Share

Chapter 24.2: Two Timer

Bigla akong napatigil at hindi nakagalaw ng ilang segundo. May namatay kahapon tapos meron na naman ngayon. Halos or mahigit din isang linggo hindi pumatay ang killer tapos kahapon at ngayon ayan na naman siya. 

Sinabi ko na lang na papunta na kami. Pinatay ko na ang tawag at pinuntahan si Wade na kumakain. 

“Dalian mo. May murder na naman.” Napatigil din sila pareho ni Ginger nang marinig ang sinabi ko. Oo, ilang buwan na kaming sanay na may serial murder nga na nagangap pero nagugulat pa rin kami sa tuwing may bagong namamatay.

Magpupunas na lang ako ng katawan dahil kailangan namin magmadali. Hindi na rin tinapos ni Wade ang pagkain niya at nagmadali kaming umalis. Nagpaalam din ako kay Autumn na hindi ko siya mahahatid ngayon sa trabaho niya. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status