Home / Romance / Dirty Rich Billionaire / Chapter 37: Condition

Share

Chapter 37: Condition

Author: purplepink
last update publish date: 2026-06-22 20:48:33

“Ate Cassie, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Papayag ba niyan si kuya?”

Napabuntong-hininga na lang ako.

I know Dad always favors me in everything. Palagi niyang sinisiguradong papabor sa akin ang lahat ng gusto ko. Ang isang bagay lang na hindi niya ibinigay sa akin ay ang karapatan kong pumili ng lalaking pakakasalan.

Pero kahit ganoon, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Ama ko pa rin siya. Siya lang ang magulang na mayroon ako.

Kaya hindi ko ipagkakait ang pagkakataon na muli kamin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 39: Side to Side

    Buong araw akong nagkulong sa mansion. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagpakita kay Leo.Pero hindi ibig sabihin niyon ay natatakot ako at tumatago sa kaniya. Gusto ko lang maging maingat sa mga hakbang ko. Ayokong maisahan ako ni Leo.Hindi ko ibibigay sa kaniya ang halakhak na inaasam niya dahil siya ang magbibigay nito sa akin. Soon, he will taste his own medicine, every bitter drop of it.Matapos niya akong tawagan kahapon, kumalat sa social media ang nalalapit na kasal daw namin. I can feel my blood rising to my head. Gustong-gusto ko na kaagad siyang patumbahin. Gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya sa pamilya ko.But not now. “Leo will regret everything.”Maya-maya, tumunog ang phone ko. Kaagad ko itong sinagot. “Sandy?”Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Tonyo.Hindi ako makapaniwala na kinontak niya ako. Utos ba ito ni Rico na kumustahin ako? “Tonyo? Bakit ka napatawag?” masaya kong tanong. “Kaya ka ba umuwi riyan kasi papakasalan mo ang ex-fiancé mo?”L

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 38: Sorry

    “You have to decide now, Cassie. It’s now or never.”Nilukot ko ang papel at itinapon ko ito. Tinalikuran ko si Leo dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Ayokong makita ang mukha ng lalaking pilit na itatali sa akin.Kapag nakikita ko ang masayang mukha niya, naiisip ko rin ang magiging reaksyon ni Rico. “Huwag kang atat, Leo. Hindi ako nakakasigurado na kay Dad nga ang sulat na iyan.” “Cassie, I’m not lying. He wrote that letter—” “NO! Kailangan kong makasiguro na hindi mo gawa-gawa ang sulat na ito. Kailangan kong makatiyak na siya mismo ang sumulat nito.”Tinapon ko ang sulat, saka lumabas ng room.Nagmadali akong lumabas at nagpara ng taxi.Ayokong magpadalus-dalos. Ayokong magkamali sa desisyon ko. Dahil hindi ko na maibabalik iyon kapag nangyari na.Pagkarating ko sa bahay, agad akong nagtungo sa kuwarto ni Dad. Naghanap ako ng clue. Hindi ko alam kung ano, pero nagbabakasakali akong makakita ako. “Give me something… Anything. Gusto kong makahanap ng ebidensya na sisira

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 37: Condition

    “Ate Cassie, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Papayag ba niyan si kuya?”Napabuntong-hininga na lang ako.I know Dad always favors me in everything. Palagi niyang sinisiguradong papabor sa akin ang lahat ng gusto ko. Ang isang bagay lang na hindi niya ibinigay sa akin ay ang karapatan kong pumili ng lalaking pakakasalan.Pero kahit ganoon, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Ama ko pa rin siya. Siya lang ang magulang na mayroon ako.Kaya hindi ko ipagkakait ang pagkakataon na muli kaming magkita. Isasantabi ko na muna ang tampo ko sa kaniya at galit. Alang-alang sa pagiging mag-ama namin. “Oo, Clara. Siya na lang ang mayroon ako,” sagot ko. “Ayokong magsisi sa huli na hindi ko man lang siya nakasama.” “Sabagay po. Masakit mawalan ng ama.” “Bakit? Nasaan ang tatay ninyo?” kuryosong tanong ko, dahil hindi man lang ito nabanggit sa akin ni Rico. “Hindi ko na po alam. Maliit pa kami nang umalis si Tatay. Kahit kailan, hindi na siya bumalik.”Tinapik ko ang balikat niya para i-

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 36: Uneasy

    “Ate Cassie, okay ka lang ba?” Nilingon ko si Clara at binigyan siya nang tipid na ngiti. Nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko o kung ano ang dapat kong maramdaman. Kampante naman akong mahal ako ni Rico, pero hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayokong isipin na rebound lang ako.Kanina habang pinagmamasdan ko ang puntod ni Ria, hindi ko maiwasang mainggit. Siya ang nauna kay Rico. Lahat ng first time ni Rico sa kaniya niya naranasan. At habang pinagmamasdan ni Rico ang puntod niya, napapansin ko ang spark na mayroon sa mga mata ng lalaking mahal ko.Siguro nga, hindi pa niya nakakalimutan ang feelings niya kay Ria. Maybe she was his greatest love. Anong laban ko sa kaniya? “I’m okay, Clara. Hindi ko lang maiwasang mag-overthink,” sagot ko, saka tumingin sa baba.Naroon si Rico habang sinasanay ang mga bata niya. Matapos ang nangyari sa akin, mas naging istrikto siya sa mga pumapasok sa compound. It made me happy, kno

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 35: Childhood

    “Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng f

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 34: Reveal

    “Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 33: Baby

    “Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 32: Sweet Night (SPG)

    Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 31: Joyride (SPG)

    “Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya

  • Dirty Rich Billionaire   Chapter 30: Caught in His Arms

    “Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status