Share

Chapter 5: New Friend

We are here at the dining area and of course, Alvin is also here. Tapos na raw 'yong task nila, though hindi ko alam ano 'yon at wala rin ako balak na magtanong. Baka isipin pa niya na interesado ako sa ginagawa niya.

Tahimik lang akong kumakain. Walang gana, malungkot at nakatulala. Nagri-replay pa rin kasi lahat sa utak ko ang mga nangyari sa 'kin. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari sa 'kin 'to.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na nakatitig na pala sa 'kin si Alvin. 

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Halatang nag-aalala siya sa tono ng boses niya.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya dahil sa totoo lang ayoko ng kausap ngayon. Gusto ko mapag-isa pero hindi ko magagawa 'yon rito.

Pero napaangat ako ng tingin nang muli siyang magsalita.

"Lahat ng tao ay may problema, at lahat din ng problema ay may solusyon. Minsan nandyan na ang solusyon pero hindi natin pinapansin kasi mas gusto nating sarilinin ito at kainin tayo ng problema." Deretso ang tingin niya habang sinasabi iyon at saka lumingon sa akin na nakangiti.

But why he's saying these words? Parang alam na alam niya agad kung ano ang iniisip at nararamdaman ko. Pero at some point ay natamaan ako sa sinabi niya. Kanina si Nanay Fely ang kumausap at nag-advice sa 'kin tapos siya naman ngayon.

Lumingon ako sa kanya na may pagtatanong sa mukha pero nginitian niya lang uli ako.

"I just want you to know that you're not alone. You can say your problems to me, I'm willing to listen."

All I can say is...weird.

But I let out a sigh. I don't talk to anyone about my problems. Kadalasan ay kay Ginger ko lang 'to sinasabi pero saka ko lang nasasabi sa kanya kapag okay na ako.

I think wala naman mawawala kung mashi-share ko sa kanya 'yong case ko. Magaan din naman ang pakiramdam ko kay Alvin.

Alright. Kailangan ko rin naman ilabas 'to at baka mabaliw pa ako.

"I don't have any family to help me here but my cousin. Naghanap siya ng abogado o kahit sino na makakatulong sa 'kin para mailabas ako rito but sadly, wala siyang nahanap. Kaninang umaga niya lang naibalita sa 'kin" I look at him and he's really listening to me. He's too focused.

So I continued. "Gusto kong magalit sa mundo kasi bakit sa akin pa nangyayari 'to? Iniisip ko kung naging masamang tao ba ako. I'm weak and fragile tapos ganito pa 'yong ibibigay sa 'kin. Inisip ko na bakit hindi na lang sa mga matapang? Bakit sa 'kin pa na mahina." And after that, I saw a single teardrop. May kirot sa dibdib ko na alam kong hindi mawawala hanggat narito ako. 

Naramdaman ko naman ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin sa ginawa niya pero ngumiti lang siya sa 'kin.

"You're not weak. Nasa isip mo lang na mahina ka pero malakas ka. Dahil kung mahina ka, ngayon pa lang susuko ka na at mawawalan ng pag-asa. I know deep in your heart, you are still fighting and that makes you strong," he said meaningfully.

I don't know what's happening but I smiled after hearing that. Parang ngayon na lang ata ako ngumiti na may saya sa puso matapos ang mga nangyari sa 'kin. I feel so good. Parang gumaan ang pakiramdam ko. May bigat pa rin pero ang laki ng nabawas dito.

I smile in return. "Thank you," I said.

"You look more beautiful when you're smiling," sabay hatak niya sa pisngi ko at ginulo uli ang buhok ko.

Teka nga? Namumuro na 'tong mokong 'to ah?!! Hinampas-hampas ko siya at sinuntok sa braso samantala siya ay tinatawanan lang ako. We laughed together and continued our meal.

Masaya ako na kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at hindi ko inaasahan na sa isang lalaki ko pa masasabi ang mga saloobin ko.

I think I have a new friend now.

Gaya ng sinabi ko kahapon, bumalik nga rito si Ginger. But nothing changed in her expression. Mugtong-mugto ang mata niya na mukhang magdamag umiyak. I know she's worried about me.

"Nakakainis na hindi ko alam paano kita matutulungan. Hindi ako nakatulog kagabi kasi iniisip ko na baka may nananakit sayo rito e hindi ka pa naman palaban!"

Panay ang pag-iyak niya na akala mo siya ang nakakulong dito. I am slowly accepting my fate kaya siguro hindi ko na magawang umiyak ngayon. Pero itong si Ginger mukhang namatayan. Lubog ang mata, namumula, iyak nang iyak, kulang na lang sipunin siya.

"Don't worry, hindi ako titigil maghanap ng tutulong sa 'yo. Mahahanap din natin ang killer na 'yon! Ako ang papatay sa kanya!" She gave me a death stare after saying that. 

"That's impossible because you're not a detective nor an investigator"

I was stunned upon hearing an unfamiliar voice. Ginger and I turned our heads to the guy who interferes with our conversation. He is tall and... handsome? He's wearing a long brown jacket with a white shirt inside paired with a black hat and black shoes. He has a long nose and thick lips, and he's about 5'11 ft. Sino naman kaya 'to? Kanina pa ba 'to nakikinig sa 'min?

"Sino ka?! Bakit ka nakikinig sa usapan namin ha?" Nakalimutan ata ni Ginger na nagda-drama siya kanina. Ang bilis niya talaga magpalit ng mood.

"I am Detective Wade, nice meeting you girls." Pakilala niya habang nakalahad ang kamay sa 'min. Ginger stares at his hands, then cross her arms to her chest. Mukhang walang balak 'to makipagkamay kaya ako na lang ang nakipagkamay sa kanya para di naman siya mapahiya.

Napalingon naman ako ng bahagya sa likod nang biglang may sumigaw na lalaki.

"Hoy Wade! Marunong ka na mangchicks?" My eyes widened when I recognize his face and voice.

"Alvin?" bulong ko. Magkakilala sila?

Tuluyan siyang lumapit sa 'min pero hindi niya pa rin ako napapansin dahil nakatuon sya sa Detective Wade na ito. Mukhang magkaibigan nga silang dalawa.

"Loko ka! Long time no see! Aba nangchi-chicks ka pa rito." Sinuntok niya sa braso si Wade sabay tingin sa 'kin. Nagulat siya nang makita niyang ako 'yong babaeng sinasabi niyang chinichicks ng Wade na 'to.

"Autumn?!" sigaw n'ya na hindi makapaniwala. "Anong ginagawa mo rito? May dalaw ka rin?" tanong nya sa 'kin sabay tingin sa kamay namin ni Wade na magka-shake hands pa rin. "Teka bumitaw ka dyan sa lalaking 'yan. Huwag mo papansinin 'yan sa susunod na makita mo rito ha?"

Inilayo niya ako kay Detective Wade pagkatapos ay hinarangan niya 'to para hindi ko makita.

Now, he's facing me. "Ano ginawa sa 'yo ng lalaking 'to?" tanong niya sa 'kin pero hindi ako sumagot. Narinig naman namin na tumawa nang mahina si Detective Wade kaya kunot-noo naman siyang nilingon ni Alvin.

"Di ko siya type bro okay?" Ang lakas din naman pala nitong isang 'to. As if namang type ko rin siya.

"E bakit nagpakilala ka pa sa kanya?" Alvin looks at Wade seriously.

"Narinig ko lang usapan nila. Pareho pala kayo ng case. False accusation." So pareho nga kaming napagbintangan lang.

"E bakit ka nakikinig sa usapan namin ha?" Bigla naman akong natauhan. Nakalimutan ko nandito nga pala si Ginger. She keeps giving death stares to Wade. Ang init ata ng ulo niya sa lalaking to. 

Muling kumunot ang noo ni Alvin nang sigawan ni Ginger si Detective Wade.

"Wait sino ka naman?" tanong n'ya kay Ginger.

"Pinsan ako ni Autumn, bakit? Ikaw sino ka ha? Bakit may lalaking umaaligid sa pinsan ko rito?" She stood up and faces Alvin then raises her left eyebrows.

Iba pakiramdam ko rito. Sa ugali ni Ginger alam kong mainit na ulo nito. I need to stop them.

Pumagitna ako sa kanila para awatin si Ginger. "Wait lang. Pwede ba na umupo tayo? May pinag-uusapan kami ng pinsan ko at alam kong may pag-uusapan din kayo so leave us alone please? Mind your own business." I smiled. But these two guys remained in their positions, not leaving us alone.

"I'm sorry but I want to talk with you. I want to help you." My mouth left open. Biglang nag-malfunction utak ko. Ang tagal ma-process sa utak ko 'yong sinabi niya.

Tutulungan niya ako? Anong tulong naman 'yon.

"Wade is a detective. We are partners before they sent me here. At siya ang nagso-solve ng case ko ngayon. Kahit nandito ako sa kulungan, sinusubukan ko rin siya tulungan para makilala ang tunay na killer. Matutulungan ka niya para i-solve ang case mo," Alvin explained. Hindi pa rin sila umuupo ni Wade

Natatandaan ko na sinabi ni Nanay Fely na dating detective si Alvin kaya kilala siya rito sa kulungan. Kung gano'n nga edi kailangan ko talaga ng tulong nila. Pero sa mukha ng pinsan ko ngayon mukhang hindi 'to papayag. Ang talim pa rin ng tingin niya kay Wade na kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang kriminal na rin sya.

Pero nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko offer nila.

"Ano naman kapalit no'n?" bigla kong tanong. Baka kasi may hingiin silang kapalit syempre detective sila.

"Wala. Malapit ko naman na ma-solve ang kaso ni Alvin kaya pwede kitang tulungan sa kaso mo."

"Really? oka--"

"Wait!" Ginger stopped me. "Papayag ka Autumn? Paano kung nagkukunwari lang mga 'to?" She glared at them, her cheeks flushing. 

I think these three will be a headache for me. Parang ang laki ng galit ni Ginger kay Wade. But I don't want this chance to slip by. Better to grab it.

I faced her and held her hands, "I have no choice Ginger. Kaysa naman tumunganga na lang ako rito. Tingin ko naman detectives talaga sila."

Well, base on Wade's outfit, he looks like a detective. I find it weird wearing a long jacket in a country like the Philippines, where the Summer experience is throughout the year.

Ginger rolled her eyes and sighed upon my decision.

"Okay fine!" She closed her eyes, trying to calm herself. Tiningnan niya nang masama sina Alvin at Wade. "Show your skills! Make sure you'll work for my cousin very well, or else I will find you and kill you!" A small snicker formed in my lips. Napakataklesa talaga ng babaeng 'to. 

But Wade just ignored her. He acted like Ginger is not here with us. "I am pleased to help you, Miss Autumn. I think Alvin has a cru-" 

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Alvin ang bunganga niya. What's wrong with these guys?

"Wag mong pansinin 'yon Autumn. Wag ka mag-alala magaling ang isang 'to kaya matutulungan ka niya. Besides, I will also help you so don't worry." Sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ni Wade at pinandilatan ito.

These guys are weird. Magkaibigan nga talaga sila.

Napag-usapan namin na may kaunting information na raw na nakukuha si Wade sa kaso ni Alvin. Pinakinggan namin ang usapan nila pero wala naman ako naintindihan. Basta may information na raw siya, 'yon lang naintindihan ko then the rest hindi ko na alam.

Kwinento ko na rin sa kanilang dalawa 'yong case ko kung paano ako napunta rito. And Alvin's case and mine are the same. Sila na rin nagsabi sa 'kin na hindi magiging madali ang paglabas ko rito dahil sa justice system ng Pilipinas. Even you'll get a piece of concrete evidence, hindi pa rin ganoon magiging madali ang paglaya mo. Tingin ko mulat na mulat talaga sila sa katotohanan ng sistema rito.

That's also the reason why Wade is working alone because he knows no one will help Alvin, especially his case is killing/murder. Sabi kasi nila, kapag ang kaso mo ay pagpatay, maliit lang ang posibilidad na makalaya ka pa. Hindi naman nila kasi pakikinggan ang side mo na kesyo naroon ka lang sa crime scene pero hindi naman ikaw ang killer. Lalo na sa akin na nandoon mismo sa crime scene at nalagyan pa ng dugo ni Dina ang sapatos ko. 

Natapos din ang discussion namin, and Wade promised me that he would do his best to get us out of here. I hope matulungan niya talaga ako.

"I'm pleased to help you, Autumn. See you again." He bowed and waved goodbye to us. He's too formal.

Samantalang si Ginger naman ay masama pa rin ang tingin na binigay kay Wade hanggang sa makaalis 'to.

"I'll be back here tomorrow okay?" She kissed my cheeks then tinignan niya rin nang masama si Alvin kaya napaatras naman 'yong isa. 

"Okay, bye. Pakidalhan na rin ako ng gamit bukas. I don't have anything here." Naalala ko na hindi pa pala ako naliligo. Nagpunas lang ako ng katawan tapos sinuot lang uli 'tong damit ko.

Nagbesohan naman kami at hindi na siya nagpaalam pa kay Alvin. This woman is really a mood changer.

Tumayo na si Alvin kaya tumayo na rin ako para bumalik sa selda. Sabay kaming naglalakad pabalik. I am happy that finally, someone can help me now. Hindi ko lubos maisip na detective 'tong si Alvin. Kaya naman pala ganoon na lang ang authority niya rito. Kahit nandito siya sa kulungan, he still earns respect that even the guards here respect him.

Pero kahit same case kami, hindi ko pa rin alam ano 'yong exact situation niya bakit siya naakusahan. Oo nandon sya sa crime scene na pinagkamalan siyang killer pero anong kwento doon?

"Hey? Okay ka lang?" He snapped in front of my face. Kasama ko nga pala siya. Bakit hindi ko itanong ngayon? Hindi naman offensive 'yon diba? Tsaka isa pa, sinabi ko rin naman sa kanya 'yong akin kaya baka pwede niya rin ikwento 'yong kanya.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Ano pala buong kwento mo bakit ka napagkamalang killer?" Medyo nagulat siya sa tanong ko. Offesinve na naman ba ang tanong ko o ayaw niya lang magkwento? Sige wag na nga.

I shut my mouth and focuses on our way. But he stopped and let out a sigh, "Iyong best friend ko or I say 'yong crush ko kasi nagsabi sa 'kin na parang laging may sumusunod sa kanya. Tuwing aalis siya ng bahay, parang may nakatingin daw sa kanya lagi pero wala naman daw kahina-hinalang tao kapag nag-o-observe siya sa paligid niya," he paused. Parang hirap siyang ikwento sa 'kin.

But he continued. "Kaya simula no'n, sinasamahan ko siya kung saan siya pumunta. Napagkakamalan na nga kaming magjowa ng magulang niya kasi lagi ako nakaabang sa labas ng bahay nila para samahan siya kapag may pupuntahan siya." Nakita ko 'yong saya sa mga mata niya habang inaalala ang best friend niya. 

"Noong araw na 'yon pumunta kami sa mall dahil gusto niya raw bumili ng regalo para sa dad niya. Noong pauwi na kami, hinatid ko siya pero hanggang sa kanto ng street lang nila kasi tinawagan ako ng pinsan ko na tinakbo raw sa ospital ang lolo namin. That day, namatay pareho ang dalawang importante sa buhay ko. My best friend and my grandfather." I gasp. He tried to smile but a fake one. His eyes are turning red, trying to prevent it from crying.

This is the first time I saw him like this. Kaya pala kanina parang nahihirapan siyang ikwento sa 'kin. His best friend and his grandfather are very special to him, and it's painful to remember them.

I felt a little melancholy. I can see his eyes are full of sorrow and pain. He loves his best friend and grandfather that remembering it is too much to bear.

Medyo naguilty tuloy ako kasi okay naman ang mood niya kanina. Itutuloy niya sana ang kwento niya kaso nandito na 'yong bantay para ihatid kami sa selda.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status