Mag-log inCassandra Louise’s point of view
“ATE! Samahan mo naman ako!” Halos kaladkarin ako ni Agnes papasok sa isa sa pinakamalalaking boutique sa syudad. Ilang araw na lang kasi bago ang charity auction event na iho-host ng pamilya nila, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapiling susuotin. Isa pa, may isa pa silang misyon… Ang palabasin si Vicente sa comfort zone nito. Apparently, gusto ng buong pamilya nila na mas makisalamuha na siya sa ibang tao. Hindi raw pwedeng puro trabaho at negosyo lang ang inaatupag nito habang buhay. Good luck na lang sa kanila. Kung ako ang tatanungin, mas madali pang paamuhin ang lion kaysa pilitin si Vicente na makipag-socialize. “Ate!” Napalingon ako kay Agnes nang lumabas ito mula sa fitting room. Nakasuot siya ng eleganteng champagne-colored dress habang umiikot-ikot sa harap ko. “What do you think?” “Pretty ba ako rito?” Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. For a second... Parang bumalik ako sa dating buhay ko. Back when I was still living as Cassandra Louise Ledesma. Ganito rin ako noon. Hindi mapakali, halos lahat ng gown sinusukat ko. Hindi makapili dahil napakaraming choices. Tapos sina Mamita at Reed ang napapagod kakahintay sa akin. The memory made me smile. Tumango ako kay Agnes. “Kahit ano namang isuot mo, maganda ka.” Napanguso siya. “Sus... nambobola.” Napatawa ako. “Seryoso.” Lumapit ako at inayos nang bahagya ang buhok niyang tumatakip sa balikat niya. “Wear whatever makes you feel beautiful.” “Kung saan ka confident.” “Kung saan ka comfortable.” “Because confidence will always make any dress look ten times prettier.” Ngumiti siya nang malapad. “Ate… ang sweet mo.” Napatawa na lang ako at bahagyang napailing. Mabilis siyang bumalik sa fitting room para magsukat ulit ng panibagong dress. Lumipas ang halos dalawang oras, pero ni isa sa amin ay hindi nabored. Kung tutuusin, pareho pa kaming nag-eenjoy. “Ate!” Muli akong tinawag ni Agnes. Paglabas niya, nakangiti na naman siya. “You should try one too.” Napakurap ako. “Huh?” “You're coming with us.” Napataas agad ang kilay ko. “Ako?” Tumango siya nang mabilis. “Of course!” “You need to come.” May ibinulong pa siya sa sarili niya pagkatapos, pero hindi ko na iyon masyadong narinig. Parang may binabalak. At base sa ngiti niya... Mukhang wala iyong maidudulot na tahimik na buhay sa akin. Napailing na lang ako. Habang abala siya sa pagpili, nagsimula na rin akong tumingin ng mga dress. Nothing flashy, nothing too glamorous. Ayokong maging sentro ng atensyon. A simple semi-formal gown would be enough. Biglang may inilapag si Agnes sa harapan ko. “Ate.” “Try this.” Napatingin ako sa hawak niya. Isang eleganteng black strapless mermaid evening gown. Simple ang kulay nito pero napaka-classy ng dating. The fitted bodice hugged the silhouette beautifully, while the intricate lace texture added sophistication without looking too extravagant. Mula sa tuhod pababa ay dumadaloy ang floor-length skirt, at ipinares pa niya rito ang isang burgundy fur shawl na ilalagay sa balikat, kasama ang pares ng black lace gloves. Napalunok ako. “This looks expensive.” Sambit ko, kahit alam kong mahal talaga iyon. Ngumisi siya. “Exactly.” “Go and try it na.” Napabuntong-hininga ako bago tuluyang pumasok sa fitting room. Ilang minuto ang lumipas... At nang lumabas ako... Natahimik si Agnes, pati na rin ang ilang sales clerk ay napunta sa akin ang atensyon. “Oh...” “Oh my God!” Lumapit siya agad sa akin. “Ate...” “Ang ganda mo.” Napailing ako habang nahihiyang tumingin sa salamin. Honestly... Kahit ako ay hindi ko inaasahang ganoon kaganda ang fitting ng gown. It hugged my body perfectly. Parang ibang tao ang nakikita ko sa repleksyon. For a brief moment... I saw the real Cassandra Louise Ledesma again. Hindi ang maid. Hindi ang ordinaryong babae. Kundi ang dating ako. “You know what?” Mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Agnes. “I already have a plan for this outfit.” Napakunot-noo ako. “Anong plano?” “Secret.” Ngumisi siya bago agad lumingon sa sales clerk. “We'll take both.” “Agnes—” “No objections.” Napailing na lang ako habang natatawa. This girl was impossible. Pagkatapos naming mamili ay bumalik na rin kami sa mansion. Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang isipin ang charity auction. Alam kong hindi basta-bastang event iyon. Halos lahat ng malalaking pangalan sa business industry ay naroon. Mga celebrities, businessmen, businesswomen, political figures, socialites, and for sure…Nandoon din sina Mamita. Napangiti ako nang bahagya. I wonder... Makikilala kaya nila ako kung sakaling makita nila ako roon? Sobrang abala ng mga tao sa mansyon. Halos lahat ng kasambahay ay may kanya-kanyang gawain. May nag-aayos ng mga invitation, may nagbibilang ng mga mesa at dekorasyon, habang ang iba nama'y abala sa pagre-review ng seating arrangement ng mga bisita. Mula sa kusina hanggang sa grand hall ay walang tigil ang paghahanda. Ilang beses ko ring narinig ang head housekeeper na paulit-ulit na nagpapaalala na walang dapat magkamali dahil dadalo ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa mundo ng negosyo, pulitika, entertainment, at iba't ibang organisasyon. Habang tinutulungan ko silang ayusin ang mga gamit para sa gala, hindi ko maiwasang marinig ang pag-uusap ng mag asawang Sandejas. "Kailangang dumalo si Vicente," seryosong sabi ni Señor Santino. "Ito na ang tamang panahon para ipakilala siya bilang bagong hahawak ng Sandejas Group," dugtong naman ni Señora Silvianna. "At umaasa akong kahit isang gabi lang... makisalamuha siya sa mga tao." "Kasama rin sa programa ang charity auction," paliwanag pa ng isa sa mga organizer. "Bukod sa pangangalap ng pondo, magandang pagkakataon din ito para makilala ni Señor Vicente ang mga business partners at iba pang bisita." Tahimik akong nagpatuloy sa ginagawa habang nakikinig. Mukhang hindi pala ordinaryong charity event ang nalalapit. Tahimik akong nag tungo sa office ni Vicente upang mag linis. Nag-umpisa akong pulutin ang mga dokumentong nakakalat sa mesa at sahig. Isa-isa ko iyong inayos sa tamang folders. Inihanay ko rin ang mga libro at binders sa shelves. Matapos iyon ay pinunasan ko ang buong mesa, nilinis ang glass windows, nag-vacuum ng carpet, saka nag-spray ng light room fragrance. Satisfied akong tumingin sa paligid. Much better. Pagkatapos ng opisina... Dumeretso naman ako sa kwarto niya. Isa ito sa pinakaayaw kong trabaho. Weekly kong pinapalitan ang makakapal niyang bed sheets, duvet, comforter, at pillow covers na napakabigat. “Arte talaga.” Mahina kong bulong habang pilit hinihila ang comforter. “Akala mo naman mamamatay kapag hindi napalitan agad.” “Eh lahat naman tayo may bacteria.” Nang matapos ako... Halos mapaupo ako sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong katawan. Saka lang kumulo ang tiyan ko. Napakurap ako. Lunch... Hindi pa pala ako nakakakain. “Nakalimutan ko...” Mahina kong bulong. “Did you just skip lunch?” Halos mapatalon ako sa gulat. Napalingon ako sa pintuan. Kakapasok lang ni Vicente. Nakatayo siya roon habang nakatingin sa akin. Nakaupo pa rin ako sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama dahil sa sobrang pagod. “Nakalimutan ko.” “Busy sa paglilinis.” Simple kong sagot. Biglang kumunot ang noo niya. “It doesn't matter.” “You should've eaten.” Galit ang tono niya. At dahil gutom na gutom ako... Mas lalo lang uminit ang ulo ko. Ano ba naman kasi. Ako na nga ang pagod. Ako pa ang pinapagalitan. “Oo na.” “Kakain ako mamaya.” “No.” Mariin ang boses niya. “You'll eat now.” Napairap ako. “Excuse me?” “Anong gusto mo? Buhatin pa kita papunta sa kusina?” “Tapos susubuan?” Walang emosyon ang mukha niya. Napabuka ang bibig ko. “Pwede bang sa far away ka na lang?” “Nagsisimula ka na naman.” “Kakain nga ako. Nagpapahinga lang ako.” “Tingnan mo naman, kakapalit ko lang ng beddings mo. ” “Ang bigat-bigat kaya no'n.” Nagkrus siya ng mga braso. “Stay here.” Mariin niyang sabi. Pagkatapos ay tumalid siya at lumabas ng kanyang kwarto. Napakunot-noo ako. “Ano na naman 'yon?” Mahina kong bulong. Ilang minuto lang ang lumipas... Bumalik siya at may dala dalang tray. Sa pagkakaalam ko... Ako ang katulong. Pero bakit parang... Ako ang pinagsisilbihan ngayon? Napangisi ako. “Tables have turned?” “Ano'ng nakain mo?” “Ang bait mo yata ngayon.” Hindi pa man niya naiaabot ang tray... Bigla niya iyong inilayo. Nawala agad ang ngiti ko. “Hoy!” “Ikaw na nga itong dinalhan.” “Nang-aasar ka pa.” Inis niyang sabi. Napanguso ako. “Malay ko.” “Baka may lason 'yan.” Napatingin siya sa akin na parang gusto niya akong batukan. “Makikita mo kung may lason.” “Kasi sa harap mo mismo ako maglalagay.” Napatawa ako nang mahina. Akmang kukunin ko ulit ang tray. Pero muli niya iyong inilayo. Napairap ako. “Ano ba?” “Ipapakain mo ba 'yan o tatakam-takamin mo lang ako?” Hindi niya ako sinagot agad. Bagkus ay umupo siya sa harap ko. Nanatiling seryoso ang ekspresyon niya. “Learn how to obey.” Napakunot-noo ako. “Stay there.” “I'll feed you.” Nanlaki ang mga mata ko. “Gago. Ano ako, aso?” Hindi man lang siya natinag. “Shut up.” “And just rest.”Cassandra Louise’s point of viewFor a second, I just stood there, staring at them while trying to process the slip. Then I awkwardly scratched the back of my head, half-amused and half-nervous. “S-sorry,” mabilis na sabi ng make-up artist, si Pat, bago bahagyang kumindat sa akin na para bang sinasabing gets niya agad ang sitwasyon. Napahinga ako nang kaunti. At least she understood what I was trying to hide. Matagal ko na silang kakilala. Sila ang madalas na nag-aayos sa akin sa halos lahat ng events ko noon, noong nasa puder pa ako ng mga Ledesma at hindi pa magulo ang lahat. They had seen me at my best, in designer gowns and expensive heels, smiling for cameras and pretending everything in my life was perfectly in place. Seeing them here, in this room, while I stood in a life that was far from what I used to have, felt strangely unreal. “Kumusta?” tanong ni Aki habang inaayos niya ang hair kit niya sa harap ng vanity na nasa kwarto ko. “Buhay pa,” sagot ko, napangiti nang kau
Cassandra Louise’s point of viewNgayon ang araw ng charity event ng mga Sandejas. Nasa kwarto ako ni Vicente, abala sa pag-aayos ng isusuot niya habang siya naman ay parang walang balak tumulong sa sarili niya. Nakakainis, honestly. Ilang beses na akong sinabihan ni Agnes at maging ng mga magulang nila na huwag ko nang asikasuhin si Vicente para makapag-ayos din ako nang maaga, pero heto pa rin ako, nakatayo sa harap ng closet niya at pinipili ang susuotin ng lalaking ubod ng sungit at kapal ng mukha. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ito ginagawa. Siguro dahil nasanay na lang ako. O baka sadyang mahina lang ako pagdating sa taong ito. Pinisil ko ang tela ng isang charcoal gray suit bago iyon inilabas at inilapag sa kama kasama ang puting long sleeves at necktie na babagay roon. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, saka ako bumaling sa kinaroroonan niya. “Akala ko ba wala kang balak sumama sa charity event n’yo?” tanong ko, bahagyang nakataas ang kilay habang inaayos ang c
Amadeo Vicente’s point of view“Kuya, you need to come!” Halos sampung minuto nang paikot-ikot si Agnes sa opisina ko, paulit-ulit akong kinukulit habang nakaupo ako sa swivel chair at tahimik na inaasikaso ang mga dokumentong nakalatag sa desk ko. I pretended not to hear her. Tahimik kong pinirmahan ang huling papel bago iyon isinara at saka lumipat sa panibagong folder. As usual... Work first. Everything else can wait. “Kuya...” Mahina niyang tawag ulit. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na kailangang tumingin para malaman na nakanguso na naman siya habang nakahalukipkip. “I told you already, Agnes.” Hindi ko man lang inangat ang tingin ko sa laptop. “I won't come.” “Please?” Lumapit siya sa mesa ko at sumandal dito. “Just this once.” “We really need you there.” Bahagya akong napapikit. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pursigido silang papuntahin ako sa event na iyon. Sa kabilang mansion lang naman iyon gaganapin. Bahay din namin iyon. Ginagamit lang tuwing may ma
Agnes Riley’s point of view“Sa tingin mo ba sasama si Kuya sa event?” Tanong ko habang magkatabi kaming nagme-meryenda ni Ate Cassandra sa garden. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at mahinang ihip ng hangin ang bumabasag sa katahimikan. Nakalatag sa mesa ang iba't ibang pastries at tsaa, pero mas abala kaming magkuwentuhan kaysa kumain. Napatawa lang si Ate Cassandra. Mukhang hindi na niya kailangang pag-isipan ang isasagot. “No.” Bahagya siyang umiling habang umiinom ng tsaa. “Hindi niyo mapipilit 'yon.” Napahalakhak ako. “Bakit naman?” Ibinaba niya ang tasa bago humalukipkip. “Simple lang.” Isa-isa niyang itinuro ang mga daliri niya habang nagbibilang. “Takot sa tao.” “Masungit.” “Ayaw sa maraming tao.” “Certified introvert na suplado.” Hindi ko napigilang matawa nang malakas. “Naks.” “Kabisadong-kabisado mo na talaga si Kuya.” Napakibit-balikat siya. “Sanay lang.” “Isang buwan ba namang araw-araw kong kaaway.” Napatawa ulit ako.“Ugali na talaga ng
Cassandra Louise’s point of view“ATE! Samahan mo naman ako!” Halos kaladkarin ako ni Agnes papasok sa isa sa pinakamalalaking boutique sa syudad. Ilang araw na lang kasi bago ang charity auction event na iho-host ng pamilya nila, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapiling susuotin. Isa pa, may isa pa silang misyon… Ang palabasin si Vicente sa comfort zone nito. Apparently, gusto ng buong pamilya nila na mas makisalamuha na siya sa ibang tao. Hindi raw pwedeng puro trabaho at negosyo lang ang inaatupag nito habang buhay. Good luck na lang sa kanila. Kung ako ang tatanungin, mas madali pang paamuhin ang lion kaysa pilitin si Vicente na makipag-socialize. “Ate!” Napalingon ako kay Agnes nang lumabas ito mula sa fitting room. Nakasuot siya ng eleganteng champagne-colored dress habang umiikot-ikot sa harap ko. “What do you think?” “Pretty ba ako rito?” Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. For a second... Parang bumalik ako sa dating buhay ko. Back when I was still li
Cassandra Louise’s point of view“Nobody warned me na ganito pala kakapagod ang maging personal maid.” Halos nakahandusay na ako sa kama habang kausap si Reed sa video call. Gabi na, at ngayon lang siya nagkaroon ng oras para kumustahin ako at ibalita kina Mamita at Dadi Lo na buhay pa rin ako matapos ang halos isang buwang pakikipagsagupaan sa mansion ng mga Sandejas. Napabuntong-hininga ako. God... I already miss them. I miss the warmth of home. I miss Mamita's cooking. I even miss Dadi Lo's endless reminders. At higit sa lahat... Miss ko na ang buhay na walang isang Amadeo Vicente Sandejas. Sa kabilang linya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Reed.“Bakit?” natatawang tanong niya. “Papasundo ka na ba?” Napairap ako kahit alam kong hindi niya naman makikita. “Of course not.” “Sure ka?” “Yes!” Bahagya akong umupo sa kama bago nagsimulang magreklamo. “Pero bwisit ka talaga.” “Ano na naman ginawa ko?” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na personal maid pala ako rito?” Bahagya







