Mag-log inCassandra Louise’s point of view
“Nobody warned me na ganito pala kakapagod ang maging personal maid.” Halos nakahandusay na ako sa kama habang kausap si Reed sa video call. Gabi na, at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para kumustahin ako at ibalita kina Mamita at Dadi Lo na buhay pa rin ako matapos ang halos isang buwang pakikipagsagupaan sa mansion ng mga Sandejas. Napabuntong-hininga ako. God... I already miss them. I miss the warmth of home. I miss Mamita's cooking. I even miss Dadi Lo's endless reminders. At higit sa lahat... Miss ko na ang buhay na walang isang Amadeo Vicente Sandejas. Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reed. “Bakit?” natatawang tanong niya. “Papasundo ka na ba?” Napairap ako kahit alam kong hindi niya naman makikita. “Of course not.” “Sure ka?” “Yes!” Bahagya akong umupo sa kama bago nagsimulang magreklamo. “Pero bwisit ka talaga.” “Ano na naman ginawa ko?” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na personal maid pala ako rito?” Bahagya siyang natigilan ng ilang segundo. “Oh…” Narinig ko pa ang mahinang paghinga niya. “I forgot to tell you.” Sabay tawa ng malakas. “Reed!” Inis kong singhal. “Ayos ba?” tanong pa niya habang halatang pigil na pigil ang tawa. Napapikit ako sa inis. “Kapag ikaw talaga kinarma…” “Nope.” Natatawa pa rin siya. “Hindi gumagana sa akin ang karma.” “Ang kapal mo.” “Thank you.” Napailing na lang ako. Seriously, minsan gusto ko na lang talaga siyang sapakin. “Sige na,” ani Reed matapos humupa ang tawa niya. “Magpahinga ka na.” “Isang buwan ka pa lang diyan.” “Behave.” Napanguso ako. “Behave? Ako?” “Yes.” “Impossible.” “Exactly.” Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago tuluyang naputol ang tawag. Nanatili ako sa ilalim ng kama ng nakatitig sa screen ng cellphone ko. "Magpakabait." Mapang-asar akong natawa, at sinabing, “Very funny.” Inaaway ko na nga si Vicente halos araw-araw. Mag-iisang buwan pa lang ako sa mansion ng mga Sandejas. At sa loob ng halos tatlumpung araw na pananatili ko rito... Nagawa ko nang sagut-sagutin si Vicente nang hindi mabilang. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang naging normal na lang iyon sa aming dalawa. Every single day, may bagong dahilan kami para magbangayan. Kapag umaga, nag-aaway. Kapag tanghali, nagtatalo. Kapag gabi... Nag-aasaran. At kinabukasan, uulit na naman. But despite that, naging close naman ako sa buong pamilya niya. Lalo na kay Agnes. She's literally a sunshine. Napakabubbly, sweet, at sobrang gaan niyang kasama. Complete opposite ng kuya niyang walking stress. Kung si Agnes ay parang anghel... Si Vicente naman ay certified demonyo. Walking red flag. Walking headache. Walking high blood. “Where the hell is Cassandra?” Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Vicente mula sa labas ng kwarto ko. Napakunot-noo ako. Sinilip ko ang wall clock. 12:00 AM. Napabuntong-hininga ako bago lumabas ng kwarto. Naabutan kong pinapagalitan niya ang kasambahay na sumalubong sa kanya. Sinenyasan ko agad ang maid. “Ako na.” Tumango ito bago tuluyang umalis. Nakahalukipkip akong humarap kay Vicente. “Ano na naman ang problema mo?” Tinaasan ko pa siya ng kilay. Paglingon niya sa akin, halatang iritado ang mukha niya. “Why are you not answering my calls and texts?” Napakurap ako. “Excuse me?” “Mukha bang allowed akong mag-cellphone habang nagtatrabaho, Vicente?” Kapag kaming dalawa lang ang magkasama, first name basis lang kami. Hindi ko siya tinatawag na Sir o Señor. At surprisingly... Hindi rin naman siya nagrereklamo. Lumapit ako sa kanya habang nananatiling nakataas ang isang kilay. “Baka nakakalimutan mong ikaw mismo ang sumita sa akin noon kasi nakita mong tumitingin ako sa phone habang naglilinis.” Humalukipkip ako. “You literally scolded me in front of everyone.” “At ikaw pa mismo ang nagbawal na gumamit ng gadgets habang nasa trabaho.” Saglit akong tumigil bago siya masamang tiningnan. “Tapos ngayon mag-iinarte ka kasi hindi kita nire-replyan?” Napailing ako. “Iumpog ko kaya yang ulo mo.” Sunod-sunod kong sambit habang unti-unting umiinit ang ulo ko. Bwisit talaga. “Saka…” Sinipat ko ang suot niya. “Alas-dose na ng madaling-araw.” “Ngayon ka lang umuwi?” Hindi man lang siya kumurap. “Hindi.” Saglit siyang tumingin sa sarili niyang suot. “Hindi naman halata sa suot ko, 'di ba?” Napapikit ako. Lord... Bigyan Mo pa ako ng mahabang pasensya at baka sa kulungan ako mapadpad kapag pinatulan ko ang lalaking 'to. Bigla siyang lumapit sa akin. Napaatras tuloy ako ng bahagya. “Amoy alak…” Napangiwi ako. “Tsk.” Halos nasa mukha ko na siya. “You're drunk.” Ngumiti siya nang bahagya. Then he stared at me. “You're pretty.” Bahagyang kumunot ang noo ko. “Bagay pala sa'yo kapag wala kang salamin.” Napakurap ako. Lasing nga. Totally drunk. “Halika na nga.” Napabuntong-hininga ako. “Ihahatid na kita sa kwarto mo.” Maingat kong inalalayan ang braso niya. Halos pareho kaming pagewang-gewang habang naglalakad sa hallway. Grabe, hindi ko akalaing ganito siya kabigat. “Business meeting?” tanong ko habang tinutulungan siyang maupo sa kama. Mahina lang siyang tumango. Mukhang pagod na pagod din. Tatalikod na sana ako, kaso… Bigla niyang hinila ang braso ko. “Ah!” Nawalan ako ng balanse. Diretso akong bumagsak... Sa ibabaw niya. Nanlaki ang mga mata ko. “G-gago!” Hindi agad ako nakagalaw. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Pero mas lalo akong natigilan nang maramdaman kong... Mahigpit na pumulupot ang isang braso niya sa baywang ko. Parang ayaw niya akong pakawalan. “Vicente.” Hindi siya sumagot. Bahagya lang siyang napapikit. Napaismid ako. “Ang baho mo.” Napangiwi ako habang pilit siyang itinutulak. “Umayos ka nga.” “Maligo ka muna.” Pagkabitaw ng braso niya, mabilis akong tumayo. Inayos ko ang nagusot kong damit bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay naabutan ko agad si Agnes na nakasandal sa pader sa labas. Parang kanina pa naghihintay. “Kakauwi lang?” Tumango ako. Ngumiti siya. “Can we talk?” “May ikukuwento ako.” Hindi na ako nakatanggi. Hinila na niya ako papunta sa balcony. Tahimik ang paligid at tanging malamig na hangin at liwanag ng buwan ang kasama namin. “Lasing si Kuya?” “Oo.” Napatingin ako sa kanya. “Bakit? Alam mo?” “Syempre.” Napanguso siya. “Kami yata dahilan.” Napakunot-noo ako. “Bakit?” Huminga muna siya nang malalim. “Kasi ate…” “Napapansin naming palagi kayong nag-aaway.” "Sa lahat ng naging personal maid ni kuya, sayo kami humanga. Ikaw lang ang may lakas ng loob na sagut sagutin ‘yon." "Yung iba, nanginginig na kapag nakita siya." "Ikaw? Ikaw pa ang nakikipagtalo." Tumango ako, “kapikon kuya mo e”. “Well… Normal na yata 'yon. ” Napatawa siya. “You know Kuya.” “Kapag badtrip siya… Damay-damay lahat ” “So we tried talking to him.” Napataas ang kilay ko. “Tungkol saan?” “Sinabi ko na you know, instead na ikaw ang personal maid niya… ” “Sa akin ka na lang ilagay.” Nanlaki ang mata ko. “Ha?” “Para hindi na kayo laging nag-aaway.” Napangiti siya. “Kaso…” “Badtrip na badtrip si Kuya.” “Hindi raw pwede.” Mas lalo akong nagtaka. “Eh bakit siya naglasing?” Tanong ko. Napangisi si Agnes. “Kasi napagtripan siya.” “Sige ate.” “Matutulog na ako.” Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tumakbo na siya pabalik sa kwarto niya at naiwan akong mag-isa sa balcony. Still trying to process everything she said. What did she mean? Nahuli ang kahinaan niya? Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas muli ang pinto. Paglingon ko... Si Vicente. Mukhang bagong ligo na. Basang-basa pa ang buhok niya habang nakasuot ng simpleng shirt at sweatpants. Mukhang nahimasmasan na rin. “Bakit nandito ka?” “Nagpapahangin lang.” Simple kong sagot. Hindi ko na binanggit na kasama ko rito kanina si Agnes, at lalong hindi ko sasabihing pinag-uusapan namin siya. Tumango lang siya. “Matulog ka na.” “Mayamaya.” Tinitigan ko siya. “Bakit lumabas ka pa?” Bahagya siyang nanahimik bago muling nagsalita. “If Agnes tells you na sa kanya ka na lang as personal maid…” Bahagya siyang huminga. “Say no.” Napataas ang kilay ko. “At bakit?” “Basta.” Napangiti ako nang mapanukso. “Mas okay kaya kay Agnes.” “Close kami.” “Hindi niya ako inaaway.” Sinadya kong asarin siya. Wala naman talaga akong balak lumipat. Sa totoo lang... Naeenjoy ko na rin ang pang-aasar sa kanya. Lalo na kapag nakikita kong tila natataranta siya. His jaw tightened. “Never mind.” Wala nang emosyon ang mukha niya. “Do whatever you want.” Pagkasabi niyon... Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto niya.. Naiwan nanaman akong nakatingin sa likod niya habang unti-unting lumalalim ang kunot ng noo ko. What was that?Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau
Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c
Amadeo Vicente’s point of view“Kuya, you need to come!” Halos sampung minuto nang paikot-ikot si Agnes sa opisina ko, paulit-ulit akong kinukulit habang nakaupo ako sa swivel chair at tahimik na inaasikaso ang mga dokumentong nakalatag sa desk ko. I pretended not to hear her. Tahimik kong pinirmahan ang huling papel bago iyon isinara at saka lumipat sa panibagong folder. As usual... Work first. Everything else can wait. “Kuya...” Mahina niyang tawag ulit. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kailangang tumingin para malaman na nakanguso na naman siya habang nakahalukipkip. “I told you already, Agnes.” Hindi ko man lang inangat ang tingin ko sa laptop. “I won't come.” “Please?” Lumapit siya sa mesa ko at sumandal dito. “Just this once.” “We really need you there.” Bahagya akong napapikit. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pursigido silang papuntahin ako sa event na iyon. Sa kabilang mansion lang naman iyon gaganapin. Bahay din namin iyon. Ginagamit lang tuwing may ma
Agnes Riley’s point of view“Sa tingin mo ba sasama si Kuya sa event?” Tanong ko habang magkatabi kaming nagme-meryenda ni Ate Cassandra sa garden. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at mahinang ihip ng hangin ang bumabasag sa katahimikan. Nakalatag sa mesa ang iba't ibang pastries at tsaa, pero mas abala kaming magkuwentuhan kaysa kumain. Napatawa lang si Ate Cassandra. Mukhang hindi na niya kailangang pag-isipan ang isasagot. “No.” Bahagya siyang umiling habang umiinom ng tsaa. “Hindi niyo mapipilit 'yon.” Napahalakhak ako. “Bakit naman?” Ibinaba niya ang tasa bago humalukipkip. “Simple lang.” Isa-isa niyang itinuro ang mga daliri niya habang nagbibilang. “Takot sa tao.” “Masungit.” “Ayaw sa maraming tao.” “Certified introvert na suplado.” Hindi ko napigilang matawa nang malakas. “Naks.” “Kabisadong-kabisado mo na talaga si Kuya.” Napakibit-balikat siya. “Sanay lang.” “Isang buwan ba namang araw-araw kong kaaway.” Napatawa ulit ako.“Ugali na talaga ng
Cassandra Louise’s point of view“ATE! Samahan mo naman ako!” Halos kaladkarin ako ni Agnes papasok sa isa sa pinakamalalaking boutique sa syudad. Ilang araw na lang kasi bago ang charity auction event na iho-host ng pamilya nila, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapiling susuotin. Isa pa, may isa pa silang misyon… Ang palabasin si Vicente sa comfort zone nito. Apparently, gusto ng buong pamilya nila na mas makisalamuha na siya sa ibang tao. Hindi raw pwedeng puro trabaho at negosyo lang ang inaatupag nito habang buhay. Good luck na lang sa kanila. Kung ako ang tatanungin, mas madali pang paamuhin ang lion kaysa pilitin si Vicente na makipag-socialize. “Ate!” Napalingon ako kay Agnes nang lumabas ito mula sa fitting room. Nakasuot siya ng eleganteng champagne-colored dress habang umiikot-ikot sa harap ko. “What do you think?” “Pretty ba ako rito?” Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. For a second... Parang bumalik ako sa dating buhay ko. Back when I was still li
Cassandra Louise’s point of view“Nobody warned me na ganito pala kakapagod ang maging personal maid.” Halos nakahandusay na ako sa kama habang kausap si Reed sa video call. Gabi na, at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para kumustahin ako at ibalita kina Mamita at Dadi Lo na buhay pa rin ako matapos ang halos isang buwang pakikipagsagupaan sa mansion ng mga Sandejas. Napabuntong-hininga ako. God... I already miss them. I miss the warmth of home. I miss Mamita's cooking. I even miss Dadi Lo's endless reminders. At higit sa lahat... Miss ko na ang buhay na walang isang Amadeo Vicente Sandejas. Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reed.“Bakit?” natatawang tanong niya. “Papasundo ka na ba?” Napairap ako kahit alam kong hindi niya naman makikita. “Of course not.” “Sure ka?” “Yes!” Bahagya akong umupo sa kama bago nagsimulang magreklamo. “Pero bwisit ka talaga.” “Ano na naman ginawa ko?” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na personal maid pala ako rito?” Bahagya







