakakunot ang noo. “Ano na naman ‘yon, Manang?”

Kanina pa kasi sila parang may gustong sabihin pero hindi makakuha ng tiyempo. At ngayon, heto na naman—yung tono na parang may mabigat silang tinatago.

“Tungkol sana ito kay Sir Seb.”

Parang biglang nanigas ang kamay ko sa hawak kong canned goods. Si Seb na naman. Hindi pa ba sila napapagod kakasira sa asawa ko? Bakit ba lahat na lang sila kasama na din sila mommy na ayaw kay Seb? Hindi naman siya masamang asawa. Mabuting tao at asawa naman siya. Lahat ng kailangan ko ay naiproprovide naman niya. Ano pa ba ang kulang sa asawa ko para tuluyan na nilang matanggap ito.

“Manang…” pinilit kong kalmahin ang boses ko, “ilang beses ko na po kayong pinagsabihan, ‘di ba? Tigilan niyo na ‘yang mga kwento niyo tungkol kay Seb.” Ilang beses ba nilang siniraan si Seb sa akin? Pero tuwing hihingi ako ng pruweba ay wala naman silang maipakita sa akin. Puro hanggang salita lang sila.

Nagkatinginan sina Manang Lydia at Iseng. Parehong may bakas ng awa at kaba sa mukha.

“Anak,” mahina pero mariin ang boses ni Manang Lydia, “nakita namin siya. Si Sir Seb. May kasama siyang babae sa labas ng hotel sa may Makati noong nakaraang linggo. Parang familiar pa nga yung babae, hindi lang namin nakita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa amin.”

Natawa ako, pilit. “Siguro naman, Manang, marami namang babae sa mundo. Baka business meeting ‘yon.”

“Hindi, anak,” sabat ni Manang Iseng, halos manginig ang tinig. “Magkahawak sila ng kamay. At—”

“Sapat na,” madiin kong putol. “Huwag niyo nang ituloy.”

Tahimik silang dalawa. Ang mga mata nila, puno ng habag na parang gusto akong yakapin at sabihing tanga ako. Pero ayokong marinig. Ayokong maramdaman.

“Kung hindi pa kayo titigil sa paninira kay Seb, magkalimutan na lang tayo.” Napalakas na ang tono ko. “Mahal ako ni Seb. Wala kayong karapatang husgahan siya.”

Tahimik. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin.

Hanggang sa hindi ko na rin nakayanan—iniwan ko sila at naglakad palayo, tulak ang cart, walang lingon.

-----------

Sa cashier, halos wala ako sa sarili. Naririnig ko lang ang kalansing ng mga produkto, ang beep ng scanner, pero ang isip ko, malayo.

Si Seb, mangangaliwa? Hindi. Hindi gano’n ang asawa ko.

Habang binabayaran ko, naramdaman kong unti-unting nanunuyo ang lalamunan ko. Parang may kumakain sa loob ko—isang uri ng takot na ayaw ko sanang pangalanan.

Pag-uwi, habang nasa biyahe, tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. May mga batang naglalaro ng habulan. Tawa sila nang tawa, walang iniintinding sakit ng mundo.

Gusto ko ring magka-anak. Tatlong taon na kaming kasal ni Seb, pero ni isang beses, hindi pa ako nabubuntis. Nakailang check-up na ako, wala namang problema sa akin. Pero si Seb… palaging umiiwas kapag napaguusapan iyon. Lagi niyang sinasabi, “Soon, baby. Let’s just enjoy each other first.”

Ayaw ko naman siyang madaliin dahil tama naman siya. Medyo mga bata pa kami para magkaanak kaya siguro mas maganda kung enjoyin muna namin. Ayaw ko siyang pangunahan.

----------

Pagdating sa bahay, nagpatulong ako kina Manang Lydia at Iseng na iayos ang groceries, pero matapos iyon, pinauwi ko sila agad sa mansion ni mommy na iniwan sa akin.

Masama pa din kasi ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa dahil sa paninira nila kay Seb na walang ibang ginawa kundi ang pakitaan sila ng magandang kalooban. Tahimik ang buong mansyon. Tanging tik-tak ng orasan sa sala ang maririnig.

Wala si Seb. Malamang overtime na naman, gaya ng lagi niyang sinasabi.

Dati, sabik ako tuwing naririnig kong dumarating siya. Ngayon, hindi ko na alam kung sabik pa ba o kinakabahan.

Pag-akyat ko sa kwarto, tahimik kong binuksan ang pinto—at doon ko narinig.

Mga ungol. Malalakas. Parang pamilyar… at isa pa.

Dalawang tinig. Isang lalaki, isang babae.

Nanlalamig ang palad kong humawak sa seradura.

Dahan-dahan kong pinihit iyon, at sa liwanag ng siwang ng pinto—

Parang tumigil ang mundo ko.

Si Seb. Hubad. Nakapatong.

At ang babaeng yakap niya—si Marice.

Ang pinakamatalik kong kaibigan.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakahinga.

Ang lahat ng ingay sa paligid ay biglang nawala.

Tanging pintig ng puso ko lang ang naririnig ko—malakas, masakit, at unti-unting nababasag.

“Uhhh… Seb, faster…”

Ang bawat ungol ni Marice ay parang pako sa puso ko.

Hindi ako makagalaw. Parang tinakluban ako ng yelo.

Ilang segundo bago ko namalayang nanginginig na ako, at tumutulo na ang luha ko.

“Seb…” mahina kong tawag, pero hindi nila ako narinig.

At kahit marinig pa nila, siguro wala silang pakialam.

“Malapit na… gusto ko ‘yung asawa mong magmakaawa sa akin pag nalaman niyang wala na siyang pera.”

Natawa si Seb. Tumawa siya.

“Patay na ang ina niya. Ako na may hawak ng lahat. Hindi na siya makakabangon. Soon, she’ll be useless.”

Parang may pumunit sa kaluluwa ko.

Patay na nga si Mommy… at si Seb—si Seb, ano ang kanyang pinagsasabi. Hindi ko ma proseso ang lahat ng kanyang sinasabi.

“Kaya mo pala pinapatay ‘yung walang kwentang ina ng walang kwenta mong asawa at tanga kong kaibigan dahil lang sa yaman nila? Ano pa bang kulang sayo? Mayaman ka naman,” sabi ni Marice saka humagikhik.

At doon ko tuluyang naramdaman—

galit na hindi ko pa kailanman naranasan.

Naglandas ang mga luha ko sa aking narinig. Para akong pinagbagsakan ng mainit na apoy. Nag-aapoy ngayon ang aking puso sa aking nalaman. Si Seb, pinatay niya ang aking ina. Halo-halong impormasyon ang prinoseso nga aking utak. Ngayon ko lang napagtanto na iba ang plano sa akin ni Seb dahil yaman lang pala namin nag kanyang habol. Pangalawa ay ang nalaman kong siya ang pumatay sa aking ina, at ang panghuli ay ang relasyong namamagitan sa kanila ni Marice, ang matalik kong kaibigan.

Kinuyom ko ang aking kamao sa galit na nararamdaman.

“Mga walanghiya kayo!!!”

Sumigaw ako, buong lakas, sabay buksan ng pinto.

Parehong napalingon sina Seb at Marice, gulat, pero hindi ako naghintay.

Sinugod ko si Marice, hinila ang buhok niya, at pinagsisigawan siya habang tinutulak palayo kay Seb.

“Aray! Bitawan mo ako!”

“Paano mo nagawa sa’kin, Marice?! Kaibigan kita!”

Hinila ko siya palabas ng kwarto namin ng taksil kong asawa, wala akong pakialam kahit hubad pa siya.

“Freya, stop!” sigaw ni Seb, pero umakto akong hindi ko narinig.

Ang buong isip ko, pulos poot.

Hanggang sa bigla niya akong tinulak—malakas.

Nabitawan ko si Marice, at bago ko namalayan,

nagtilapon ako pababa sa hagdan.

Naramdaman kong tumama ang ulo ko.

Malamig. Malagkit.

May dugo.

Nakatingin ako kay Seb, at sa pagitan ng pamumuo ng dugo sa mata ko, nakita kong yakap niya si Marice.

Hindi ako tinulungan.

Ni hindi siya lumapit.

Sa halip, marinig ko pa siyang nagsabi, “Finish her. Make sure she’s gone.”

Habang unti-unting nagdidilim ang paningin ko, may boses akong narinig—

mahina, parang hangin.

“Hindi ito ang katapusan mo, Freya.”

“Babangon ka. At sila naman ang magmamakaawa.”

At bago tuluyang mawala ang lahat, naramdaman ko ang init ng sariling dugo sa palad ko—

at ang bigat ng mundong pinili kong paniwalaan.

Marice’s POV

Napahawak ako sa mukha kong sugatan dahil sa pagkakakalmot ni Freya nang nagpupumiglas ako

“Aray, ang bruha talaga.” inis kong wika. Nanlisik ang mga mata kong tumingin kay Seb dahil sa mga galos ko sa mukha at sa mga kamay ko dahil sa kagagawan ni Freya.

“Babe, are you okay?” tanong ni Seb, habang nilalagyan ng tuwalya ang katawan ko.

“Ang sakit ng ginawa niya sa akin. Parang mawawalan ako ng buhok dahil sa higpit ng pagkakasabunot niya sa akin!” paawa kong sabi.

Hinagod niya ang likod ko, kalmado, malamig.

“Shhh… it’s fine. Hindi na siya makakabangon. Gagantihan natin siya nang hindi niya malalaman.”

Ngumiti ako, demonyong ngiti. “So… she’s gone?”

“Check if she’s still alive,” utos ni Seb sa isa sa mga bodyguard.

Ilang saglit lang, bumalik ito. “Sir, wala na po. Wala nang pulso.”

“Good.”

Umikot siya at ngumiti sa akin. “We can finally live the life we deserve.”

Napahagalpak ako ng tawa. “Deserve? You mean steal?”

“Semantics,” aniya. “We got her wealth, her house, her name. What’s next? Maybe her legacy?”

Tumingin ako sa ibaba ng hagdan kung saan nakahandusay si Freya, duguan.

“Sayang… gusto ko pa sana siyang marinig magmakaawa. Pero mukhang napuruhan.”

Lumapit ang isa pang lalaki, kinaladkad ang katawan ni Freya. Kita ko ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki na kadadating lamang.

“Dispose her,” utos ni Seb. “And make sure no trace remains.”

"Gusto mo ba ang bangkay ng asawa ng mahal ko?" tanong ko sa kanyang tauhan. Tumingin naman siya sa akin nang may pagkagulat.

"What do you mean, babe?" tanong sa akin ni Seb.

"I mean why not pakinabangan muna natin ang katawan ng hayop na iyan bago palabasing aksidente lang ang nangyari." maarteng wika ko sa kanya saka binalingan ang lalaki na tila pabor sa aking nais.

"Sige. Kayo na ang bahala." walang emosyong wika ni Seb saka ako hinila at naglakad papasok muli sa kwarto namin.

Habang naglalakad sila palabas, napangiti ako.

“Akin na ang lahat ng sa’yo, Freya. Lahat.”

Luke’s POV

Tahimik kaming nakamasid sa loob ng sasakyan. Ako, si Jeff, at si Sir Kiel.

Mula rito, tanaw namin ang malaking bahay ni Sebastien Cortez—ang lalaking pinakasalan ng babaeng kanyang nagugustuhan ng matagal na panahon.

“Sir, it’s almost time for your meeting,” paalala ko.

Pero hindi sumagot si Sir Kiel. Nakatingin lang siya sa bahay, matalim ang mga mata.

Hanggang sa bumukas ang gate.

Isang lalaki ang lumabas, may kargang babae—duguan, walang malay.

“Sh*t,” bulong ko. “That’s—”

Hindi na ako nakatapos. Bumaba agad si Sir Kiel, mabilis, parang demonyong nagising.

Sinundan namin siya, at bago pa makatakbo ang lalaking may karga, pinigilan na siya ni Sir Kiel.

“W-wag po! Napag-utusan lang ako ni Sir Seb at Ma’am Marice!” sigaw ng lalaki.

Bago pa siya makatakbo, binaril siya ni Sir Kiel—isang tama lang sa dibdib. Mabuti na lang at may silencer ang kanyang baril kaya hindi maririnig sa loob na nagkakagulo na dito sa labas.

Agad kong sinalo ang babaeng nahulog sa braso nito.

Si Freya.

Ang babaeng minahal ni Sir Kiel noon.

Ang babaeng tumanggi sa kanya—para sa lalaking pinsan ni sir Kiel na siya din pala ang papatay sa kanya.

“Damn, dumudugo ‘yung ulo niya!” sabi ni Jeff. “Tignan mo kung may pulse pa!”

Lumuhod ako at hinawakan ang pulso ni Freya. Mahina. Halos wala.

Pero may hinga pa. Kaunting-kaunti.

Tumingin ako kay Sir Kiel.

“Sir, she’s alive—but barely. Mukhang alanganin na kahit dalhin pa sa hospital.” natahimik siya sa aking sinabi. Ngunit ang mga mata niya, naglalagablab.

“Wala akong pake-alam. Kahit na patay na siya… bubuhayin ko siya kung kailangan.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 6

    ⚠️ Trigger / Content Warning:The following scene depicts intense romantic and sexual tension, including themes of dominance, power play, and emotional manipulation. It is intended for mature audiences only. Please read with caution.Freya's POV"Take off that damn shirt." Napangisi ako sa kanyang sinabi. "I thought you don't like me?" Napasinghap ako nang bigla niya akong itulak sa kama saka dinaganan at itinaas ang aking kamay sa headboard ng kama. Napapikit ako nang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Nakaramdam agad ako ng kiliti nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga. "I don't like you. But keep seducing me like that and I won't promise I'll hold back — I'll fuck you hard enough to make you remember it." “Then do it. Make me regret tempting you—if you really can.” Susubukan ko sanang kalasin ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya para sana hawakan siya upang mas lalong mag-init ang kanyang katawan ngunit mas hinigpitan niya lang ang paghawak sa aking mg

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 5

    Freya's POVNapawi ang mga ngiti ko sa sinabi niya. "What are you talking about, son? Ayaw mo ba kay miss Freya?" tumango ako sa tanong ng kanyang ama."She's the girlfriend of Sebastian. Ayaw ko sa mga babaeng nahawakan na ng iba." malamig niyang wika sa akin. Walang modo siyang tumayo saka naglakad paalis."That's not true. Hindi ko pa sinasagot si Sebastian, nanliligaw pa lang siya sa akin." paliwanag ko agad sa kanila. Ayaw kong madisappoint sila sa akin. I like him. Gusto ko siyang gamitin para mapabagsak si Sebastian. Mas mayaman at angat siya sa lahat ng bagay kaysa kay Sebastian. Hindi naman na ako lugi kung makikipagtrade ako. Sa kanya ang bespren ko, sa akin ang kanyang pinsan."It's okay iha, naiintindihan ko. I'm sorry sa inasal ng anak namin." nakangiting wika sa akin ng kanyang ina.Walang ano-ano ay tumayo din ako saka siya sinundan. Pumunta ako agad sa parking lot pero hindi ko na siya makita kung saan pa siya. Bagsak ang mga balikat kong isinandal ang likuran ko sa k

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 4

    Freya's POVAng init. Ang init sa pakiramdam. Heto na ba ang sinasabi nilang peace kapag namatay ka? Pero paano mahahanap ang totoong katahimikan kung ako ay namatay ng wala man lang nakukuhang kahit na anong hustisya?May yumuyogyog din sa akin at may basang dumadampi sa aking pisngi. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang pamilyar na lugar. Ang kwarto ko. Anong ginagawa ko dito. Napatingin ako sa asong dumidila sa akin at si Papi iyon."Papi? Anong ginagawa mo dito? Patay ka na ba? Nakikita mo ako?" sunod-sunod kong tanong sa kanya ngunit tahol lang ang narinig kong sagot mula sa kanya. Bumangon ako saka inilibot ang mga tingin ko. Napatingin ako sa pinto nang may kumakatok doon bago binuksan."Oh gising ka na pala Freya, halika na at kumain ka na." nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay mommy. Umiiyak akong tumakbo papunta sa kanya saka niyakap ng mahigpit."Bakit ka umiiyak, anak?" malambing niyang wika sa akin. "K-kasi hindi kita naprotektahan.

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 3

    Luke’s POV Tahimik ang mansion, ngunit hindi tahimik ng kapayapaan. Ang tahimik na ito ay puno ng tensyon, parang bawat sulok ay nakikinig at nakabantay. Ilang linggo na kaming gising gabi-gabi, nag-aayos ng mga dokumento, nag-audit ng bank statements, at nag-trace ng bawat piraso ng ebidensya. Sa bawat printout, email, at forged approval na nakalatag sa dining table, ramdam mo ang bigat ng bawat salita—parang bato sa dibdib ng sinumang magtatangka na palusutin ang imperyo ng mga Crowe. Nakatayo si Sir Kiel sa tabi ng fireplace, nakatingin sa apoy na tila sinasalamin ang galit at lungkot sa kanyang mga mata. Tahimik siya, ngunit ramdam ko ang bawat pihit ng kanyang puso. “Luke,” mahinang wika niya, “handa na ba tayo?” “Handa na, sir,” sagot ko, ngunit alam kong ang ibig niyang sabihin ay hindi basta handa kami sa logistics—handa na kami sa digmaan. Ang digmaan na ito ay hindi lamang laban sa korporasyon nina Seb at Marice; ito ay laban sa lahat ng humalintulad sa kanila—lahat ng n

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 2

    (Trigger Warning: Murder, infidelity, strong emotional violence, blood imagery.) Luke’s POV “Masama ito. Dalhin na natin siya sa hospital kung yan ang nais mo sir Kiel!” halos pasigaw kong sabi habang mahigpit kong hinahawakan si Freya para hindi mahulog. Malamig na ang kanyang balat, maputla ang labi, at halos hindi ko maramdaman ang pulso niya. Ang mga kamay niya’y duguan, at ang buhok ay dikit-dikit sa kanyang pisngi. Sigurado ko na hindi na siya aabot pa kahit na dalhin namin siya sa hospital pero kung para kay sir Kiel, gagawin namin. “Drive as fast as you can!” utos ni Sir Kiel, at ramdam ko ang punit-punit na tinig niya sa loob ng sasakyan. Si Jeff agad na tumugon at pinabayaan ang takbo ng makina—parang naghahabol kami sa oras at sa isang malabong pag-asang maibabalik pa ang buhay. Yakap-yakap ni Sir Kiel si Freya; hawak niya ang ulo nito at may mga luha na dumadaloy, hindi dahil sa delikadesa kundi dahil sa pagkatuyo ng puso. Napatingin ako sa rearview mirror—ang mga mat

  • Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire    Chapter 1

    (Trigger Warning: Contains infidelity, emotional violence, and blood imagery.) Freya’s POV “Anak, may sasabihin sana ako sa’yo.” Narinig kong sabi ni Manang Lydia habang abala akong nag-aayos ng mga groceries sa cart. Nakasunod sa kanya si Manang Iseng, may hawak na listahan at paborito kong brand ng kape. Napatingin ako sa kanila, bahagyang nakakunot ang noo. “Ano na naman ‘yon, Manang?” Kanina pa kasi sila parang may gustong sabihin pero hindi makakuha ng tiyempo. At ngayon, heto na naman—yung tono na parang may mabigat silang tinatago. “Tungkol sana ito kay Sir Seb.” Parang biglang nanigas ang kamay ko sa hawak kong canned goods. Si Seb na naman. Hindi pa ba sila napapagod kakasira sa asawa ko? Bakit ba lahat na lang sila kasama na din sila mommy na ayaw kay Seb? Hindi naman siya masamang asawa. Mabuting tao at asawa naman siya. Lahat ng kailangan ko ay naiproprovide naman niya. Ano pa ba ang kulang sa asawa ko para tuluyan na nilang matanggap ito. “Manang…” pinilit kong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status