Share

1

=AZRAEL's POV=

"Hopia, mani, popcorn, turon, basahan, sigarilyo, kendi kayo diyan mga suki!" sigaw ko habang iwinawagayway ang mga paninda sa gitna ng kalsada. Nasa crossing ako ngayon at kasalukuyang pula ang traffic light nitong puwesto. 

"Az, isa nga'ng mani!" sigaw ng isang dyipney drayber sa tapat ko na agad kong nilapitan. Kilala na kasi ako dito sa pwesto na ito dahil dito ako madalas naka-pwesto.

"Isa lang ba? tatluhin mo na para limang peso at may isa ka pa'ng libre na kendi," sabi ko saka inabot ang tatlong balot ng mani at isang kendi.

"Napaka-negosyante mo talaga, oh siya salamat sa libre," sabi niya. Sumaludo pa ako sa kanya bago umalis para suyurin ang mga kasunod na sasakyan.

"Hopia, mani, popcorn, turon, basahan, sigarilyo, kendi kayo diyan!" muli kong sigaw habang naglalakad sa gitna ng sikat ng araw.

Azrael Russel nga pala at your service. 24 years old at sabi nila kahawig ko daw si Joshua Garcia pati sa kilos at pananalita. Pero syempre mas pogi ako doon. Mabait din ako, manusurin, magalang at nag-iisang anak ng aking mommy at daddy na kagaya ko ay mga negosyante din ng hopia, mani, popcorn, turon at iba pa. Sosyal kami kahit mahirap, kaya mommy at daddy ang tawag ko sa magulang ko.

Graduate ako ng hotel and restaurant management pero hindi ko ginamit ang natapos ko sa pagtatrabaho sa mga kompanya dahil mas ginamit ko ito sa negosyo nina mommy at daddy. Bakit ba, pangarap ko makapag-patayo ng sarili kong negosyo na ako ang boss at sila mommy at daddy ang katuwang ko. Saka mas gusto ko muna tulungan sina mommy ngayon, lalo na at lumalakas na ang paninda niya.

Tagaktak ang pawis ko pero hindi ko yon pinansin dahil ang mahalaga ay ma-ubos ko ang paninda'ng ito bago ako umuwi ng bahay. 

"Azrael!" Agad akong napatigil at napatingin sa kabilang side ng kalsada nang marinig ko ang boses na iýon. Si ninong Ryan, ang bestfriend ni daddy na isang taksi drayber.

"Ninong Ry," bati ko sa kanya nang makalapit ako.

"Tanghali na ah! Bakit hindi ka pa umu-uwi?" tanong niya sa akin.

"May natira pa kasi sa paninda ko 'nong, sayang naman kung u-uwi ako nang hindi nauubos itong mga hopia at turon," sabi ko habang nakapatong ang isa kong kamay sa kotse.

"Sumakay ka na at papakyawin ko na ýan." Napangiti ako dahil sa sinabi ni ninong.

"Talaga nong?"

"Oo, sige sakay na bago mag berde ang ilaw." Mabilis akong sumakay sa taksi at inayos ang paninda.

"Dabes ka talaga ‘nong," puri ko kay ninong pero agad napatigil. "Teka, ano pala gagawin mo dito ‘nong?" takang tanong ko.

Tuwing nadadaanan niya kasi ako na nagtitinda at laging may tira ay pinapakyaw niya ang paninda ko.

"Ah! Ako kasi laging naatasan sa parkingan na bumili ng meryenda ngayon, Kaysa sa iba ako bumili eh di sayo na lang ‘di ba? Hatid lang kita sa inyo at dadalhin ko na ýan doon." Ang galing naman, dahil tuwing may tira ako ay laging natetyempuhan na siya lagi ang nakatoka na bumili ng meryenda sa parkingan.

Ang bait talaga ni Lord sa akin. Sabagay mabait din naman ako kaya lagi akong bini-blessed. Kaya dapat laging magpakabait, para laging may blessings.

‘Thank You, Lord, Amen’

Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami ni ninong ng kung anu-anong mga bagay-bagay hanggang sa mapadako ang usapan sa amin ni Sabrina.

“Kumusta na pala kayo ni Sabrina?” Si Sabrina ay ang kababata ko na nililigawan ko at mahal na mahal ko. Ang babaeng pangarap kong makasama habang-buhay.

“Oks lang naman ‘nong, tagilid pa rin, pero alam ko naman na mauuwi din sa kasalan ang lahat.” Kinikilig kong sagot kay ninong.

“Abaý bilisan mo at baka maunahan ka ng iba.” Natatawa niyang sagot.

“Naku, Malabo ýon ‘nong, patay na patay sa akin yon hindi lang nagpapahalata, medyo may pagka-hard to get kasi ng konti.” Tumawa naman siya nang malakas dahil sa sinabi ko. “Pero, syempre hindi yon makatanggi sa kaguapohan ko.”

“Ganyan talaga mga babae ngayon, masyadong pa-importante,” sagot niya.

“Oo nga ‘nong, parang si mommy kay daddy, bilis magtampo kahit walang dahilan.”

“Hindi na ako maka-relate niyan, dahil hindi naman ganyan ang namayapa kong asawa ko, Pero yong naging ex ko dati mas masahol pa ang kaartehan.” Natatawa niyang sabi.

“Buti na lang ‘nong naghiwalay kayong dalawa.”

“Buti na lang talaga,” sabi niya. “O siya nandito na tayo,”

“Pasok ka muna ‘nong,” Pagyaya ko sa kanya.

“Hindi na, baka kanina pa ako hinihintay sa parkingan,” sagot niya saka dumukot ng pera at inabot sa akin ang bayad. Nang masuklian ko siya ay umalis din agad siya.

Nang makalayo si ninong ay saka ako pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso na ako sa kusina na may daanan sa likod at naabutan ko doon si mommy na naghahain ng tanghalian habang kumakanta.

“Good afternoon sexy mom.” Masigla kong bati kay Mommy habang may malapad na ngiti.

"Sakto ang dating mo anak dahil nandiyan si Sabrina at kanina ka pa hinihintay," bati ni mommy sa akin na nagpawala ng ngiti ko.

Nilapag ko muna ang wala ng laman na bilao saka inabot kay mommy ang pera bago sumagot.

"Anong ginagawa ng tigre na ýon dito mmy?" tanong ko saka sumilip muna sa sala at agad na nagtago nang makita ko si Sab na tumingin sa gawi ko. "Mmy, galit yata ang tigre," sabi ko kay mommy.

Si Sabrina Santos ang tigre pero nag-iisa kong mahal. Hehe, nililigawan ko at gustong makasama habambuhay. Pero hindi pa raw siya handa na sagutin ako hangga't hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral. Isang taon na lang naman at makakapagtapos na siya kaya maghihintay ako.

"Aba malay ko sa inyo, sabi niya kanina sa akin ay may usapan daw kayo," sabi ni mommy.

Napatampal ako sa noo nang ma-alala ko na sinabi pala niyang daanan ko siya sa bahay nila dahil magpapasama siyang kukuha ng module sa university.

"Patay ako mmy,” sabi ko saka sumilip sa labas.

“Bakit?”

“May usapan pala kami na dadaanan ko siya at sasamahan sa university. Baka katayin ako niyang amazona na yan dahil nakalimutan ko usapan namin." Sumenyas naman si mommy ng lagot kaya lalo akong kinabahan.

"Kaka-inin ka talaga niyan ng buo." Panakot niya sa akin.

Inayos ko muna ang sarili ko saka huminga ng malalim at muling sumilip sa labas nang saktong napatingin si Sab sa gawi ko.

"Nakikita kita, kamatayan, kaya lumabas ka na diyan bago pa ako ang tumayo rito." Napapikit na lang ako saka tiningnan si mommy.

"Mmy," tawag ko para magpakampi.

“Ano?”

“Tulungan mo ako,”

"Magsanay ka na, dahil pag ýan naging asawa mo ay araw-araw kang kakaltukan niyan dahil makakalimutin ka.” Hindi naman ako makakalimutin, sadyang nakalimutan ko lang talaga yong usapan namin.

"Ano ba yan," reklamo ko saka sumilip ulit.

"Bibilangan kitang lima, pag wala ka pa dito hindi mo na ako makikita pa kahit kailan. Isa....." 

Hindi ko na pina-abot ng lima ang bilang niya at agad akong tumakbo palapit sa kanya habang may malapad na ngiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status