"Bebelabs. Hehehe," bati ko sa kanya habang siya ay masama ang sa akin.
"Bakit mo kinalimutan usapan natin? Alam mo ba na namuti na mata ko kakahintay saýo, pero ni text para balitaan ako kung buhay ka pa ay wala." Inis niyang sabi habang namumula.
"Sorry na bebelabs.” Hingi ko nang paumanhin sa kanya.
"Sorry," ulit niya sa sinabi ko. "Bakit mo ba kasi kinalimutan?" tanong niya pero kumamot lang ako sa ulo dahil wala naman talaga akong mabigay na tamang rason."Ano kasi-----" Alangan naman sabihin ko ang totoo na nakalimutan ko. Isipin pa niya na hindi siya mahalaga sa akin.
"Anak, nasabi na ba saýo ng daddy Donny mo ang magandang balita?" Sabay pasok ni mommy Mida at kinindatanan ako.
Wew, save by the mommy. Hindi rin niya ako natiis.
"Ano po'ng magandang balita?" tanong ko at nakita ko naman si Sabrina na umayos nang makita si mommy.
"May nag-order sa atin ng maraming kakanin at iba pa'ng panghimagas tapos si ninong Ry mo at daddy mo may nakuha rin na raket kaya tuloy ang selebrasyon sa birthday mo." Pumapalakpak na sabi mommy.
"Yehey!" Pumapalakpak din ako saka tumingin kay Sabrina at kinuha ang kamay niya para sana yayain siyang pumalakpak. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin kaya mag-isa na lang akong pumalakpak. Kaya tumigil na rin ako.
Isa pa yan sa mga gusto ko sa parents ko, kapos man kami paminsan-minsan ay nakakagawa talaga sila ng paraan para sa mga mahahalagang okasyon lalo na sa birthday ko. Hindi naman ako naghahangad nang magandang kaarawan pero ayoko naman pigilan sina mommy sa gusto nila kung ýon ang magpapasaya sa kanila.
Kung ako lang, kahit wala na ay ok lang sa akin.
"Sab, dito ka na magtanghalian." Alok ni mommy sa kanya.
"Sige po, salamat po pero uuwi na rin po ako mamaya dahil hinihintay na rin ako sa bahay namin." Ngumiti naman ako dahil mukhang hindi na siya galit sa akin. Buti na lang, akala ko ay aabutin pa kami ng kinabukasan bago siya maging ok.
“Ganoon ba, saglit lang at may kukunin ako,” paalam niya saka pumasok sa kusina at nang bumalik ay may dalang turon. “Teka lang, yong pambalot pala.” Saka muling pumasok sa kusina.
"Hello ebreywan!" sigaw ng ampon ni mommy na si Rav na besprend ko. Ampon kasi darating lang yan para kumain at bigla na lang nawawala na parang bula. Ngayon panigurado naka-amoy na naman ng pagkain kaya nandito. "Wow may pud." Sabay dampot niya hinandang turon ni mommy.
Pero hindi ko na siya pinansin at si Sabrina ang hinarap ko.
"Sab, sorry talaga, kasi ang totoo nakalimutan ko usapan natin." Panunuyo ko. Sorry naman, sabi kasi ni mommy kasalanan ang magsinungaling. Kaya hindi ko rin natiis at sinabi ko na ang totoong dahilan. Bad kaya magsinungaling.
"Alam ko naman na hindi ako priority mo." Nagtatampo niyang sabi. Sabi ko ng aba ito ang sasabihin niya.
"Sab, naman eh." Naka-usli labi kong sabi. "Babawi ako promise," sabi ko sabay taas ng kamay.
"Wag ka na mangako, Azrael, baka masaktan mo naman ako dahil ang dami mo ng pangako na hindi natutupad." Hindi naman marami, sa bilang ko parang tatlo pa lang naman,
Una, ýong hindi ko siya nasamahan mag-enroll.
Pangalawa, yong hindi ako nakasipot sa usapan namin.
At pangatlo, ngayon.
"War kayo?" tanong ni Rav habang patuloy na kumakain. Sinenyasan ko naman siya na wag maingay habang si Sab ay tinaasan siya ng kilay. "Wala pa nga kayong sariling kutsara at pinggan may pa-away-away na kayong nalalaman,” dugtong niya.
"Tumigil ka nga, kumain ka na lang diyan." Sita ko saka inabot sa kanya ang isang platong turon.
“Tenkyu,”
“Hoy, uling bakit mo yan kinain? Para yan kay Sab,” sita ni mommy na may dalang supot.
“Akin na daw po sabi ni Azrael eh,”
“Ok lang po tita, ibigay niyo na lang po yan sa kanya.”
“Oh ‘di ba, may mabutong puso rin pala ‘to si Sabrina kahit hindi halata.”
“Hoy!” sita ko.
“Tumigil ka na, at wag mo na istorbohin ang dalawa diyan. Kung nagugutom ka, tara sa kusina at may pagkain doon.”
“Oks, po,” sagot ni Rav saka muling tumingin sa amin. “Wag na kayong mag-aaway, nakakahiya sa mga tunay na magjowa na may pinagdada-anan samantalang kayong walang label may pa war-war." Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa kusina nang sinamaan ko siya ng tingin.
“Sira-ulo talaga,” sabi ni mommy habang nakasunod.
Muli akong tumingin kay Sab habang nagkakamot ng ulo.
Aissh! Bakit ko ba kasi nakalimutan usapan namin ni bebelabs. Nagtampo tuloy sa akin si bebelabs. Mamaya hindi na ako sagutin nito dahil puro palpak na lang ginagawa ko.
"Sorry na talaga bebelabs."
"Sige na, uuwi na ako at kanina pa ako hinihintay sa bahay." Walang gana niyang paalam saka tumayo. “Pupunta pa ako ng university mamaya.”
"Samahan na lang kita mamaya,"
“Kahit wag na,”
“Bebelabs,”
"Hindi na ako galit, gusto ko lang malaman na ok ka at walang nangyari saýo kaya hindi ka nakarating sa usapan natin," dugtong niya. “Sige na, mauuna ako, at magpahinga ka na dahil mukhang pagod na pagod ka sa pagtitinda mo.”
"Bebelabs, hatid na kita."
"Wag na, tulungan mo na lang si tita mag-ayos," sabi niya.
"Sige bebelabs, kita na lang tayo mamaya." Hindi naman siya sumagot dahil sa sinabi ko.
Napakamot na lang ako ng ulo nang makita siyang sumakay ng tricycle. Galit talaga si bebelabs. Hayaan na nga, mawawala rin ýan pag nasuyo ko mamaya.
"Azrael, kabaret tayo." Biglang sulpot ni Rav sa gilid ko saka tumango na may kasamang kindat.
"Anong kabaret?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano pinagsasabi niya.
"kabaret, yong ganoon," paliwanag niya habang sumasayaw.
"Napakamanyak mo talaga," inis kong sabi.
"Nagtatyaga ka sa Sabrina na ýan eh pakipot naman," reklamo niya.
"Hoy, mahal ko ýon, kaya kahit ten years akong manligaw maghihintay ako."
"Ghe, sabi mo eh, pero alam mo pag ýan iniwan mo maghahabol saýo ýan. Kasi hindi na ýan makakahanap ng sing-tanga mo pagdating sa kanya. Alam ko mga ganyan galawan, masyadong pa-importante hindi naman kagandahan."
"Sinasabi mo ba na tanga ako Rav?" Nakasimangot kong tanong.
"Kasasabi ko lang ‘di ba? Gusto mo ba ulitin kong tanga ka."
“Sira ulo ka ha!”
“Bakit ano ba tawag doon?” tanong niya. “Gusto mo pagandahin ko?” Nakasingkit naman kilay ko habang naghihintay nang susunod niya sasabihin.
“Ang pina-gandang salita ng tanga ay ang salitang uto-uto at ikaw yon.”
"Aba!" Uupakan ko sana si Rav pero bigla na lang siyang tumakbo.
"Nood ka na lang porn kaysa maghintay sa babaeng ýon!" sigaw niya at mabilis lumabas ng bahay. Napakabastos talaga ng bunganga, akala mo hindi lalaki.
“Sira ulo ka bumalik ka dito,”
“Hindi na, mambabae na lang ako!” Saka siya biglang nawala sa paningin ko.
Dahil nawala na siya paningin ko ay hinayaan ko na lang siya. Mag-aayos na lang para surpresahin si bebelabs mamaya. Pupuntahan ko siya Lestrange University para sunduin.
ZION's POV
=SABRINA POV=Kanina pa ako nakatulala at wala na akong halos maintindihan sa mga turo ng mga professor. Iniiisip ko si Azrael at ang babaeng nakita ko kagabi. Mahal ko si Azrael at totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin naman na mahal niya ako kaya nga naging kampante ako kahit hindi ko pa siya sinasagot.Pero hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko matanggap na napunta siya sa iba nang ganoon kadali. Akin dapat siya at akin lang siya. Kung may paraan lang na mabawi siya ay gagawin ko. Kung kasing yaman lang ako nang babaeng 'yon ay babawiin ko si Azrael sa kanya. Siguro tinakot niya si Azrael kaya hindi na nakatanggi sa kanya.Habang umiinom ako nang juice dito sa canteen ay iniisip ko kung paano ko kaya mababawi si Azrael sa babaeng &ya
=AZRAEL POV="Whoa!" Namangha ako sa ganda ng gate na pinasukan namin. Lalo na nang makita ko ang isang bahay na sa palabas sa tv ko lang nakikita. Ang laki at ang ganda ng paligid. Halatang yayamin ang mga nakatira dito. "Sigurado ba kayo na bahay 'to ni Alexa?" tanong ko nang makababa na kami.Nilibot ko ang tingin sa labas ng bahay. Napakalawak at napakalinis pero hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv na may garden at pool. Dito kasi literal lang siyang malawak at tanging mga upuan lang ang narito at mga puno sa tabi ng mismong bahay.Ang bahay naman ay may seco
"Matutulog na kami, Sab." Pero hindi siya nakinig at pumasok pa rin siya sa loob at agad na umupo sa tabi ko. "Anong nangyari, kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Hindi kita niloko Sab, ang totoo niyan---" bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo, pasensya na Alexa pero kailangan kong magpaka-honest ngayon, total ikaw rin naman makakasama ko. "----napikot ako." "Ano?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Nalasing ako at nagising na magkatabi kami sa kama kaya wala akong choice kundi pakasalan siya sa mismong araw na ýon dahil kailangan ko siyang panagutan." Binaliktad ko na lang ang sitwasyon para hindi na siya manguli
=SETH's POV="Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart."What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop."Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay."Stop making fun of me, or I will kill right away.""I'm not, you can ask your goons."
=AZRAEL's POV= Kalmadong naka-upo sina Alexa at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hades at Penelope katapat nang pwesto namin nina mommy at daddy. Kakarating lang nila at pare-parehong tahimik. Tunog lang ng electric fan at ingay sa labas ng bahay ang maririnig dito. Nakita ko na medyo hindi komportable sina mommy at daddy dahil mukhang kanina pa sila asiwa. Hindi ko sila masisi dahilperstaym namin makisalumuha sa mga totoong mayayaman.
=BETHANY's POV= "What?" Sabay-sabay namin tanong nina Nath, Zion at Gabriela nang ibalita sa amin ni Penelope na kasal na si Alexa sa lalaking nagtitinda ng pagkain. Like what the hell did she do para mapapayag ang lalaking ýon? Eh sa hitsura noon, kahit kumain ng asin gagawin noon wag lang siyang pilitin sa ayaw niya. Did she offer a billion? Ganoon ba siya ka-eager na mapasagot ýon? And why the fvck is him? Pwede naman isa sa VIP ang pakasalan niya at for sure mapapasunod pa niya. May pagkabobo rin 'to mag-isip minsan si Alexa eh. "Narinig niyo na 'di ba? Uulitin pa ba ni Penelope ang sasabihin niya?" Tiningnan k
=JOHN PAUL's POV=Tahimik si Azrael sa likod ng van at mukhang malalim ang iniisip. Naririnig din namin siya na panay ang buntong hininga. Iniisip kaya niya kung ano talaga ang nangyari?Malas niya dahil wala siyang maiisip dahil wala naman talagang nangyari. Pero dahil ayaw pa namin mamatay at gusto namin ng happy ending, syempre hindi namin sasabihin. Ganito kasi yan."May ipag-uutos ka pa master?" Nakangiti kong tanong kay master Alexa dahil ang gagong anghel tumakbo na."Undress him, fully naked." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni master dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko."Hey, do you hear me Ross?" Pero mas hindi ako makap
=AZRAEL's POV=Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng kwarto dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ano kaya kung mag-file ako ng kaso sa kanya dahil pinikot niya ako. Kaso,kung mawalan ng bisa ang kasal namin dahil niloko niya ako, ay paano naman ang nangyari sa amin?WahhhAnong gagawin ko?Kung tutuusin, siya pa rin agrabyado sa aming dalawa. Iniisip ko pa lang kung paano na lang kung mabuntis siya tapos maghihiwalay kami paano ang baby namin na paniguradong cute ang lahi dahil guapo ako at maganda siya. Naks! Pwede!Pero teka lang bakit ba ýon ang iniisip ko?Nagdadalawang isip pa rin ako kung lalabas