ATASHIA
Bitbit ang maraming folder, halos liparin ko ang hagdanan makaabot lang sa ika-30th floor ng gusali kung saan ginaganap ang board meeting ng Henzon Group of Companies.
Overloaded na ang elevator kaya hindi na ako nakasakay doon. Hulas na ang make-up ko at amoy mandirigma na rin ako dahil sa sobrang pagod pero nasa ika-25th floor pa lang ako. Napangisi ako na parang baliw. Hindi ko kasi nararanasan ang lahat ng ito kung ang magaling kong tatay ay hindi kami iniwan ni nanay. Pero kaunti na lang, giginhawa rin ako. Mag-iipon lang talaga ako ng puhunan.
"Diyos ko, ano ba namang kamalasan na naman ito?" tanong ko habang nakatingala at pilit hinahabol ang aking hininga.
Napabuntong-hininga ako sa gigil habang nakakapit sa railings ng hagdanan. Naihanda ko na kasi kanina ang lahat ng folders na kailangan pero dahil sa malakas na sigaw ng masungit kong boss kaya naiwan ko iyon. Dahil sa amo ko, ito ako ngayon, parang pinarusahan na akyatin ang gusali mula sa office ni Sir Lance sa ninth floor hanggang thirtieth floor.
Hahakbang na sana ako pero narinig kong tumunog ang cellphone ko.
"Miss Magnoia, where are you?" tanong sa akin ng manager. "The meeting is about to end. Sir Lance is waiting here. He’s so fücking annoyed. Lagot na naman tayo nito. Kung pwede lang kitang tanggalin, tinanggal na kita. Hindi ako makaporma kay Sir dahil sa iyo.”
Bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tainga. Pagod na ako at nakakairita ang boses ni Wena. Ang malandi manager ng kumpanya ay mabait lang sa akin kapag kailangan niya ako para magpaabot ng mga suhol niya kay Sir Lance.
Kahit hinihingal ay pinilit kong abutin ang thirtieth floor. Tapos na ang meeting at isang Lance Henzon na salubong ang kilay ang naabutan ko.
“When are you going to work without lapses, Miss Magnoia?” tanong niya. Bubuka pa lang sana ang bibig ko pero may kasunod na agad ang sinabi ni sir. “Kung hindi lang ako naaawa sa iyo, sinisante na kita.”
Hindi ako umimik at baka matuluyan ngang matanggal ako sa trabaho. Kahit madalas gabing-gabi na kung umuwi ako, gugustuhin ko pa rin magtrabaho sa kumpanya ni Sir Lance na bahagi ng Henzon Group of Companies. Okay na okay ako bilang secretary niya kahit masungit siya.
Buong maghapon ay mainit ang ulo ni Sir Lance at ng manager. Panay lang ang sunod ko sa utos at hindi ako nagsasalita kung 'di ako tinatanong.
“Have you eaten your lunch?” tanong ni Sir Lance.
Ano raw? Galit siya at kulang na lang ay lunukin niya na ako dahi bwisit siya sa akin pero tinatanong niya ako kung kumain na ako. Ano kayang pumasok sa kokote ng boss ko? Siguro concern lang siya sa akin. Pero kung concern siya, bakit inaabot ako lagi ng hatinggabi sa office dahil sa dami ng trabaho na ipinagagawa niya.
“Miss, Magnoia, did you hear me?” tanong niya na naman.
“Yes, sir.”
“So, what is your answer?”
“Hindi pa po.” Nahihiya man ay umamin na ako. Alas-tres na ng hapon pero hindi pa talaga ako kumakain dahil hindi nauubos ang gawain ko. Daig ko pa ang robot sa dami ng utos ni Sir Lance.
“Let’s go.” Hinawakan ni sir ang kamay ko. Parang hihimatayin ako sa lambot ng palad niya. “I said, let’s go.” Hinila niya pa ako.
“S-sir, iyong kamay ko po,” sabi ko.
Parang wala lang na binitawan niya ako. Nagpatiuna na siya sa paglakad at sumunod naman ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Sa isang five star restaurant kami tumungo ni Sir Lance. Iyong tiyan kong kanina pa tumutunog ay biglang nanahimik. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinilig nang hinila ni Sir Lance ang upuan para makaupo ako. Feeling ko ay nagdi-date kami.
Hindi ko napigilan na tingnan ang makinis na mukha ng aking kaharap. Ang guwapo at ang linis niya naman kasing tingnan. Ang pula pa ng labi niya na para bang virgin na virgin pa.
“Ano ba ang iniisip mo, Atashia?” tanong ko sa aking sarili.
“Yes, what is it, Ms. Magnoia?” tanong ni Sir Lance.
Umiling ako at yumuko. Masyado na akong nadala ng imahinasyon ko.
Nang dumating ang mga orders na pagkain ni Sir Lance, tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain. Japanese five star resto ang pinasok namin at hindi ako sanay sa pagkain nila. Adobong kangkong o sitaw lang, sapat na sa akin. Nagsisisi ako na sinabi kong kung ano ang order ni sir, iyon na lang din sa akin.
“Don’t you like the food? I can order…."
"No. Don't, sir. Okay po ako sa pagkain na ito." Putol ko sa sasabihin niya pa sana.
Pero hindi ko maiwasan ang mapangiwi ng isubo ni Sir Lance ang kanin na binalot sa kulay dark green na ewan. Napatitig din ako sa plato ko.
"Diyos ko, mabubusog ba ako ng iilang tumpok na ito ng pagkain? Baka nga hindi ito umabot sa tiyan ko," reklamo ng isip ko.
Kahit hindi ko gusto ang nasa harapan ko ay napilitan na akong isubo ang mga iyon. Inisip ko na lang na fried chicken ng Jollibee at unli rice ng Mang Inasal ang kinakain ko. Sa isang kisap-mata ay nagawa kong ubusin ang pagkain.
"Would you like to eat more? Call the waiters and tell them your order," sabi ni Sir Lance.
Halos matanggal ang ulo ko sa pag-iling. Sa sobrang bilis kong kumain, hindi ko nalasahan ang pagkain pero kung ganoon pa rin ang ibibigay sa akin, baka sumuka ako sa harapan ng macho kong boss.
Lumipas ang ilang araw na madalas akong pumasok sa trabaho na walang laman ang tiyan dahil sa nanay kong kulang na lang ay gawing storage area ng mga lalaki ang pabagsak na naming bahay. Paano ba ako makakakilos ng maayos kung kulang na lang ay magiba ang bahay namin sa yugyugan nila? Nakakainis! Kasalanan talaga itong lahat ng pabaya kong ama.
Sa canteen ng company, para na naman akong patay-gutom sa sobrang pagmamadali. Dapat makatapos kasi akong kumain bago dumating ang masungit kong boss dahil baka masigawan na naman ako. Hindi ko alam kung pinaglihi ba siya sa sama ng loob kaya lagi na lang niya akong pinapahirapan. Overtime kung overtime na palagi ang drama niya to the point na madalas kaming dalawa na lang ang naiiwan sa building.
"How many days have you not eaten, Miss Magnoia?" Nasamid ako sa labis na gulat. Nakatayo sa tabi ko si Sir Lance at nakakasira ng ulo ang kagwapuhan niya.
"S-sir! Bakit kayo nandito?" naitanong ko.
"None of your business."
"Okay, none of your business din ang paraan ng pagkain ko," gusto ko sanang sabihin pero itinuloy ko na lang ang pagsubo ko. Halos matapunan pa ako ng tubig dahil sa pagmamadali ko. Umupo kasi si Sir Lance sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
Eksaktong tatayo na ako ng dumating ang pagkain na ipinahanda ni Sir Lance sa cook ng canteen. Napanganga ako sa sobrang dami noon. "Mas patay-gutom pa pala siya sa akin," naisip ko. Subalit bigla niya akong inutusan na umupo.
"Let's have breakfast together," sabi niya.
Baliw ba siya? Kakatapos ko lang kumain at nakita niya naman iyon.
"Sir, thank you. Tapos na po ako," sabi ko.
"I don't think so. Come on, let’s eat together.”
Napilitan akong ngumiti kahit naiinis na ako. Hindi ko kasi masakyan ang trip ng amo ko. Umupo akong muli at sinimulan ko nang lantakan ang mga pagkain sa hapag. Wala akong pake kung ano ang isipin ng kaharap ko. Sabagay, isa nga naman sa goal ko sa company na ito ay ang akitin ang boss ko para hindi niya ako tanggalin sa trabaho. Mukhang gumagana ang simplerng pang-aakit ko sa kaniya.
Ngunit, may kontrabida agad sa binubuo kong love story. Si Wena, ang manager namin. Kulang na lang ay lamunin din niya ako habang nakatitig siya sa akin lalo na ng kumuha ng tissue si Sir Lance at punasin ang sauce na nasa gilid ng aking mga labi.
"Hmmm... pagselosin ko pa kaya lalo ang kumag na ito," mga katagang naglalaro sa isip ko.
Dahil doon kaya bigla kong nahawakan ang kamay ni Sir Lance na ginamit niya pagpunas ng sauce at 'di sinasadyang nagkatitigan kami.
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Ma’am Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Ma’am Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. “We adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,” kwento ni Mrs. Friol. “We have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?” “May nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,” saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak