Share

DMAN 43

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-10-21 22:30:44

BIANCA'S P O V~

Pagkababa ko sa kotse ni Ricky, inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat at saka humarap sa kaniya. Nasa tapat na rin kami ng gate ng bahay, at kahit pagod pa ako sa mga nangyari sa buong araw, gusto ko nang makapasok at makapagpahinga at kalimutan ang mga nangyari ngayong araw lalo na ang pinag-usapan namin ni Ricky tungkol sa muntik niya na akong halikan. Tiningnan ko siya sa mga mata at ngumiti ako sa kaniya bago siya niyakap bilang pamamaalam. Gumanti naman siya ng ya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Diligan Mo Ako, Ninong   DMAN 56

    BIANCA'S P O V~“Pakiusap lang K-karen,” mahinang sabi ko. “Kung may problema kayo ni Ethan, sana sa kaniya ninyo sabihin huwag niyo akong idamay. Hindi ko alam kung paano ko rin kayo matutulungan.”Bigla siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat. “Huwag mo akong tuturuan kung ano ang gagawin kong hayop ka!”Napaatras ako. “Pasensiya na po…”“Putangina! Pwede ba tumigil ka sa kakahingi ng pasensiya! Nakakaboysit marining!” sigaw niya bago biglang itinaas ang kamay. Hindi ko na nagawang umiwas.Pak!Tumama ang palad niya sa pisngi ko. Napaling ang mukha ko sa lakas ng sampal at napahawak ako sa mesa upang hindi mawalan ng balanse. Ilang segundo akong natigilan, hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa akin. Unti-unting kumalat ang hapdi sa pisngi ko, ngunit mas masakit ang pakiramdam na wala akong nagawang kahit ano upang pigilan siya. Nang mag-angat ako ng mukha, nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin nang may matinding galit.“Lumugar ka, Bianca!” mariin niyang sabi. “Huwag m

  • Diligan Mo Ako, Ninong   DMAN 55

    BIANCA'S P O V~“Sumunod ka sa akin! May kailangan tayong pag-usapan.”Napapitlag ako sa mariing boses ni Karen. Hindi ko agad nagawang sumagot dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, na para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko at napatingin sa labas ng glass doors, kung saan nakita ko si Ethan na nakatayo malapit sa sasakyan niya habang may tinitingnan sa cellphone. Gusto ko sanang tawagin siya, hindi dahil gusto kong isangkot siya sa problema kundi dahil bigla akong nakaramdam ng takot sa babaeng kaharap ko. Gayunman, hindi ko magawang humingi ng tulong. Ayokong isipin ni Ethan na hindi ko kayang harapin kahit ang simpleng pakikipag-usap sa ibang tao, kaya ibinalik ko ang tingin kay Karen at maingat na nagsalita. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam ko ngayon na parang nawalan ako ng lakas na makipag sigawan.“P-Puwede po bang dito na lang natin pag-usapan? May trabaho pa po kasi ako.”Bahagyang umangat

  • Diligan Mo Ako, Ninong   DMAN 54

    BIANCA'S P O V~“Kuya, aalis na ako,” sabi ko habang isinusuot ang sapatos ko. “May kailangan pa akong tapusin sa trabaho.” “Anong oras ba ang pasok mo at ang uwian mo?” tanong niya. “Ngayon na ang pasok ko ma le-late na nga ako eh, mag te-text na lang ako sa'yo kung anong oras ako makakauwi. May mga papeles pa kasi akong kailangang asikasuhin.” Bago pa makasagot si Kuya, tumayo si Ethan mula sa kinauupuan niya. “Ihahatid na kita, pauwi naman na ako.” Napalingon ako sa kaniya. “Hindi na kailangan. Kaya ko namang mag-commute o mag-book ng sasakyan.” “Mas madali kung ako na ang maghahatid sa iyo.” “Ethan, kaya ko na nga.” “Bianca,” mahinahon niyang tawag. “Hindi naman kita pinipilit. Nag-aalok lang ako.” Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman talaga gustong tanggihan siya, pero pagkatapos ng nangyari sa kuwarto at sa hapag-kainan, hindi ko alam kung paano ako kikilos sa loob ng sasakyan kasama siya. Baka sa halip na makarating ako nang maayos sa trabaho, buong biyahe akong kul

  • Diligan Mo Ako, Ninong   DMAN 53

    BIANCA'S P O V~ “Bakit magkahawak-kamay kayo?” Parang gusto kong lamunin ako ng sahig nang marinig ko ang tanong ni Kuya Gabriel sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang mahuli niya kaming magkahawak-kamay ni Ethan o ang katotohanang ilang minuto lang ang nakalipas, halos ayaw ko nang bumitaw sa yakap ng lalaking iyon. Agad kong binawi ang kamay ko, saka nagkunwaring abala sa pag-aayos ng buhok ko. Samantala, si Ethan, na kanina lang ay panay ang pang-aasar sa akin, ay biglang naging tahimik sa tabi ko. 'Wow. Ang galing mo, Ethan. Kanina ang dami mong sinasabi sa akin, ngayon tikom ang bibig mo?' bulong ko sa sarili ko. “May problema ba sa magkahawak-kamay?” kalmado niyang tanong kay Kuya. Namilog ang mga mata ko. Gusto ko siyang tapikin sa braso para tumigil, pero nang lingunin ko siya, nakita kong seryoso ang mukha niya. Hindi siya nagbibiro. Hindi rin siya mukhang nahihiya sa ginawa namin. Samantalang ako, gusto ko nang magtago sa likod ng pinakamalapit na p

  • Diligan Mo Ako, Ninong   DMAN 52

    ETHAN “Huwag mo nang sarilinin ang nararamdaman mo dahil lang natatakot ka sa magiging sagot ko,” sabi ko. “Kung may gusto kang itanong, sabihin mo sa akin. Kung may bagay na nakasasakit sa iyo, sabihin mo rin sa akin. Ayokong hulaan mo ang nasa isip ko habang pareho tayong nagkukunwaring walang problema.”“Kung ganoon, dapat ganoon ka rin sa akin.”Tumango ako. “Pangako.”“Hindi basta pangako, Ethan.”“Alam ko. Kailangan kong patunayan.”Bahagya siyang ngumiti at muling yumakap sa akin. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kaniya, saka marahang hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin pagkatapos ng umagang iyon. Marami pa kaming kailangang pag-usapan, at hindi ko ipagpapalagay na dahil naghalikan kami ay biglang magiging madali ang lahat. Pero isang bagay ang malinaw sa akin: ayoko nang bumalik sa dati naming relasyon na puro palusot at mga salitang hindi ko kayang aminin. Maya-maya, bahagyang kumalas si Bianca sa yakap ko at tumingin sa paligid

  • Diligan Mo Ako, Ninong   DMAN 51

    ETHANIlang sandali akong tinitigan ni Bianca, tila sinusubukang unawain kung talagang seryoso ako sa mga sinabi ko. Hinayaan kong manatili ang kamay niya sa palad ko habang hinihintay kong mawala ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.“Paano kung hindi ko na kayang bumalik sa dati, Ethan?” mahina niyang tanong.Bahagya akong napakunot-noo. “Anong ibig mong sabihin?”“Paano kung pagkatapos ng nangyari sa atin ngayong umaga, hindi ko na kayang magkunwaring wala lang sa akin ang lahat? Paano kung mas lalo akong mahulog sa iyo, tapos isang araw, bigla mong sabihin na nagkamali ka lang? At may ibang kang mahal?”Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi iyon simpleng tanong ng isang babaeng kinikilig sa halik ng lalaking gusto niya. May takot sa likod ng mga salita niya, isang takot na maaaring matagal na niyang kinikimkim bago pa siya bumalik sa bahay na ito. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya.“Hindi ko hihilinging kalimutan mo agad ang lahat ng nangyari sa atin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status