ATASHIA
Sigawan, tuksuhan! Napaka-ingay sa loob ng bagong bukas na restaurant ni Sir Lance Henzon.
Nabibingi ako sa lakas ng ingay pero nakaguhit ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi. I am holding a bouquet of roses and a box of chocolate. Bigay iyon sa akin ni Boss Lance Henzon. Sa wakas gumana ang aking ritwal. Hindi ko lang nalusutan ang panggagantso ko sa kaniya, napaibig ko pa siya!
Sa harapan ko ay nakatayo ang isang gwapong lalaki. He's wearing a white long sleeve na ipinares niya sa itim na slacks pants. His tantalizing eyes are staring at me. The kilig is running all throughout my spine. My gosh, daig ko pa ang nasa cloud nine kaya napapa-inglis na ako.
"Will you be my girl?" he asked.
"Ako, magiging girlfriend mo? Ikaw na anak ng isang kilalang pulitiko ang magiging bf ko? Nagkakamali ka yata, sir," nagkakandautal kong pahayag.
"Why not? Wala namang batas dito sa Pilipinas na bawal ma-inlove ang boss sa empleyado n'ya," sagot ni Sir Lance.
Hindi ako nakaimik. Nagsisigawan na kasi dahil sa kilig ang mga empleyado na nakatingin sa amin. Tuwang-tuwa ang puso ko sa mga sinabi ni Sir Lance pero hindi ang isip ko. Ako na anak ng isang kilalang prostit*te sa lugar namin ay imposibleng maging bahagi ng pamilya niya. Kahit mukha akong pera sa paningin ng iba, gusto kong patunayan sa lahat na kaya kong mabuhay nang malayo sa anino ni nanay. Subalit hindi ko pa rin kayang maging nobya ng isang Lance Henzon. Inakit ko lang siya para hindi niya ako tanggalin sa trabaho, hindi para gamitin ko siya sa mas malalim pang dahilan.
Iniisip ko pa lang na he is the son of a congressman and wealthy business woman, jusmiyo, Marimar, nababahag na ang buntot ko. Malayong-malayo ang antas ng aking pamumuhay sa kan'yang kinalakihan. Literal na langit at lupa kami.
"Mr. Lance Henzon, nagkakamali po yata kayo ng tinanong sa akin. Secretary mo lang po ako at minsan ay utusan sa restaurant na ito. Amo po kita at empleyado mo po ako. Marami ka pa pong hindi alam tungkol sa akin," nahihiyang sabi ko.
Biglang tumahimik ang lahat. Sinenyasan sila nila Sir Lance na umalis na. Oras na ng uwian kaya diretso na sila pauwi. Kahit ang kaibigan kong si Loida ay walang nagawa ng inutusan siya ni Lance na umuwi na rin.
"Sir, uuwi na ako," mahina kong sabi. "Kailangan kong makasabay si Loida."
"Let us talk first," sagot ni Sir Lance sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako papasok sa opisina n'ya.
Inilapag ko sa table ni sir ang bouquet ng bulaklak at chocolates na binigay niya kanina. Ngumiti ako kahit nahihiya ako sa kan'ya. Humakbang siya palapit pa sa akin. Magkadikit na ang mga sapatos namin at amoy ko na ang hininga n'ya pero hindi ako gumalaw kahit katiting.
"I have been loving you since the day I saw you. Alam kong gusto mo rin ako. Nahuhuli ko ang mga nakaw mong tingin sa 'kin," sabi n'ya habang hawak ang mga kamay ko.
Napabuntong-hininga ako. Three months ko pa lang na kilala si Sir Lance. Ang alam ko, kaya niya ipinatayo ang resturant ay dahil sa mommy niya. Katatapos n'ya lang din ng masteral degree sa kursong Business Management kaya isa iyon sa unang negosyo niya.
"Sorry, sir. Gwapo po kasi kayo kaya napapatingin ako sa mukha n'yo pero hindi ko po kayo mahal. Ayaw ko pong pumasok sa isang relationship na walang kasiguraduhan," I said.
"It's okay. I'm willing to wait. Just give me a chance na ligawan ka. Don't worry, good boy ako. No girlfriend since birth dahil sa strict kong mommy."
Natawa ako sa huli n'yang sinabi. Very strict talaga ang mommy n'ya at takot na takot ako rito. Naku po, daig ko pa ang kumuha ng bato na pang-pukpok sa ulo ko kapag sinagot ko ang lalaking nasa harapan ko.
"Don't get me wrong. Dati lang mahigpit si mommy. Now, she doesn't care anymore kung sino man ang i-date ko. I'm twenty-six kaya naman malaya na ako. Sabi n'ya naman kasi basta nakatapos na ako ng masteral, I am free to have a girlfriend."
Pilit kong hinila ang mga kamay kong hawak n'ya. Oo, kilalang makatao ang ama ni Sir Lance. Minsan ko nang nakita si congressman at very down to earth siya. Subalit nakakatakot daw ang mommy niya. Balitang-balita iyon sa opinsa ng Henzon Group of Companies.
"Sige, payag po akong ligawan mo pero kilalanin mo muna ako, sir. Ikaw kasi ay kilala ko na, ako hindi mo pa kilala. Baka hindi mo rin ako matanggap sa huli," sabi ko. Paraan ko lang iyon para magtagal pa sa trabaho ko. Bahala na kung ano ang mangyari.
"Really? You have no idea how happy I am right now," sabi n'ya.
Ngumiti lang ako at nagpaalam na. Alas-onse na ng gabi kaya kailangan ko ng nagmamadaling umuwi. Baka iba na naman kasi ang isipin ng mga tao sa amin. Subalit hindi pumayag si Sir Lance na hindi ako maihatid sa amin. Mula sa restaurant ay halos bente minutos din ang itinakbo ng sasakyan n'ya.
Pagbaba ko ng mamahaling sasakyan ni sir ay nagtinginan ang mga tambay na nag-iinuman sa kalsada. Siniyasat nila ang sasakyan at may pa-haplos pang nalalaman ang mga pasaway.
"Hanep! Atashia, rumaraket ka na rin!" sigaw ng kababata kong si Raymond. Ang laki pa ng tawa niya kahit bungal siya. Dahil maliwanag ang ilaw kaya kita ko ang maitim n'yang gilagid.
"Tigilan mo ako! Si nanay, and'yan ba?" tanong ko kay Raymond.
"Oo. May kasama na namang bagong tatay mo. Iba ka talaga, Atashia. Gabi-gabi, iba-iba ang ama mo."
Tinapunan ko ng masamang tingin si Raymond. Umuusok ang ilong ko sa galit. Ayaw ko talaga na dinadala ni nanay ang ang customer n'ya sa bahay.
Nasa may pintuan pa lang ako ay nangilabot na ako sa narinig ko. Mga ungol at d***g iyon na mula sa loob ng aming bahay.
"Bilisan mo namam. Nakakabitin ang galaw mo," dinig kong reklamo ni nanay.
Napaupo na lang ako sa may pintuan habang pinakikinggan ang tunog ng salpukan ng mga katawan nila. Kita ko rin ang pag-uga ng pinto na malapit nang matanggal sa kinakabitan nito.
"Would you like to sleep sa akingâŚ"
Napaangat ako ng ulo. Nawala sa isip ko na may kasama pala ako. Ang masama roon, naririnig n'ya rin ang ungol ng mga naglalampungan sa loob ng bahay namin.
Halos matunaw ako sa hiya. Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaiyak na lang. Gabi-gabi kasing ganoon ang dinadatnan ko sa bahay namin. Immune na ako sa mga halinghing at bingi na ako sa abot hanggang langit na mga ungol.
"Hey, stop crying. Sumama ka na lang muna sa akin sa hotel," anyaya ni Sir Lance.
"Thank you, pero dito na lang ako. Matatapos din sila. Umuwi ka na, sir," taboy ko sa kan'ya.
Magsasalita pa sana si Sir Lance nang biglang lumakas at mas bumilis pa ang ungol mula sa loob ng bahay. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa lalaking nasa harapan ko. Sa isip ko ay naglalaro ang mga eksenang nangyayari sa loob pero hindi si nanay at ang customer n'ya ang bida kun'di kaming dalawa ni sir.
Ipiniling ko ang aking ulo. Mali ang iniisip ko. Dapat ang nanay ko ang nagpapakita sa akin ng mabuting halimbawa. Hindi ko siya hinuhusgahan sa trabaho n'ya kasi ito ang ibinuhay n'ya sa akin dahil sa kahirapan ng buhay, pero mali. Hindi tama sa mata ng mga taong nakapalibot sa amin. Hindi tama na makita at marinig ko ang lahat. Masyado nang kinain ang aking ina ng makamundong bagay tulad ng pera at s*x kaya kailangan ko na siyang pigilan.
Sa sobrang inis ko ay kinalampag ko ang pinto. Narinig kong napamura si nanay. Ilang saglit pa ay binuksan n'ya na iyon. Nakapamewang siya at nakahanda na para sa isang bonggang salubong sa akin.
"P*****a! Istorbo ka! Sana hindi ka na lang umuwi!" sigaw n'ya sa akin.
"Hanggang kailan ka ba sa ginagawa mong iyan, 'nay? Hindi ka ba talaga magsasawa? Sinabi ko na sa iyong tumigil ka na riyan," sabi ko. "May trabaho na ako. Hindi mo na kailangan pang gumawa ng mali."
"Hindi kayang ibigay ng sahod mo ang luho ko. Tigilan mo ako. Anak lang kita, nanay mo ako!"
Pinalayas ni nanay ang lalaking kasama n'ya sa loob ng bahay. Napansin n'ya si Sir Lance na nasa labas at nakatayo lang.
"Oh, ikaw nga nag-uwi ng lalaki, pero kung maka-asta ka akala mo kung sino ka. Umalis ka na kasi riyan sa trabaho mo at bibigyan kita ng mas maayos na trabaho," wika ni nanay. "Maraming datung pa ang makukuha mo kaysa sa pagiging secretary sa boss mong manyakis."
"Hindi man-â napakuyom ako ng palad. Nahihiya na napasulyap ako kay Sir Lance. âHindi tayo magkakasundo, 'nay. Mas pipiliin ko ang maging mahirap at mamuhay ng marangal kaysa ang gayahin kang nakalubog sa putikan."
"Kung gano'n, lumayas ka na!"
Nagulat ako sa mabilis na pasya ni nanay. Mag-a-alas-dose na ng umaga at pinalalayas n'ya ako. Napaluha na lang ako lalo na ng sinimulan niya nang ihagis ang mga damit ko sa labas ng bahay. Parang gusto ko nang lumubog sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang hiya kay Sir Lance. Nanghihina na tumakbo ako sa kaniya para agawin ang bra kong tumama sa mukha niya at panty kong pumatak sa ulo niya.
âSorry, sir,â sabi ko. Kasabay noon ang paghablot ko ng aking mga underwears mula sa kamay niya.
âItâs okay. Ako na muna ang bahala sa iyo,â he said.
Nahihiyang tiningnan ko si Sir Lance habang pinupulot niya ang mga damit kong nakakalat sa lupa. Napatingin ako sa nanay kong putak nang putak sa may pintuan. Napakawalang-puso talaga niya. Isa siya sa mga nilalang na hindi talaga ako kayang mahalin bilang tao. Dumi ang tingin n'ya sa 'kin. Basura na nakakasuka at pilit n'yang itinapon para hindi s'ya ma-perwisyo.
Habang lumalakad kami ni Sir Lance pabalik sa sasakyan niya ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Nakakapagod, nakakapanghina at nakakaubos pati ng katinuan ang maging anak ng isang babaeng lahat ng frustration n'ya sa buhay ay sa anak ibinubunton. Ayaw ko na! Kasabay ng paghakbang ng aking mga paa palayo sa munting bahay namin ay ang pangako ko sa aking sarili na darating ang araw, ipagmamalaki rin akong anak ng aking ina.
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. âHave you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,â biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. âBakit biglaan?â"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Maâam Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Maâam Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. âWe adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,â kwento ni Mrs. Friol. âWe have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?â âMay nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,â saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak
LANCE"Welcome home, Lance!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa muli naming pagkikita ni Mommy. Tuwang-tuwa na niyakap niya ako at hinalikan sa aking pisngi subalit hindi ko maramdaman ang pananabik sa isang ina. My heart was full of anger. All I wanted was to punch her, but I know I shouldn't do that. I should retain my respect to my mother despite all the pain she brought in the family. "Alisin mo na ang baril na nakatutok sa anak ko. Duh, if you make him patay, I'm gonna kill you also," banta ni Mommy sa lalaking nasa likuran ko. "Marami ka na palang mga tauhan, mommy." Hindi naiwasan na bulalas ko."Yeah, I need them. You know naman na hindi ko gustong matalo sa kahit na anong kompetisyon, lalo na kung ang makakalaban ko ay ang pamilya ng asawa mo at lalong-lalo na ang asawa mo. I hate them. Kahit si Matty ay âdi ko na crush. Kinamumuhian ko na siya, Lance." Iginala ko ang aking paningin sa buong living room ng mansion ng aking lolo at lola. Napakatahimik talaga at
LANCENabalitaan kong tumawag ang kidnaper ni Atashia sa biyanan ko. I thought it was mom pero boses matandang lalaki raw ang nakausap ni Sir Matty. The police were trying to locate the location of the caller but according to Jaspher, hindi nila nakuha iyon. Maraming tao na ang tinawagan ko para lang malaman kung nasaan ang asawa ko, pero puro negative ang result. Nawawalan na ako ng pag-asa lalo pa at halos isang linggo nang nawawala si Atahsia. Mabuti na lamang at laging pinapaalala sa akin ni Daddy na ako ang lakas ng anak ko. Charlene was crying all night. She's waiting for her mom. Dahil sa mansion ng mga Regalado pa rin ako nakatira kaya kahit paano ay natutulungan ako ni Jaspher magpatahan sa aking anak. Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang kalansay na natagpuan sa basement ng aming mansion. Even Dad could not identify the corpse. Naging isang malaking palaisipan iyon sa aming pamilya. Nang tinanong din kasi ang aming mga kamag-anak, wala
OLIVIA I make kulong si Atashia sa isang silid kung saan hindi siya pwedeng lumabas. When I visited her sa kinaroroonan niya, tuwang-tuwa ako sa nakita ko. She's so pathetic. Although hindi siya umiiyak, alam kong takot na takot siya. Habang tinitingnan ko siya, tuwang-tuwa ako. At last, nagawa ko rin makuha ang babaeng naging reason why my unico hijo distanced himself to me. Gosh, kapag naiisip ko ang mga nangyari ay parang gusto ko na siyang patayin ora mismo. "Tita, bakit hindi natin siya pahirapan habang nasa atin siya? Makaganti man lang tayo sa mga kasalanan niya sa atin," Belle suggested. Nagliwanag ang mukha ko. Bakit nga ba hindi, di ba? Habang nakataas ang kilay ko ay pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang magandang gawin para mahirapan si Atashia. "Ma'am, saka n'yo na pahirapan ang babaeng iyan 'pag nasa atin na ang pera," sabad ni Reyâ isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Tama si Rey," segunda ni Mark. "Kapag nalaman ng mga Regalado na sinaktan n'yo siya, bak