LOGIN"Hello, good morning! Good morning po. Good morning!"Binati lahat ni Sania ang bawat empleyado na makasabay at makasalubong niya. She was in a high spirit today. May mga bumabati naman pabalik, may tumatango habang ang iba ay deadma.Dumiretso agad siya sa opisina ng kanyang boss. Natuwa pa siya nang makitang wala pa ito. Maaga kasi siya ng twenty minutes dahil ayaw niyang pumalpak sa first day niya. Siya lang ang tao na nasa floor maliban sa utility na nakasalubong niya kanina.At dahil mag-isa lang si Sania at walang makitang ibang pwedeng magawa, nagpasya siyang pumunta muna ng pantry sa floor na iyon upang magkape. Natigilan pa siya dahil hindi niya alam kung paano gamitin ang coffee machine. Manonood siya mamamya kung paano ba iyon gamitin dahil paniguradong magpapagawa ng kape ang boss niya. Ganun kasi ang mga secretary eh.Ngiting-ngiti si Sania sa sarili habang hinahalo ang 3 in 1 coffee sa mug. Mahilig siya sa kape pero masyado na iyong kalabisan kapag idagdag pa niya iyon s
Nang nakapasok ng loob ng apartment si Sania ay dali-dali siyang naligo upang makapagpahinga na. Gusto niyang matulog nang maaga dahil first day niya sa work bukas. Ibinilin pa naman ng boss niya na huwag siyang male-late.Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi nang mahiga siya. Normal ba na ihatid ng boss ang empleyado nito? Big boss iyon ha ng isang malaking kompanya. Ayaw naman niyang mag-isip ng kung anu-ano kaya baka sadyang mabait lang ito sa kabila ng pagiging suplado. Nagmalasakit lang siguro dahil gabi na at ayaw siyang mapahamak sa daan.Ngiting-ngiti si Sania habang pabaling-baling sa kanyang higaan. Doon niya napansin ang paper bag na bigay kaninang umaga ng boss niya. Hindi na niya nakita kung ano ang laman n'on.Umupo siya ng kama at inabot ang paper bag. Ang generous din ng boss niya at binigyan pa siya ng regalo. Ang laman nito ay isang kahon na halatang mamahalin. At nang buksan niya iyon ay napasinghap siya sa nakita. I-It's a jewelry set! Diamond? White
"S-Sir..Teka lang. Aray. May balak ka bang baliin ang braso ko?" daing ni Sania sa boss niyang walang habas na kinakaladkad siya palabas ng bar. Tumigil ito sa paglalakad nang nakalabas na sila. Binitawan na rin ang kanyang braso. Nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mga mata nito nang makitang namumula ang parte na hinawakan nito."Sorry," hinging paumanhin ng binata ngunit bigla na namang nairita. "Bakit kailangang pumasok ka pa sa bar na iyan? I already hired you as my secretary. Kailan ko bang dagdagan ang sweldo mo—"."Naku, hindi po!" todo iling si Sania habang nanlalaki ang mga mata. Hindi pa nga siya nagsisimulang magtrabaho ay may increase agad siya? "Nakiusap kasi ang ang boss ko na mag-duty pa ako ngayong gabi. Ang hirap naman kasing tumanggi kasi ang bait niya sa akin. Tinanggap niya ako kahit wala akong experience sa bartending." Ayan, nagpaliwanag na siya para hindi na ito mag-alburuto sa galit. "Mabait siya sa iyo?" Naningkit ang mga mata nito na para bang hindi iyo
"Ayon sa resume mo ay hanggang highschool ka lang. Do you think that you're capable to be my secretary?" tanong ni Logan sa dalaga. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito kanina. Hindi rin niya alam kung iyon ang tinutukoy nito kaya iniwasan na lang niya."Of course, sir. Kayang-kaya ko," confident na sagot ni Sania. Alam din naman niyang gumamit ng computer at may kaunting alam sa gawain ng isang secretary. Hindi siya mangmang kahit hindi siya nakatungtong ng kolehiyo.Tumango si Logan at hindi na nagtanong pa tungkol doon. Mukhang hindi naman ito matapobre gaya ng iniisip ng dalaga."Anong trabaho mo sa bar?" tanong ni Logan nang malamang nagtatrabaho sa ganung klaseng lugar ang dalaga. Hindi iyon maganda sa pandinig niya. "Sumasayaw ka ba? Gumigiling sa harap ng mga kalalakihan?""H-Hindi po!" Todo iling si Sania sa mga paratang ng binata. Normal na siguro na ganun ang isipin ng lahat kapag sinabing sa bar nagtatrabaho. "Bartender ako, sir. Hindi ako sumasayaw gaya ng iniisip mo.""An
"Good morning, ma'am. May interview po ako kay sir Logan Bustamante," matamis na wika ni Sania sa isang staff sa HR department.Sa loob loob niya ay lumulubog na siya sa hiya dahil ilang araw nang napurnada ang dapat na interview niya. Kinapalan lang talaga niya ang mukha niya at nagbabakasakaling pwede pa. Sana ay hindi isipin ng mga ito na nagpapa-importante siya."Name po nila?" magalang naman na tanong ng kaharap niya."Sania Hernandez po.""Ah! Ikaw si miss Sania?" anito na para bang nakaginhawa. Titig na titig din sa kanya ang babae habang matamis na nakangiti.Tumango lang siya ng nangingiti habang pinapanood niya itong may tinatawagan."Dumiretso ka na lang sa top floor, miss. Nasabihan ko na ang assistant ni sir Bustamante at siya na ang bahala sa iyo. You can use the private elevator as per his instruction," anito sabay bigay direksyon kung nasaan ang sinasabi nitong private elevator.Inatake ulit ng kaba si Sania nang nasa harap na siya ng elevator papunta sa itaas na panig
Dalawang araw ng bumabagyo at hindi siya makabalik sa kanyang apartment dahil doon. Walang biyahe ng bus o kung ano mang mga pampasaherong sasakyan pabalik ng siyudad.Napabuntong hininga si Sania at nangalumbaba sa bintana, pinapanuod ang bawat malalakas na patak ng ulan. Lunes ngayon. Ito ang araw ng interview niya ngunit heto siya at stranded sa kanilang bahay. Nakapaghanda pa naman na siya para sa araw na ito ngunit meron palang ibang plano ang tadhana para sa kanya. "Pasensya ka na talaga, apo. Hindi ka tuloy nakapunta sa interview mo dahil sa akin." anang Lola niya na tumabi sa kanya sa sofa. Bakas din sa mukha nito ang panghihinayang.Ngumiti siya dito upang ipasiguradong okay lang. Wala naman siyang sinisisi sa nangyari. Naiintindihan niya ang kagustuhan nitong makita siya dahil halos dalawang buwan na siyang hindi nakakadalaw sa mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay makita itong malakas at malusog na."Huwag mo nang isipin iyon, 'La. Ang mahalaga ay magkakasama ulit tayo. Ayaw n







