LOGINBIANCA'S P O V~Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero wala na akong pakialam. Matagal ko nang nilulunok ang mga salitang ito. Matagal ko nang pinipilit maging mahinahon sa tuwing may nakikita akong dahilan para masaktan. Ngayon, wala na akong natitirang lakas para manahimik. “Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit?” tanong ko, nanginginig ang boses. “Hindi iyong nakikita kitang kasama ng ibang babae. Hindi rin iyong hindi mo kayang sabihin sa akin kung ano ba talaga ako sa buhay mo. Ang pinakamasakit ay dahil sa kabila ng lahat, mahal pa rin kita!” Napatakip ako sa bibig ko, ngunit huli na. Nasabi ko na ang mga salitang matagal ko nang ikinukubli. “Mahal kita, Ethan,” ulit ko, mas mahina na ngayon. “At galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang itigil iyon.” Bahagya siyang gumalaw na para bang lalapit sa akin, ngunit agad akong umatras. “Huwag kang lumapit.” “Lasing ka. Hindi mo alam ang sinasabi mo.” Napatawa ako nang map
BIANCA'S P O V~Natigilan ako dahil pamilyar ang boses na iyon. Kahit maingay ang musika at medyo umiikot na ang paningin ko, kilalang-kilala ko ang tinig na ilang taon ko nang pilit kinakalimutan. Dahan-dahan akong napalingon. At nang makita ko ang lalaking nakatayo sa tabi ko, tila may kung anong pumiga sa dibdib ko nang makita ko si Ethan. Nakatitig siya sa akin habang hawak ang basong kinuha niya. Wala siyang ngiti. Wala rin ang lambing na madalas kong makita kapag kaming dalawa lamang ang magkasama. Sa halip, seryoso ang mukha niya habang sinusuri ang itsura ko. “Ano’ng ginagawa mo rito? Gabing-gabi na!!” tanong niya. Napatawa ako nang mahina. “Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?” “Lasing ka na. Ihahatid na kita sa bahay niyo.” “Hindi ako sasama sa iyo.” Sinubukan kong abutin ang baso, ngunit inilayo niya iyon sa akin. “Bianca, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Tumayo ka na.” “Sinabi kong ayoko!” Mas malakas na ang boses ko, dahilan para may ilang taong mapalingon sa
BIANCA’S POV~Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang mensaheng natanggap ko bago tuluyang pinatay ang screen ng cellphone ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpadala niyon o kung paano nito nalaman na nakauwi na ako. Pero sa halip na masagot ang mga tanong sa isip ko, lalo lamang dumagdag ang bigat na matagal ko nang pilit kinakaya.Pagod na pagod na ako. Pagod na akong matakot. Pagod na akong magtanong kung ano ang nagawa kong mali. Pagod na akong umiyak nang palihim para lang hindi malaman ng ibang tao kung gaano ako nasasaktan. At higit sa lahat, pagod na akong magpanggap na kaya ko pang tiisin ang lahat ng nangyayari sa akin dahil lamang kay Ethan.Ilang minuto akong nakaupo sa gilid ng kama bago ako tumayo at nagbihis. Hindi ko na kayang manatili sa kuwarto ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Karen, ang mga babaeng nanakit sa akin, at ang larawang ipinakita sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa alaala ko.Kinuha ko a
BIANCA'S P O V~Umiling ako. “Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nila ako galit na galit na sinaktan.”“May nakakita ba sa nangyari? May nagsumbong ka ba sa security?”“Hindi ko alam, Kuya. Gusto ko lang makalabas doon. Natakot ako.” Napahawak ako sa dibdib ko. “Akala ko hindi na nila ako pakakawalan.”Napapikit siya sandali bago marahang hinawakan ang mga balikat ko.“Hindi mo kailangang bumalik doon ngayon. Magpahinga ka muna. Ako ang bahala sa’yo.”Umiling ako, kahit iyon mismo ang gusto kong marinig. “Pero paano kung mawalan ako ng trabaho? Paano kung mas lumala ang mangyari sa akin kapag bumalik ako?”“Mas mahalaga ka kaysa sa trabahong iyan,” mariin niyang sagot. “Walang sinuman ang may karapatang manakit sa’yo. Hindi mo kailangang tiisin iyon para lang masabing kaya mong magtrabaho.”Napayuko ako. Gusto kong maniwala sa kaniya, pero hindi ganoon kadaling alisin ang takot na naiwan sa akin. Sa tuwing naiisip kong babalik ako sa gusali
BIANCA’S POV~Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa tapat ng bahay hanggang sa marinig ko ang mahinang tawag ng driver.“Miss, dito na po tayo.”Agad akong napatingin sa labas ng bintana. Pamilyar ang gate na ilang beses kong nakita mula nang bumalik ako sa Pilipinas, pero sa pagkakataong iyon, parang hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang pinto ng taxi at haharap sa sarili kong tahanan. Namumugto ang mga mata ko, magulo ang buhok, at basa pa rin ng iced coffee ang blouse ko. Pakiramdam ko, kahit ang simpleng paglalakad papunta sa gate ay nangangailangan ng lakas na wala na sa akin.“Magkano po?” mahina kong tanong.Pagkatapos magbayad, dahan-dahan akong bumaba. Nakasubsob ang mukha ko habang naglalakad papunta sa gate, umaasang walang makakakita sa akin sa ganoong itsura. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang hawakan ko ang gate at buksan iyon. Pagpasok ko sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Gabriel mula sa sala.“Bianca? Ikaw na ba ’yan?”Napahinto ako. Gusto kong
Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko, ngunit hindi ko na kaya. Masakit ang pisngi ko, mahapdi ang anit ko, at nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Gusto kong makalabas, pero sa tuwing susubukan kong lumapit sa pinto ay hinaharangan nila ako. Nang tangkain kong lumusot sa pagitan nila, hinawakan ako ng isa sa braso at hinila patungo sa pinakamalapit na cubicle. Doon ko nakita ang inodoro. Agad akong napailing at kumapit sa gilid ng pinto nang mapagtanto ko kung anong gusto nilang mangyari.“Huwag! Please, huwag ninyo akong dalhin diyan!”Buong lakas akong kumapit sa pinto, ngunit hinila nila ako palayo. Nawala ang balanse ko at napaluhod sa sahig. Bago pa ako makatayo, hinawakan nila ako sa batok at balikat at pilit na itinulak pababa, patungo sa inodoro. Nanlaki ang mga mata ko.“Huwag! Maawa kayo sa akin!”Pumiglas ako nang buong lakas. Kumapit ang mga daliri ko sa gilid ng inodoro habang pilit nilang itinutulak ang mukha ko papalapit sa inodoro. Ramdam ko ang paghila sa buhok ko a







