Share

Kabanata 40

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-04-23 19:46:45

“Mama, that's enough," gulat na sambit ni Guada. Hindi niya gusto si Kiana para sa anak niya pero hindi rin naman niya hahayaang maltratuhin ito ng kaniyang biyenan! Sa isang banda ay nakikita niya ang kaniyang sarili kay Kiana.

“Huwag kang makialam dito, Guada," singhal ni Donya Rehina. Tumataas na talaga ang presyon niya kanina pa dahil sa mga nangyayari.

“Mama, please calm down. Hindi makabubuti sa iyo kung patuloy kang magagalit. Alalahanin mo ang bilin sa iyo ng mga doktor, mama. Bawal kang mapagod at bawal na bawal kang ma stress," paalala ni Rolly.

“Lola, tama si Kuya Rolly. Hayaan niyo na si Kiana. Ako na ang bahala sa kaniya," ani Leon.

“Magsitigil kayo. Huwag niyo akong diktahan! Kakakasal lamang ni Ria sa iyo Leon. Sa halip na maayos natin siyang tanggapin sa ating pamilya ay ganito ang nangyari! Mainit na pagtanggap ang hiling ko sa inyo hindi mainit na ulo!” Hiningal nang bahagya si Donya Rehina. Pansamantala siyang tumahimik para pakalmahin ang sarili pero sadya yatang i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
hala mga baliw na
goodnovel comment avatar
Rose Abanilla
hangal kayong dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 138

    “What? Are you kidding me? Do you know how shocked I was when I heard that my father had undergone surgery without my knowledge and consent? Paano kung may masamang nangyari sa tatay ko? Sinong mananagot doon?” kunwaring galit na tanong ni Kiana, pero ang totoo ay mas gugustuhin niya pang namatay si Liam nang araw na ‘yon para wala sana siyang problema ngayon. Matapos niyang malaman na may mga maling clauses sa pinirmahan nitong mga documents ay saka lamang niya ipinanalanging buhayin pa ito. At higit sa lahat, nakadalo sana siya sa party ni Donya Rehina!“You have nothing to worry about, Miss Reed. Isa sa pinaka magaling na doktor sa buong bansa ang gumamot kay Mr. Liam at garantisado na malaki ang survival rate ng papa mo after the operation. As a matter of fact, hindi man lamang nagkaroon ng infection ang papa mo after the surgery.”“Kung magaling ang sinasabi mong doktor bakit kailangang magpunta ng papa ko rito ngayon, ha?”“Well, unfortunately, after Mr. Reed’s operation, ay aga

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 137

    Natigilan saglit si Kiana. Ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Hindi niya inaasahang umepekto agad ang gamot na ipinainom niya kay Liam noong mismong araw na iyon. Akala niya kasi ay maayos na ang lahat, na handa nang malipat ang lahat ng ari-arian nito sa kaniya kaya tinangka na niya itong patayin. Malaki ang utang na loob niya ngayon sa kung sinuman ang doktor na nagsalba sa buhay ng kaniyang ama-amahan dahil kung hindi dahil dito ay mapupunta ang seventy percent ng kayamanan ng mga Reed sa isang bahay ampunan! She needs to thank that doctor personally lalo pa at alam niyang napakaliit na noon ng chance na mabuhay pa si Liam dahil sa ginawa niya. She should somehow give that doctor a good compensation. Napabalik siya sa wisyo nang muling nagsalita ang babae.“Kung ang mismong office po ang hinahanap niyo ay nasa first floor lang din po ang cardiology department. Diretso lang po kayo tapos ikatlong kanto paliko. Makikita niya na po pagkatapos ang cardio department kaso wala po

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 136

    Pinandilatan ni Kiana ang mga kasamahan ng babae. “Anong nakakatawa ha? May nakakatawa ba?" Bumaling siya sa babae. "At ikaw? Gan'yan ba ang turo sa inyo rito? Gan'yan ba dapat kayo makipag-usap sa customers niyo?”Hinawi ni Kiana ang buhok ng babae. Nang makita niya ang nameplate nito ay agad niya iyong kinuhanan ng litrato."Excuse me, ma’am. Pakibura po ng photo. Bawal po ‘yan di—”"Saka mo na ako utusang burahin ito kapag nakaharap mo na ang President ng Ashton Group. Kung hindi mo pa siya nakakaharap at nakakausap, do yourself a favor. Just do your job until you have one.” Ngumisi si Kiana.‘Baliw ba ang isang ‘to? Sino ba siya? Huwag ko na nga lang patulan. Hahaba pa ang usapan e,’ isip-isip ng babae. “Pasensya na po. P'wede ko po bang malaman ang pangalan ng pasyente at ang iba pang detalye patungkol sa kaniya at sa dinadamdam niya?”“His name is Liam Reed!” galit na wika ni Kiana at parang sasabog na ang litid dahil sa galit. Kumunot ang noo ng babae. “Liam Reed?”“Bingi ka

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 135

    Magkasalubong ang kilay ni Kiana nang makababa mula sa sasakyan. Imbes na kasama niya ngayon si Owen sa pool party na gaganapin para kina Leon at Ria ay hindi siya nakasama, dahil kinailangan niyang samahan ang amang si Liam Reed para magpacheck up. Medyo nag-ooverthink na siya kung may babae bang lumalandi sa fiancé niya sa mga oras na ito.“Kiana, ayos ka lang ba? Bakit tulala ka riyan?" tanong ni Liam.“Mukha ba akong okay, papa? Supposedly, may importanteng lakad sana ako ngayon pero dahil ayaw mong magpasama sa mga maids natin, ako ang inabala mo para samahan ka rito sa hospital.”Yumuko si Liam. "Pasensya na, anak. Ayoko kasing malaman ng mga katulong natin ang totoong kondisyon ko.”“Magdadrama pa,” bulong ni Kiana. "Tara na nga sa loob." Umikot ang mga mata niya. Dis oras na ng gabi. Kung hindi lang makulit ang ama-amahan niya ay hahayaan na niya itong magmaktol magdamag. Kung hindi lang din nagkaproblema sa ilan sa mga clauses ng pinirmahan nitong transfer of ownership at las

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 134

    “Mama,” pigil ni Guada kay Donya Rehina nang hawakan nito si Owen.Nanginginig si Owen na tumingin sa lola niya. “I-I am sorry, lola. Hindi ko alam kung paano…” “Sorry? Ang party na ito ay napakahalaga ngunit anong ginawa mo? Sinira mo ang event na ito. Hindi mo ba naiisip na hindi basta-bastang mga bisita ang naririto ngayon, ha?! Nakuha mo pa talagang magkalat!” namumula ang mukhang wika ni Donya Rehina. “Alisin mo sa harapan ko ang anak mong trouble maker, Guada!”“Ma, lasing lang si Owen. Hindi niya alam kung bakit siya nagkagan’on. Hindi ba dapat na imbestigahan natin ang lahat ng ito–” “Hindi sinadya? Sa tingin mo ba ay may pakialam pa ako roon? Paalisin mo na ang anak mo ngayon din o pati kayo ay papaalisin ko na rin dito?” may pagbabantang wika ng donya.“Ma, huwag namang ganito,” pagmamakaawa ni Guada.“Shut up! Paalisin niyo si Owen ngayon din!”“Owen, umalis ka na muna. Umakyat ka na sa taas o magpahatid ka sa bahay,” malumanay ngunit mariing utos ni Rolly.Bago pa makasa

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 133

    Nagbulungan ang lahat at nagsitanguan. Maya-maya pa ay nagpasya ang majority na burahin na lang ang mga litrato at video na nakuhanan nila kanina. Nakaramdamn sila ng awa kay Owen dahil sa nalaman nila sa matandang Ashton. Hindi pala nito mahal ang kapatid ng ex-fiancee nito.“Maraming salamat sa inyong kooperasyon,” nakangiting wika ni Donya Rehina. ‘That son of an assh0le! How dare he ruin the night?! I need to teach him a lesson!’ she thought.Nang matapos ang kaniyang closing speech ay bumaba na si Donya Rehina sa entablado at nilapitan ang host ng event.“Contact the F-Force. Kahit gaano pa yan kamahal, I want them to be here! Kailangang matabunan ng presensya nila ang nangyari ngayong gabi!” utos ng ginang.Ilang saglit pa ay dumating na ang F-Force. Siniguro ni Donya Rehina na makakarating agad ang mga ito. Isa ito sa pinaka sikat na mananayaw sa bansa. Kaya ang mga manonood ay hindi na makapaghintay at hindi na magkamayaw sa pagsigaw.“Are you guys ready?” tanong ng host sa ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status