Share

Kabanata 167

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-07-20 15:53:24

Wala sa sariling binuksan ni Austin ang pinto at naglakad papasok sa unit ni Kira. Natigilan siya saglit nang makita niya ang batang nakaupo sa mahabang sofa. Nagtama ang mga mata nila ni Leona at sa isa pang pagkakataon ay nasilayan niya ang buong mukha nito. Kahit saang anggulo ay wala siyang makitang pagkakahawig ng bata kay Owen. May pagkakahawig ang bata kay Lia pero sa paningin niya ay mas may pagkakahawig ito sa bagong chairman ng Ashton group.

‘Si Owen ba talaga ang ama ng anak ni Lia? O baka ibang bata itong nasa harapan namin? Pero hindi, eh. Kahawig siya ni Lia ng kaunti pero mas kahawig nito ang chairman. Para siyang girl version ni Mr. Ashton. Ni isang parte ng mukha ni Owen ay walang nakuha ang bata. Kaya paano magiging anak ito ni Owen?’ sambit ni Austin sa kaniyang isipan.

Mas lumapit pa si Austin kay Leona at mas pinagmasdan pa ito.

“Austin, don't say anything. Tayong dalawa ang mag-usap—”

Hinila ni Austin papalayo si Kira para hindi marinig ng bata ang pag-uusapan n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
c leon tatay mo leona.ty po mis docky.
goodnovel comment avatar
max-pien
waaaah!!! exiting na .. thanks Ms docky
goodnovel comment avatar
Chanel Louis
Galing ng instinct mo Austin. Si Leon talaga ang daddy ni Leona.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 167

    Wala sa sariling binuksan ni Austin ang pinto at naglakad papasok sa unit ni Kira. Natigilan siya saglit nang makita niya ang batang nakaupo sa mahabang sofa. Nagtama ang mga mata nila ni Leona at sa isa pang pagkakataon ay nasilayan niya ang buong mukha nito. Kahit saang anggulo ay wala siyang makitang pagkakahawig ng bata kay Owen. May pagkakahawig ang bata kay Lia pero sa paningin niya ay mas may pagkakahawig ito sa bagong chairman ng Ashton group. ‘Si Owen ba talaga ang ama ng anak ni Lia? O baka ibang bata itong nasa harapan namin? Pero hindi, eh. Kahawig siya ni Lia ng kaunti pero mas kahawig nito ang chairman. Para siyang girl version ni Mr. Ashton. Ni isang parte ng mukha ni Owen ay walang nakuha ang bata. Kaya paano magiging anak ito ni Owen?’ sambit ni Austin sa kaniyang isipan.Mas lumapit pa si Austin kay Leona at mas pinagmasdan pa ito.“Austin, don't say anything. Tayong dalawa ang mag-usap—”Hinila ni Austin papalayo si Kira para hindi marinig ng bata ang pag-uusapan n

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 166

    Bumaling si Austin kay Kira. Ang mga mata niya ay puno ng pagkalito. Papalit-palit ang tingin niya kay Kira at sa bata. Nanginginig na nilingon ni Kira si Leona. “P-Pwede bang pumasok ka muna, Leona? Kakausapin ko lang muna siya.” “Sige po. Mamaya na lang po ako iinom,” tugon ng paslit saka tumalikod at pumasok. Naiwan sina Kira at Austin. Pareho silang tahimik. Nasa labas sila ng pinto ng unit ni Kira, wala rin namang taong dumaan o lumabas sa unit nila. Sila lang ang tao roon at ramdam na ramdam nilang pareho ang katahimikan.“Kira…” tawag ni Austin. “Sagutin mo ako. Sino ang batang iyon? Sa pagkakaalam ko ay wala kang pamangkin. Wala ka ring pinsang gano'n kaliit. Sino ang batang iyon?” “Austin…” “Kira sagutin mo ako,” seryosong wika ni Austin. “A-Austin,” sambit ni Kira hanggang sa napahagulgol na siya ng iyak. “I am sorry! Alam kong mali ang nagawa ko at habang-buhay ko itong dadalhin. Iniisip ko lang din naman ang kapakanan ni Lia kaya nagawa ko ang lahat ng ‘to.” “Ha? An

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 165

    Dire-diretso si Kira sa may pintuan at binuksan iyon. Nagulat siya nang bumungad sa kaniya ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya. Si Austin. Mukhang kinakabahan ito.“A-Austin? Anong ginagawa mo rito?” Naalala na naman bigla ni Kira ang failed confession niya kay Austin at nakaramdam na naman siya ng hiya at sakit. Malamig niya itong tinapunan ng tingin. “Bakit ka nandito?” pagtatanong niyang muli nang hindi nito sinagot ang tanong niya kanina.“Kira… Bakit hindi ka pumasok? Sobrang nag-aalala ako sa iyo. Ni hindi mo nga ako nirereplyan o sinasagot man lang ang mga tawag ko. I was so worried about you.”“May ginawa lang ako. Isa pa, hinahanap ko rin ang cell phone ko kasi kung saan ko yata nailagay. Hindi ko na maalala,” kalmadong wika ni Kira. Umatras si Austin kaya lumabas na rin si Kira at medyo sinara ang pinto ng unit niya. “Baka sa makalawa pa ako makapasok. May kailangan muna akong asikasuihin.” “Hindi ba dahil iniiwasan mo ako?” Umiling si Kira. “Bakit naman kita iiwasa

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 164

    “Leona, gusto mo ba ng mainit onmalamig na tubig para iligo?” tanong ni Kira sa paslit. Inosenteng nag-angat ng tingin ang paslit. “Kapag mainit po ba, mapapaso ako?” “H-Hindi.” Pinipigilan ni Kira ang tumawa. “Hindi naman siya sobrang init, sakto lang para iligo mo. Maligamgam lang. Oo, tama. Lukewarm water ang tamang term o maligamgam, hindi mainit.”“Malamig na tubig na lang po. Nakakatakot naman iyong mainit, baka po mapaso ako.” “S-Sige,” sambit ni Kira saka pinaliguan si Leona. Maliit ito kumpara sa average na height ng isang batang nasa apat na taong gulang. Marahil ay kulang sa nutrisyon ang mga kinakain nito sa ampunan kaya may kaliitan ito. “Ano bang madalas niyong kinakain sa bahay ampunan?”“Gulay po! Iyon po ang palagi naming kinakain. Iyong mga nakatanim po sa hardin ni Sister Lora. Kapag po sinuswerte ay nag-uulam po kami ng isda,” masiglang tugon ni Leona.“H-Hindi ba kayo umiinom ng gatas? O kaya nagkakarne o manok?” kunot-noong tanong ni Kira. “Minsan lang po.”N

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 163

    Manghang-mangha si Leona nang makita niya ang naglalakihang mga gusali. Hindi siya mapakali sa kaniyang upuan. Ngayon lang kasi siya nakakita ng mga magaganda at nagtataasang gusali. “Ito ba ang unang beses mong nakapunta sa mismong town proper ng Riverdale?” tanong ni Kira habang nagmamaneho. “Opo,” tugon ni Leona. “Nakikita ko lang po sa telebisyon ang mga ganito. Ibang-iba po pala talaga sa personal. Puro po kasi puno ang nakapalibot sa bahay ampunan.”“‘Wag kang mag-alala kapag ‘di ako busy sa work ko, ipapasyal kita. At of course, mag-aaral ka sa isang daycare center. Kasi ang isang bata, kailangang mag-aral at matuto.”“Wow!” Kumislap ang mga mata ni Leona sa tuwa. “Bibilhan niyo po ako ng maraming crayons?” “Oo naman. Marunong ka na ba mag-identify ng mga colors?” “Opo! Saka marunong na rin po akong magbilang hanggang 100!” pagbibida ni Leona.Natawa namn si Kira. “Aba’t, baka sa college na kita i-enroll niyan?” biro niya.“College? Ano po ‘yon?” inosenteng tanong ni Leona.

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 162

    Makalipas ang bente minuto ay nakarating nga sa parking area si Leon at dumating na rin agad si Lia. Sumakay si Lia sa kotse at mataman na tiningnan si Leon. “Ayos ka lang ba talaga?” bungad ni Lia. “Oo, nga. Ayos lang talaga ako,” giit ni Leon. “Pero mas aayos ako kapag naglunch tayo ngayon. Medyo gutom na kasi ako.” “Okay.” Pansin ni Lia ang pagiging tahimik ni Leon habang nagmamaneho. Madalas kasi ay dumadaldal ito kapag magkasama sila, kaya pansin niya agad ang pananahimik ng asawa niya. Hindi siya sanay sa ugaling mayroon ito ngayon. ‘Siguro ay masama lang talaga ang pakiramdam niya,’ katwiran niya sa isip niya. Nakatingin si Lia sa labas ng bintana habang tahimik namang nagmamaneho si Leon. Hindi na niya kinausap pa ito at baka mas lalong lang sumama ang pakiramdam ng asawa niya. “Lia,” tawag ni Leon.Kumunot ang noo ni Lia nang tawagin siya ni Leon sa pangalan niya. Parang may kumalabog sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. “B-Bakit?” “Matanong ko lang, i-ilang taon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status