Share

DEEP WITHIN MISS COLD-HEARTED CEO'S HEART

CHAPTER 16

“Mommy…Mommy! I miss you, Mommy,” anang maliit na tinig na punong-puno ng pananabik. Tumakbo ito papalapit sa hindi nakahumang si Samantha.

Nanlalambot na napayakap din siya sa anak. Nang tumayo siya ay nanghihinang iginala niya ang paningin. Una ay tiningnan niya ang ama na bagaman natitiyak niyang maligayang-maligaya ay alam niyang naghihintay naman sa susunod niyang gagawin.

Katabi nito ang kaniyang Auntie Lorena. Malakas ang kutob niyang kahit nakangiti ang tiyahin ay naroroon ang apprehension dahil marahil sa pag-aalalang baka ikagalit niya ang pag-uwi nito sa Pilipinas kasama ang kaniyang itinatagong anak.

She looked at her son. Bakas na bakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan. Subalit alam niyang nagtatanong din ito lalo na’t hindi nito inaalis ang tingin sa direksiyon ng lalaking kasama niyang dumating at ngayon ay kasalukuyang tila itinulos sa pagkakatayo sa tabi niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status